[Kaythelyn's POV ]
Napaupo ako ng tuwid, at tumungo,dahil sa pagkabigla, anong ginagawa nya dito, salubong na salubong ang kilay nya at masama ang tingin sa akin.
"Bakit andito ko? Di ba may klase?"biglang tanong nya, sinalubong ko ang tingin nya, na ngayun ay medyo bumabalik na sa dati.
"Bweset kase yung demenyo mong kaibigan eh! Akala mo naman ang laki laki ng atraso ko sa kanya, kaya ayon nag walk out nalang ako"inis na sabi ko, at oo tama kayo, ang lalaking kaharap ko ngayun ay walang iba kung hindi ang isang lalaking mukhang anghel sa paningin ko..... Si ethan.
Hindi ko sya nakilala dahil sa aura nya kanina, nakakunot ang noo, gulo gulo ang buhok, at masama ang tingin sa akin.
"Hahaha.. Oo nga eh, narinig ko pa nga yung sabi mo sa prof na, sa impyerno, bakit sasama ka?"panggagaya nito sa akin at tumawa,natulala na naman ako sa tawa nya, shock bakit parang angel sya.
"Alam mo bang wala pang nakakasagot sa prof nayun maliban kay ezekiel at ikaw" sabi pa nito at tumawa ulit, parang kanina lang, parang galit na galit sya ngayun tawa naman ng tawa, naka shabu ba to"ang tapang mo naman"pahabol pa nito.
"Well, hindi na iba sa akin yun, ganun ako sa school na pinagmulan ko,halos lahat na ata ng teacher nasagot ko dun, at maraming beses na rin ako na guidance"proud pang sabi ko, nagulat naman sya sa sinabi ko.
"Seryoso? At proud ka parin nyan huh"sabi nito at tumawa ulit,seryoso ano bang nakakatawa sa sinasabi ko" alam mo bang ikaw lang ang babaeng nagkwento sa akin nyan, ang tapang mo naman, kaya pala wala kang takot na ganun ganunin nalang si ezekiel at alam mo din bang ikaw lang ang babaeng gumanun kay ezekiel,wala kaseng naggaganun sa kanya,lagi kase syang pinagkakaguluhan dito sa campus"sabi nito at ngumisi at nagpailing iling.
"Bakit nakasali na sa usapan natin si satanas? At ano namang pake ko sa lalaking yun"sabi ko sa kanya na agad ikinakunit ng kanyang noo.
"Huh? Sinong satanas? Wala naman anong sinabi na satanas ah"sabi nito sa akin habang nakakunot noo.
"Bakit, si ezekiel ba hindi satanas, diba demenyo naman yun"sabi ko sa kanya, na sya naman ikinahagalpak ng tawa nya, baka nakakalimutan nya nasa library kami, hello.
Doon ko lang namalayan na ang sasama pala ng tingin sa akin ng mga studyante dito sa loob ng library, anong problema nila.
"Tara na nga mag lunch na tayo"sabi nito at hinila ako.
"T-teka lang, may isang subject pa ako"sabi ko habang pinipigilan sya.
"Hindi mo ba alam kung anong oras na, lunch break na, kanina ka ba kaya tulog sa library, siguro mga isang oras"sabi nito sa akin.
"Seryoso? Pero feeling ko ang bilis bilis lang nun, nabitin ako dun sa panaginip ko"sabi ko, at naalala ko na naman yung dalawang bata at si kuya.
Pero bakit wala talaga akong maalala na nangyari yun nung bata ako? Bakit wala akong matandaan na may matalik akong kaibigan na tulad dun sa panaginip ko.
So kung ako nga yung bata sa panaginip ko, ibig sabihin wala na akong firstkiss?, pero imposible baka panaginip ko lang talaga yun, at hindi naman talaga totoong nangyari.
"Kaythelyn, ok kalang ba? Kanina kapa tulala ah"nabalik ako sa realidad ng marinig ko ang boses ng bebe ko, char.
"Ah wala lang to"sabi ko sa kanya at nginitian sya.
"Narinig kung umiiyak ka kanina,habang tulog, ano bang panaginip mo?"curious na sabi nito.
