Chapter Eight: Dora The Explorer

1527 Words
AMBER "The best ka talaga Bossing Amber! Ang ganda dito sa EK." Okay, parang bata si James. First time siguro niya dito sa Enchanted Kingdom. Nagtataka kayo kung bakit nandito kami? Kasi naman, sa makalawa na ‘yung laban namin sa battle of the bands. Feeling ko haggard na haggard na kami masyado. Syempre kailangan din namin mag relax paminsan minsan 'no. Kaya ayun, dito ko na pili sa EK. Pagpasok na pag pasok namin, nag picturan kaagad sila James at John, parang mga timang lang. "Bossing! Tara picture tayo!!!" Tumakbo siya sa akin tapos inakbayan ako. Nagpicture kami, mabait naman ako eh. After nun, si Mark naman ‘yung humatak sa akin. Inakbayan niya din ako tapos tinapat samin ‘yung camera ng phone niya. Syempre ready na ako, nag peace sign ako. "Hahaha. Ang cute! Nice one, Amber!" tapos nag high five kami. May biglang kumalabit sa akin. Si Elder? Inabutan niya ako ng bouquet of flowers. "Para sa akin po?" Nag nod si Elder. Kinuha ko ‘yung flowers. "Thank you po." Umalis na si Elder, dahil kahina hinala ang bulaklak na ito, tinignan ko kung may note. Aba! Mayroon nga. I never thought, you're going in place like this. Don't you know it's too romantic? Should I introduce myself now? Or should I make you more curious about me? 6pm at Wheel of Fate. I’ll wait you there. For now, I'm just going to watch you from far. Enjoy your stay here at Enchanted Kingdom. -Secret Admirer. Tinignan ko kaagad ‘yung buong paligid ko. Naghanap ng kahinahinalang tao. Wala naman akong nakita, pero may napansin ako. "Nasaan si Logan?" Tanong ko. Napahanap din sila nung binanggit ko si Logan. Hindi pa nga pala dumadating ‘yung lalaki na 'yon. Sorry, ayaw kong mag assume. Pero feeling ko talaga si Logan ang gumagawa ng mga 'to, e. "Oh, ayan na pala, e,” sabi ni James. Napatingin ako sa entrance. Biglang bumilis ‘yung t***k ng puso ko. Alam niyo ba 'yun? Parang kumakanta ng... dugdug dugdug dugdug... "Sorry na late ako, tinanghali kasi ako nang gising, e. Kadarating niyo lang ba?" "Isang oras na kaming nandito! Ang tagal mo. Hindi mo pa nakita, si Elder gusto atang ligawan si Amber. Binigyan ng bulaklak, e," natatawang sabi ni John. Tumingin siya sa akin, hindi ako makagalaw. Parang nastock ako sa kinatatayuan ko. "Ang ganda ng porma natin ah,” nakangiting sabi niya. Napatingin tuloy ako sa damit ko. Feeling ko malulusaw ako sa ngiti siya. Hindi ko na talaga alam kung ano’ng nangyayari sa akin, every time na lang na nand’yan si Logan sa paligid. Kahit sa practice pag malapit siya, bigla na lang ako nag papanic. Nagsimula na kaming maglibot at sumakay ng mga rides. Si John at James talaga nakakatuwa, parang mga inosente. Ilang beses sila sumakay sa space shuttle ang sarap daw kasi ng feeling. Kain muna kami, nakakapagod ding pumila at sumakay sa rides. "Uy, sakay ulit tayo space shuttle," aya ni James. Tignan mo 'to. Kakatapos lang kumain, sasakay na kaagad. "Pahinga ka muna, baka masuka ka pag sumakay ka ulit sa space shuttle, kakakain mo lang, e," sabi ko. "Oo nga, tama si Amber. Maaupset 'yan tiyan mo," sang ayon ni Ethan. Na pa isip siya. "Buti pa, mag 4D muna tayo. Ano game kayo?" "4D?" Sabay sabay na tanong nilang tatlo. Napatingin ako sa kanilang tatlo. LOL halatang hindi nila alam ang 4D. "Hindi niyo alam?" Natatawang tanong ko. Sabay sabay silang umiling. "Tara na nga mag 4D tayo!" Hindi ko akalaing pati si Mark, hindi alam ang 4D. Mayayaman naman 'tong mga 'to. Kaya nagtataka ako kung bakit napakainosente nila. Ah, baka dahil Disneyland kasi ang lagi nilang pinupuntahan. "Ilan po kayo?" tanong nung babaeng parang receptionist. Sasagot na sana ako ng bigla akong inunahan ni Logan. "Lima," sabi niya tapos sabay abot ng 300. Since kasi may bukod na payment ang 4D. 60php lang naman. "Tuloy na po kayo, mag sisimula na po ang palabas," sabi ng babae. Inabutan na niya kami ng mga 3D glasses. Nagtataka kayo kung bakit 4D tapos 3D glasses ang binigay samin? Ako rin, e. Pag pasok namin, humanap na kami kaagad ng puwesto. Nakakita kami ng 3 vacant seat, since 5 kami mag hahanap ng ibang puwesto ‘yung dalawa. Nakakita din naman kami ng upuan, diagonally lang sa likod nung tatlong seat. Ang nangyari, kami ni Mark ang magkasama at sila John, James, at Logan ‘yung nasa unahan namin. Nag simula na ‘yung palabas. "Langya! Si idol pa 'to, e! Si Dora The Explorer! Astig!" Natatawang sabi ni James. Parang bigla akong nag sisi na dito kami nag punta. Sana pala nag realto na lang kami. Pero okay na rin, kasi after naming manood, nag enjoy naman kami. "Astig! Parang sa Disneyland lang. Ayun pala ang 4D," natatawa pa ring sabi ni James. "Oo nga, parang kasama talaga tayo ni Dora 'no?" Sang-ayon naman ni John tapos nag high five silang dalawa. Nag libot pa kami at sumakay pa ulit ng mga rides. Napatingin ako sa relos ko. 5:45 na pala. May imemeet pala ako ng 6pm. "Ano... Mag c-cr lang ako," paalam ko. Nag nod lang silang apat. Dumiretso na kaagad ako sa Wheel of Fate. Walang masyadong nakapila. Teka, paano ko ba malalaman kung siya na 'yun? Wala namang nilagay sa note. May lumapit na bata sa akin. "Ate, may nagpapabigay po," sabi niya. Pag kaabot sa akin ng lobo nung bata biglang tumakbo. Tinignan ko ‘yung lobo, may nakasabit palang notes. Ride wheel of fate. When you stop at the top, look down. Look for the person holding a white balloon. When you saw it, just say his name. -Secret Admirer. Say his name? Ibig sabihin kilala ko? Sino kaya 'to? Pag strike ng relos ko sa 6:oo sumakay na ako sa Ferris Wheel. Mga limang ikot din bago ako huminto sa pinakatop. Tumingin kaagad ako sa baba. Ang daming lobo. Pero isa lang ang may hawak ng kulay white. Si... "Ethan Logan Parker!" Sigaw ko. Tumakbo si Logan palayo. Ano’ng ibig sabihin no’n? Bakit siya tumakbo? Pinaglalaruan niya ba ako? Habang bumababa ang ferris wheel. Tinatanong ko ang sarili ko kung ano na ba ang nangyayari sa akin. Bakit ako nagkakaganito pag si Logan na ang nasa usapan? May gusto na ba ako sa kanya? O baka naman mahal ko na siya? Imposible. Hindi maari 'yun. Pag baba ko sa ferris wheel, hinanap ko si Logan. Nilibot ko ‘yung buong EK, pero hindi ko siya makita. Napagpasiyahan kong bumalik sa Wheel of fate. Hindi naman ako nag kamali, nando’n siya. May hinahanap. "Ako ba ang hinahanap mo?" Walang emosyon na tanong ko sakanya. Hindi ko alam kung anong ispiritu ang sumapi sa akin, kaya nung pagharap niya ay sinalubong ko siya ng suntok. "Kaya pala lagi kang Nand’yan pag may dumadating na sulat ‘yung admirer ko kasi ikaw 'yun! Ano bang kailangan mo?! Bakit mo ako pinag titripan?!" Bigla na lang tumulo ang luha ko. Hindi ko alam, basta ang nararamdaman ko, nasasaktan ako. Hindi ko alam kung bakit. Dahil ba laro lang ang lahat? Pero 'di ba dapat pa nga akong matuwa? Lumapit siya sa akin, at pinunasan ang mga luha ko. Bigla na namang bumilis ang t***k ng puso ko. Hindi ko alam pero, masaya ako na inaalis niya ang mga luha sa mukha ko. "Amber..." Nagulat na lang ako, may simuntok sa kanya. "'Pre! Bakit mo naman pinaiyak si Amber?!" "Wala naman akong ginagawa ah? Hindi ko siya pinaiyak..." Gusto pa sanang mag paliwanag ni Logan pero hinila na ako palayo ni Mark. "Hindi naman ako pinaiyak ni Logan, hindi mo dapat siya sinuntok," paliwanag ko. Yumuko si Mark. "Sorry. Akala ko kasi eh... Nabigla lang ako." Hindi na ako nag salita. Pinahid ko ‘yung mga peste kong luha na hanggang ngayon ayaw pa din tumigil sa kakatulo. "May sasabihin sana ako eh..." "I think I like him..." Natagpuan ko na lang na nagsasalita ako. Nagulat ata si Mark. Hindi ko mapigilan. "I do like him... No... I love him..." "Sino?" Tumingala ako, at pinahid ulit ang mga luhang tumutulo mula sa pasaway kong mata. "Best friend mo. Akala ko nung una, wala lang. Ngayon ko lang naintindihan. Kaya pala ang bilis ng t***k ng puso ko pag Nand’yan siya. Namimiss ko siya pag hindi ko siya nakikita. Kinikilig ako sa bawat ginagawa niya. Alam mo ba ‘yung ganitong feeling Mark? Masaya sana eh. Kaya lang, feeling ko niloko niya ako. Pinag laruan. Mark, si Logan ang secret admirer ko!" "Ha? Gu-gusto mo si Ethan?" Hindi nakikinig. Psh. "Gusto ko nang umuwi," walang ganang sabi ko. Nag lakad ako palabas ng EK, nawalan na ako ng mood mag arcade or what so ever. Walang umiimik sa amin sa sasakyan. Ang tihimik. Wala din akong ganang magsalita. Kaya nag kunwari na lang akong natutulog. Ginising lang nila ako nung nasa bahay na kami. Pumasok kaagad ako sa loob. Baka kasi mag tanong pa sila. Ayaw kong mag paliwag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD