Chapter Sixteen: Heart on fire

1856 Words
AMBER Hindi ako pumasok kahapon. Malamang makikita ko si Logan. Ayaw ko ko siyang makita. Nakakadiri siya. Nakakadiri! ‘yung labi na niya na 'yon! Hinalikan din ako no’n! Bwisit! Ilang lalaki na kaya nakahalik sa baklang 'yon? Pag nakita ko ‘yung kahalikan niya. Ingungudngod ko talaga. Nakakainiiiis! Kahit ayaw ko siya makita namimiss ko naman siya. Makikita ko pala siya mamaya sa party ko. Amp. Tinignan ko ‘yung sarili ko sa salamin. Naks. Ganda ko. Maganda talaga. Sa ganda ko na 'to hindi ko pa rin maakit si Logan. Hay. Baka lutang lang siya nung sinabi niya sa akin na... Na ano? Wala naman talaga siyang sinabi na direct. Nag-aassume lang ako. "Happy birthday, baby. Ang ganda ganda ng anak ko." Niyakap ako ni Mama. "E, bakit hindi ka masaya?" Ngumiti ako. "Masaya po ako." Inabutan niya ako ng box. Mahabang box. Tinignan ko lang siya. Masyadong mahaba at mabigat para sa necklace. Sinenyasan niya ako na buksan na. "Ma! Thank you!" Sabay yakap sa kanya. "Kahit hindi ko naman 'to magagamit. Thank you, Ma." Nilapag ko ‘yung drum strick sa night stand ko. "And how about this?" Napatingin ako kay kuya Yael. May hawak siyang certificate ata. "This is to certify the agreement between Mr. Alex Yael Valdez and Mr. Alejandro Valdez allowing Ms. Amber Ysabelle Valdez to play any musical instrument during her work in Café Valdez. Signed by me and Papa. How about this as a birthday present, pretty sis?" Tumakbo kagad ako para yakapin siya. "Thank you, Kuya! The best ka talaga, e!" Kiniss niya ako sa forehead. "Thank you!" "Let's go?" Inoffer niya sa akin ‘yung braso niya. Syempre hindi na ako tumanggi. Grabe. Sobrang ganda ng kinalabasan ng venue. 17th birthday ko pa lang 'to. Pano na pag 18th ko na? Feeling ko any minute matatalisod ako. ‘yung tingin ng mata tao nakakalula. ‘yung tingin ni Logan nakakalusaw. Wow. Amber galit ka sa kanya 'di ba? Ano 'yan? Nakita mo lang wala na ang galit mo? Inayos ko ‘yung sarili ko at nag concentrate na lang sa pag lalakad. Pakilala dito, pakilala doon. Bati dito, bati doon. Napakaraming tao. 3% lang ata ang kakilala ko kasi kamag anak at mga kaibigan. More on puro business partners nila Papa at kuyas. Nakakapagod pa lang ngumiti. "Ysabelle." Akala ko kung sino ‘yung tumawag. Si Mark pala. "Kung maka-Ysabelle 'to!" Nag tawanan kami. "Uhm. Mark, sorry pala nung isang araw. Hindi ko na naisip ‘yung nararamdaman mo." Ngumiti siya. "Ah 'yon? Ayos lang. Hindi ikaw si Amber kung bigla na lang lalambot ang puso mo sa akin dahil lang don." Nag tataka akong nilingon siya. "Alam mo ang gusto mo, Amber. Hindi ka papayag na maging unfair ka. That's one of the thing I like about you." Ngumiti na lang din ako. "Oh birthday gift ko." Inabot niya sa akin. "Open it." "Wow! Thank you!" Kinuha niya ‘yung kwintas na may pendant na drum stick at sinuot sa akin. "Alam ko kasing hindi ka pinapayagan na tumugtog, kaya imbes na drum stick ito na lang." "Hehe. About do’n, actually pinayagan na ako. Basta sa loob lang ng café." Tumango tango siya at saka ngumiti. "Ah Mark. Uhm. Sino ‘yung... ‘yung ano..." "‘Yung hinalikan ni Ethan nung nakaraan?" Natatawa niyang tanong. "'Wag mo nang isipin 'yun. Hindi naman sadya 'yun. Nakainom lang si Ethan." "P-pero kasi..." Tinap niya ako sa shoulder. "Huling birthday gift ko. Sasabihin ko na bago pa mag bago isip ko. Si John 'yon. Gaya nga nang sabi ko aksidente 'yun dahil sa kalasingan ni Ethan at more or less nakaganti na naman si John." Aalis na dapat siya nung bigla siyang lumingon ulit sa akin. "Ah by the way, nag kasugat pala si Ethan dahil do’n sa na basag na box nung regalo mo. Hindi kita sinisisi huh? Sinasabi ko lang." "Gago." Napangiti na lang ako. Alam kong hindi pa rin okay si Mark, pero masaya ako dahil iniintindi niya ako. Kung hindi siguro dumating si Logan, baka kay Mark ako nag kagusto. "Amber." Hindi ko na kailangan tignan kung sino 'yun. Reaction pa lang ng puso ko alam ko na. "Tired?" Umiling lang ako. "Uhm. Thank you pala sa pick na binigay mo." Tumango lang ako. "Uy galit ka ba sa akin?" Tinignan ko siya ng masama. Hindi ako galit Ethan. Hindi! Kahit aksidente lang 'yun! Nahalikan mo pa din si John at kahit baligtarin ko pa ang mundo. Lalaki si John! Lalaki! "Ah Amber–" Napansin kong may bandage ‘yung kanang kamay niya. Mag sasalita na sana ako kaya lang. "Kanino galing 'yan?" Sabay turo sa necklace ko. "Regalo ni Mark." May kung ano siyang kinakalikot sa likod niya. "May sasabihin ka pa ba?" "Happy birthday." Hindi ko alam kung imagination ko lang ba o may tinapon talaga siya sa fountain? "Sige mauna na ko." "Wala ka man lang regalo sa akin? Psh. Kaya hindi kita in-invite, e. Kasi wala ka namang pakialam sa akin. Bakit nga ba ako nag eexpect? Sino ba si Amber kay Logan? Wala? Oh tignan mo tinatawanan mo pa ko! Nakakainis! Tapos nung isang gabi nakita pa kitang nakikipaghali–" Lahat nang sasabihin ko parang nag laho na lang ng parang bula. Nalulunod na naman ako sa halik niya. "Sino’ng nag sabing wala ka lang sa akin?" Hilo pa ako kaya hindi ko na intindihan ‘yung sinabi niya. Hinalikan niya ulit ako. Shet. "Happy birthday! Puwede na ba 'yang birthday gift ko?" "H-huh?" Naguguluhang tanong ko. Ngumiti siya. "Aalis na ko, hindi naman ako invited dito. Kaya na nila Mark ‘yung susunod na set." "T-teka," pigil ko. Tinignan niya ako. "Invited ka naman talaga. Nasa guest list ka kaya." Napayuko ako. Feeling ko malulusaw ako sa tingin niya. "Logan, mahal mo na rin ba ako o kahit gusto na lang?" "Hindi ba parehas lang 'yun?" Nag tataka akong tumingin sa kanya. "Parang tanong lang 'yan na 'Mahal mo ako kasi kailangan mo ako o kailangan mo ako kasi mahal mo ako?', 'di ba?" Hindi ko pa rin siya gets. "Gusto kita kasi mahal kita at mahal kita kaya kita gusto. Kaya iisa lang din ‘yung tanong mo. Oo at hindi lang ang sagot." "Ah so... Oo o hindi?" "Oo." Umiwas siya nang tingin sa akin. ‘yung feeling ko parang lumilipad ako sa ere. Shet. Mahal ako ni Logaaaan! "So, puwede mo bang sabihin sa akin 'yun?" Tinignan niya ako nang nagtataka. "Sabihin mo na 'yun?" "Ang alin?" Nginitian ko siya. "Ah 'yun? Ayaw ko nga." "E, akala ko ba mahal mo ko? Bakit hindi mo kayang sabihin?" Tinalikuran ko na siya, napangiti ako nung bigla niya akong niyakap mula sa likuran. Kinikilig talaga ako! "Hindi dahil hindi ko kayang sabihin, hindi ko na gustong sabihin. May mga bagay talaga na mahirap sabihin pero mas madaling iparamdam." Idiniin niya ‘yung dibdib niya sa likuran ko. Feeling ko nalipat do’n ‘yung puso ko. May malakas na kung anong kumakabog do’n. Don't tell me... "Gan’yan nag wawala ang puso ko pag malapit ka." Shet! May na mamatay ba sa sobrang kakiligan? Puwede bang ako ang mauna? "Logan." Hinawakan ko ‘yung braso niya na nakayakap sa akin. "So, ano na tayo niyan?" "Girlfriend kita?" Gano’n lang? Girlfriend niya na ko? Parang unfair 'yun sa akin? Inalis ko ‘yung pag kakayakap niya sa akin. "Ayaw ko! Ligawan mo muna ako!" Nanlaki ‘yung mga mata niya. "Ayaw ko nga! Never pa kong nanligaw, 'no!" Humalukipkip siya at umiwas nang tingin. "E, ‘di sabihin mo na lang na mahal mo ko!" Sorry. Gusto ko talagang marinig 'yun mula sa kanya. "Dali na para alam kong seryoso ka!" "Seryoso naman ako! 'Yun talaga nararamdaman ko!" Inis na nilingon niya ako. "Ayaw mo bang maging girlfriend ko? Hanggang ngayon lang ang offer ko. Bahala ka." "Ayaw ko! Hanggat hindi mo sinasabi ‘yung three words eight letters hindi ako papayag." Lalong naningkit ‘yung chinito niyang mga mata. "Bahala ka. Matatagalan pa 'yun bago mo marinig. Pag papraktisan ko pa. Siguro mga three years kong pag papraktisan." Hinawakan niya ‘yung pisngi ko. "Ayaw mo talaga?" 'Wag mo akong akitin please! Lumapit ‘yung mukha niya sa akin. I must resist! Pinalo ko ‘yung kamay na nakahawak sa mukha ko. "Araaaay!" "Sorry!" Hinawakan ko ‘yung kamay niyang nakabondage. Dumudugo! "Logan, sorr-" Nagulat ako nung bigla niya akong hinalikan. "...ry." "Ayaw mo pa din pumayag na maging girlfriend ko? Minsan lang 't– Araaaay!" Diniinan ko ‘yung pag hawak ko sa sugat niya. "Gagawin ko lahat para sabihin mo 'yun. Tss. Bahala ka na nga d’yan!" "Oh e, ‘di ikaw manligaw sa akin!" Hindi ko na siya pinansin. Pero shet. Ito na yata ang pinaka masayang birthday ko. Kinikilig pa rin ako. Kainis! After no’n, hindi na kami ulit nakapag usap ni Logan. Busy siya sa pag kanta at ako naman sa panonood sa kanya. Ay este sa pag-aasikaso sa mga bisita na hindi ata na uubos. Pero ayos lang. Kahit pagod na ko, masaya naman ako eh. "Birthday gift namin ni Ysh." May inabot sa akin si Kuya Yosh na sobre. "City tour plus pocket money. Ang tagal mo na dito pero hindi ka pa nakakalibot" Tinignan ko lang silang dalawa. Hindi kasi ako makapaniwala eh. "Good for ten 'yan. Puwede ka mag sama kung sino gusto mo." Napangiti ako. Isasama ko sila Logan! "For two day and one night lang 'yan ah?" "Thank you mga kuya!" Sabay hug sa kanilang dalawa. "So, ano gusto mong regalo?" Napatingin ako kay Papa. "Wala pa akong regalo sa unica hija ko." "Pa, puwede niyo po ba ako payagan mag boyfriend?" Nabuga niya ‘yung iniinom niyang wine sa dalawa kong kuya. "Pa?" "May nanliligaw ba sa iyo? Gusto mo ba siya? Sino siya? Ano ang business ng family nila?" "Pa? Nag papaalam pa lang po ako." Sa itsura ni Papa mukhang malabong pumayag siya. "Nevermind pa. Bigla ko lang po naisip 'yun." "Good. Mag aral ka muna nang maigi." Tumango lang ako at nag paalam na pupuntahan muna sila Mark. "Ate Amber! Happy birthday po!" Sabay yakap sa akin ni Jaimee. "Naninibago po ako sa iyo." "Maka-po ka naman! Haha. Salamat. Kanina ka pa ba dito?" Tumango tango siya. "Uy sama ka sa Sunday? May City tour ako na good for ten, e." "Sige po! Basta kasama naman po si Uncle papayagan po ako." Ngumiti na lang ako. Hanggang ngayon hindi ko pa din alam kung ano connection ni Jaimee kay Logan. I mean hindi naman siya anak ng mga ate ni Logan, pero uncle ang tawag niya. "I won't let you go, now you know. I've been crazy for you all this time." Napatingin ako kay Logan. Parang kinilig pati kaluluwa ko nung kinindatan niya ako. "With the heart on fire. Heart on fire." Malapit ko na talagang itanong kung bakla ba talaga siya. Bakit ang galing niyang mag pakilig? Kainis!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD