
RAUL NATIVIDAD. Ang lalaking maghihiganti sa pamilyang naging dahilan ng pagkawala ng kanyang mga magulang.
Sa isang bawal na pagnanasa nagsimula ang lahat kaya roon niya ito tatapusin.
Ang makamundong pagnanasa ang kanyang gagamiting paraan para mapagtagumpayan ang pagpapabagsak sa pamilyang sumira ng kanilang tahanan.
PAMILYA MONDRAGON. Ang angkang iniisip ni Raul na siyang lumapastangan sa kanyang mga magulang.
Sa isang pusong puno ng galit at pagkasuklam, isa lamang ang kanyang ninanais.
Ang mawasak ang buhay ng bawat miyembro ng pamilya.
Magulang, anak, manugang.
Layunin niya ang mawala ang lahat sa mga ito katulad nang kung paanong nawala ang dalawang taong mahalaga sa kanyang buhay.
Sa hangarin ni Raul na makamit ang hustisya para sa mga magulang, tamang landas nga ba ang kanyang tinatahak?
Maisakatuparan kaya ni Raul ang planong paghihiganti o siya mismo ang magiging biktima ng sariling kapangahasan?
Sino nga ba ang dapat na maparusahan?
At ano ang karapat-dapat na karma sa bawat taong nagkasala?
----------
This work contains themes of cheating and violent death that may be considered profane, vulgar, or offensive to some readers and/or inappropriate for children. Reader discretion is advised.
The thoughts, actions, and/or beliefs of characters in this story do not portray the thoughts, actions, and/or beliefs of the author.
This story is all fiction and in accordance with the wide imagination of the author. The names of the characters, places, and each scene, if there is any resemblance to the real events, are unintentional.

