ETHAN
One month and 21 days. Wow. Parang bigla na lang bumilis ang takbo ng oras. Ang tagal na rin pala.
Amber is gone. Umalis siya ng walang paalam. That day... Hindi ko alam, pero ramdam ko na kagad na may mali. When I saw her, iba eh.
"Sino ka?" Alam ko namang si Amber siya, ewan pero may kakaiba akong naramdaman nung nag nagtama ‘yung mga mata namin.
"Ethan si Amber 'yan!"
"Mas bagay na kayo ngayon!"
"Amber bakit ngayon ka lang nag gan’yan?! Puwede ba kitang ligawan?" At kung anu-ano pa ang narinig ko sa kanila.
"Mga gago!" Inalis niya ‘yung kamay ko. Hahabulin ko sana siya kaya lang naunahan na ako ni Mark.
I need to talk to her. Well, I need to explain. Kailangan niyang malaman na hindi ako ‘yung secret admirer niya. Sabi ko kay Mark kakausapin ko si Amber, pero hindi niya ko pinapansin. Hindi ko alam kung bakit biglang gano’n. Sa totoo lang siya naman may kasalanan eh! Kung dumating siya sa tamang oras ng usapan edi sana maayos ang nangyari. Hindi ko alam kung bakit sa akin ang sisi? Ginawa ko lang naman ‘yung pinapagawa niya.
"Sasabihin ko na kay Amber mamaya," napatingin ako kay Mark, "Tama ka naman, kasalanan ko. Hindi dapat kita sinisisi."
"Mark–"
"And the winner is... Matthew College!" Nagulat ako ng bigla akong niyakap ni Amber.
Ang lakas ng t***k ng puso ko. Para akong tumakbo ng ilang kilometro. Gusto ko siyang itulak dahil baka maramdaman niya ‘yung nag wawala sa loob ng ribs ko. Na gulat na lang ako nang niyakap ko na lang din siya. Napatingin ako sa kanya at sakto na lumingon din siya sa akin.
I don't know anymore. Everything seems right but so wrong. Para akong na hahigh dahil sa halik niya. It was accident pero. Ah ewan! Humigpit ‘yung yakap niya. Our kiss become so deep. I let go to get some air. I was about to kiss her again when I realized kung nasaan kami at kung ano ‘yung nangyari.
"S-Sorry!" I push her a little and tumakbo papunta sa stage.
Nag decide kami nasa bahay na lang mag celebrate kasi. Malamang naman kasi nag luto ‘yung mga kapatid ko.
"Mauna na kayo, susunod na lang ako," napatingin ako kay Amber. Ngumiti siya. Tinitigan ko siya. I don't know pero parang may mali. "Thank you." Mahina pero parang sobrang lakas sa pandinig ko.
Pipigilan ko sana siya kaya lang huli na nung nakuhang gumalaw ng katawan ko sa kinatatayuan ko. Nakaalis na si Amber. Little did I know na 'yun na pala ang huling pagkakataon na makikita ko siya.
Kahit sino samin hindi alam kung saan siya nag punta. Pumunta ako sa bahay nila pero Mama niya na lang ang nando’n. Kahit ano namang gawin kong pilit ayaw sabihin ni Tita.
Tinignan ko ‘yung picture namin nung laban. She was looking at me. I don't know. Kung alam ko lang na aalis siya nung araw na 'yun... Hindi ko sana siya binitawan.
"Pinsan kong maganda. Walang mangyayari kung titigan mo lang 'yan." Hindi ko pinansin si Dustin. "Nand’yan pala si Mark sa baba." Hindi ko na talaga siya pinansin at bumaba na.
"Ethan, mag usap nga tayo," sabi ni Mark. Nag nod ako, sinundan ko siya hanggang sa garden namin. "Minsan ba, naisip mo na may gusto ka kay Amber?" Nagulat ako sa tanong niya.
"Hindi ko naisip 'yun. Bakit?" Seryoso ‘yung itsura niya.
"Kahit minsan?" Nag nod ako. "'Yan nga din ang naiisip ko, e, pero kasi nakakapagtaka kung bakit hindi ka nagkakagusto kay Amber."
"Alam ko kasing gusto mo siya, kaya bakit ko siya gugustuhin?"
"Kung hindi mo siya gusto... Can you explain that kiss?"
"I told you that was an accident! Mark naman, hindi ko naman sinadya 'yun, e."
"Ethan, best friend mo ako. Pero hindi ko akalain na isisikreto mo sa akin 'yang second identity mo." Parang hindi ko maintindihan ‘yung sinasabi ni Mark. "Kaya nga sa iyo ako nag patulong, safe kasi. Hindi ka maiinlove sa babae." Anong hindi? Ito na nga ata, mukhang gusto ko na si Amber. Ampotek! Ano ba 'tong naiisip ko?
"Ano ulit ‘yung pinag uusapan natin?" Biglang naguluhan na tanong ko.
"Tama na, Ethan. I know you're a gay. Stop pretending, promise me one thing, Ethan. Hindi ka puwedeng magkagusto kay Amber."
"Paano mo nalaman?"
