Chapter 2

2167 Words
[Kaythelyn's POV] Nagising ako ng may humihimas ng pisngi ko, kaya agad kung binuksan ang mga mata ko, bumungad si kuya na gulat na gulat sa pagkagising ko at saka tumayo sabay talikod paalis, pero tumigil din sya. "Ginamot ko na yang sugat mo sa pisngi, sa susunod sa oras na mangyari pa ulit to sayo malilintikan ka sa akin, Kaythelyn. Mag ayos kana para makakain na"sabi nito sa akin at saka tuluyang lumabas ng kwarto ko. Napangiti naman ako at hinawakan ang pisngi ko na ginamot ni kuya, masaya ako kahit patagong nagaalala sa akin si kuya, kahit pano may pakialam pa rin sya sa akin. Nagpalit na ako ng damit, dahil hindi ako nakapagpalit kanina pagdating,lumabas ako sa kwarto ng may ngiti sa labi, nakita ko si kuya na nanonood ng tv. "Tara kuya, let's eat"aya ko sa kanya. "Mauna kana kumain, ayaw kita kasabay"poker face nitong sabi habang nasa tv ang tingin. "Bakit kuya? Di ba lagi naman tayo sabay kumain, naaalala mo na nun lagi mo akong sinusubua-"hindi ko na natapos ang sasabihin ko. "Shut up, kaythelyn! Pwede ba!!"sigaw nito sa akin at tumayo sya sa sofa at saka pinatay ang tv at naglakad papuntang kwarto nya. Hindi ako kumibo sa kinatatayuan ko dahil sa pagkagulat "May mga bagay na hindi na dapat binabalikan,hindi na tayo mga bata para gawin pa natin yung dati nating ginagawa, lahat nagbabago, kaythelyn, kaya wag kana umasa na babalik pa tayo sa datin, hindi na tayo bata"sabi nito sa akin at tuluyan ng pumasok sa kanya kwarto. Doon ko naramdaman ang likodung dumadaloy sa pisngi ko, at saka ngumiti ng mapait,nawalan na ako ng gana kumain, kaya umupo nalang ako sa sofa at doon umiyak. Dahil sa pagod ng mata ko kakaiyak hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa sofa,nagising ako na nakaayos ako sa pagkakahiga at may kumot sa katawan ko. Tiningnan ko ang orasan alas 12 na pala ng gabi, nakita kung bukas ang tv, at doon ko din nakita si kuya na tulog sa maliit na sofa,nakatulog siguro habang nanonood. Tumayo na ako at saka pinatay ang tv at lumapit kay kuya, tinitigan ko si kuya. "Kuya bakit ang cold cold mo sa akin? May nagawa ba akong mali sayo? Kuya i miss you so much"sabi ko habang nakatitig sa maamong mukha ni kuya, sana hindi lang pagtulog maamo ang ni kuya, sana kahit gising maamo din, kaso paggising sya napaka cold nya. Naglakad na ako papuntang kwarto ko at saka doon na tulog, nagising lang ako ng may malakas na kumakatok sa pinto ko. Dali dali kung binuksan ang pinto,bumungad sa akin si kuya na galit na galit. "G-good morning kuya"pilit na ngiti ko, kahit alam kung galit sya, lalong nagdilim ang aura nya. "Wala ka bang balak pumasok! Ang aga aga iniinis mo na naman ako, kaythelyn, ang lakas mo pang magsabi ng good morning, alam mo bang kung anong oras na!"galit na galit na sabi nito sa akin. "O-opo kuya, sorry"nakatungo kung sabi. "Bilisan mo, kung ayaw mong iwan kita!"inis na sabi nito at saka tumalikod. Agad akong nagmadaling pumunta sa cr at pagkatapos ko agad akong nagbihis, hindi na ako nagsuklay baka lalong magalit si kuya eh, 5minutes nalang late na ako sa first subject ko. Pagkatapos ko magbihis agad akong lumabas ng kwarto, at nakita ko si kuya na inip na inip kakahintay. "Tara na kuya, s-sorry ulit"sabi ko at saka kami lumabas ng condo, hindi sya nagsasalita hanggang sa makasakay na kami sa kotse ni kuya. Hindi na ako nagabalang magsuklay o ano, kainis hindi ko kase naset yung alarm ko sa cellphone. "K-kuya late ka na rin ba?"tanong ko sa kanyq, pero wala akong nakuhang sagot sa kanya. "Ahh ok self, nice talking, sarap mo kausap"sabi ko sa sarili ko habang kunwari kinakausap ang kamay ko. Pagdating namin sa school agad akong nagmadaling bumaba sa kotse at balak ko na sana tumakbo papasok sa campus pero nagsalita si kuya. "Kaythelyn, wag na wag kang gagawa ng katangahan, wag na wag mong kakausapin si bryle"sabi nito sa akin, nalito naman ako, lumapit sa akin si kuya at nilagyan ng band aid yung sugat ko sa mukha. Minsan nalilito ako sa mga kilos ni kuya, hindi ko alam kung mabait ba talaga sya o masama sa akin, tulad nalang ng pinapakita nya sa akin ngayun, hayss Pero sino si bryle? Pero wala na akong time tanungin pag kung