KABANATA 13

1580 Words
RAUL's POV Ngingisi-ngisi ako habang nagmamanehong pabalik sa malaking bahay ng pamilya Mondragon. Isa na namang impormasyon ang aking nakumpirma sa aking ikaapat na araw bilang driver ng mga Mondragon. Tipo ako ng asawa ni Cecilia. Unang kita ko pa lang kay Rigo ay alam ko ng may masama siyang balak sa aking katawan. Ang hindi niya alam ay isasama ko rin siya sa aking plano. Patatakamin ko rin siya hanggang mabaliw siya sa pagnanasa sa akin. Asawa siya ng isa sa mga Mondragon kaya madadamay din siya sa aking paghihiganti. Kung masasaktan si Cecilia rahil sa kanya ay masasaktan din ang mga magulang ng asawa niyang babae. At 'yon ang gusto ko. Masaktan muna sila hanggang sapitin nila ang parehong kapalarang sinapit ng mga magulang ko. Kitang-kita ko kanina kung paanong amuyin ni Rigo ang aking panyo. Napapangisi ako sa tuwing naaalala ko iyon. Binuksan ko ang pinto ng passenger seat ng sasakyan ni Don Emilio para silipin kung ano ang ginagawa ni Rigo rahil hindi pa siya bumababa kahit nakababa na ng sasakyan ang Don. Pagkabukas ko ng pinto ng passenger seat ay nagulat ako sa aking nakita. Inaamoy ni Rigo ang panyo ko na marahil ay hindi ko napansing nalaglag mula sa dashboard ng sasakyan. Raul: Sir Rigo? Nakita kong tumigil sa pag-amoy ng panyo ko si Rigo. Unti-unti niyang iniangat ang kanyang ulo mula sa pagkakayuko at nahihiyang tumingin sa akin. Nagpipigil akong matawa sa hitsura niya. Namumula ang kanyang dalawang pisngi rahil sa hiya at pinagpapawisan ang kanyang sentido kahit malamig sa loob ng sasakyan. Nanlalaki rin ang kanyang mga mata sa pagkakatitig sa akin. Nakita kong nanginginig ang kamay niyang may hawak ng panyo ko. Parang isang bata si Rigo na nahuling gumagawa ng kabalastugan. Maya-maya ay umiwas siya ng tingin sa akin at tumingin sa labas ng sasakyan. Inilahad niya sa akin ang kanyang kamay na may panyo. Hindi pa rin siya tumitingin sa akin. Nanginginig ang kanyang kamay. Rigo: Pa-panyo mo. Nahulog. Inabot ko ang nanginginig na kamay ni Rigo. Sinadya kong ikulong sa aking kanang palad ang kanyang kanang kamay. Kitang-kita ko ang panlalaki ng kanyang mga mata at napabuka ang kanyang bibig na walang lumalabas na mga salita. Mula sa pagkakatingin sa labas ng bintana ay lumingon siya para tingnan ang kamay niyang nakakulong sa aking palad. Mabilis niyang binawi ang kanyang kamay mula sa pagkakakulong sa aking palad na parang nakuryente. Naiwan ang aking panyo sa aking kamay. Inilagay ko ang aking panyo sa loob ng bulsa ng aking suot na pantalon. Tinitigan ko si Rigo at tulad kanina ay iniwas niya ang tingin sa akin at itinuon sa labas ng bintana. Raul: Salamat. Siguro ginamit mong pamunas ang panyo ko para magtanggal ng dumi sa mukha. Malapit kasi sa ilong mo kanina. May halong panunukso ang tinig ng boses ko. Gusto kong tuksuhin si Rigo. Nakita kong para siyang nataranta. Rigo: Ha? Hi-hindi, ah. A-akala ko, pa-panyo ko kaya pinulot ko. Pero nang amuyin ko, hin-hindi pala. Tumango-tango ako ng nakakaloko at nanatili pa ring nakatitig kay Rigo. Pabulong akong nagsalitang muli na para bang may sikreto kaming dalawa. Raul: Inamoy mo pala. Lalong nanlaki ang mga mata ni Rigo at parang maiihi na. Hindi na mapakali sa kinauupuan. Rigo: A-ano kasi, hi-hilig ko a-amuyin ang mga pa-panyo ko. Ka-kaso 'yon nga, sa-sa 'yo pala 'yan. Kasi panlalaki ang--- Bigla siyang tumigil sa pagsasalita na para bang nadulas sa sinabi niya. Tumango-tango ulit ako. Raul: Ah. Nalaman niyong akin kasi panlalaki 'yong pabango. Tama po ba? Pambabae po siguro 'yong amoy ng mga panyo niyo, Sir, ano? May halong malisya ang tinig ng boses ko. Mas lalong pinagpapawisan si Rigo na nakatuon pa rin ang mga mata sa labas ng bintana. Rigo: Hi-hindi naman sa-sa ganoon. A-ano kasi, ki-kinatatamaran ko nang bu-bumili ng mga pabango kaya gi-ginagamit ko na lang 'yong ka-kay Ma'am Cecilia mo. Lumabi ako at nakakalokong tumango-tango. Ayaw mong umamin, ah. Sige. Lagot ka sa mga gagawin kong pagpapasabik sa 'yo. Raul: Ah, Sir. Hindi pa po ba kayo bababa? 'Di ba may pasok pa po kayo? Sa parteng iyon ay parang kinagat ang pang-upo ni Rigo na napabalikwas at tumingin sa direksyon ko. Sa wakas. Lumingon ka rin. Kanina pa malagkit ang titig na iginagawad ko sa kanya habang magkausap kami, pero hindi siya lumilingon. Ngayon ay kitang-kita niya ang lagkit ng mga titig ko. Umakto pa ako na parang wala sa loob na inilabas ang dila at binasa ang aking ibabang labi. Naging malikot ang mga mata ni Rigo. Hindi alam kung saan ibabaling ang tingin. Sa mga mata ko o sa aking dila na naglalandas sa aking labi. Mga ilang segundo pa ay parang nagising mula sa panaginip at tumikhim si Rigo. Mabilis na iniwas niya ang tingin sa akin at binitbit ang attache case para bumaba na ng sasakyan. Dali-dali kong isinara ang pinto ng passenger seat. Walanghiya. Nangawit ako sa pagtayo habang kausap si Rigo. Inabangan kong makababa siya. At nang makababa siya ay agad akong lumapit sa kanyang tabi. Para siyang itinulos sa kanyang kinatatayuan. Rigo: Nakalimutan ko na ang trabaho. Pabulong na sinabi iyon ni Rigo, pero malinaw kong narinig. Hindi niya inaasahan na magsasalita ako ng pabulong sa kanyang tabi. Sobrang lapit ng aking mga labi sa kanyang kaliwang tainga. Raul: Alin sa dalawa? Nakalimutan mo ang trabaho rahil sa amoy ng panyo ko o rahil kausap mo ako? Lalong nanigas ang katawan ni Rigo at nanlaki ang mga mata. Sumagot siya na hindi lumilingon sa akin. Rigo: A-ano ang i-ibig mong--- Naputol ang pagsasalita ni Rigo nang bigla kong pisilin ang kanyang kaliwang tagiliran. Bumulong ulit ako. Raul: Sige na, Sir. Baka ma-late ka pa rahil sa akin? Nanatili ang aking kamay na nakakapit sa kaliwang tagiliran ni Rigo matapos ko itong pisilin. Wala siyang ginagawa para matanggal ang pagkakakapit ng aking kamay sa kanyang tagiliran. Naninigas ang kanyang katawan at lalong dumarami ang pawis sa kanyang sentido. Raul: Huwag magpapagod. Hinaluan ko ng lambing ang tinig ng aking boses. Pagkatapos kong sabihin iyon ay pahaplos kong inalis ang pagkakakapit ng aking kamay mula sa kaliwang tagiliran ni Rigo. Saka lang siya parang nahimasmasan at mabilis na lumingon sa akin. Nakita kong umangat ang kanyang kaliwang kamay na parang gusto niyang habulin ang aking kamay at ibalik sa pagkakakapit sa kanyang tagiliran. Pero mabilis din niya iyong ibinaba at ikinuyom ang kaliwang palad na parang pinipigilan ang sariling ilabas ang totoong pagkatao. Nakita kong huminga ng malalim si Rigo bago nagsimulang maglakad patungong building kung nasaan ang opisina niya. Hulog ka na sa patibong ko, Rigo. Napailing ako habang nakangising nakatingin sa daan. Mukhang mag-e-enjoy akong baliwin sa pagnanasa si Rigo. ---------- THIRD PERSON POV Mula sa loob ng kanyang kotse na nakaparada sa di-kalayuan mula sa malaking bahay ng mga Mondragon ay nakatanaw si Judy sa mansyon ng pamilyang malaki ang nagawang kasalanan sa kanya. Hindi alam ng mga tao sa malaking bahay na iyon na nagpapasok sila ng ahas sa loob ng kanilang bahay. Dahil sa ahas na iyon ay magiging madali para sa kanya ang mabawi ang tingin niya ay nararapat na sa kanya. At mukhang mas mapapadali pa ang kanyang plano sa pagdating ni Raul sa malaking bahay na iyon. Alam niyang anak ito ng isa sa mga rating empleyado ng company ng pamilya Mondragon. Hinding-hindi niya makakalimutan ang unang pagkikita nila ng lalaki. Sinundan niya ito mula sa pag-alis sa apartment nito hanggang papuntang Sommerville Subdivision. Sakto ring nasiraan ang jeep na sinasakyan nito kaya mas naging matagal ang pag-uusap nila sa loob ng kanyang kotse. Kung makikita siya nitong muli ay iisipin nitong harmless siya rahil sa ipinakita niyang friendly attitude dito nang araw na iyon. Napailing si Judy nang maalala ang ginawa ni Raul sa loob ng kanyang kotse nang manghingi siya ng souvenir dito kapalit ng ginawa niyang paghahatid dito sa tapat ng mansyon ng mga Mondragon. Hinubad ni Raul ang suot na T-shirt. Nanlalaki ang mga mata ni Judy. Sunod na hinubad nito ang maong pants. Kitang-kita ni Raul ang paglunok ng laway ni Judy. Tanging manipis na black boxer briefs na lang ang suot ng lalaki. Kinuha ni Raul ang tuwalya nito mula sa dalang malaking duffel bag. Itinapis ito ng lalaki sa baywang. Kitang-kita ni Raul ang pagsunod ng mga mata ni Judy sa bawat galaw nito. Hinubad nito ang black boxer briefs ng dahan-dahan. Iwinagayway sa harap ni Judy at inihagis sa mukha niya. Sapul sa ilong ni Judy. Napangisi si Judy sa alaalang iyon. Ganoon ang gusto niyang maging impression sa kanya ni Raul. Gusto niyang isipin nitong madali siyang mahulog sa charm nito. Lalo na at siguradong magkikita silang muli rahil kaibigan niya si Adriana at si Raul ay driver ng pamilya ng kaibigan. Hindi niya ipinahalata kay Adriana na nakilala na niya si Raul nang huli silang mag-usap. Judy: Anyway, balita ko may bago raw kayong driver. Gwapo ba? Adriana: Feeling gwapo kamo. Sobrang presko pa. Parang sinalo niya lahat ng kayabangan sa mundo. Ito pa. Feeling close. Napatango-tango si Judy. Judy: Hindi rin ba umubra sa kanya ang katarayan mo? Adriana: Oh, well. Driver lang siya. Alam niya rapat ang limitasyon niya. Judy: So, ipinamukha mo sa kanya? Adriana: Of course. Pero huwag na natin siyang pag-usapan. Please lang. Ayokong masira ang araw ko. Judy: Okay. Napapangiti si Judy sa nakikitang iritasyon sa mukha ni Adriana. Napangisi si Judy sa naiisip. Mukhang magiging malaking asset niya si Raul. ---------- itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD