Chapter Fourteen: Belated happy birthday

1829 Words
AMBER Dahan dahan kong dinilat ‘yung mata ko at pinatay ‘yung alarm. Day off ko ngayon kaya ang plano ko ay ligawan si Logan ngayon. Bakla siya 'di ba? Oh e, ‘di ako na ang manliligaw. Mukhang kung hihintayin ko siya walang mangyayari sa pag sinta ko sa kanya. Nakakainis na tuloy. "Good morning, Kuya. Alis na ko ha?" Dahan dahan niyang ibinaba ‘yung news paper. "Uy Pa!" Medyo na paatras pa ako sa gulat. "Ano po’ng ginagawa niyo dito?" Tinignan niya ko head to foot. Buti na lang wala akong panlalaking damit dito. Kaya nakashorts at blouse ako with matching doll shoes. "Mukhang nag iimprove ka na." Alanganing ngumiti lang ako. Tiniklop niya ‘yung newspaper at saka tuluyan akong hinarap. "I want you to check the place in Hotel Monreal." Bigla akong napangiti. Do’n naman kasi talaga ang punta ko. Sabi kasi nila James do’n sila nag stay ngayon. Napakunot ang noo ni Papa. "Why are you smiling?" "Wala lang po." Ito talaga si Papa parang hindi alam ang salitang masaya. Ang KJ. "As I said, i-check mo ‘yung lugar. I want it to be perfect para sa birthday mo sa makalawa." Ay. Birthday ko na nga pala. "They also offer a band named The Cliché check them also." Banda namin 'yun! "Pa, ngayon na po ba 'yan?" Tinaasan niya ako ng kilay. "May iba ka bang lakad ngayon?" Umiling ako. "Then good. Puwede ka nang pumunta ngayon." Ito ang ayaw ko kay Papa. Sasabihin niya na lang sa iyo pag nand’yan na. Wala man lang advance notice. Na gawa na kasi niya lahat ipa-finalize mo na lang. Malamang katulad lang 'to ng birthday ko last year. Formal formal-an ang theme. Ayaw ko pa naman no’n. Gowns? Hindi pa din sila ang forte ko. ♀♂♀♂ Spell awesome? H-O-T-E-L M-Okay ang haba pala. 'Wag na lang. Ito ba talaga ‘yung famous Hotel Monreal? Grabe mas maganda siya kaysa sa picture! Para siyang castle na medyo modern na ang theme. Mag rereklamo pa sana ako dahil formal ang party, ang sagwa pala kung hindi. "Ma'am dito po sa garden ‘yung na pili po ni Mr. Valdez na venue." May inaayos ng stage sa gitna. "D’yan po sa center stage ‘yung banda then do’n po sa main stage mostly the hosting and kung may program po kayo." Tinignan ko ‘yung mga tables and chair na naka set-up na pero wala pang table clothe. "Miss, for how many persons–" "Ma'am approximately 500 guests po ang sinabi samin." ‘Yung totoo? Sana pinatapos muna niya ako. "Ayan na po pala ‘yung banda." Kinilig ‘yung babae. Tinignan ko kung kanino siya nakatingin. "Miss bakla 'yan!" Napalingon siya sa akin. Pinandilatan ko lang siya. Sige subukan mong pag pantasyahan sa harapan ko si Logan, wala ka ng buhok mamaya. "Psh." "Bossing! Mukhang sosyal party mo sa makalawa ah?" Nag taas baba lang ‘yung kilay ko kay James. Tinignan ko si Logan. "Psh." Kinakausap niya na ‘yung babae. Kinikilig naman ang bruha. "Miss gusto ko black and red ang theme. Ayaw ko ng pink." Aba hindi ako pinansin. "Miss? Nasaan ba ‘yung manager dito?" "Ano nga po 'yun Ma'am?" "Huh! Wala d’yan ka na! Irereport kita sa manager mo!" Nag march na ko paalis. Bwisit. Ang landi landi. Si Logan naman nilalandi rin. Nakakainis! Hindi man lang niya ko tinignan. "Hay. Mag sama silang dalawa!" "Amber!" Tinignan ko lang si Mark tapos nag tuloy na ko sa pag lalakad. "Mag mall tayo? Bibili