AMBER Tahimik lang ako habang nakikinig sa paliwanag nila Papa about sa talagang nangyari. Wala akong masabi. As in wala. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong i-react. Dapat ba akong matuwa? Kasi sabi nila ginawa nila ‘yun para sa akin. Para sa akin nga ba? Gad. Hindi ko sila maintindihan. “Ysebelle, nakikinig ka pa ba?” Tinanguan ko lang si Papa. “Hija, like what I’ve said, ginawa ko lang naman ‘yon para sa iyo. Alam ko naman kasi na hindi mo talaga hilig ang business natin.” “Oo na po, Pa. Na kaya niyo pinilit si Logan na kumuha ng culinary para may mag tuloy ng business niyo. Gets ko na po ‘yung part na ‘yon. Ang hindi ko po maintindihan ay kung bakit kailangan niyo pa po siyang ilayo sa akin? All this time ang akala ko, hindi niya talaga ako mahal kaya niya ako iniwan. Alam niyo p