"Ah wala, wag mo nalang akong pansinin"sabi ko at ngumiti sa kanya.
Pumayag narin akong maglunch kasama sya, total nagugutom narin ako eh, at sa ka libre daw nya, kaya lalo akong natuwa.
Pagdating namin sa cafeteria, halos lahat ng tingin napunta sa amin, pagpasok namin sa entrance,karamihan sa kanila ang sama ng tingin sa akin, at may nagbubulungan din, narinig na rinig namin.
"Hoy ethan, bakit ang tagal tagal mo naman!"biglang may sumigaw na lalaki at kumaway,natigilan ito ng dumapo ang tingin sa akin, pero nakabawi rin at naglakad papalapit sa amin.
"Ikaw ethan ah, kailan kapa naging chick boy"sabi nito kay ethan at kunwari sinuntok ang braso ni ethan, nagkabit balikat nalang si ethan.
"Hi, i'm Windel Van, but you can call pogi"sabi nito at kinindatan ako, na ikinangiwi ko naman.
"Kaythelyn"sabi ko at pilit na ngiti ang binigay ko sa kanya.
"Van ano kaba, wag mo nga syang guluhin, tara kaythelyn, sumabay kana sa amin"sabi ni ethan, kaya napatingin ako sa pinanggalingan ni Van.
May nakita pa akong isang lalaki dun na, nakatingin din sa amin at nakangiti, nagwave lang ito ng kamay sa amin, gwapo din syang ngumiti, at halata sa itsura nya ang hindi mahilig magsalita hindi tulad ng Van na ito.
At nakita ko din ang demonyong lalaki na yun, na parang walang pake sa paligid.
"Ah h-hindi nalan-"hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng may umakbay na sa akin, na ikinalakas ng bulungan ng nasa paligid namin.
"Ano kaba, ok lang yan, tara sabay kana sa amin, libre naman ni ethan eh, di ba bro"sabi ni van habang nakaakbay sa akin, at naglakad kami papunta sa table nila.
Ayaw kong sumabay, hindi ko maaatam na sumabay sa isang lalaki dito, bweset.
"By the way kaythelyn, this is Prince yenjie, ang prinsesa namin sa groupo"sabi ni van kaya napatingin sa kanya yung pirnce yenjie ng masama"easy bro, i'm just kidding ok"sabi ni van at tumawa ng malakas.
"Hi, call me yenjie for short"sabi nung prince yenjie sa akin at ngumiti, napaka amo din ng kanyang mukha, pero hindi tulad ng kay ethan, na napaka amo at nakakaakit.
"Hello, i'm kaythelyn, nice to meet you"sabi ko at nakipagkamay sa kanya.
"Pero h-hindi na ako sasasabay-"hindi ko na natatapos ang pagsasalita ko ng biglang magsalita ang bweset na lalaki na si ezekiel.
"Tapos na ba kayo? Pwede manahimik kayo?"iritadong sabi ni ezekiel.
"Wag mo nalang sya ng pansinin ayaw nya lang sa maingay, pero halika umupo kana"sabi ni yenjie
"Hindi na"sabi ko.
"Pero umorder na si ethan, nasa counter na sya, sayang naman yun"sabi ni van, kaya wala akong nagawa at umupo nalang din.
Katapat ko sa upuan si ezekiel na nasa labas ng bintana ang tingin, malapit lang kase ang table nila sa bintana, wala sya ng imik, at parang walang paki sa paligid nya.
Ng dumating si ethan, napakadami ng pagkain na dala nya.
"Tanong ko lang, balak mo ba kaming bitayin?"tanong ko, at napalunok dahil sa masasarap nitong dalawang pagkain.
Tumawa naman ng malakas si ethan kaya nagtaka ako, may nakakatawa ba sa sinabi ko?.
"Wag kang magalala,kulang pa yan kay van"sabi nito at nailing iling, napangiwi naman ako at napatingin kay van, na kinindatan lang ako.
Nilagay ni ethan yung cake na strawberry flavor sa harap ni ezekiel, favorite ko yun eh.
nilagay naman sa harap ko ni ethan ang chocolate na cake sa harap ko, pero hindi kase ako kumakain ng chocolate eh, napatingin naman ako sa ibang pagkain, at nakita ko yung flavor na gusto ko na katulad kay ezekiel na kay van iyon.
Tatlong cake ang nasa harap ni van, napaka takaw nya, pero seryoso, diba lunch ngayun, bakit cake kinakain nila, so una yung dessert?.
"Sorry kung cake binili ko, nakasanayan na kase namin na cake ang binibili namin sa lunch"napakakamot sa uli na sabi ni ethan, pero hindi nawala ang tingin ko sa cake na color pink kay van.
Nagsimula ng kumain sila ethan at yenjie, pero si ezekiel, parang wala lang.
Isusubo na sana ni van yung strawberry flavor cake kaso pinigilan ko sya kaya napatingin sa akin yung tatlo.
"Palit tayo, gusto ko yan eh"sabi ko sa kanya.
"Ayaw ko nga, bala ka dyan"sabi nito at balak na isubo ulit.
"Bilis na, palit na tayo, hindi kase ako kumakain ng chocolate eh"sabi ko at pilit kinukuha yung strawberry cake sa kanya, kaya naghihilahan kami.
"Di ko na problema yun"sabi nito,ngumisi at pilit gustong isubo yung strawberry cake.
Biglang tumunog ang cellphone kong nasa bulsa ko kaya natigilan ako.
"Wait lang huh"sabi ko at binitawan ang kamay ni van at tiningnan ang cellphone ko, nakita kung may text si Yvonnie.
Yvonnie
Girl where na you na? Sabay na tayo mag lunch, sorry medyo natagalan ako eh
Sabi nito sa text kaya nireplyan ko.
Sabay kana sa amin andito na ako sa canteen kasabay ko sila ethan, at van pati na rin yung iba.
Sabi ko hindi na sya nagreply alam kung ngayun ang tumatakbo na yun sa bilis dahil ultimate crush nyan yung demonyong lalaki, na hindi parin ginagalaw ang pagkain, at ngayon naman ay busy sa pagcecellphone.
Bumaling ako kay van na nilalantakan na ang strawberry cake na gusto kung hingiin.
"Sorry tagal mo kase"sabi nito at tumawa ng malakas, sinamaan ko sya ng tingin.
Biglang pabagsak na ibinigay sa akin ni ezekiel yung strawberry cake na nasa kanya,kaya napatingin ako dun.
"Yan na kainin mo, ingay mo"sabi nito at kinuha ang chocolate cake na nasa harap ko.
"Pero di ba ezekiel aler-"hindi na na tapos ni yenjie ang sasabihin ng nilantakan na nya ang cake,nagkatinginan kaming tatlo at nakita ko ang mukha nilang nagaalala.
"B-bakit?"sabi ko sa kanila, umiling lang sila at nagpatuloy sa pagkain, napatingin naman ako sa cake na galing kay ezekiel, bakit nya pinalit yun akin.
Kumuha na ako ng tinidor at saka balak isubo ang cake, pero natigilan ako ng biglang mag sumigaw.
"Kaythelyn!!"sigaw nito at nagtatakbo papunta sa table namin.
"Yvonnie"sabi ko at ngumiti sa kanya"makasigaw ka naman, akala mo ang layo layo natin"sabi ko.
"Sorry"sabi nya at nagpeace sign.
"Ah ethan, yenjie, van,si yvonnie nga pala kaibigan ko"sabi ko, agad namula ang mukha ni yvonnie.
"Hi yvonnie, i'm ethan, nice to meet you"pakilala ni ethan habang nakangiti.
"Prince yenjie"simpleng sabi ni yenjie at balik sa pagkain, bakit ganun yun, kanina hindi naman sya ganun kanina magpakilala sa akin ah.
"H-hi miss, i'm Windel Van you call me pogi"nakangiting sabi ni Van at hinalikan ang kamay ni Yvonnie na ikinangiwi nya,nabatukan ko naman sya agad.
"Aray ko naman, kaythelyn!"sigaw nito at hinimas ang batok.
"Wag ka ngang masyadong mahangin dyan"sabi ko, kaya napahalakhak naman si ethan at yenjie.
"Ano bang mapapala mo sa isang windel Van, kaya nga wind eh, kaya mahangin"sabi ni ethan at humalakhak.
"Manahimik ka nga dyang ethangot ka!"inis na sabi ni van, napailing nalang ako.
"Halika yvonnie, sabay kana sa amin"sabi ni ethan at pinaupo si Yvonnie sa tabi ko.
"Grabe ka girl, your so swerte naman, kasama mo mag lunch ang mga sikat dito sa school"bulong nito sa akin at kilig na kilig.
"Grabe ka talaga Yenjie ang takaw takaw mo, mauubos mo ba yan?"narinig naming sabi ni van at nakita nalang namin na yung dalawang cake na nasa harap kanina ni van ngayun at na kay yenjie na.
"Di ba iyo yan kanin-"hindi ko na natapos sasabihin ko ng magsalita.
"Shut up kaythelyn, wag mo nga akong igaya dyan kay yenjie na ang takaw takaw, nako yvonnie wag kang maniniwala dyan"sabi nito.
Alam ko na kung bakit nya ginawa yun, ayaw nyang malaman ni Yvonnie na matakaw sya, tss.. Napaka ano talaga ng lalaki to.
Napatingin naman ako kay ezekiel na nanahimik, nakita ko sya na namumula ang mukha, b-bakit?.
"E-ezekiel o-okay kalang ba?"hindi ko mapigilan ang sarili kung masabi yun.
Napatingin din sila ethan sa kanya.
"Shut up"sabi nito at Tumayo ito na parang balak ng umalis,naglakad na ito paalis.
Hindi ko alam pero bakit parang kinakabahan ako,hindi ko maintindihan ang sarili ko, bakit parang may masakit sya, bakit naman ako nagkakaganito na parang nagaalala ako.
"Guys kita nalang tayo mamaya, Van, yenjie, kayo ng bahala kila Yvonnie at kaythelyn, kita nalang tayo mamaya kaythelyn"sabi ni ethan at sinundan si ezekiel, nahalatang halata na nagaalala, kaya hindi ko rin mapigilan na magtaka.
"A-anong nangyari kay e-ezekiel? B-bakit sya namumula?"takha kong tanong, nagkabit balikat lang ang dalawa, pero halata rin sa kanila ang pag aalala.
Kumain nalang kami, salita naman ng salita si van, kunwari ibinigay kay yenjie yung cake nya kanina pero binawi rin,nagugutom pag daw sya, nawalan naman ako ng gana, dahil naaalala ko yung mukha ni ezekiel, ano bang talagang nangyari sa kanya.
Pagkatapos namin kumain, inihatid ako ni yenjie sa next subject at si van naman ay hinatid si Yvonnie.
Tahimik lang kaming dalawa ni yenjie, kanina pa sya tahimik,ganun din ako, hindi mawala sa utak ko, gusto kung malaman kung anong lagay ni ezekiel.
"Agh, bakit ba ako nagaalala!"wala sa sarili kung sigaw,narinig ko naman tawa si yenjie.
"Wag kang magalala, ok lang si ezekiel, wag mo nalang syang pansinin"sabi nito sa akin kaya sinamahan ko sya ng tingin.
"Sino bang may sabi na kay ezekiel ako nagaalala!"sabi ko sa kanya habang nakapamewang sa harap nya, tumawa lang sya at kinirot ang pisngi ko.
"Ang cute mo"sabi nito habang nakangiti,pinalo ko naman ang kamay at saka nagpauna sa paglalakad, alam kung namumula na ang pisngi ko dahil sa hiya.
Narinig ko naman sya ng tumawa pa.
Pagdating namin sa next subject ko, nagpaalam narin si yenjie, nagmamadali itong maglakad, at alam ko kung bakit iyon.
Pagpasok ko sa room, karamihan sa iba masasama ang tingin sa akin, at nagbubulungan, pero hindi ko nalang sila pinansin at naghanap ng bakanteng upuan.
______________________________