sino yun ng biglang magbell hudyat na sumila na ng klase. "Sorry kuya, kailangan ko na umalis"sabi ko at tumakbo. "Ayosin mo yang buhok!"rinig ko pangsabi nito pero hindi na ako nagabalang ayosin pa dahil late na talaga ako. Takbo ako ng takbo hanggang sa makarating ako sa room. "Ms. De leon your late again"sabi ng prof, pinagtitinginan naman ako ng mga classmate ko, napatingin ako sa bandang dulo na inuupuan ko kahapon, at nung angel at devil na kasama ko. Himala hindi sila late ngayun,nakita ko si ezekiel na bored na nakatingin sa labas ng bintana, si ethan naman ay nginitian ako. "S-sorry sir"sabi ko at saka kumamot sa batok. "Take your sit"sabi nito kaya naglakad ako papuntang upuan ko kahapon, hindi ko pinansin si ezekiel, at deretsyo akong umupo sa upuan ko, hindi ko din pinansin si ethan. "Hindi ka ba nagsuklay ng buhok?"tanong ni ethan sa akin, pero hindi ko sya pinansin, deretsyo lang akong nakatingin sa nagtuturo na teacher namin. "Are you mad at me?"tanong ni  ethan ulit. "Shhh wag kang maingay pwede?"sabi ko kay ethan pero nginitian nya lang ako, kaya natulala na naman ako. "Wait what happen to your face?"turo nito sa pisngi ko, umiwas agad ako ng tingin. "Can i see?" sabi nito at hinawakan ang pisngi ko at iniharap sa kanya, napaka amo ng mukha nya,pero inalis ko yun yung kamay nya sa mukha ko. "Ethan, hindi tayo close kaya pwede wag mo ko kausapin, kung ano man ang  mangyari sa akin, it's none of your business anymore"sabi ko at saka umiwas ng tingin sa kanya,nalungkot naman sya sa sinabi ko kaya nakaramdam ako ng lungkot. "Dahil ba ito sa nangyari kahapon?"tanong nito ulit, bakit ba ang kulit sya, pumikit ako at huminga ng malalim. "Ethan, don't annoy her"sabi ni ezekiel sa tabi ko. "Ohh Shut up beast!"sigaw ko kay ezekiel, akala mo makakalimutan ko yung ginawa mo sa akin kahapon, dahil sayo muntik na naman akong malintikan kay kuya. Tumingin naman sya sa akin ng masama, kaya hindi ako nagpatalo at nakipagtitigan din ako sa kanya ng masama. "What did you say?"sabi nito sa akin habang masamang nakatingin. "Are you deaf, i said, ohh shut up BEAST!"pinagkadiinan ko pa yung salitang beast. "How dare you! Kilala mo ba kung sino ako?!"sigaw nito sa akin, lalong lumalalim ang tension sa aming dalawa. "Oo kilala kita bilang isang lalaking mayabang, masama ugali, walang modo, walang respeto, at selfish!"sigaw ko sa kanya,galit na galit naman sya na ano mang oras ay sasabog na ito sa galit. "Kayong dalawa,get out of my class now!, tumayo kayo sa labas ng classroom, hanggang matapos ang klase!!"biglang sigaw ng teacher namin, ano na naman tong katangahan na ito. Patay na naman ako kay kuya. "Sir,sya po kas-"hindi ko na natapos sasabihin ko ng bigla ulit itong sumigaw. "No buts! Now!"sabi sigaw nito. "Sir hindi naman po but ang sinabi ko ah"sabi ko kaya lalo sya nagalit. "Ok sir, lalabas na po" inis na sabi ko at saka tumayo sa labas ng classroom, nagiging miserable pagaaral ko dito. Pacool naman na lumabas yung isa, hindi ko sya pinansin, nabwebweset ako sa lalaking ito. Pero bakit ba may sa loob loob ko, matagal ko na sya ng kilala, pero hindi ko makilala,hindi ko matandaan kung paano at kung saan. "Ano masaya kana? Second day ko dito pero ganito na agad nangyari sa akin"sabi ko habang nakasandal sa pader. "Wala akong pake sa nararamdaman mo"walang emosyon na sabi nito, nakakainis talaga ang lalaking to. "Ano bang problema mo sa akin?"sabi ko sa kanya at hinarap sya. "Hanggang ngayun ba naman, nagpapanggap ka parin na walang alam?!"inis din na sabi nito, ano bang pinagsasabi nya. "Anong ibig mong sabihin? Anong nagpapanggap, may nagawa ba ako?!"sabi ko sa kanya at inis na kinagat ang labi dahil sa pagpipigil. "Oo sobrang laki! Pero bakit nagpapanggap ka na walang alam! Hindi pa ba malinaw sayo kung bakit ako ganito?!"sabi nito sa akin, at tumingala na halatang nagpipigil. "Pano ko malalaman kung hindi mo sinasabi kung anong ginawa ko, ang labo mo rin kausap, pwede ba layuan mo na ako! Gusto ko lang magaral dito, fine kung ayaw mo kung katabi lilipat nalang ako sa iba!"sigaw ko at nagwalk out. "Ms. De leon, where are you going?"biglang sigaw ng teacher namin. "Sa impyerno sasama