rin ako ng damit para sa party mo." "Bakit sinabi ko bang invited ka?" Biglang nanlaki ‘yung mga mata niya. "Uy biro lang! Tara samahan kita." Pag dating namin sa mall, pinag titinginan kami. Hindi ko alam masyado ba kaming guwapo ni Mark? May babaeng lumapit samin. Mga kasing age lang siguro namin. Nagulat ako nung tinulak ako nung babae at dumikit kay Mark para mag papicture. Feeling ko bumakat na ‘yung mga ugat ko sa mukha sa sobrang gigil. "Amber! Okay ka lang ba?" Tinayo ako ni Mark at hindi pinansin ‘yung babae. "Miss sa susunod mag iingat ka. Tignan mo nangyari sa girlfriend ko." Nanlaki ‘yung mga mata namin. Oo kasama ako. Kailan pa ako naging girlfriend ni Mark?! Mag sasalita sana ako kaya lang hinatak na niya ako palayo sa mga babae. "Uy gago ka. Baka akalain nila girlfriend mo talaga ako." Nag kibit balikat lang siya. "Mark." Nag hmm lang siya. "‘Yung kamay ko?" "Ah? Hayaan mo na muna. Para hindi ka na ulit matulak." Pumasok kami sa isang sikat na bilihan ng formal dress. And to cut the long sukat here sukat there story. Nakabili siya ng black coat na may red silk inner, white plain long sleeves at pinarisan namin ng red na tie. In fairness bagay sa kanya. Actually lahat naman yata ng kulay bagay kay Mark. Maputi kasi siya tapos ‘yung mata niya dark brown then black ‘yung pinaka gitna. Kaya pag tinignan mo siya. Medyo royal ‘yung dating. "Kain muna tayo?" Bigla kong naramdaman ‘yung gutom. Hinawakan niya ulit ‘yung kamay ko at hinatak papunta sa isang restaurant. "Uy nawiwili ka ah?" Nakaupo na kasi kami nakahawak pa rin sa kamay ko si Mark. "Ang sarap kasi hawakan, e,” binitawan niya ‘yung kamay ko, "Amber–" "May I take your order?" Kinindatan ako nung waiter. Hinawakan naman ulit ni Mark ‘yung kamay ko. Alanganing ngumiti ako. "Beef steak half raw and iced tea," order ni Mark. "For two na please." Tumango lang ‘yung waiter at iniwan na kami. "Oy! Kamay mo." "S-sorry," huminga siya ng malalim, mga tatlong beses, "Amber about do’n sa nangyari two nights ago. Do’n sa ki–" "Ah 'yon. Wala 'yun Mark. Nabigla ka lang siguro," umiwas ako sa tingin niya. "Liligawan kita Amber," seryosong sabi niya. Napatingin ako sa kanya. "May question mark ba sa sinabi mo?" Umiling siya. "Joke time na naman ba 'to?" "Kailan mo ba ako seseryosohin? Nung sinabi ko sa iyo na ako ‘yung secret admirer mo wala ka man lang naging reaction. Ngayon gan’yan pa sasabihin mo?" Hindi siya galit parang more on stress na stress na siya. "Hinanap kita kaya lang na unahan pa rin ako ni Ethan," he sighed, "Mahal mo ba talaga si Ethan?" "Oo,” mabilis na sagot ko, “Ewan ko ba naman do’n! He's saying the words pero madami pang pasikot sikot. Alam mo 'yun? Ang kulang na talaga sabihin niya na mahal niya rin ako." Napakuyom siya. "Ay sorry." "Birthday kahapon ni Ethan." Tinignan ko lang siya. "Advance birthday gift ko sa iyo." Nag lapag siya ng 1k sa table at sinenyasan ‘yung waiter. "Keep the change." Iniwan na niya ako. Hindi pa nga dumadating ‘yung order namin, e. Teka. Ano na naman ba nagawa ko? Gaga ko naman kasi. Seryoso si Mark bakit hindi ko magawang seryosohin? Pag kasi napapasok sa usapan si Logan gusto ko na lang puro siya ang pag usapan. Nababaliw na ko. Hay. Hindi na rin ako nakakain. Nag-ikot muna ako sa mall. Nakakaoffend ba ‘yung ginawa ko? Pero kasi hindi talaga si Mark. Hindi ko naman puwede pilitin ang sarili ko. Unfair 'yun para saming dalawa plus hindi pa ko sumusuko kay Logan. Alam ko at ramdam ko na kahit papano may chance, nababakla lang talaga siya. Birthday kahapon ni Logan, hindi ko man lang alam. Hay. Ano ba inatupag ko kahapon? Pinanggigilan ‘yung baklang date niya. May na daanan akong music shop kaya pumasok muna ako. Ano kaya puwede ko iregalo kay Logan? "Kuya may guitar pick kayo?" Napanganga si kuya sa akin. "Bakit po?" "Malamang kasi music shop 'to?" Tinuro niya sa akin ‘yung istante na may mga nakahilera na pick. "Kung wala kang magugustuhan d’yan, mayroon pa ako sa loob." Tinignan ko lahat nung tinuro niya. Wala man lang nag outstand para sa akin. "Kuya patingin pa po nung iba." Sinenyasan niya ako ng wait tapos pumasok siya sa parang stock room. "Miss ito, isa lang ang gan’to sa buong mundo." Tinignan ko ‘yung pick. Nakabukod siya ng box. Sosyal. Glass pa ‘yung box. Isang legendary guitarist daw ‘yung gumawa no’n. Tinignan kong maigi. Sa unang tingin aakalain mong simpleng black na guitar pick lang siya pero pag tinignan mong maigi makikita mo ‘yung parang silver curve lines na design niya. "Ah black wings?" Tinignan ko pa maigi. "Ang astig naman nito!" Hindi mo makikita kagad na wings siya unless igagalaw mo ‘yung pick. Alam niyo ‘yung parang 3D effects? Gano’n. "Alam mo ‘yung legendary guitar na si Lucifer? The Angel of Hell guitar?" Umiling ako. May kinuha siyang parang catalog. "Here. Kung hindi lang ako naunahan ng batang 'yan malamang nakuha ko rin si Lucifer." Tinignan ko ‘yung picture. "Eh! Si Logan 'yan, e!" Wala sa loob na sabi ko. "Kilala mo siya?" Tumango ako. "Tanong mo naman kung ibinebenta na siya si Lucifer. Kahit magkano, bibilin ko." Alanganin akong ngumiti. Simula nung nakilala ko si Logan never ko pa siyang nakitang gumamit ng ibang gitara, kaya malamang hindi niya ibebenta 'yun. "Kuya mag kano 'tong pick?" "20, 000." Tinawanan ko si Kuya. "Bakit? Sa auction ko pa nakuha 'yan." "Eh kuya pick lang naman 'yan eh! Aba malay ko ba kung gawa gawa mo lang ‘yung kwento mo?" Kinuha niya sa kamay ko ‘yung glass box. "E, di itanong mo pa sa batang 'to," tinuro niya si Logan. "Hindi kami close niyan kuya. Sige na ibenta mo na sa akin. 1k." Sa kakulitan ko binenta niya din sa akin. 2.5k ang hirap niyang kulitin ah. Haha. Pero ayos lang. Nakuha ko naman ‘yung pick. Sana magustuhan 'to ni Logan. Tinitigan ko ‘yung pick. Ang ganda talaga. Dumiretso ako sa Café. Malamang naman kasi nando’n sila. Napalabas pa ulit ako nung pag pasok ko. Puno ‘yung café namin. Parang pag pumasok pa ko sasabog na. Hintayin ko na lang siguro sila dito sa labas. 1 hour. 2 hours. 3 hours. Tinignan ko ‘yung relos ko. Huwat?! 10pm na? Anong oras ba ko dumating dito? 6? 2 hours lang set nila ah? Papasok na sana ulit ako nang sakto naman nakita ko si Logan palabas. "Lo–" Nawala ‘yung ngiti ko. Naramdaman ko na lang tumutulo ‘yung luha ko. Wala sa loob na binato ko sa kanya ‘yung regalo ko. "Belated happy birthday!" At tumakbo na ko palayo. Okay lang na may nakakapit sa kanyang lalaki. Okay lang nakakapit lang, e. Pero. Pero. Pero ‘yung maghalikan sila? Sobra na 'yun! Masakit, e!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD