ETHAN “’Tol ilang buwan na ba?" Tinignan ko lang si Mark at sabay inom sa beer ko. "Apat? Hindi niya pa din nakikita?" Tumango tango lang ako. Apat na buwan na nga atang nakatago 'yung ginawa kong video para kay Amber. Pero okay lang sabi ko naman I'm willing to wait. Kahit gaano pa katagal. "Sinabi mo na ba kay Amber? Huli ka na yata, e. Sila na ni Justin." Tinignan ko ng masama si John. "Seryoso 'tol. Ang sweet sweet nila tapos babe pa tawagan nila. Tingin mo hindi sila?" "Gago naman kasi 'tong si Ethan, e. Bigla na lang umalis. Ni hindi nga yata naging kayo ni bossing,” sabi ni James. "Alam niyo naman, 'di ba? Hindi naman ako aalis kung hindi kailangan, e." "Minsan mas masarap pa sigurong maging normal na tao na lang. Alam niyo 'yun? Pag mayaman ka ang daming alam ng mga magulang

