AMBER
"Salamat," sabi ko pagdating namin sa bahay namin. Napansin ko na parang may gustong sabihin si Mark pero hindi niya masabi. "May problema ba? Kung ‘yung tungkol sa sinabi ko kanina sana satin na lang dalawa 'yun. Hindi na sana malaman pa ni Logan."
"Amber kasi an–"
"Ma'am nako! Nand’yan po si Daddy mo," napatingin ako kay Yaya. Mukhang inaabangan niya talaga ako.
"Ah sige Mark salamat ulit!" Hinubad ko ‘yung jacket ko at inabot kagad kay Yaya. "Ano daw po ginagawa ni Papa dito?" Inalis ko rin ‘yung wig ko at sinuksok sa pasong na daanan ko. "Ayos na ba ako yaya?" Tumango tango lang siya. Dahan dahan akong pumasok. Napadiretso ako nang tayo nang makita ko si Papa na parang hinihintay talaga ako. "Hi Pa!" Alanganing ngumiti ako.
"Ysabelle," tinignan niya ako ulo hanggang paa, "What’s with your clothes? I told you not wear those kind of clothes! You're a girl for pete sake!" Galit na sabi nito.
"Pa, nag Enchanted kingdom po kasi kami kanina, nabasa po ako sa ibang rides kaya Mark lend me this shirt," palusot ko.
"Hey sis. Isn't it too early pa para umuwi? Sayang ang fireworks display," sabi ng isang lalaki. Nanlaki ‘yung mata ko.
"Kuya Yosh! A-ano’ng ginagawa mo dito?!" Gulat na tanong ko.
Anton Yosh, 26 oldest brother ko.
"Hi pretty sis!" Mas nanlaki ‘yung mga mata ko.
"Kuya Ysh! Kuya Yael! Katapusan na ba ng mundo?!"
André Ysh, 24 second and Alex Yael, 22 third.
"Ysabelle," awat sa akin ni Papa. Napatakip ako ng bibig. Sheet. Ano ba’ng mayroon bakit nandito silang apat? "Change clothes and we'll talk."
Mas mabilis pa sa alas kwatro ang kilos ko. Binuksan ko ‘yung pinakamain closet ko na binubuksan ko lang pag nandito si Papa. Kumuha ako ng isang dress at sinuot 'yon. Oo na. Ayaw ni Papa sa pagiging tomboy ko. Ano’ng magagawa ko gano’n talaga ako... Ay teka. Gano’n pa nga ba ako? Tinignan ko ‘yung sarili ko sa salamin.
"Why... It feels so different." Huminga ako ng malalim at saka bumama. Napanganga ako nung makita ko ‘yung mga school pants ko na nakakalat sa sala. "Pa!"
"What? Sa iyo ba itong mga 'to?" Umiling ako. "Then there is no problem burning these things."
"Wh–" Nakita kong sinenyasan ako ni Kuya Ysh na tumahimik na lang. "Ano po ba ‘yung pag uusapan natin?"
"Ysabelle, you need to grow up," walang ganang sabi nito.
"Pa. I'm 16, I'm in the stage of growing up," sagot ko.
Tinignan niya ako ng masama. Tumahimik na ako. "I will assign you in Pangasinan with Ysh. You will takeadvance study there," sabi nito. Aangal sana ako kaya lang ‘yung tingin talaga ni Papa, e. "We need to expand our company and I'm planning to let you handle it."
"Pa. I'm sixteen. SIXTEEN po, pa," pagdidiin ko. Tinignan ko 'yung mga kuya ko. Humihingi nang tulong. Para silang mga walang naririnig. "This is bullshit!" Napatakip ako ng bibig at nag lahad ng palad si Kuya Yael.
"Mag babayad ako mamaya," walang ganang sabi ko. May multa pag nag cussed ka sa bahay na 'to. Lalo na pag nandito silang apat. 500 mababawas sa allowance ko. Shemai naman kasi, e! "Pa, you can't be serious po. Pano ko po imamanage 'yun? Sixteen lang ako, pa."
"I was 17 when I manage our business in Davao." I rolled my eyes. Thanks. Nakatulong ka kuya Yosh.
"I was 17 too," singit naman ni Kuya Ysh. Tinignan ko si kuya Yael. Sa lahat alam ko siya makakaintindi sa akin. Kami kasi pinakaclose eh.
"I was 16 too." Napanganga na lang ako kay Kuya Yael. "You'll get used to it naman, Sis."
"P-pero!"
"Ysabelle. Pupunta ka sa Pangasinan kasama ni Ysh at wala ng pero pero. It's final! Pack your things because you'll be leaving the day after tomorrow," diretsong utos nito.
The day after tomorrow?!
"Hindi po puwede!" Angal ko. Napatingin silang lahat sa akin. "M-may recital po kami no’n."
"Hindi mo na kailangan umattend do’n sis. Bukas din aasikasuhin na ni Mama ‘yung dropping papers mo."Hindi ko pinansin si kuya Yosh. Tinignan ko si Kuya Yael. I'm giving him signals. Sa lahat ng tao dito alam kong siya lang ang sasang ayon sa akin.
"Anong klaseng recital ba 'yan?" Tanong ni Kuya Yael. Tinap ko ‘yung kamay ko sa lap ko. Alam kong naintindihan na niya 'yun. "You're going to play piano? Pa, let her be. Tutal last na naman niyang activity 'yun. Para makapag paalam din siya sa mga kaklase niya." Tumango na lang si Papa at pumasok na sa kwarto nila.
"Thanks kuya," sabi ko at niyakap ko siya.
"Piano? I doubt it. Bawal ka mag drums Ysabelle," sabi ni Kuya Yosh.
Tinignan ko siya. "Lahat na lang bawal. Sinusunod ko naman kayo pag nandito kayo. This will be the last one kuya. Importante lang talaga ‘yung battle of the bands sa makalawa. Grabeng practice ginawa namin para dito."
"Ysabelle, hindi sa pinag babawalan ka namin. Drums are for boys," sabi naman ni Kuya Ysh.
Lumipat kay sa kanya ‘yung tingin ko. "Boys? Huh! Lalaki naman si kuya Yael pero bakit siya pinagbawalan din ni Papa?!"
"Ysabelle," pigil sa akin ni Kuya Yael. Napayuko ako. Hindi ko na naman napigilan ‘yung bibig ko. Niyakap niya ako at sinabing, "It's my choice, walang kinalaman si Papa do’n. Don't blame everything to him."
♀♂♀♂
Maaga akong pumasok sa school para walang makakita sa akin. Panigurado pag uusapan ako. Pa’no nakaskirt ako ngayon at walang wig. Baka nga hindi ako makilala ng mga kaklase ko nito, e. Bwisit kasi walang natira sa mga pants ko tapos ‘yung wig ko na wala sa pasong pinag lagyan ko.
"Ah miss si Boss Am–" Napanganga sa akin si James. "Bossing ikaw ba 'yan?!" Napatingin na rin samin ‘yung ilang kaklase ko na dumating na.
"Tado ka. Tumahimik ka nga!" Inis na sabi ko. Umayos ako nang upo.
"Bossing hindi kita nakilala. Ang ganda mo," hindi makapaniwalang sabi niya. Inambahan ko siya nang suntok. "Bossing!"
"A-amber ikaw ba 'yan?" Napatingin ako. Si Mark pala. "Totoo pala ‘yung narinig ko."
"Tang ina. Ano ba’ng problema niyo?!" Inis na tumayo na ako at sinenyasan na umalis na ‘yung mga pesteng usi. "Ano ba?! Babae pa din ako kahit ano’ng gawin niyong baligtad sa akin. Walang masama kung mag susuot ako ng ganito!" Naglakad ako palabas. Napahinto ako nung nasa harapan ko na pala si Logan. Bigla akong kinabahan nung nakita ko siyang nakatingin sa akin. Shet! Lalagpasan ko na sana siya kaya lang hinawakan niya ‘yung braso ko.
"Sino ka?" Walang ganang tanong niya. Hindi ko alam kung maiinis ako o ano. Pero parang may masakit sa dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit.
"Ethan si Amber 'yan!" Sabi ng isa naming kaklase.
"Mas bagay na kayo ngayon!" Sabi naman ng isa.
"Amber bakit ngayon ka lang nag gan’yan?! Puwede ba kitang ligawan?" At kung anu-ano pa ang narinig ko sa kanila.
"Mga gago!" Inalis ko ‘yung kamay niya sa braso ko. At tuluyan nang nag lakad palabas. Nagulat ako nang may biglang nag lahad ng palad sa harap ko.
"1500 please," salubong sa akin ni Kuya. Hindi ko alam pero bigla ko na lang niyakap si kuya Yael. "Ano’ng problema mo? Nag paalam ka na sa kanila?"
"Ayaw kong mag paalam," mahinang sabi ko.
"Amber," napatingin kami ni Kuya. Si Mark pala. "Uy kuya Yael," bati niya. Tinanguan lang siya ni Kuya. "Excuse na daw tayo sa klase para makapag handa daw tayo para sa laban mamaya."
Tinignan ko si Kuya. "Go ahead. Manonood ako mamaya." Nginitian ko siya.
Pangarap ni kuya na maging drummer pero dahil nga sa maaga siyang pinag handle ni Papa ng business hindi na niya na pursue 'yun. At malamang ako din gano’n ang mangyayari.
"Bossing hindi talaga ako sanay na gan’yan ka," sabi ni James. Tinignan ko lang siya nang masama. "Ang awkward tuloy tawagin kang bossing. Parang hindi na ikaw ‘yung bayolenteng si Bossing Amber."
"Pag ikaw hindi pa tumigil James makakatikim ka na," tinuktok ko ‘yung drum stick ko, "Ang tagal naman iannounce kung sino panalo."
"And the grand winner is...Matthew College!"
Napatalon ako pag karinig na pag karinig ko sa pangalan ng school namin. "Shet!" Bigla ko na lang niyakap ‘yung katabi ko. "Nanalo tayo!" Naramdaman ko na nag hug back din siya. Teka sino ba 'tong na yakap ko? Nilingon ko siya nagulat pa ko nung lumingon din siya sa akin.
Parang biglang huminto ang oras. Ang tanging naririnig ko na lang ay ang sigawan ng mga tao. Ang sarap ng pakiramdam ko. Para akong nasa cloud 9. Hinigpitan ko ‘yung pagkakayakap ko kay Logan at lalo pang dumiin ‘yung labi niya sa labi ko. Hindi ko alam, pero kung ayaw naman ni Logan dapat tinulak na niya ako palayo. Nalulunod na ko. Pero ayaw kong matapos 'to. Naramdaman ko na lang na nilayo na niya ‘yung labi niya sa akin. Times up Amber. Natauhan na siya. He squeezed me bago siya bumitaw sa pag kakayakap niya sa akin. Shet? Sa akin ba 'yun? Grabe 'yung kabog na naramdaman ko. Shet! Baka naramdaman niya ‘yung t***k ng puso ko?!
"S-sorry!" Nauutal na sabi niya. Tumalikod na siya at nag punta na sa stage. Napatingin ako sa paligid. Shet! Lahat sila sa akin nakatingin. Gaano katagal ba ‘yung nangyari kanina?
"That was a looooong kiss, Sis,” napatingin ako sa likuran ko. Si kuya nakangiti, si James at John naka grin, pero si Mark blanko ang mukha. "That's your boyfriend?"
"H-hindi! That was an accident! Heat of the moment!" Wala na akong pakialam kahit alam kong napakadefensive ng tono ko. Inakbayan niya ako.
"Whatever you say, sis. Whatever you say."
Pag bigay namin ng award sa Principal namin nag kayayaan na kaming mag celebrate. Gusto ko sana sumama kaya lang wala na akong oras plus, grabe na ang awkward aura na namamagitan samin ni Logan. Oo walang nag salita na tungkol sa nangyari kanina pero may tension talaga.
"Bossing, sa bahay ni Ethan ang celebration! Tara na!" Nginitian ko si John.
"Mauna na kayo, susunod na lang ako." Napatingin ako kay Logan, nakatingin din siya sa akin.
Nag mouth ako sa kanya ng 'Thank you.' At nag lakad na papunta sa kotse. This is it. Siguro sa pag alis ko, maiiwanan ko na dito ‘yung nararamdaman ko para kay Logan.
Bye Ethan Logan Parker!