Chapter Eighteen: Amber, I love you.

1618 Words
AMBER "Hindi ka ba puwede mag stay ng konti pa?" Tanong ko kay Logan, while nag papuppy eyes. "Please?" "Saglit na lang ha? Hindi puwedeng nandito ako ng Christmas." Tinignan ko 'yung relos ko. "Maaga pa naman. May ilang oras ka pa." Sumampa ako sa front ng kotse niya. "Tara upo ka din dito." Sumunod naman siya. "Thank you ha? Ang saya ko kahapon pati ngayon. Sayang nga lang umuwi kagad sila Mark sa Manila. Aray!" Pinitik niya 'yung ilong ko. "Ano ka ba? Syempre Christmas na mamaya kailangan kasama sila ng family nila." Inakbayan niya ko. "Alis tayo bukas?" Kinikilig ako! Kainis. "Hmm? Saan naman tayo pupunta?" Pasimple kong inayos 'yung sarili ko. Baka maramdaman niyang kinikilig ako. "Iuuwi na kita sa Manila." Natawa ako at tumingin sa kanya. Seryoso siya. "Seryoso?" Ngumiti siya pero hindi pa rin tumitingin sa akin. "Syempre hindi, baka mapatay ako ng Papa at mga kuya mo." Humigpit 'yung akbay niya sa akin. Alam niyo 'yung kulang na lang yakapin niya na ko ng todo? "Pero seryoso, alis tayo bukas. Punta tayo kahit saan." "Tayong dalawa lang?" Tumango siya. Seryoso siya. Bakit kaya? "Nakakain ka ba nang panis? Bakit gan’yan ka ngayon?" "Wala lang." Nilock niya ako sa mga braso niya. Ngayon nakayakap na siya, pero pa sideway. "Ayaw mo ba?" "Teka. Hindi ako makapag isip." Kumalas ako sa yakap niya at hinarap siya. Medyo nag tataka 'yung itsura niya. "Kinikilig ako, e!" Tumawa siya. "Shet pati tawa mo kinikilig na din ako. Ano bang gayuma ang pinainom mo sa akin?" "Pumasok ka na nga. Malamig na din dito, e." Tinignan ko 'yung bahay namin. "Ayaw ko pa." "Sige na. Kailangan ko na din umuwi, e." Hindi. Ayaw ko pa talaga. "Ano relasyon niyo ni Jaimee?" Natawa siya. "'Yung pag kakasabi mo naman parang may affair kami." Natawa na lang din ako. "Fiancee siya nung anak ni Ate Jessica. Medyo complicated i-explain." "Fiancee? Ilan taon na ba si Jaimee? 12?" "Oo. It's a family thing. Pag uwi ni MK dito after High School they will get married." "Wow! Kakaiba 'yang pamilya niyo ah. Pati ikaw?" Umiling siya. "Sigurado 'yan?" "Oo. Isa lang 'yun sa bawat generation. I mean halimbawa sa aming apat na mag kakapatid isa lang ang puwede ilagay sa arrange marriage. Since si Ate Jessica ang medyo malapit ang age sa kabilang party siya ang ipinakasal." "Hindi ba unfair 'yun? Paano kung hindi naman niya mahal 'yun?" "They have some arrangement naman li– Teka! Nililibang mo ako, e." Nginitian ko siya. "Amber, sige na pumasok ka na. Susunduin kita ng mga 4:30am." "Ang aga naman!" Kiniss niya ako sa forehead. "Sige na, good night!" Tinulak na niya ako pababa. "Tatawagan kita mamaya." Nag dadabog akong pumasok sa gate namin. "'Wag ka na tumawag! Matutulog ako." "See you!" Sabay hawak sa dibdib niya. "Oo na! Pasalamat ka mahal kita kaya pag titiyagan ko 'yang sign mo! Alis na! Psh." "Basta sunduin kita mamaya ha?" Tumango na lang ako. "Siya 'yun, 'di ba?" Biglang nag tayuan 'yung mga balahibo ko sa katawan nung may narinig akong nag salita. "Kuya Yael naman! Puwede 'wag mang gulat?" "Siya 'yun, 'di ba?" Tumango lang ako at nilagpasan na siya. "Akala ko ba heat of the moment lang 'yung dati?" Halatang nang aasar siya. Psh. "Kuya naman eh!" Inakbayan niya ako. "So, saan date niyo bukas? Puwede bang sumama kahit sinabi niyang kayong dalawa lang?" Nanlaki 'yung mga mata ko. "Sorry susunduin na sana kita nung nakita ko kayo d’yan sa labas, e. Kayo na?" "Yata? Ewan." Kinurot niya 'yung ilong ko. "Sa bintana ka dadaan mamayang 4:30. Panigurado hindi matutulog sila Papa," kinindatan niya ako, "Ako’ng bahala." ♀♂♀♂ Dahan dahan kong binuksan 'yung bintana ko. May nakahanda ng hagdan. Nilagay siguro ni Kuya. Sumilip muna ulit ako sa labas ng kwarto para tignan kung nasa salas sila. Mukhang nag kakatuwaan sila. Hindi na siguro nila ako mapapansin. Sumilip ako sa bintana pag baba ko. Gusto kong mag paalam kay Mama kaya lang kinakabahan ako. "Sorry ma. Promise mag kukwento po ako pag uwi ko. Minsan lang po topakin si Logan, e." "Psst!" Napatingin ako sa sumusutsot. "Tara na!" "Saan ba kasi tayo pupunta?" Kinabit niya sa akin 'yung seatbelt ko. "Kahit saan." Sabay hawak sa kamay ko. Walang nag sasalita samin. Gusto kong mag salita kaya lang parang masisira 'yung moment. Alam niyo 'yun? Hawak niya lang 'yung kamay ko. Pag magpapalit siya ng gear bibitaw saglit pero babalik kagad. "Ah hindi ko na kaya! Logan, mawawala ba ako?" Nag hmm lang siya. Pasimple akong tinignan sa rear mirror. "I want you to hold my hand pero hindi ko na alam mararamdaman ko, e." "Kiligin ka na lang. Puwede naman 'yun 'di ba?" Hininto na niya 'yung kotse sabay tingin sa akin. "Kinikilig ka 'no?" Sabay tap ng index finger niya sa tungki ng ilong ko. "Tara na. Baka malate tayo." Hinihintay kong bitawan niya 'yung kamay ko para makalabas na ko, pero hindi niya binitawan. "Paano ako lalabas? Hahatakin mo ko d’yan sa side mo?" He squeezed my hand bago niya binitawan. Napangiti na lang ako. "Bilisan mo." Pag baba ko nakaabang na kagad 'yung kamay niya. Ano ba 'yan? Walang sawa sa holding hands? Haha. "Malapit na dali!" Hinatak na niya ako. Nasa beach pala kami. Ngayon ko lang na pansin. Si Logan kasi inakupa utak ko eh. Lagi na lang. Umupo kami malapit sa seashore. "Ano ba gagawin natin dito?" "Manonood ng sunrise?" Dahan dahan akong tumingin sa malawak na dagat. Wow. Unti-unti nang lumiliwanag. "Ang gan–" Nagulat ako nung nilean niya 'yung ulo ko sa balikat niya. Gad parang sa movie lang! Kinikilig ako! "...da." We spent the whole day sa pag stroll sa buong city. Nagawa na naman kahapon pero iba pa rin pala kapag kaming dalawa lang. Alam niyo 'yun? Parang mas enjoy ako ngayon. Mas masaya. Lahat ng atensyon ni Logan na sa akin. As in sa akin lang. "Hindi pa ba tayo uuwi?" Inangat niya 'yung mag kahawak naming kamay at tinignan 'yung relos niya. "Kailangan talaga hindi bumibitiw?" "Oo. I don't want to be separated from you," sabay titig. Napayuko ako at napahawak sa dibdib ko. Shet! "Okay ka lang?" "Shet!" Hinarap niya ako sa kanya pero nakayuko pa rin ako. Hindi ko na mapigilan. "Hindi ko na kaya, Logan." "Ang alin? May masakit ba sa iyo?" Tinignan ko siya. Mukhang kinakabahan siya. "Uy Amber, okay ka lang ba? Ano 'yung hindi mo na kaya?" "Hindi ko na kayang pigilan 'yung kilig ko!" Napanganga siya sa sinabi ko. Ako naman na tawa. "Sorry, Logan!" Biglang nag dilim 'yung itsura ng mukha niya. "Sorry." "Akala ko kung ano na nangyari sa iyo. Kinabahan ako." Hinawakan niya ulit 'yung kamay ko. "I'm serious here, Amber." "Seryoso din ako. Kinikilig talaga ako Logan." Huminga siya ng malalim at umiling iling. "Okay ka lang ba, Logan? Medyo ang weird mo kasi ngayon, e. I mean, bakit ba ang sweet sweet mo ngayon?" Inalalayan niya akong makaupo sa front hood ng kotse niya. "Seryoso Logan? May nakain ka ba?" "'Wala. Gusto ko lang maging generous sa iyo ngayong Christmas." Hindi ko alam kung tatawa ba ako o hindi. Seryoso kasi siya eh. I squeezed his hand and nag lean sa shoulder niya. "Amber..." "Hmm?" Tinitigan ko 'yung sunset. The best talaga pag sa beach mo pinapanood. "M-ma-ma." Halatang hirap siya sa sasabihin niya. Pumikit ako at nilagay ko 'yung kamay ko sa dibdib niya. "Sshh. Alam ko. Ramdam ko." Hinawakan niya 'yung kamay ko na nakahawak sa dibdib niya. "Sabi ko naman I'm willing to wait eh." "Gusto mo nang umuwi?" "Parang ayaw ko pa. Baka kasi pag uwi ko tapos sa susunod na mag kita tayo iba ka na naman," natatawang sabi ko. Pinitik niya 'yung ilong. "Bakit naman ako mag babago?" "Wala lang, sabi mo lang kasi kanina magiging generous ka ngayon kasi pasko. Eh bukas hindi na pasko." Ngumiti siya pero hindi abot hanggang mata niya. "Wait." May kinuha siya sa loob ng kotse. Si Lucifer. "Alam mo ba 'yung regalo mo 'yung bubuo kay Lucifer?" Umiling ako, pinakita niya sa akin 'yung design ni Lucifer na ngayon ko lang nakita. "What?! Pakpak 'yun ni Lucifer?" Tumango tango. "Wow. Astig pala." "Parang ikaw 'to, e," sabay angat sa pick. "Ikaw ang bumuo sa akin." Napatitig ako sa kanya. "Logan, ikaw yata papatay sa akin." Tinap niya ako sa ulo. "Sa sobrang kakiligan? Psh." Inayos niya 'yung gitara niya at nag strum siya. "I'm falling in. I'm falling down. I wanna begin but I don't know how. To let you know how I'm feeling. I'm high on hope. I'm winning." Ako na nag tuloy. "And I won't let you go," sabay hawak sa braso niya, "Now you know, I've been crazy for you all this time. I've kept it close always hoping with the heart on fire." "Magaling ka pa lang kumanta?" Pinalo ko siya sa braso. "Baka lalo akong mahulog niyan." "Psh. Tara na nga, baka hinahanap na ko." Inalalayan niya ako bumaba at pinagbuksan pa ng pinto. Pag sandal ko parang bigla akong nakaramdam ng antok. "Logan, matutulog muna ko ha? Gisingin mo na lang ako pag dating sa bahay." After no’n wala na akong maalala. "Amber, I love you. I really do. Promise pag balik ko. I'll be someone na kaya mong ipagmalaki. Wait for me. Please." Hinalikan ako ni Logan. Panaginip ba 'to? Parang totoo. "I love you. I love you." Then I saw him drifting away. "Logan!" Bigla akong napabalikwas ng tayo. "Panaginip lang pala." Napatingin ako sa paligid ko. "Paano ko na punta dito sa kwarto ko?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD