Chapter Six: Sasali tayo!

1365 Words
ETHAN Feeling ko may mali sa akin? Hindi ko alam, pero parang nag bago na ako ng gender? Feeling ko lalaki na ulit ako. Hahaha. Charing! Chuserong mga palaka. Hindi ako puwedeng maging lalaki, nakakadiri. Seryosong usapan tayo mga kapatid, kapuso, at kapamilya. Isang buwan na akong nagiging kartero pero wala pa ding nangyayari sa panliligaw ni BFF Mark, feeling ko naman, walang balak maging babae ‘yung babae-s***h-tiboyish na 'yun. Nasasayang lang effort namin. At dumudugo na din ang utak ko kakaisip ng isusulat para sa kanya. Hindi naman ata niya naaappreciate.

 "Ate tabi!" napatingin ako sa tumawag, nakita ko may tatamang bola kay Amber. Hindi ko alam kung ano pumasok sa utak ko at niyakap ko siya at sinalo ng ulo ko ang bola.

 "Aray!” Daing ko. "Naku, kuya okay ka lang ba? Pasensya na po," sabi nung bata. Umayos ako ng tayo. "Okay lang, sige mag laro na kayo," sagot ko. Pero sa totoo lang, hindi ako okay! Mga pasaway na bata na 'yun. Nakita ng may nag-uusap dito, dito pa nag laro. Hmp! "Nahilo ako do’n ah."

 "Dapat pinatama mo na lang sa akin. Bakit mo kasi sinalo?" Inis na sabi ni Amber. Napahawak ako sa ulo ko, para kasing lalo akong nahilo nung ako pa ang sinisi nitong babae-s***h-tiboyish na 'to. Hindi ba puwedeng mag pasalamat na lang siya? 
 "Alam ko kasing tanga ka at hindi mo maiilagan ‘yung bola," inis na balik ko sa kanya. "Ang sakit mo namang magsalita. Iilagan ko naman 'yun kung nakita ko kaagad," sabi niya pa. Tignan mo 'tong babae na 'to, ako pa ang masakit mag salita ngayon? "Ang dami mo pang sinasabi, magpasalamat ka na lang kaya?"
 "Salamat pala," mahinang sabi niya. Nginitian ko na lang siya. Malolosyang lang kaagad ako sa babae-s***h-tiboyish na 'to. "Gusto mo bang dalin kita sa clinic?"

 "Hindi na,” sagot ko. Tumayo ako, pero bigla din akong na out balance kasi nahihilo pa din ako. Buti nasalo ako ni Amber.

 "Okay ka lang ba talaga?" ‘Yung mukha niya ang lapit sa mukha ko. Iiiekk. Ano 'tong nararamdaman ko? Bakit ang bilis ng t***k ng puso ko? WAAAHH!! "Dadalin na kita sa clinic ha?" Inalalayan niya akong mag lakad. Ano ba?! Kinakabahan ba ako at ang bilis ng t***k ng puso ko? Pag dating namin sa clinic, chineck up kaagad ako nung nurse. Sus, kinakapkapan niya ako! Ang dibdib ko hinahawakan niya. Ano’ng kinalaman ng dibdib ko sa ulo? Sabihin niyo!

 "Okay naman siya, baka malakas lang ang impact ng bola kaya nahihilo pa siya. Gusto mo iwanan mo muna siya dito para makapagpahinga siya," sabi ng nurse sabay tingin sa akin nang malagkit. O-oo sana si Amber, ng sinenyasan ko siya na huwag niya akong iiwan dito.
 "Hindi na po, uuwi na din naman po kami, e. Sige po salamat." Nakahinga ako ng maluwag, hindi safe ang puri ko kapag naiwan ako sa loob ng clinic. Feeling ko sasamantalahin 'yun ng nurse habang natutulog ako. "Ayos lang ba talaga na hindi ka nag paiwan do’n sa clinic?" Umayos ako ng tayo, dahil ang puso ko hindi ko talaga mapigilan ang malakas na kabog. Baka maramdaman pa ni Amber. Mahirap na.

 "Oo naman, gagahasain ako nung nurse na 'yun kapag hindi ako umalis do’n. Sayang ang lahi ko, nakita mo ba ‘yung tsura ng nurse na 'yun? Jusme mas maganda pa si Diego, e." Napailing ako. Grabe talaga ‘yung nurse kanina. "Mukhang okay ka na nga, ang daldal mo na ulit," natatawang sabi niya. "'Tol kanina ko pa kayo hinahanap, Nandito lang pala kayo," sabi ni Mark tapos inakbayan ni BFF si Amber, wushu. Chansing ka lang Mark eh! Pero parang wala lang kay Amber.

 "Natamaan kasi si Logan kanina ng bola, e, kaya dinala ko sa clinic," paliwanag ni Amber. Natawa si Mark. Ano kayang nakakatawa do’n? Wala naman ah? Psh. "'Tol, iba na talaga ang charisma mo. Tignan mo pati bola hinahabol ka,” natatawang sabi ni Mark. Ay, tama ba’ng pagtawanan ako?

 "Baliw! Sapakin kita d’yan, e!" Tawa pa rin siya ng tawa. Maglalakad na sana ako paalis ng tinawag niya ulit ako.

 "Ethan! Teka muna, may papakita ako sa iyo," sabi niya at inabot niya sa akin ‘yung papel. BATTLE OF THE BANDS What: Search for the best of the best band group.
 Where: Matthew College Gymnasium
 When: October 21, 20xx @ 5:oo pm

 Details: 
Band should be compose of 5 members
3 Songs from different genre Prizes:
1st: 10,000 + Trophy
 2nd: 8,000 + Trophy
 3rd: 5,000 + Trophy "Sasali tayo!" bigla akong napatingin sa kaliwa ko, nando’n pala si Amber, at shoot. Na kiss ko siya sa cheeks... Lahat kami gulat. Pero mas nagulat ako nung naramdaman ko na naman ‘yung kamo ni Amber sa pisngi ko. "Gago!" Napahawak na lang ako sa pisngi ko. "Ano na naman ang nagawa ko?" ♀♂♀♂ Tinignan ko ‘yung mukha ko sa salamin. "Kailangan ba every month masusuntok niya ang maganda kong mukha?" Naiiyak kong tanong sa sarili ko. Kinuha ko ‘yung bulak na may alcohol at tinanggal ‘yung dugo sa gilid ng labi ko. "Ouch~" "Pinsan kong maganda~" Tinignan ko lang nang masama si Dustin sa salamin. "Sabi ko sa iyo bayolente ‘yung mga gano’ng babae. Hanap na lang kita ng matinong babae? As in ‘yung babae talaga," alok niya. Ngiting aso lang sinagot ko sa kanya. "Akala ko ba si Mark ang nanliligaw bakit ikaw ang napuruhan?" "Hindi ko din alam," naiiyak na sagot ko. Tinignan ko ‘yung kawawang mukha ko sa salamin. "Ang pangit ko na couz! Pangalawang beses na niya ako nasusuntok," nilapitan niya ako at kinuha ‘yung pony tail ko, "Ano na naman ang gagawin mo?" Taas kilay na tanong ko. Ngumiti lang siya. "Ang haba na ng buhok mo, Ethan," puna niya. Inipitan niya ako, ‘yung inangat niya lang ‘yung bangs ko. At kinuha ‘yung bulak. "Akin na nga. Ako na mag gagamot," dahan dahan niyang ginamot ‘yung sugat ko. Tinitigan ko siya. "Oh mag pinsan tayo, 'wag mo ko tignan nang gan’yan." "Ulol! May girlfriend ka ngayon 'no?" Bigla niyang diniinan ‘yung bulak. "Aray! Gago 'to!" "Bakit ka ba kasi nasusuntok ha?" "Nahalikan ko kasi, e!" Bigla kong natakpan yunh bibig ko. "Sheet. Ang daldal ko talaga." Nag grin siya. "'Wag mo ko ngitian nang gan’yan." "Bakit? Buti si Mark hindi na gagalit sa iyo?" Bigla siyang napaisip. "Teka, dalawang beses ka nang nasuntok, ibig sabihin nakadalawa ka na?!" Kinurot niya ako sa tagiliran. "Naks naman! Ano feeling?" "Nakakadiri! Tignan mo nga 'tong maganda kong mukha? May sugat na naman! Tss," tumingin na ulit ako sa salamin, "Ang makinis kong mukha," naiiyak na talaga ako. "Ang arte mo!" Tinignan ko lang siya nang masama. "Ang guwapo mo couz,” malanding sabi niya. Inambaham ko siya ng suntok. "Easy. Hindi na mabiro 'to. Alis na nga ako,” paalam niya. *kriiiiing... kriiiiiing...* Calling Mark... "Hello?" Sagot ko. "Saan ka?" "Bakit?" "Saan ka nga?" "Bakit nga?" "Oo, mamatapos tayo nito." Natawa ako. Inis na eh. "Bahay. Bakit ba?" “Punta ka kila Amber.” Pag karinig ko sa pangalan ni Amber bigla na lang parang may something sa dibdib ko. “A-ayaw ko.” “Gagawin ko na ngayon. Pumunta ka.” 'Yun lang at pinag babaan niya na ako. “Tss. Bakit ba kailangan ko pumunta din?” Nagulat ako ng mag ring ulit ‘yung cellphone ko. *kriiiiing... kriiiiiing...* Calling Amber... “Bakit tumatawag 'to?” Tinitigan ko muna ng ilang segundo bago ko sinagot. “B-bakit?” “Punta ko sa inyo?” Biglang nag skip ‘yung puso ko ‘yung narinig ko ‘yung boses niya. Ano ba 'to? “Ah. Nandito na ako.” Nabagsak ko ‘yung phone ko. “Pinsan kong maganda, may bisita ka sa baba.” Napatingin ako kay Dustin. Tinakpan ko kagad ‘yung bibig niya. “Baka marinig ka niya.” “Pinsan mong ma? Ma ano?” Sabay kaming napatingin kay Amber. Shet.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD