AMBER
5 years later...
"Hi babe!" Nginisian ko lang si Justin na ngayon ay palapit na sa akin na may kasamang cute na babae.
"Makababe tapos may kasamang ibang babae. Ano ba 'yun?" Nginitian ko 'yung cute na babae. "Hi Jerykah, how's your mom?" Medyo na lungkot 'yung kapatid ni Justin. "She'll be fine. Don't worry okay?" Nilipat ko 'yung tingin ko kay Justin. "Sabay na tayo pumunta sa studio?"
"Yeah, hatid lang natin si Jerykah sa train station para makauwi na siya."
"Hindi na kuya, kaya ko na. Maout of the way pa kayo ni Ate Ysabelle eh."
"You sure? Okay lang talaga na ihatid ka namin."
"Hindi na po." Medyo nag bow siya ng konti at tuluyan nang umalis.
"Stop treating her like a baby Justin. She's already 18," paalala ko sa kanya. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse. "Don't give me that look."
"What look? I'm just staring at you. God Ysabelle, bakit ba ang ganda ganda mo?" Sabi niya pag sakay niya sa kotse.
"Sapak gusto mo?" Ngumisi na lang siya at nag maneho na.
Habang nasa hi-way kami hindi ko maiwasan tignan 'yung mga billboard. No matter how hard I tried na iwasan 'yun hindi ko magawa. It's been five years pero makita ko lang picture niya... Gano’n pa rin ang epekto niya sa akin. Hinawakan ko 'yung dibdib ko.
"Damn you, Logan," bulong ko habang sinundan pa rin nang tingin 'yung billboard na nalagpasan na namin.
After that Christmas, hindi ko na siya ulit nakita. Hindi na siya nag paramdam. That weird dream came true. Na wala na lang si Logan bigla sa buhay ko. Oo sa buhay ko lang. Lagi ko siyang tinatanong kila Mark. Kinakamusta. Hanggang gano’n lang ako. Feeling ko kasi ayaw na talaga ako makita ni Logan. Masakit lang kasi umasa ako. Alam niyo 'yun? Feeling ko naman totoo 'yung pinag samahan namin noon sa Pangasinan. Hindi ko talaga alam kung bakit bigla na lang siyang na wala.
I tried to forget him. Hindi madali. Lahat naman ginawa ko. Sinubsob ko 'yung panahon ko sa pag aaral. Nag pakabusy ako sa pag tulong sa business nila Papa. Akala ko I'm doing good. But I'm wrong. When I saw his face in the news, na wala lahat ng kadena na nilagay ko sa puso ko. After five years of trying akala ko na gawa ko na. Hindi pa pala.
Kailangan ko na talagang mag move on. Logan has his life now. Famous chef. I should accept the fact na wala ako sa na pili niyang path ng buhay.
♀♂♀♂
"I heard mag bubukas daw ng RestoBar si Ethan?" Pasimple akong tumingin kila Mark na nasa loob na ng recording studio. "I never expect na magiging chef 'yun."
"Ako din. Ang akala ko ang alam lang no’n kumanta." Nagtawanan pa sila. "Balita ko nga kukunin niya tayong guest sa opening." Umiwas ako nang tingin nung tumingin sa akin si John. "Ang tanong lang kung papayag si Ma'am Ysabelle." Bigla kong na bagsak 'yung hawak kong drumstick.
"May nakikinig ata." Tinignan ko sila ng masama. "Bossing, i-schedule na ba natin?" Tanong ni James.
"Puno ang schedule niyo dahil sa mga mall shows at TV guesting."
"I don't mind." Tinignan ko si Kuya Yael. "Go ahead, isingit niyo sa schedule niyo 'yan." I just rolled my eyes. "Ysabelle, let's talk." Tumango ako at sinundan ko siya sa office niya.
"Kuya saan ko isisingit 'yung sched na 'yun? Puno sila for the whole month!" Nagkibit balikat siya at may tinawagan sa intercom.
"Lheine, please report in my office now."
"Lheine?" Napanganga ako kay Kuya. "You've got to be kidding me. Kuya!" Sakto naman pumasok si Lheine.
"Lheine, ikaw na ang new ng manager ng The Cliché." Napatakip na lang ako ng mukha. "Kunin mo lahat ng schedule kay Ysabelle."
"P-pero Sir..." Kinuha ko 'yung planner ko sa bag. Huminga muna ko ng malalim bago tuluyang binigay kay Lheine.
"Lahat ng schedule nila nand’yan, lahat ng kailangan mo for the events nakanote na d’yan. Kung may tanong ka all my details are in there."
"M-ma'am okay lang po ba talaga?" Tumango lang ako. "Hindi ko po sila pababayaan." Nag bow siya at nag paalam na.
Tinignan ko ng masama si Kuya. "What now? You're kicking me out?" Huminga siya ng malalim.
"Ysabelle, tapos na 'yung one year na binigay sa iyo ni Papa. You need to work na sa company natin."
"Bakit hindi na lang dito? Kuya, I love it here. You know naman how much I love music. Hindi ba puwedeng katulad mo din ako? Gagawa ako ng sarili kong company."
"Ysabelle." Binagsak ko 'yung katawan ko sa couch. "One year ka ng graduate, pero ano ang ginawa mo? Sunod ka ng sunod kila Mark. Kailangan ka ng business natin."
"I don't know anything about food kuya! All I know is how to eat. Kahit ilang taon akong nag training hindi talaga 'yun 'yung gusto ko."
"Then gumawa ka ng paraan para may mapatunayan ka kila Papa. Like what I did."
"Yeah right. I will help them expand their business then bigla ko na lang iiwan like what you did," I rolled my eyes, "My life sucks!" Bulong ko sabay tuluyang humiga sa couch. "Kuya I like to work here. Hindi man ako artist katulad nila Mark, but at least I can still play here. No one's stopping me."
"You know what? If you don't know anything about food, then look for someone that does." May hinarang siyang picture sa mukha ko. Bago ako nag salita nag labas muna ako ng 500 pesos at inabot sa kanya.
"No fvcking way." He rolled his eyes. "Seriously, Kuya? Sa lahat ng tao si Logan talaga?" Tumayo ako at tinignan siya ng masama. "I will check our branches here in Manila, pag wala akong na gustuhan babalik ako ng Pangasinan."
"Whatever you say, sis."
Hindi ko rin chineck 'yung mga restaurant namin. Tinamad ako pati parang nakakawalang gana. Binagsak ko 'yung katawan ko sa kama ko at nakipag titigan sa kisame. May ilang beses din akong nag buntong hininga.
"Ano ba Logan?! Will you stop popping in my head?! Hindi ka nakakatulong kainis!" Sinabunutan ko 'yung sarili ko. "Kaya wala akong nararating, e. Ang alam ko lang isipin ka. Gad. Nakakadiri na 'to."
Tumayo ako at hinanap 'yung cellphone ko. Makagala na lang kasama nila Justin. “Nasaan na ba 'yun?" Binaliktad ko na 'yung bag ko wala. Napatingin ako sa study table ko. May cellphone do’n, pero hindi sa akin. "Kanino 'to?" Inopen ko 'yung phone. Nagulat ako dahil picture namin ni Logan 'yung wallpaper. Picture pa namin nung Christmas na mag kasama kami. Don't tell me kay Logan 'to?
"Ay shet!" Nahulog ko 'yung phone nung may biglang tumawag. "H-hello."
"Oh thank God! Hi miss, buti na lang sinagot mo. That's my phone and I really need it. Saan kaya tayo puwede mag kita para makuha ko 'yan?"
"S-sino 'to?"
"Oh right. I'm Ethan Parker. Uhm. Ikaw na bahala mag set ng date and time as long as makuha ko lang 'yung phone ko. Ay by the way saan mo pala nakuha 'yung phone ko? Baka malapit lang ako sa area puntahan na kita."
Parang na bingi ako. Wala akong naintindihan sa mga sinabi niya. Nag paulit ulit 'yung pangalan niya sa tenga ko. Nakakabingi.
"Miss? I really need you to talk right now."
"Uh. Sa park sa St. Agatha Village."
"Sige, okay lang ngayon na tayo mag meet? May hinihintay kasi akong tumawag d’yan, e."
"O-okay." Hindi ko na siya hinintay sumagot pinatay ko na lang basta. Napaupo ako sa desk. "Gad. Pano nakapasok 'yun dito sa kwarto ko?" Napahawak ako sa desk para hindi ako maout balance. Medyo nagririgidon ang puso ko at hindi ako makapag isip. Napadiin 'yung palad ko. "Ano 'to?" May nakaumbok.
Patay lahat ng part ng desk maliban do’n. Tinignan kong maigi. Kinuha ko 'yung ballpen at tinuklap 'yung parang silicon na nasa ibabaw. Madali lang pala tanggalin. May nakalagay na maliit na papel at flash drive.
Call me after you see this.
-Logan Parker
Binuksan ko 'yung laptop at tinignan 'yung laman ng flash drive. Video. P-in-lay ko.
“Ready. Okay. Record. Ahem. Ahem. Day One.” Inayos ni Logabn yung camera. “Hi Amber! Kamusta ka na? Siguro pag nakita mo `to nag tatago na naman ako. Nga pala ito ang unang araw ko sa kwarto mo. Sorry kung nirent ko ng hindi mo alam ha? Hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin sa iyo. HAHAH. Pero 'wag ka mag-aalala hindi naman ako dito matutulog. Gusto ko lang Nandito ako parati para kahit nasa malayo ka, feeling ko nasa malapit ka pa din…”
“Day 105, sorry wala ‘yung day 101-104 gumagawa kasi ako ng project no’n, e. Nawala sa loob ko na mag video. Pero babawi ako, ang dami kong ikukwento sa iyo…”
"Day 365, one year na!! Kamusta ka na? Ang haba na din nitong navivideo ko. Pero syempre pag pinakita ko saiyo `to edited na lang. Pero kung gusto mo makita ng buo ipapakita ko saiyo. ‘Wag kang mag-alala. Sobrang miss na kita. Kung puwede lang kita puntahan sa Pangasinan ginawa ko na. Kaya lang nag promise ako sa parents mo, e. Merry Christmas!”
“Day 700, 30 days na lang two years na. Sabi nila Tita pinaghuhusayan mo daw sa study. Ako din! Gusto ko kasi pag nagkita tayo maipagmamalaki mo ako…”
“Day 730, kung naging tayo siguro ang tawag sa araw ng `to ay “2nd Anniversary” natin. Dalawang taon na. Galingan mo pa sa study ha? Mahal kita, Amber. Merry Christmas."
"Day 1311, graduate ka na! Congratulations! I'm proud of you! Sa ngayon nakikita mo na din siguro ako sa mga news. Kung interesado ka pa sa akin. Hay. Amber, pag nagkita tayo puwede mo akong sapakin..." Biglang nag iba 'yung background. Hindi na sa kwarto ko.
"Day 1313, nagulat ako umuwi ka na pala sa Manila. Sorry Amber. Hindi ko pa kayang mag pakita. Kinakabahan ako. After four years ngayon lang kita makikita..."
"Day 1719, pag nakita mo 'to. I'm ready to face you. Sapakin mo ko tatanggapin ko. Ayos lang, kasalanan ko naman, e. Amber, kagaya ng sinabi ko. Pinag praktisan ko 'to. Amber, I love you! I still love you. Pag nag kita tayo promise ito ibubungad ko sa iyo, syempre bukod sa yakap at halik. Sana makita mo 'to kagad. Pero okay lang kahit abutin pa ng ten years bago mo 'to makita. Maghihintay ako. Mahal kita."
Ang tanging alam ko na lang pagkatapos no’n. Tumutulo ng walang humpay ang mga luha ko.