AMBER
"Ma'am Ysabelle gumising na po kayo." Dahan dahan kong dinilat ‘yung mata ko. "Ma'am unang araw niyo po ngayon sa Café, papagalitan na naman po kayo ni Sir Ysh pag na late kayo." Nag talukbong ako.
"Hayaan mo po siya, Yaya," sabi ko.
"Ysabelle." Parang biglang nagulantang ang buong sistema ng katawan ko. Mas mabilis pa sa alas kwatro ang ginawa kong pag bangon.
"Good morning, Kuya," alanganin akong ngumiti, "Ikaw naman yaya, sabi ko po sa iyo agahan mo gising sa akin, e. Tignan mo malelate tuloy ako." Nag lakad ako kagad papuntang banyo.
Ilang buwan na ba ako dito? Almost two months na yata. Graduate na ko ng High School. Tinitrain na ko ni Kuya Ysh para mag manage ng business. Home school naman ako para sa course na Business Management. Ganito daw silang lahat kaya sooner or later masasanay rin daw ako. Hay.
"Ysabelle, today you will be a waitress," sabi ni Kuya Ysh. Inabot sa akin ni kuya ‘yung uniform. Isang black skirt na pencil cut, hanggang kalahati ng hita at white long sleeves plus black silk vest. The usual uniform ng mga waitress. "And this is Justin siya ang mag eevaluate sa trabaho mo dito." May guwapong lalaking ngumiti sa akin.
"Yo!" Sabi ko sabay tango. "I'm Amber."
"Call her Ysabelle," bilin ni Kuya.
Nag pout na lang ako. Bakit ba hindi puwede Amber? Eh pangalan ko din naman 'yun? Sila Mama nga nag bigay nun 'di ba? Psh.
"Nice to meet you, Ysabelle. Bagay sa iyo ‘yung pangalan mo. Maganda din," sabi niya sabay kindat. Hindi ko alam pero parang nag blush ata ako sa sinabi niya. Sheet!
"She's 16 Justin," paalala ni Kuya.
Nagkibit balikat si Justin. "I'm 18, so konti lang difference," sabay kindat ulit sa akin. "Shall we?" Sinundan ko siya papuntang kusina.
He explain every details na kailangan kong malaman. Tinuruan niya din ako kung paano ang tamang pag hawak ng tray, pag linis ng table, pag greet sa customer, at kung anu-ano pang dapat kong malaman. Hindi ko alam kung kakayanin ko. Kamusta naman wala nang training training. Diretso kagad sa laban.
"Good morning, S–" Hindi ko natuloy ang pagbati ko.
"Good morning, Amber." Nginitian niya ako at kinilabutan na naman ako.
"Kuya Dustin." Dinala ko siya sa isang table at inabutan ng menu. "May I take your order, Sir?"
"I didn't know that it will take me a month just to find you. Oh well." Tinignan niya ‘yung menu. "Ice coffee na lang and you if you may add." Tinaasan ko siya ng kilay.
"Nasa menu po ba ‘yung pangalan ko?" Ngumiti na naman siya. "At bakit mo naman ako hinahanap?"
"Won't you add yourself sa order ko para malaman mo?" Tinignan ko siya, I don't know pero nakangiti lang siya. Hindi ko alam kung ano iniisip niya.
"I will get your order, Sir." Kinuha ko kagad ‘yung order niya. Naramdaman ko na may sumusunod na tingin sa akin. Luminga ako, sakto nakatingin sa akin si Justin. Lumapit siya sa akin at kinuha ‘yung hawak kong tray.
"Ako na mag dadala." Aangal sana ako kaya lang sobrang bilis niyang nakapunta sa puwesto ni kuya Dustin. "Here's your Ice Coffee, Sir. Anything else?"
"If I remember hindi lang ito ‘yung inorder ko." Sabay tingin sa akin. Lumapit na ako.
"Sige na Justin, ako na bahala dito." Umalis man si Justin, pero ramdam ko ‘yung tingin niya sa likuran ko. Umupo na ako sa tapat ni Kuya Dustin. "I'm working, kaya puwede po bilisan natin?"
"Ethan is here." Napakuyom ‘yung kamay ko. Tinitigan niya ako, umiwas ako ng tingin. "No reaction? I was expecting more. Hmm." Uminom siya ng konti.
"Hindi ko alam kung ano gusto mong sabihin." Tumayo na ako. "Excuse me."
"What if hindi talaga si Ethan ‘yung secret admirer mo?" Napalingon ako sa kanya. "What if ibang tao 'yun? Will you still keep running away from him?"
"I'm not running away." Ayun lang at iniwanan ko na siya.
What if. What if. Peste 'yan ang pinakaayaw ko. What if gan’to, what if gan’yan. Napapaisip lang tuloy ako. Paano nga kung hindi nga talaga si Logan 'yun? Will i keep running away? Ay teka! Hindi naman ako umiiwas sa kanya. Maybe a little pero hindi siya ang dahilan kung bakit ako umalis ng Manila. Na misinterpret yata ni Kuya Dustin ‘yung pag alis ko.
"So, sino si Dustin Parker?" Na patingin ako kay Justin. "Nakita ko sa ATM niya nung nag bayad siya."
"He's a friend." Kinuha ko na ‘yung notepad ko at ballpen. "Babalik na ko sa trabaho."
Basag dito, tapon dito... Lahat na lang palpak. Huhuhu. Bakit ba ang clumsy ko ngayon? Panigurado papagalitan ako ni Kuya nito. Dahan dahan kong pinulot ‘yung na basag kong baso.
"Ako na dito, kumuha ka na lang ng mga order," prisinta ni Justin. Kinagat ko ‘yung lower lip ko para mapigilan ‘yung pag tulo ng luha ko. "Sige na, madaming customer ngayon kasi lunch." Nginitian niya ako. Bakit ang guwapo nitong nilalang na 'to? "Ano mag tititigan na lang tayo dito? Ayos lang sa akin," sabi niya sabay kindat.
"'Wag mo ko landiin bata pa ako." Nag madali akong tumayo at kinuha ‘yung notepad at ballpen ko. Lumapit kagad ako sa table nung isang lalaki. May menu na kasi siya at mukhang ready to order na. "Good afternoon, Sir. May I-" Na bitawan ko ‘yung notepad at ballpen ko.
"Amber." Dahan dahan akong napaatras sa puwesto ko. Hindi ko na malayan na bungo ko na pala ‘yung katabing table. Malakas ata ‘yung pagkakabungo ko dahil na bagsak ‘yung mga nasa table. "Amber, okay ka lang?" Tanong niya.
"I'm s-sorry. I'm really sorry po." Inayos ko ulit ‘yung table, tinulungan ako ni Logan pero hindi ko siya pinapansin. "Papalitan ko na lang po itong mga 'to. I'm really sorry po talaga."
"Ysabelle, I think you need a break. Ako na bahala dito," kinuha ni Justin ‘yung hawak kong baso, "Go, ako na bahala dito." Umalis na ako. Papasok na sana ako ng kitchen pero may pumigil sa akin.
"Let's talk," sabi ni Logan.
Hinawi ko ‘yung kamay niya. "I'm working."
"Hihintayin kita matapos sa work mo." Ayun lang at bumalik na siya sa table niya.
Sheet. Hindi pa rin nag babago ‘yung pagwawala ng puso ko tuwing nand’yan si Logan. Akala ko okay na ko, matagal tagal na din nung huli ko siyang na isip. Hindi ko ineexpect na mag kikita kami ulit. Hindi pala gano’n kadali mawala 'tong nararamdaman ko.
"Now, sino sa kanila ang boyfriend mo?" Napatingin ako kay Justin. "Kailangan ko yatang magpalakas ng todo."
"Huh? Ano’ng pinag sasasabi mo d’yan?" Itinali ko na ulit ‘yung apron ko.
"Aba, dalawang guwapong lalaki na ‘yung dumating dito. Kahit alam kong guwapo ako iba pa din pag matagal mo nang kilala. Dehado ako do’n."
Natawa ako sa sinasabi niya. "Baliw ka ba? Ano ba 'yang pinagsasasabi mo?" Nagkibit balikat lang siya. "Babalik na ko sa trabaho. Baka mababa pa makuha ko sa iyo sa evaluation."
Pag labas ko hinanap ko kagad si Logan, nando’n pa rin siya. Mukhang wala talaga siyang balak umalis. Umiwas ako nang tingin nang lumingon siya sa akin. Mag tatrabaho na lang ako. Aalis din siguro siya pag hindi ko siya pinansin.
Hindi man ako makakilos ng maayos dahil ramdam ko ang mga tingin sa akin ni Logan tingin ko naman mas nagawa ko na ng maayos ‘yung trabaho ko. Minimal na lang ‘yung mga nagagawa kong mali.
Tinignan ko si Logan pag labas ko ng Locker room. Simula kaninang lunch at hanggang ngayon na tapos na ang shift ko, nando’n pa rin siya. Iniisip ko rin kung kakausapin ko siya o hindi. Lalabas na sana ako kaya lang bigla akong nakonsensya. Pinuntahan ko siya at saka hinatak palabas.
"Baliw ka ba?" Tinitigan niya lang ako. "Psh. Uuwi na ko, umuwi ka na din." Nagulat ako ng bigla niya akong hinatak at niyakap. "L-logan." Naramdaman ko na naman ‘yung malakas na t***k ng puso ko. Sobrang lakas parang beat ng drums.
"Amber." Tinulak ko siya. "Aray."
"S-sorry." Hindi ako makatingin sa kanya. "Umuwi ka na Logan."
"Ayaw ko, mag usap muna tayo."
"Wala naman tayong pag uusapan." Huminga ako ng malalim para kumalma ‘yung puso ko. "Log-"
"Amber." Napatingin ako sa likuran ko.
"Mark?!" Lumapit siya sa akin at niyakap ako. "Paano mo nalaman na nandito ako?" Lumayo siya.
"It doesn't matter. Now that I found you, hindi na kita hahayaang mawala pa." Napanganga ako sa sinabi ni Mark. "Amber ako ‘yung secret admirer mo. Hindi si Logan." Bigla akong natawa.
"Nako, Mark. Nakeget over na ko sa secret admirer na 'yan. Puwede ba tapos na lokohan." Winave ko ‘yung kamay ko. "Uuwi na ko. Mag ingat kayo." Hindi pa ko nakakalayo nang bigla niya ako hinatak at hinalikan sa labi.
Hindi ako kagad nakapagreact. Kung ako siguro ‘yung dating Amber, na suntok ko na si Mark palayo. Pero parang ayaw gumalaw ng mga muscles ko sa katawan. Nagulat na lang ako nakaupo na sa harapan ko si Mark.
"Fvck you, Ethan." Tutulungan ko sana siyang tumayo kaya lang may nauna sa akin.
"Justin," sabi ko.
"Now. Tatlo pala 'tong karibal ko. Baka may darating pa sabihin niyo na sa akin?" Napanganga kaming tatlo sa kanya. Inakbayan niya ako. "I don't know kung sino kayong dalawa at kung sino ‘yung Dustin Parker. But this is girl is off limits. Under ko siya dito sa café so, kung may kailangan kayo sa kanya, sa akin muna kayo pumunta okay?"
"At sino ka naman?" Hinatak ako palayo ni Mark pero hindi pumayag si Justin. "Let go."
"No, YOU let go." Hinawi ko sila pareho.
"Ano ba’ng problema niyo? Uuwi na ko." Mabilis akong naglakad papunta sa kotse namin. Pag sakay ko wala ‘yung driver. Binuksan ko ‘yung pinto. "Manong Juan tara na po!" At sinara ko na ulit.
"S-sorry." Nagulat ako nung biglang pumasok si Logan.
"A-ano’ng ginagawa mo dito?!" Bubuksan ko sana ‘yung pinto pero nilock niya sa side niya. Hindi ko tuloy mabuksan.
"Hindi pa tayo nag kakausap at kotse ko 'to." Nakita ko si Mark at Justin na papunta na sa direction namin, napansin din 'yun ni Logan kaya pinaandar niya na kagad. "I just want to talk to you! Hindi ako naghintay ng buong mag hapon para lang dito."
"Kung ano man 'yang issue mo sa buhay puwede 'wag mo akong idamay?!" Inis na sabi ko.
"Ikaw may kasalanan ng lahat ng ito." Bigla niyang hininto sa gilid ng hi-way. "Ikaw talaga." Tinignan niya ako tapos bigla siyang bumaba. Sumunod ako. Nagulat ako nung sinisipa niya ‘yung gulong ng kotse niya.
"Ano ba’ng ginawa ko sa iyo, Logan?" Hindi niya ako pinansin. Parang nilalabas niya ‘yung frustrations niya sa gulong. "Uy. Tama na nga, Logan," awat ko sa kanya.
"What did you do to me?" Na upo siya bigla. "Bigla na lang nagkaroon ng gulo dito." Tinapik tapik niya ‘yung dibdib niya. "Dito. Sobrang gulo."
"L-logan." Ibig ba sabihin no’n may nararamdaman din siya sa akin? "L-logan, ma-"
"No. Tara ihahatid na kita."
Walang nag salita samin dalawa. I don't know pero parang bigla akong sumaya. Kasi 'di ba? Parang sinabi niya na may gusto din siya sa akin?