ka?!"hindi ko mapigilan na sagutin ang teacher namin, well hindi na naman iba ito sa akin, sa bicol lagi kung nasasagot ang teacher namin, top student man ako pero wala akong takot sagutin ang teacher namin, kaya wala na akong paki kung nasagot ko sya. "Ms. De leon! Come back here!"sigaw pag ng teacher namin, pero nagtuloy tuloy nalang ako sa paglalakad. Bweset na lalaki yun, ano ba nagawa ko sa kanya, bakit parang ang laki ng galit nya sa akin, wala naman akong natatandaan na may ginawa ako sa kanya, bukod dun sa hindi ko pagbigay sa kanya ng upuan sa kanya na gusto nya. Hindi ko alam kung saan ako pupunta,basta lakad lang ako ng lakad, hindi ako nakakaramdaman ng pagod dahil narin siguro sa inis ko. Namalayan ko nalang na nasa tapat na pala ako ng library,mabuti na dito kesa makasama ang lalaking yun. Pumasok ako sa loob at naghanap ng libro na novels para basahin. Ganito lagi ang ginawa ko pagwala sa mood, nagbabasa lang ako ng mga nobela, pagkakuha ko, naghanap ako ng upuan malapit sa bintana, at nagsimulang magbasa. Sa second subject nalang ako papasok, hahabol nalang ako sa lesson total, kakasimula lang naman ng klase eh,habang nagbabasa ako, hindi ko namamalayan na unti unti na pala akong inaantok. "Teka asan ako?"tanong ko sa sarili ko, ang pagkakaalala ko nasa library ako, pero bakit nasa isang tapat ako ng bahay, na sobrang laki. Napakaganda ng bahay na ito, nakatayo ako sa harap ng gate na ito. "Sino kaya may ari nito ang ganda naman"sabi ko ulit dahil sa pagkamangha. Habang nakatingin ako sa mansion na iyon,bigla akong may narinig na, nagtatawanan na mga bata sa hindi kalayuan, balak ko sana tingnan pero hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. "Ayaw ka namin kalaro, mukha kang monster, beh beh beh beh beh"naririnig kung sabi ng mga bata, at naaaninag ko iyon, may pinapalibutan sila. "Hindi mo naman kamukha ang kuya mo eh, ampon kalang"sabi pa nito at nagtawanan. "Ah ampon, ampon, kawawa naman"sabi ka ng iba. "Hindi totoo yan!"sigaw ng bata at saka tinulak ang isa, naaninag ko ang mukha ng batang umiiyak. "T-teka ako yun ah, p-pero bakit hindi ko matandaan na nangyari to sa akin?"sabi ko sa sarili. Maya maya pa, biglang itinulak din sya ng isa, kaya napaupo sya. "Hey! Stay away from my sister! Umalis na kayo, if you don't want to fight with me!! Alis!"biglang may tumakbong lalaki sa kanya, at alam kung si kuya yun, niyakap nito agad ang batang umiiyak. "Teka nasugatan ka ah, wait here i'll just buy some band aid ok? Don't cry kuya is here, i will never leave you again and no one can hurt you, because kuya is always to protect you, wag kang makinig sa sinasabi nila ok?"sabi ni kuya sa batang babae, saka pinahid nito ang luha sa pisngi ng batang babae, at hinalikan sa noo. "Thank you kuya"sabi nung batang babae. "For what"takhang tanong nito. "For being always by my side, thank you for always protecting me,thank you for being nice with, for being my kuya"sabi ng batang babae at saka niyakap ang kuya nya, hindi ko namalayan na umiiyak na rin pala ako, sana ganito parin si kuya. "Just wait here, i'll buy some band aid for your wounds"sabi nito at hinalikan ang noo ng batang babae, at saka kumalas para bumili. Hindi nagtagal biglang may lumapit sa kanyang batang lalaki, hindi ko maaninag ang mukha nito dahil sa pagkablurd, sino yun? Hindi ko narin narinig ang pinaguusapan nila, hanggang sa namalayan ko nalang na nagtatawanan na sila. Maya maya pa, biglang nagiba ang paligid,nakita ko yung batang babae kanina na umiiyak na kalaro ang isang batang lalaki na hindi ko maaninag ang mukha,hindi ko rin marinig pinaguusapan nila, mukhang masaya silang dalawa. Hindi nagtagal bigla nalang kiniss ng batang lalaki yung batang babae kanina na ako pala, p-pero teka bakit nya ako hinalikan? S- sino ba sya?bakit hindi ko matandaan na nangyari sa akin iyon? Nagising nalang ako dahil sa sinag ng araw,inangat ko ang ulo ko at nakita ko sa harap ko na may isang lalaki, na nagbabasa, unti unti nitong binaba ang binabasa nya at pinagpawisan ako, at nangatog ang tuhod, a-anong ginagawa nya dito? _____________________________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD