Chapter Seven: Beautiful Soul.

1677 Words
AMBER “Ma! Aalis lang po ako saglit ha!” Sigaw ko sabay senyas sa driver naming, “Manong sa kabilang village po tayo.” Wala, hindi ko rin alam, pero parang trip kong pumunta kila Logan ngayon. Huhuhu. Ano ba 'tong nangyayari sa akin? Hinawakan ko ‘yung pisngi at labi ko. Biglang bumibilis ‘yung t***k ng puso ko tuwing na aalala ko ‘yun. Sheet. Hindi kaya…? Hindi. Impossible 'yun. Impossible talaga. Saka hindi naman sadya ni Logan 'yun. Tama. Tama. Aksidente lang 'yun. “Ma’am okay lang po ba kayo?” Tinanguan ko lang si Manong Driver. “Saan po ba tayo?” “Ibaba mo na lang po ako d’yan sa entrance,” sabi ko. Bumaba na ako. “Tawagan ko na lang po kayo kung papasundo na ako.” Naglakad lakad na ko. Pero sa tagal kong nag lalakad, parang hindi ko maalala kung saan ‘yung bahay ni Logan. Tawagan ko na nga. “B-bakit?” Sagot niya. “Punta ko sa inyo.” Pag kasabi ko no’n bigla kong nakita ‘yung gate nila Logan. “Ah. Nandito na ako.” Alam niyo ‘yung may parang na hulog na mic? Ang sakit sa tenga! “Aray!” “Oh. Sino ka?” Napatingin ako sa lalaking lumabas ng gate. In fairness guwapo rin katulad ko. Sino kaya 'to? Mukhang ka age lang namin. “Ako po si Amber, Nand’yan po ba si Logan?” Tinitigan niya ako. Parang biglang nag taasan ‘yung mga balahibo ko sa batok, na hindi ko alam kung mayroon nga ba ako no’n. Nagulat ako nung ngumit siya. “B-bakit po?” “Bukod kasi kay Mark, James, at John wala namang ibang bumibisita sa pinsan ko,” sabi niya. Binuksan niya ‘yung gate. “Tara pasok ka, nasa loob siya.” Sinundan ko lang siya. Umupo ako sa couch tapos siya dumiretso paakyat sa hagdan. Pero hindi ako nakatiis sumunod na din ako. Wala naman siguro masama nakatulog na nga ako do’n nung nakaraan, e. “Pinsan kong ma–” Biglang nag ring ‘yung phone ko. Tinignan ko kung sino. Si Mark lang pala. Binulsa ko ulit ‘yung phone ko. “Baka marinig ka niya.” Napatingin ako sa kanila, si Logan tinatakpan ‘yung bibig nung kasing guwapo ko na lalaki. “Pinsan mong ma? Ma ano?” Napatingin sila sa akin pareho. ‘yung gulat na tingin. “Oh bakit?” Hinatak ako bigla pababa ni Logan. “Ano ba’ng ginagawa mo dito?” Bigla akong napahinto sa kalagitnaan ng hagdan. Ano nga ba ginagawa ko dito? Walang pumapasok na dahilan sa utak ko. “Ano’ng problema mo?” Napatingin ako sa kamay niya na nakahawak sa braso ko. Bigla niyang binitawan. “Umuwi ka na nga, wala ka namang gagawin dito, e.” Bigla kong nakitang pumasok si Jaimee sa pinto. “Jaimee…” Sinalubong ko siya. “Tama. Tama. Si J-jaimee ‘yung dahilan kung bakit ako nandito,” palusot ko. Aakbayan ko sana si Jaimee kaya lang pinigilan ako ni Ethan. “Sabi ko sa iyo off-limits ‘yang pamangkin ko, e. Lumayo ka nga,” nanlilisik ‘yung mga mata niya habang sinasabi niya ‘yun. Hinatak niya ‘yung t-shirt ko na para bang basahan. Huhuhu. Limited edition 'to, e. “Umupo ka lang d’yan,” utos niya sa akin. Nilapitan niya si Jaimee. “Wala pa si Ate Jessica eh. Do’n ka muna sa kwarto mo ha? 'Wag kang lalabas,” bilin niya dito. Sinundan ko nang tingin si Jaimee. “Tigilan mo nga 'yan, Amber!” Hinawakan niya ‘yung pisngi ko at nilihis niya ng direction. Aalisin na sana niya pero hinawakan ko. “B-bakit?” “H-ha?” Bigla akong napabitaw. Ano ba 'yun? Hindi ko maexplain ‘yung naramdaman ko. Ang warm na palad niya. Parang gusto kong ando’n na lang 'yun. “I smell something fishy.” Napatingin kami pareho do’n sa lalaking kasing guwapo ko. Ano ba pangalan nito? “Isda ba ulam niyo mamaya?” Tanong nito. Parang wala naman akong na aamoy na isda? “Umuwi ka na nga, Dustin,” utos ni Ethan. Umupo si Dustin sa tabi ko. “Binigay ko na nung nakaraan ‘yung bahay ko sa mahirap. Kaya dito muna ako,” walang patol na sabi nito. Tinignan niya ako. Hindi ko na alam kung ano na itsura ko. Para akong kinakabahan sa tingin niya. “So, Amber. Ano ka ni Ethan?” “E-eh? Classmate saka bandmate din,” sagot ko. Tumango tango lang siya nagulat na lang ako ng may biglang tumamang throw pillow sa mukha niya. “O-okay ka lang ba?” “Umuwi ka na, Dustin,” inis na utos ni Ethan. Tumingin sa akin si Logan. “Pati ikaw.” Hinatak niya ako patayo at sinakay sa kotse. “Bakit ba kailangan ko 'tong gawin?” Umupo siya sa driver’s seat. “I-ikaw mag dadrive?!” Hindi na niya ako sinagot at nag maneho na lang. Hindi na ako nag salita. Mukhang seryoso si Logan. Nakakatakot, parang bigla na lang niya ako sasakmalin. Napatingin ako sa kanya, nakahawak siya sa dibdib niya. “L-logan, okay ka lang ba?” “O-oo,” matipid na sagot niya. Hindi na siya nag salita. Nakakapanibago. May sakit kaya siya? E, bakit ba ako nag aalala? Tch. “Ah! Ano ginagawa nila d’yan?!” Napababa ako kagad sa kotse ni Logan nung nakita ko sila Mark sa labas ng bahay ko. “Hoy mga kupal, ano’ng ginagawa niyo d’yan?” Nagkatinginan silang tatlo. “Ah. Magpapractice na kasi tayo para sa battle of the bands,” sagot ni Mark. Kunot-noong tinignan ko siya. “Hindi pa nga tayo nakakapagparegister, e? Kanina mo lang pinakita 'yun 'di ba?” Napakamot siya sa ulo niya. “Weird niyo, pumasok muna nga kayo.” ♀♂♀♂ "I don't want another pretty face I don't want just anyone to hold I don't want my love to go to waste I want you and your beautiful soul..." Sige siya na ang maganda ang boses. Nakakainis, alam niyo ba ‘yung feeling nang nagiggle, ‘yung parang kinikilig na ewan? Nararamdaman ko 'yun pag nasa paligid si Logan. Leche flan na masarap! Naninibago tuloy ako sa sarili ko, hindi ko alam kung si Amber pa ba ako, o si Ysabelle na? Leche flan na masarap talaga 'tong si Logan, e. Ano kayang ginagawa niya sa akin? Bakit ako nakakaramdam ng ganito? Hindi Amber, lalaki ka pa din. Hindi ka puwedeng maging babae, paano ang pag sinta mo kay Jaimee? Oo tama, babae ako, ay este LALAKI pa rin ako. Wala 'yan si Logan. "Amber naman! Umayos ka nga, 'di ba sabi ko naman kung may problema kayo sa bahay iwan sa bahay," inis na sabi ni Logan Tss. Ang init ng ulo. "Puwede bang mag break muna tayo? Kanina pa din tayo nag papractice, e." sabi ko at ibinaba ko muna ‘yung drum stick ko tapos tumayo na ako. 'Wag niyo akong inisin lalo na't naguguluhan ako ngayon. "Oo nga, pagod ka na din siguro kaya ang init ng ulo mo," sabi ni James sabay bato ng mineral water kay Logan. "Siguro nga," sagot ni Logan sabay inom ng tubig. Lumabas muna ako sa veranda. Sagap muna tayo ng hangin. "Miss," tawang nung delivery boy. Hindi ko nga pinansin. Tawagin mo muna akong mister. "Miss, kayo po si Ms. Amber Ysabelle Valdez 'di ba?" napatingin ako kay Kuya, delivery boy pala. Pero teka, hindi ko naman 'to bahay ah? Bakit dito dinala ‘yung package? Nilapitan ko si Kuyang delivery boy. "Ako nga po," sagot ko. Inabutan niya ako ng bouquet of roses. "Ahm, kuya sure ka sa akin 'to?" Inabutan niya ako ng papel at ballpen. "Paki pirma na lang ho dito," Hindi daw ba ako sagutin? Pero pinirmahan ko na rin, tinignan ko kung kanino galing pero walang nakalagay ng pangalan. Kainis naman. "Salamat ho." Umalis na ‘yung Kuyang delivery boy. Tinignan ko ‘yung roses kung may nakalagay na notes. Aba mayroon! I don't want another pretty face I don't want just anyone to hold I don't want my love to go to waste I want you and your beautiful soul -Secret Admirer. "Amber practice na... Kanino galing 'yan?" Tanong ni Mark. Bigla kong tinago sa likuran ko ‘yung roses. "Binili ko d’yan sa kanto," palusot ko. Kanto? E, wala namang flower shop dito sa subdivision nila John at alam ni Mark 'yun. Ang ganda ng palusot mo Amber, katanggap tanggap. "Sa secret admirer mo?" Tanong niya pa. Pilit na ngumiti lang ako, tapos pumasok na ako sa loob. Pano kaya na laman na nandtio ako kila John? At asenso ha? Hindi na sulat bulaklak naman. "Naks, bossing Amber, hanggang dito nasundan ka ng admirer mo?" Tila kinilig na hindi mawari si James. "Hindi kaya stalker na 'yan? At pati dito sa bahay ko nasundan ka?" Tanong naman ni John. Alam niyo ba ‘yung tawang nakakaloko? Gano’n ang tawa nung dalawang kumag. Tss. "'Lul stalker ka d’yan!" Bigla akong napatingin kay Mark dahil sa sinabi niya. "Kilala mo ba kung sino nag papadala nito?" "Hindi 'no!" ‘Yung itsura niya parang kinakabahan na ewan. Tatanungin ko pa sana ng biglang nagsalita si Logan. "Practice na ulit tayo, para maagang makauwi." Biglang nakahinga ng maluwag si Mark. May something talaga, e. Malalaman ko din 'yan. Hindi puwedeng hindi. "I don't want another pretty face I don't want just anyone to hold I don't want my love to go to waste I want you and your beautiful soul..." Ngayon ko lang naalala, parehas pala ‘yung laman nung note sa rose sa kanta namin. Hindi kaya si.... "Bukas na lang ulit," sabi ni Logan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD