Chapter 1

2090 Words
[Kaythelyn's POV] Nanatili parin ako nakaupo habang nakapikit,ng maramdaman kung wala na sila, saka lumabas ang luba ko na kanina pa gustong lumabas, tuloy tuloy yun na nagdaloy sa pisngi ko. Hindi ko alam na ganito pala ka worst ang school na ito, hindi ko ini-expect na ganito ang mangyayari sa akin sa unang araw ng pagpasok ko sa school na ito. Wala naman kase akong ginawang masama eh, bakit ganito kahirap magaral dito, require ba dito na magaral kasama ang mga ganitong sakit sa katawan, ang sakit ng balakang ko at panga ko, feeling ko papasa yung panga ko dahil sa pagkakahawak nya. Napasama ata yung pagbagsak ko sa sahig kanina, patay ako kay kuya pag nalaman nya ito. Unti unti akong tumayo, humawak ako sa upuan para suportahan ako, kung sakaling mahulog ako sa sahig. May pumapasok na ibang studyante dito para sa next subject, kaya mas binilisan kong gumalaw, kinuha ko ang bag ko at isinakbit yun sa balikat ko,nasa pintuan na ako para lumabas ng bigla na naman may bumunggo sa akin. "Fvck!! Ang sakit!!"sigaw ko dahil sa sakit ng balakang ko, napaluha ako pero agad kung pinunasan yun, ilang beses paba ako mahuhulog sa sahig ngayun araw na ito. "Miss sorry, ayos ka lang ba?"Sabi nito sa akin at tinulungan ako tumayo,pinilit kong tumayo pero hindi ko talaga kaya, pinagtitinginan na naman kami ng studyante dito. Kung sa bagay ampogi naman kase ng nakabangga ko eh, siguro badboy din ito dito. "H-hindi ko kayang tumayo"nahihiya kung sabi dito. "Tara hatid na kita sa clinic"sabi nito at balak ata akong buhatin, pero pinigilan ko ito. "A-anong gagawin mo? Hindi na kailangan"sabi ko sa kanya, pero itinuloy nya parin ang pagbuhat sa akin. "Oy ano ba ibaba mo nga ako, baka kung anong sabihin ng iba"sabi ko sa kanya. "Don't mind them, isipin mo nalang na bayad ko ito dahil sa pagbangga sa iyo"sabi nito at nagpatuloy sa paglalakad, pinagtitinginan na kami ng mga studyante na masasama ang tingin sa akin, isinubsub ko ang sarili ko dibdib nya, para takpan ang mukha ko, wala na akong pake kung anong isipin nya. Bigla naman nagtilian ang mga babae sa hallway,hindi ko makita kung sino ang tinitilian nila, nacucurious ako. "Ang Black red gang group"rinig kung sabi nung lalaking buhat buhat ako, nakasubsob lang ako sa dibdib nya. "Sino yun?"curious na tanong ko. "Sila ang sikat na basketball player at sikat na badboy dito sa school,at sikat na gangster,ang pinakaleader sa kanila ay si ezekiel"sambit nito na ikinagulat ko, sana hindi ko nalang sya nakilala. Pero nalilito ako sa sinabi nya sa akin kanina, sana hindi nalang ako dumating saan?. Malapit na kami sa groupo, nararamdaman ko ang presence nila malapit na kami doon. Pero parang walang paki itong lalaking kung sino ang dadaanan namin, pagkalapit namin sa group, ramdam ko ang titig nilang lahat sa amin lalo na sa akin, kaaya mas lalo kong ibinaun ang ulo ko sa dibdib ng lalaki. "Diba si Kaythelyn yun? Bakit buhat sya ni lumine?"alam kong kay ethan na boses yun, pero s**t nakilala nya ako. "Sino si kaythelyn?"tanong ng isa sa kanila. "Ahh oo sya yung ano ni ezekie-"hindi na natapos ang sasabihin ng isa sa kanila. "Shut up Van!"biglang salita ni ezekiel. Bumigat ang aura ng maramdaman ko ang titig ng isa sa kanila, alam kung kay ezekiel yun,pero tumuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa malampasan na namin sila. Pagdating namin sa clinic, pinagpahinga mo na ako ng nurse. "Medyo na pasama lang ang hulog mo sa sahig, but maybe later you'll be fine,next time be careful ok?"sabi ng nurse na maganda. Tumango naman ako agad, tiningnan ko ang lalaking naghatid sa akin dito,hindi pa kase sya umaalis. "H-hindi ka pa ba aalis?"tanong ko sa kanya. "Pinapaalis mo na ba ako?"walang emosyon nitong sabi. "No, ah kase baka nagsisimula na ang klase mo, baka mapagalitan ka dahil sa akin"nakatungo kung sabi. "Ok sige, aalis muna ako, para makapagpahinga ka din babalik nalang ako mamaya, pagkatapos ng klase ko"ngumiti ito sa akin ng kaunti at saka pumihit papuntang pinto. "Wait, t-thank you nga pala, a-anong pangalan mo?"sabi ko sa kanya. "I'm Lumine Jay Dela cruz, call me lumine for short"nakangiti nitong sabi, nakakatulala ang ngiti pero walang wala yun kay ethan, grabe ang mga studyante dito, puro pogi ang mga nakakasalubong ko. "I'm kaythelyn agatha De leon, call me kaythelyn for short"pagpapakilala ko rin sa kanya at saka ngumiti. Pagkatapos ng pagpapakilala sa isa't isa, bumalik na sya sa klase, habang ako nagpahinga lang sa clinic at nakatulog ako doon. Nagising ako ng may naririnig akong kaluskus na parang plastic, kaya minulat ko ang mata ko at bumungad sa akin ang mala dyosang nakilala ko kanina si yvonnie. "Finally your awake, ghad, are you ok na ba?"concern na tanong nito sa akin, umupo na ako at kinusot ang mata. "Oo ok lang ako, p-pano mo nga pala nalaman na andito ako?"takang tanong ko. "Ah sinabi sa akin ng kuya ko, nakita kase nya tayong makasama kanina kaya sinabihan nya ako na andito daw yung friend ko"sabi nito at kumuha ng pagkain at inabot sa akin. Sh*t si kuya, baka malaman nya tong nangyari patay na naman ako dun, sana hindi nya malaman,siguro hindi naman nya malalaman kase nasa ibang building sya. "May kuya ka?"tanong ko sa kanya at sumubo ng pagkain, kanina pa ako hindi kumakain. "Yup, sya yung naghatid sayo dito, si kuya lumine"nakangiti nitong sabi sa akin habang kumakain, kaya pala hawig sila ng mata at ilong. "Ahh, hindi mo naman sinabi na may kuya ka pala"sabi ko sa kanya. "Gurl, we had no time before, so i didn't introduce my brother to you,duh"sabi nito sa akin at inirapan ako, may pagkamaray pala ang isang ito. "Bakit ka nga pala andito? Di ba may klase ka pa?"sabi ko at sumimsim ng tubig na binigay nya. "Wala naman ginagawa sa room eh, puro introduce lang sa sarili, kaya i ditch nalang"sabi nito at nagkabitbalikat, may pagkapilya din pala ang babaeng to. Masaya ako kase unang araw may kaibigan na agad ako, pero naging mesirable lang yun dahil sa ezekiel na yun, bweset. "What happen to you ba girl?"biglang tanong nito sa akin. "Bweset kaseng ezekiel na yun, pinahiya na nga ako sa buong klase tapos ilang beses pa akong nalaglag sa sahig dahil sa kanya, bweset"sabi ko at nawalan na ako ng gana kumain, kaya itinabi ko na yun. Paglang talaga nalaman ni kuya ang nangyari sa akin at parusahan ako ni kuya hinding hindi ko talaga sya patatawarin. "E-ezekiel what?"natigilan nitong sabi "Ahh hindi ko alam yung full name eh basta Ezekiel Forester daw, ewan" kabit balikat ko, hindi ko kase alam full name. "E-ezekiel Bryle F-f-f-forester?"tulala nitong sabi,ano pa kayang meron sa babae na ito bukod sa may pagkamaldita, pilya ngayun naman may paka weird. "Ezekiel Bryle Forester! Omy ghad girl!"tili nitong sabi at hinawakan ang dalawang balikat ko at inalog alog yun,habang kinikilig, don't tell me crush nya ang walang modong lalaking yun. "OMG!OMG!OMG girl!!! Your so swerte naman, napansin ka ng ultimate crush ko!!"tili ng tili nitong sabi, seryoso ultimate talaga?. Napailing nalang ako sa kanya,ang maladyosang babaeng ito may gusto sa handsome evil, tsk, sayang ka girl. Wait, sinabi ko bang handsome evil, what the heck, pogi ba yun, eh mukha ngayun ewan eh. "Alam mo ba elementary palang ako crush na crush ko yun!,dati nung binubully ako ng classmate ko, pinagtanggol nya ako yieeee! Napaka sweet nya di ba, tapos alam mo ba........"hindi ko na pinakinggan ang kadaldalan ng babaeng nasa harap ko ngayun, wala akong pake sa pinagsasabi nya tungkol sa lalaking iyon, ang iniisip ko sana hindi malaman ni kuya ang nangyari. Pagkatapos ng ilang oras sa wakas uwian na,medyo masakit parin ang balakang ko pero kakayanin ko,andito sila lumine,ihahatid na daw nila ako. Pagdating ko na aninag ko si kuya naka sandal sa kotse nya, napaka gwapo nya tingnan sa ganung posisyon,kung hindi ko lang to kuya baka naging ultimate crush ko na rin to. Nauna ng umuwi si yvonnie, may sarili kase silang kotse ng kuya nya kaya hindi na sila ng sabay, taray may sariling kotse,inaalalayan parin ako ni lumine. "Lumine, pwede favor, wag mong sasabihin kay kuya ang nangyari ngayun, wag kang magpahalata na may masakit ako, please,patay kase ako pag nalaman nya eh"puppy eyes kung sabi sa kanya, natawa naman sya sa ginawa ko. "Ok so dito nalang pala ako, kaya mo naman siguro maglakad eh, baka bugbugin ako ng kuya mo pagnalamang may kasama kang lalaki"nakangiti nitong sabi. "Ahh oo naman kaya ko na, thank you nga pala huh" "Wala yun, sige alis na ako bye"sabi nito at naglakad paalis, himinga muna ako ng malalim bago nagpatuloy sa paglalakad papunta kay kuya, pinilit kong wag mag pahalata na may masakit. Inayos ko ang paglalakad ko na parang normal, paglapit ko sa kanya agad kumunot ang noo ko at tiningnan ako ng masama,nanginginig na ang tuhod ko dahil sa tingin nya, baka alam nya na. "K-kuya let me explain"biglang sabi ko. Lalong kumunot ang noo nya. "What happen? Bakit ang tagal mo"tanong nito, medyo na bunutan naman ako ng tinik sa lalamunan dahil iba ang tinanong nya. "Ah ano kase, u-umihi pa kase ako eh, kaya medyo natagalan"kabado at hindi ako tumitingin sa kanya. "Bakit hindi ka makatingin sa akin?"galit na sabi nito sa akin"may nangyari ba? May ginawa ka na naman bang katangahan?"galit na tanong nito, god please save me. "W-wala ah, ang saya nga eh, w-walang ginawa m-maghapon"depensa ko. Hinawakan nya bigla ang mukha ko, oo nga pala yung panga ko masakit pa, dahil sa lalaki na yun. "Ouch!"biglang sabi ko ng hawakan nya yung hinawakan ni ezekiel kanina sa panga ko, mabilis na nagbago ang expression ni kuya at lalong dumilim. "KAYTHELYN AGATHA!"patay na "WHAT. HAPPEN. TO. YOUR. FACE?"galit na galit na sabi nito sa akin, nangamgatug na ang tuhod ko. "W-wala kuya, promise, wala talagang nangyari, promise, promise ko talaga kuya"nanginginig sa takot kung sabi. "Then what happen to your face?why does your face have a wound and a blood stain?"masama nitong sabi. Hindi ko alam na nagkasugat pala ako, siguro dahil sa pagkakadiin ni ezekiel sa kuko nya sa mukha ko. "A-ah ito ba, uhmm... Ano kase eh, N-na ano-"hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng mag salita sya "Don't lie to me, Kaythelyn agatha.what really happened to you?"madiin at maawtoridad nitong sabi. "Wala nga kuya! Bakit ba ayaw mong maniwala! Kailan ka ba maniniwala sa akin? Itong sugat na to, may nakakalmut sa akin ng hindi sinasadya ok? Wag mo ng tanungin nagsasabi ako ng tototoo!"inis na sabi ko at sumakay sa kotse, baka sa kaling gumana yung pagtatampo ko. "Sasusunod na ulitin mo pag talikod sa akin habang kinakausap kita, malilitikan ka sa akin kaythelyn, wag mo kung subukan" galit nito sabi pagkapasok sa loob ng kotse. "Once i find out you're lying and something hiding from me,don't show your face to me, you might not like what i do to you"pagbabanta niti sa akin, bakit ba napakasama ng ugali sa akin nitong kuya ko, hindi naman sya ganito dati eh Habang nasa byahe kami pabalik sa condo, tumingin nalang ako sa labas ng bintana, namiss ko ma yung dating kuya ko, yung napaka sweet at protective kung kuya, ano bang nangyari sa amin bakit nagkaganito ang relasyon namin. Siguro dahil mula nung magkahiwalay kami nagkaganito, dapat pala isinama nalang namin sya sa probinsya para hindi kami nagkahalay,para hindi ganito relasyon namin sa isa't isa, lagi syang cold, galit, mainit ulo,at lagi akong tinitingnan ng masama. Habang nakatulala ako bigla may pumiltik ng noo ko, kaya napahimas ako dun sa sakit. "Ano tatanga tanga ka na naman? Bumaba kana mauna kana sa condo, may kailangan lang ako puntahan"sabi nito sa akin. Another tatanga tanga words, from my kuya, hehehe hindi naman masakit eh, ayos lang ako. "S-saan ka pupunta?"paguusisa ko. "It's none of your business, now get out of my car"maawtoridad nitong utos, kaya wala na akong nagawa kung hindi bumaba. "Uwi ka agad huh, ingat-"hindi ko na natapos sasabihin ko ng ipaharorot na nya yung kotse nya, napabuntong hininga nalang ako, nakakamiss yung relasyon namin dati ni kuya. Pumasok agad ako sa building ng condo namin ni kuya, at sumakay ng elevator, pagpasok ko sa room agad akong pabagsak na humiga sa kama ko,hays nakakapagod ang araw na ito. Maya maya pa medyo dinadalaw na ako ng antok kaya unti unti kung isinara ang talukap bg mata ko, sana magluto si kuya ng hapunan. ______________________________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD