Chapter Fifteen: Happy birthday!

1825 Words
ETHAN "Uncle Ethan! Good morning!" Kiniss ako ni Jaimee sa cheeks. "Belated happy birthday po. Hinahanap po kita kagabi, pero may work ka daw po." "Oo, e. Sorry huh?" Nginitian niya ako. "Uncle. Dito pala mag bebirthday si Ate Amber. Nandito din ba siya sa Pangasinan?" "Birthday?" "Opo. The day after tomorrow po ‘yung nakalagay sa schedule do’n sa lobby." Tinignan ko ‘yung reminder ko sa cellphone. December 21, 20xx Birthday ni Tiboyish Gig @ Hotel Monreal 7pm "Ah uncle, sabi po pala ni Tito Ferdinand pumunta ka daw po sa garden. May ime-meet po ata kayong client." Tinap ko ‘yung ulo niya bago ako umalis. Pag labas ko sa kwarto ko sakto nakasalubong ko na sila James. As usual hindi na naman ako pinansin ni Mark. Gan’to ba talaga? Kailangan talagang gan’to? Mag kaibigan kami pero nagagalit siya sa akin dahil sa babae? Hay. Pag dating ko sa garden nakita ko na kagad si Amber. Nag skip ng beat ‘yung puso ko. Alam niyo ‘yung parang naexcite ako nung makita ko siya. Siguro nga. Siguro nga ito na 'yon. Napangiti na lang ako sa na isip ko na 'yun. I was about to call her pero na lapitan na ko nung babaeng kausapn niya. "Good morning, Sir." Tumango lang ako. "Sir late na kayo dumating kanina." "Ah. Oo." "Miss gusto ko black and red ang theme. Ayaw ko ng pink." Nakatingin lang sa akin ‘yung babae. Napangisi tuloy ako. "Miss?" Sinenyasan ko siya na kinakausap siya ni Amber. "Ano nga po 'yun Ma'am?" Wala sa sariling tanong nung babae. "Huh! Wala d’yan ka na! Irereport kita sa manager mo!" Bigla na lang siyang nag march paalis. Hahabulin ko sana kaya lang, na unahan na naman ako ni Mark. "Hindi mo hahabulin? Halatang nag seselos si Bossing." Nginitian ko si James. "Hindi. We have a deal. Mark want us to have a fair fight," sagot ko. "Fair ba 'yun? Hahayaan mo siyang kasama ni Mark? E, paano kung hawakan ni Mark ‘yung kamay niya?" Tinitigan ko si John. "Simula sa pag hawak tapos unti unting lalapit ‘yung mukha ni Mark kay Amber. And then–" "Shut up!" Pigil ko sa kanya. Tinawanan nila akong dalawa. "Don't worry babantayan namin sila." At sinundan na nila sila Mark. Birthday niya pala sa makalawa. Ano kaya ireregalo ko? Drum stick? Hindi. Hindi siya puwedeng tumugtog, e. Ah alam ko na! Pumunta kagad ako sa jewerly store sa loob ng hotel. Hinanap ko ‘yung nakita kong necklace nung nakaraan. Nasaan na kaya 'yun? "Miss nasaan na ‘yung necklace na may drum stick na pendant?" Tanong ko sa attendant. "Sir, may nakabili na po kahapon," sagot niya. "Mayroon pa ba kayong gano’n?" Umalis siya saglit tapos pagbalik may hawak na siyang box. "Sir ito, mayroon pa pong isa." Nginitian ko ‘yung babae. "Kukunin mo na po, Sir?" Tumango ako. "Paki-gift wrap sa black na wrapper at red na ribbon. Thank you." Biglang parang nag taka ‘yung babae. "Miss may problema ba?" "Wala naman po, Sir. Gan’yan din po kasi ‘yung order nung kahapon. Black wrapper and red ribbon." "Ah gano’n ba. Paki bilisan na lang, Miss. Thank you." ♀♂♀♂ Nangingiti ngiti ako habang hinihintay ko si Amber dito sa café nila. Malamang naman pupunta dito 'yun kasi may gig kami. Pati nandito na si Mark kaya sigurado akong hindi sila mag kasama. Nag report naman sila James kanina, bukod sa. Ahem. Holding. Ahem. Hands nila, wala namang ibang ginawa si Mark. Medyo nakahinga ako nang