AMBER
“I'm falling in
I'm falling down
I wanna begin but I don't know how
To let you know how I'm feeling
I'm high on hope, I'm winning…”
Bigla akong napapasok sa room ng may narinig akong kumakanta. Familiar ‘yung boses pero hindi ko sure kung si Mark talaga. Simula kasi nung balik si Logan na bokalista ng banda hindi ko na ulit siya narinig kumanta. Pero magaling din siyang kumanta ha! Mas magaling nga lang si Logan. Iba kasi ‘yung dating nung boses ni Logan eh. Alam niyo ‘yung parang madadala na lang niya kayo sa kanta niya? Gano’n.
“Kumakanta ka, Mark?” Bigla niyang binaba ‘yung gitara. “Bakit mo tinigil?”
“A-ah wala,” kinakabahan niyang sabi.
“Problema mo?” Tanong ko. Sinenyasan ko siya. “Tuloy mo lang. Bigyan kita ng beat gusto mo?” Sunod sunod ‘yung iling niya. “Okay ka lang ba?”
“A-ah. Oo,” matipid na sagot niya. Nag strum ulit siya sa gitara niya sabay hum ng Heart on Fire. Sinabayan ko ng palo sa desk ko.
“Wow. Jamming tayo dito?” Nginitian ko lang si James at John na pumasok na rin sa room. “And I won't let you go, now you know, I've been crazy for you all this time,” kanta ni James.
Binatukan siya ni John. “Sinisira mo. 'Wag ka na kumanta.”
Nag tawanan na lang kami. Nahinto lang kami ng may pumasok.
"Ate, may nagpapabigay po," sabi nung bata sabay nag-abot ng letter.
Pagkakuha ko biglang tumakbo palayo ‘yung bata, hinabol ko. Kaya lang pag dating ko sa field hindi ko na siya makita. Hay. Tatanong ko pa sana kung kanino galing. Shete naman. Tinignan ko ‘yung letter na binigay. Galing ulit kay "secret admirer". Ano naman kayang kalokohan ang laman nito this time?
Nakakaloko 'tong nagbibigay sa aking ng so called "Love Letter". Masyadong persistent, ayaw tumigil. Isang buwan ko ng supplier 'to ng papel na puwedeng ibenta sa junk shop. Tinutukso na ako ng mga kaklase ko na babae na daw ako, dahil may secret admirer daw ako. Gusto nila sa kanila na. Isa lang naman napupusuan ko ngayon eh, si Jaimee. Ang cute niya kaya. Pero syempre bata pa 'yun, hindi ko puwedeng ligawan. At mukhang papatayin ako ni Logan kapag niligawan ko ‘yung pamangkin niya, sayang ang genes ko kung puputulin kaagad niya ang lahi ko.
All my life I've wished for love this true.
I cherish every moment I have with you.
When you're near I can't help but smile
because you are my reason for survival.
If I ever lost you I'd cry a river,
Just the thought of it makes me quiver.
When we are alone together,
I wish I could stop the time and live in that moment forever.
A thousand words could not express the feelings I have inside for you.
-Secret Admirer
Biglang nawala sa kamay ko ‘yung papel na hawak ko.
"Naks naman, hindi pa din pala tumitigil 'yang secret admirer mo ah! Tindi!”
Langya, si Logan lang pala. Epal talaga 'to kahit kailan eh. Kinuha ko ulit ‘yung letter sa kanya.
"’Wag ka ngang epal!” Hinablot ko sa kanya ‘yung love letter. “Para kang kabute lagi na lang biglang susulpot."
"Ano’ng gusto mo? Sasabihin ko muna na darating ako? Paano? Amber papunta na ako d’yan. Gano’n? E, di walang suspense 'yun?" Parang baklang sabi niya.
Ang daldal talaga nito.
"Ang daldal mo talaga! Kailan kaya tatahimik 'yang bunganga mo?" Inis na sabi ko. Nag make face lang siya.
Sa totoo lang, may napapansin ako kay Logan. Every time na lang kasi na may darating na letter bigla na lang siyang sumusulpot. Tapos sinisiguro niya pa kung nabasa ko na ba o hindi. Feeling ko alam niya kung sino nag bibigay nitong mga 'to.
"Logan, may tanong ako," seryosong sabi ko.
"Hindi pa ako pumapatol sa kapareho ko ng gender, Amber. I'm sorry pero hindi kita papayagang manligaw." Binato ko nga ng bag ko. Ang kapal nito.
"Feelingero ka talaga 'no? Ang kapal ng mukha mo. Tatanong ko lang kung kilala mo ‘yung nagbibigay ng mga kalokohan na 'to, yang imagination mo ang lawak," sarkastiko kong sabi.
Binato niya pabalik sa akin ‘yung bag ko. "E, bakit nakabato ka d’yan? Binato kita? Hindi naman ah! At saka paano ko makikilala 'yan? Wala namang nakalagay na pangalan."
"Nyiee, ang corny mo koya. Nakakadugo ng ilong 'yang kacorny-an mo."
"Ate tabi!" napatingin ako sa tumawag, nagulat na lang ako ng bigla akong niyakap ni Logan at may tumamang bola ng volleyball sa ulo niya.
"Aray!"
"Naku, kuya okay ka lang ba? Pasensya na po," sabi ng isang bata.
Umayos ng tayo si Logan. "Okay lang, sige mag laro na kayo," sagot niya sabay ngiti. Nag sorry ulit ‘yung mga bata, tapos umalis na rin. "Nahilo ako do’n ah." Parang may nakalimutan ata ako.
"Dapat pinatama mo na lang sa akin. Bakit mo kasi sinalo?" Inis na tanong ko.
Hinawakan niya ‘yung ulo niya, ako naman napaalalay sa kanya. "Alam ko kasing tanga ka at hindi mo maiilagan ‘yung bola," inis na sagot niya rin.
Babatukan ko sana kaya lang naalala ko nahihilo pala siya. "Ang sakit mo namang magsalita. Iilagan ko naman 'yun kung nakita ko kaagad."
Nag iba ‘yung tsura ng mukha niya. Parang nairita. "Ang dami mo pang sinasabi, magpasalamat ka na lang kaya?"
Ay, nakalimutan ko bang mag thank you?
"Salamat pala," mahina kong sabi.
Ngumiti siya, teka bakit parang..
Kinilig ako?