"I heard it when Kuya Dustin called you 'Pinsan kong maganda' it doesn't matter naman. Anyway, Ethan, ipangako mo ha? Hindi ka mag kakagusto kay Amber. Alam mo namang mahal na mahal ko 'yun."
"Promise..." Bakit parang nabreak ko na kaagad ‘yung promise ko?
Naiwan akong tulala. Bakit ang gulo ng buhay? Maayos naman ako nung hindi ko pa nakikilala si Amber. Everything is normal ang iniisip ko lang ay ang mga guwapong lalaki na nakikita ko pero ngayon... Puro Amber na lang. Amber! Amber!
"Ano ba ang ginawa mo sa aking tiboyish ka?" Huminga ako ng malalim at saka tumingala. Nagulat ako nung nakita ko ‘yung mukha ng asawa ni Ate Jessica. "Kuya!"
"Ang lalim nang iniisip natin ah?" Sabay upo sa tabi ko. "Kailan christmas vacation niyo?"
"After ng prom next week. Bakit po?" Tanong ko.
"Pupunta ka sa prom?" Umiling ako. Wala talaga kong balak pumunta kasi 'yun ‘yung date ng flight ko papuntang Aklan. "Cancel mo ‘yung flight mo papuntang Aklan."
"Bakit naman po?"
"Sa Pangasinan ka na lang mag bakasyon." Tinaasan ko ng kilay si Kuya. Malamang may kailangan 'to eh. "Kailangan ko kasi ng model para sa Christmas promotion namin."
"Kuya, two weeks na lang bago mag pasko ngayon ka pa lang po gumagawa ng promotion niyo?" Natatawang tanong ko.
"Hindi. Follow up na lang 'to. Anyway, ano payag ka? Name your price. It's Christmas kaya magiging galante na ko sa iyo," nakangising sabi nito.
"Ang tanong ano po gagawin kong trabaho do’n?"
"Model para sa ads and kung gusto mong mag part time singer, okay lang din."
"Pakibayaran na lang po ‘yung ginastos ko para sa ticket at hotel accomodation ko sa Aklan."
"Then we have a deal."
♀♂♀♂
Ang sarap dito sa Hotel Monreal. Siguro naman makakapagrelax ako dito. Tiniganan ko ‘yung mga tao sa sea shore. This is heaven talaga. Ang gaganda nung katawan nung mga lalaking nag lalaro ng volleyball.
"This is who I am," sabi ko sa sarili ko. Sumipol pa ko nang may dumaan na lalaki sa harapan ko. "Guwapo naman no’n."
"Pinsan kong maganda. Ang guwapo guwapo mo at ang ganda ng katawan mo tapos 'yan ang lumalabas sa bibig mo?" Nahulog ako sa inuupuan kong bench. "Hi!" Bati sa akin ni Dustin.
"A-anong ginagawa mo dito?"
"Nag babakasyon? Wala kasi ako sa Christmas kaya babawi na ko ngayon sa Family." Umayos ako ng upo sa tabi niya.
"Saan ka pupunta no’n?"
"Hahabulin ‘yung happiness ko." Nasamid ako sa sinabi niya. "Ang korni ba? Wala, e. Tinamaan talaga ako kay Summer. Hindi ko na kayang magtago pa."
"Ang drama mo. Nakakadiri."
"Pag na in love ka maiintindihan mo din ako." Inabot niya sa akin ‘yung cellphone niya. "Three million views na 'yan." Tinignan ko ‘yung nag peplay na video sa YouTube. "Nakakainggit 'yan." Tinignan ko pa nang maigi kung ako nga ‘yung nasa video. "Nag kita na ba kayo ulit?" Binato sa basurahan ‘yung cellphone niya.
"Tae ka!" Inis na sabi ko.
"Ang guwapo ko masyado para maging poop," natatawang sabi niya. Inakbayan niya ako. "Tara, may alam kong lugar kung saan gaganda ang mood mo." Inalis ko ‘yung pag kakaakbay niya.
"Dito lang ako. Madaming pinagpalang nilalang dito. I will just enjoy the view," sabi ko at inayos ko ang shades ko. Tinignan ko ulit ‘yung mga lalaki. Tinignan ko lang, parang biglang nagbago ‘yung nararamdaman ko nung nakita ko ‘yung video namin ni Amber. Hay.
"'Wag na dito. Madaming magagandang chix do’n sa pupuntahan natin," aya niya.
Tinignan ko siya ng nakataas ‘yung kilay. "Nasan na ‘yung hahabulin mo ‘yung happiness mo?"
Nag kibit balikat lang siya. "Tara na kasi! Promise hindi ka mag sisisi." Wala na akong nagawa nung hinatak na niya ako. Pagdating namin sa isang café iniwanan na ako ni Dustin. Psh. Makakain na nga lang muna.
"Good afternoon, Sir." Napakunot ‘yung noo ko nung narinig ko ‘yung boses nung waiter. Dahan dahan kong ibinaba ‘yung menu. "May I-" Na bitawan niya ‘yung hawak niyang notepad at ballpen.
"Amber."