maayos. Nag simula na ‘yung set namin. Kahit sobrang daming tao, pilit kong hinanap si Amber. Pero wala. Hindi ko talaga siya makita. Pag katapos ng set namin, inaya ako ni Justin na uminom ng konti. Since ‘yung tatlo daw hindi pa puwede ako na lang daw. Babangka na lang daw ‘yung tatlo para may kwentuhan. "Justin, bakit wala si Amber?" Tanong ko. Ramdam ko ‘yung tingin nila sa akin. "Bakit? Masamang itanong?" "Pang anim na tanong mo na 'yan, Ethan." Nginitian ko sila. "Pang anim na ba? O so asan si Amber? Bakit wala siya dito?" "Lasing na 'to. Tara iuwi na natin! Mahina pala 'to sa alak eh." Hindi ko na alam kung sino na ‘yung nag salita. Hehe. Lasing na ata talaga ako. Medyo umiikot na rin ‘yung paningin ko. Lalong umikot nung na ramdaman kong tinayo na nila ako sa kinauupuan ko. Shet. Hindi na ulit ako iinom. Hindi maganda feeling ko. "Aray!" Nagising ‘yung diwa ko nung may nabasag sa ulo ko. Napaupo ako sa sakit. "Ano’ng nangyari?" Nakita kong tulala si John. "Amber!" Napatingin ako sa tinitignan ni Justin. Si Amber. Tumatakbo palayo. Hahabulin ko sana kaya lang nahihilo talaga ako. "Fvck you pare!" Nagulat na lang ako nung sinuntok ako ni John. "Tang ina first kiss ko 'yun! Ikaw pa nakakuha!" Pinag mumura niya pa ako. "God bless you 'tol." 'Yun na lang ang nasabi ko. Tatayo na sana ako kaya lang pagdiin ng palad ko sa lapag parang may tumusok. "Oh s**t!" May bubog pala. Sino ba ‘yung bumato sa akin? "Ethan okay ka lang?" Tanong ni James. Tinulungan nila akong tumayo. "Tara dalin ka namin sa ospital." "Teka sandal," pinulot ko ‘yung card na nakita ko, "Belated happy birthday Logan! Sana magustuhan mo 'tong pick na regalo ko. Love, Amber," basa ko. Pick? Luminga ako sa paligid. Nag hahanap ng box." "Uy Ethan ano ba hinahanap mo? Kailangan mong ipagamot 'yang sugat mo," sabi ni James. Hindi ko na sila pinansin. "Shet nasaan na ba 'yon?" "Ano ba kasi ‘yung hinahanap mo? Para matulungan ka naming," tanong ni Justin. Yumuko ako sa paanan ni James. Tinapik ko. "Ano bang problema mo?" Tanong niya. "Alisin mo ‘yung paa mo," sabi ko. Napangiti ako nung nakita ko. "Finally!" Inangat ko ‘yung black pick. "Nawala ka pala sa box mo, e." Nag tataka silang tumingin sa akin. "Bakit?" "'Yan hinahanap mo? Inuna mo pa 'yan kaysa sa sugat mo? E, kung patayin na lang kaya kita?" Nakikita ko talaga ‘yung galit sa akin ni John. Ano ba ginawa ko dito? "Kayang kaya mong bumili ng madami niyan, e!" "Bigay 'to ni Amber, e. Tss." Tinignan ko ‘yung pick. "Shet." Kinuha ko si Lucifer. "Sabi na, e." "Wala ka namang sinasabi? Oy dalin niyo na nga 'yan sa ospital, mukhang natetano," sabi ni Justin. Dinala na nila ako sa ospital. Mabuti na lang mababaw lang, kundi mahihirapan akong tumugtog ng gitara ng matagal. Kinuha ko ulit si Lucifer at ‘yung pick. Saan kaya nabili 'to ni Amber? Lucifer is The Angel of Hell guitar. Simpleng black electric guitar lang sa unang tingin, pero pag tinitigan mo na saka mo lang makikita ‘yung silver lines niya. It was the legendary guitar. Ewan kung bakit legendary. Basta nung nakita ko 'to lahat ng allowance ko kinuha ko ng advance,e. Masyado kasing nakakaakit ‘yung silver lines niya. Makikita mo ‘yung sword na may nakayakap na wings. Ewan pero naakit talaga ako do’n. Maliit lang 'yun pero basta ang ganda ganda. Hindi ko ineexpect na makikita ni Amber ‘yung pick. Actually may part ng wings kay Lucifer na putol. Nasa pick ‘yung karugtong. Hindi ko na kasi afford kung pati ‘yung pick kukunin ko rin. Bata pa kasi ako no’n. Anyway, bakit kaya hindi binigay ni Amber ng personal ‘yung gift niya? Nando’n naman siya kagabi. "Day off pa din ni Amber?" Tanong ko kay Justin. "Hindi. Pero hindi siya papasok para sa preparation sa birthday niya bukas. Sabay pakita sa akin ng invitation. Nag angat din ng invitation ‘yung tatlo. "Bakit ako wala?" Napatitig silang lahat sa akin. "Wala nga akong natatanggap na invitation!" "So, ako na bahala bukas kay Amber." Nginisian ako ni Mark. Hindi ako makapag react. "Balitaan na lang kita." "Ako pa rin vocalist niyo bukas," giit ko. Nag kibit balikat siya. "I can sing. Si Justin din kumakanta." "Oo nga, kahit wala pala si Ethan okay lang tayo," sabi ni John. "Bakit feeling ko pinag kakaisahan niyo ako?" Nag kibit balikat lang sila. "Baka nasa hotel na ‘yung invitation ko. Mauna na ko." Iniwanan ko na sila. Binilisan ko talaga pag punta sa hotel kaya lang wala rin. Kamusta naman si Amber? Galit ba siya sa akin? Wala naman akong ginagawa sa kanya! Psh. E, kung puntahan ko kaya sa bahay? Kaya lang baka isipin naman niya desperado ako. Hindi. Baka bukas niya pa ibibigay ‘yung akin. Tama. Tama. ♀♂♀♂ "'Tol baka sipain ka mamaya palabas pag katapos ng set natin?" Tinignan ko lang nang masama si James. "Tara na." Padabog kong kinuha si Lucifer. Amp. Walang dumating na invitation so, ibig sabihin hindi ako invited. Tss. Bahala na nga. Aalis na lang ako pag katapos ng set. Kainis. Biglang bumilis ‘yung t***k ng puso ko nung makita ko si Amber papunta sa main stage. Ang ganda niya. Bagay sa kanya ‘yung simpleng make up at simpleng gown niya. Shet. Nawawala ako sa tano. Umiwas na ko nang tingin at nag concentrate na lang. Pag katapos ng unang set namin naunahan ako ni Mark na pumunta kay Amber. Lagi na lang siyang nauuna. Psh. Aabangan ko na lang siguro mamaya si Amber. Mga after 30 minutes bumalik na si Mark abot tenga ang ngiti. Gusto ko siyang murahin kasi sa akin lang siya nakatingin. Alam niyo ‘yung parang nang aasar? Tumayo na ako at hinanap si Amber. "Amber!" Nakita ko siyang mag isa sa fountain. "Tired?" Umiling lang siya. "Uhm. Thank you pala sa pick na binigay mo." Tumango lang siya. "Uy galit ka ba sa akin?" Tinignan niya ako nang masama. Kung nakakamatay ang tingin malamang patay na ko. "Ah Amber–" Nilabas ko na ‘yung regalo ko. Napatingin ako sa suot niyang necklace. "Kanino galing 'yan?" "Regalo ni Mark," matipid na sagot niya. Tinago ko ulit. Shet. Bakit sa lahat ng regalo pareho pa kami ni Mark? "May sasabihin ka pa ba?" "Happy birthday." Pasimple kong tinapon sa fountain ‘yung regalo ko. "Sige mauna na ko." "Wala ka man lang regalo sa akin? Psh. Kaya hindi kita in-invite, e. Kasi wala ka namang pakialam sa akin. Bakit nga ba ako nag eexpect? Sino ba si Amber kay Logan?" Napangiti ako sa kanya. Ang cute niyang tignan kapag nagagalit. "Wala? Oh tignan mo tinatawanan mo pa ko! Nakakainis! Tapos nung isang gabi nakita pa kitang nakikipaghali–" I can't help it! Ang cute cute niyang tignan kaya hinalikan ko na siya. "Sino’ng nag sabing wala ka lang sa akin?" I kiss her again. "Happy birthday! Puwede na ba 'yang birthday gift ko?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD