KABANATA 19

2014 Words
THIRD PERSON POV Umaga ng Biyernes. Ipinagmamaneho ni Raul ang ibang miyembro ng pamilya Mondragon patungo sa destinasyon ng mga ito para sa araw na iyon gamit ang isang malaking van. Pasimpleng tiningnan ni Raul Natividad si Emilio Mondragon sa rear-view mirror ng sasakyan. Kalmado ang mukha nito habang nakapikit ang mga mata. Animo ay mapayapa ang buhay ni Emilio rahil hindi kakikitaan ng alalahanin ang mukha nito na sa tingin ni Raul ay mukhang nakaidlip na. Sunod na sinulyapan ni Raul sa rear-view mirror ang manugang ni Emilio na si Rigo Guanlao na nakaupo sa kaliwang gilid ng matanda. Nakatanaw si Rigo sa labas ng bintana ng sasakyan at mukhang malalim ang iniisip. Napangisi si Raul. Isa sa mga natuklasang sikreto ni Raul tungkol sa pamilya Mondragon kahapon ay ang sikreto ni Rigo. Sigurado si Raul na binabae si Rigo base sa mga naging reaksyon nito kahapon nang mahuli niya itong inaamoy ang kanyang nahulog na panyo sa sahig ng sasakyan at base na rin sa mga ikinilos nito nang pasimple niya itong akitin bago ito tuluyang pumasok sa loob ng building kung nasaan ang opisina nito. Sigurado rin si Raul na walang ideya ang asawa ni Rigo na si Cecilia sa totoong pagkatao ng mister nito. Tumawa si Raul sa kanyang isipan dahil alam niyang pareho lang namang may sikreto ang mag-asawang Cecilia at Rigo sa isa't isa. Si Rigo ay pilit na ikinukubli ang totoong pagkatao mula sa asawa nito, samantalang siya at si Cecilia ay nagkaroon ng mainit na sandali sa loob ng isang fitting room ng isang mall tenant noong isang araw. Ipinatikim ni Cecilia kay Raul ang hiyas nitong dapat ay sa mister lamang nito. Naabot ni Cecilia ang sukdulang sa loob ng fitting room na iyon dahil sa marami ng karanasang bibig ni Raul. Tuluyang nakalimot si Cecilia na may asawa itong tao at ninamnam ang mga maiinit na sandali kasama si Raul na bagong driver ng kanilang pamilya. Bibig pa lamang ni Raul ay parang naabot na ni Cecilia ang langit. Dahil sa kaganapang iyon sa loob ng fitting room kaya nasiguro ni Raul na sekswal na babae si Cecilia at maaaring hindi na napupunan ni Rigo ang obligasyon nito kay Cecilia pagdating sa pangangailangan nito bilang babae. Ngunit kahit nalaman na ni Raul ang kahinaan ng isa sa mga babaeng Mondragon ay hindi siya lubusang natutuwa. Nagsisisi si Raul na kinain niya ang hiyas ni Cecilia. Na tinikman niya ang katas na nagmumula sa mabango nitong hiyas. Nag-iinit si Raul sa tuwing naaalala niya ang mainit na eksena sa pagitan nila ni Cecilia. Naninigas ang kanyang alaga sa tuwing naaalala kung paano niyang nalasahan ang likidong rumagasa mula sa yungib ng babae. Bago sinimulan ni Raul ang paghihiganti sa pamilya Mondragon ay nangako siya sa kanyang sarili na hindi siya magtataksil sa kanyang asawang si Joy habang isinasagawa ang kanyang mga plano para sa pamilyang nagwasak sa kanyang pamilya. Ngunit ang ginawa ni Raul sa loob ng fitting room na iyon kasama si Cecilia ay maituturing na isang pagtataksil. Naiinis si Raul dahil nagpadala siya sa tawag ng laman at sandaling nakalimutan ang kanyang pangako sa sarili at ang pangakong kanyang sinumpaan nang ikasal sila ni Joy sa huwes. Naisip din ni Raul na talagang mahina siya pagdating sa tukso rahil naalala niya kung paanong mabilis siyang bumigay sa pang-aakit ni Trixie, ang pamangkin ng landlady ng kanilang inuupahang apartment ni Joy. Mainit na ang paghahalikan at ang pagdama sa katawan ng bawat isa nina Raul at Trixie sa loob ng bahay ni Aling Ludy at muntik nang may nangyari sa kanila kung hindi lamang narinig ni Raul ang sigaw ng kanyang asawa mula sa labas ng bahay ni Aling Ludy. Agad na natauhan si Raul at swerte namang hindi sila nahuli ni Trixie ng kanyang asawa. Doon na-realize ni Raul na mahina siya pagdating sa tawag ng laman. Kaya naman matapos ang mainit na eksena sa pagitan nina Raul at Cecilia ay muli siyang nangako sa sarili na hindi na mauulit na magpapadala siya sa tawag ng laman. Hindi niya gustong muling magkasala sa asawang si Joy. Ang plano lamang ni Raul ay akitin ang mga miyembro ng pamilya Mondragon at baliwin ang mga ito sa kanyang alindog. Ang plano niya ay magnasa ang mga ito sa kanya. At oras na sobra na ang pagnanasa ng mga miyembro ng pamilya Mondragon kay Raul ay saka naman niya wawasakin ang buhay ng mga ito tulad kung paanong nawasak ang buhay ng kanyang sariling pamilya. Kaya hindi pwedeng magpadala si Raul sa tawag ng laman dahil malaking problema kung siya ang malulunod sa pagnanasa at hindi na muli pang makakaahon. Ang pamilya Mondragon ang kailangang magnasa kay Raul at siya naman ay kailangang pag-aralan kung paanong kokontrolin ang sarili para hindi tuluyang umalpas ang init na nagmumula sa kanyang p*********i. Malalim na nagbuntung-hininga si Raul. Ang sunod na tiningnan ni Raul sa rear-view mirror ng sasakyan ay si Lavinia Mondragon, ang bunsong anak ni Emilio. Nakaupo ito sa kanang gilid ng ama. Tulad kahapon ay malungkot pa rin ang mga mata ni Lavinia. Naisip ni Raul na baka hindi pa rin nagkakabati si Lavinia at ang boyfriend nitong si Justin Soriano. Isa sa mga nalaman ni Raul kahapon mula sa kasambahay na si Marta ay hindi raw okay ngayon ang magkasintahang Lavinia at Justin dahil ang tingin ni Lavinia ay nagtataksil si Justin dito kasama ang tatlong kaibigan ng babae. Kaya ang tingin ni Raul ay kailangan ni Lavinia ng taong makakausap sa mga oras na ito. At iniisip ni Raul na pwedeng siya ang taong makikinig kay Lavinia sa mga suliranin nito. Nang unang makita ni Raul si Lavinia ay nakasuot lamang ito ng bikini nang ipakilala ito sa kanya ni Emilio. At sa tingin niya ay ito ang pinaka-sexy sa magkakapatid. Nakita rin ni Raul ang pilyang ngiti sa mukha ni Lavinia nang mahuli siya nitong nakatitig sa mga pakwan nito nang araw na ipakilala siya ni Emilio sa buong pamilya nito. Tingin ni Raul ay madali niyang makukuha ang loob ni Lavinia kung kanyang susubukan. Well, sino ba naman ang hindi mahuhulog sa charm ng isang Raul Natividad? Napangisi si Raul nang maisip iyon at umiling-iling pa, pero nang mapalingon siya sa passenger seat ay doon niya naalalang may isang tao nga palang hindi tinatablan ng kanyang charm. Walang iba kundi si Adriana Mondragon. Ang babaeng ubod ng sungit pagdating kay Raul. Walang naaalala si Raul na ngumiti man lang si Adriana sa kanya simula nang magtrabaho siya bilang driver ng pamilya Mondragon. Busy sa pagtipa sa cellphone nito si Adriana kaya hindi nito napapansin ang pagsulyap-sulyap ni Raul dito. Kahit nagtitipa lang ito sa cellphone nito ay magkasalubong pa rin ang mga kilay ni Adriana kaya naman hindi mapigilang umiling ni Raul habang nakangiting nagmamaneho. Maganda si Adriana at kahit may suot pa itong eyeglass ay hindi iyon naging kabawasan sa aking kagandahan nito na ilang beses nang pinagmamasdan ni Raul sa mga pagkakataong alam niyang hindi nakatingin si Adriana. Ang uri ng ganda ni Adriana ay iyong gandang habang mas tinititigan mo nang matagal ay mas lalo pang gumaganda. At kung ngingiti lamang si Adriana ay sigurado si Raul na mas lalo pa itong gaganda. Napailing si Raul. Masyado nang pinupuri ni Raul ang isa sa mga Mondragon. Kailangan niyang isaisip palagi na ang bawat miyembro sa pamilyang ito ay kanyang kaaway. Biglang narinig ni Raul na may tumikhim sa kanyang gilid. Si Adriana. Sandaling napalingon si Raul kay Adriana bago muling itinutok ang kanyang tingin sa daan. Adriana: Why are you smiling? Huh? Hindi napansin ni Raul na nakangiti pa rin pala siya rahil nga sa nakita niyang magkasalubong pa rin ang mga kilay ni Adriana kahit nagtitipa lang ito sa cellphone nito. Raul: Maganda lang po ang mood ko ngayon, Ma'am Adriana. Simula kasi nang magtrabaho ako bilang driver ng pamilya ninyo ay ngayon lang may umupo sa tabi ko sa passenger seat. Lumingon sandali si Raul kay Adriana at malagkit na ngumiti bago muling nag-focus sa pagda-drive. Raul: Tapos ang ganda pa. Napasinghap si Adriana sa narinig mula kay Raul at agad na nilingon ang mga tao sa loob ng sasakyan. Nakapikit pa rin si Emilio at si Rigo ay nakatingin pa rin sa labas ng bintana habang mukhang may malalim na iniisip. Nang lingunin ni Adriana ang kapatid na si Lavinia ay nakataas ang dalawang kilay nito at mukhang pati ito ay nagulat sa sinabi ni Raul. Pinamulahan ng mukha si Adriana at agad na iniwasan ang parang nanunuksong tingin ni Lavinia rito. Lavinia: Oh my, Ate Adri. Someone complimented you. Aren't you flattered? Nanlaki ang mga mata ni Adriana. Hindi alam ni Adriana kung bakit kailangan pang ipaalala ni Lavinia ang ginawa ni Raul kanina. Pailalim na tiningnan ni Adriana si Raul. Kitang-kita ni Adriana ang nakangising mukha ni Raul. Sigurado si Adriana na iniinis na naman ito ni Raul. Adriana: Lavinia. Madiin ang pagbigkas ni Adriana sa pangalan ni Lavinia. Mahinang tumawa si Lavinia at nagkibit-balikat. Lavinia: You should thank Raul, Ate Adri. Pakiramdam ni Adriana ay para na siyang lumulubog sa kanyang kinauupuan. Adriana: Lavinia, isa. Nahimigan ni Lavinia ang pagpipigil ni Adriana na huwag sumabog sa inis kaya naman huminto na si Lavinia sa pang-aasar sa kapatid. Lavinia: Okay, Ate Adri. I'll stop na. Nagpipigil na tumawa ng malakas si Lavinia nang makita nito ang matinding pamumula ng mukha ni Adriana. Si Rigo ay nakatulala pa rin sa labas ng bintana at si Emilio ay parang tuluyan nang nakatulog. Hanggang sa makarating ang van sa tapat ng Adriana's Haven ay namumula pa rin ang mukha ni Adriana. Ipinagpapasalamat nitong hindi napansin ng amang si Emilio ang pamumula ng mukha nito. Adriana: Hindi mo ako kailangang sunduin ngayong gabi, Raul. Para maiuwi ko na rin ang aking sasakyan sa mansyon. But next week, hatid-sundo na ang gagawin mo sa akin. Nakangiting tumango si Raul kay Adriana na hindi makatingin ng diretso sa kanya. Raul: Ganyan ka ba makipag-usap sa lahat? Hindi tumitingin sa mukha ng kausap mo? Naisipan na namang asarin ni Raul si Adriana. Malalim na nagbuntung-hininga si Adriana bago sumagot nang hindi pa rin lumilingon sa direksyon ni Raul. Adriana: I don't think I have to explain myself to you, Raul. Ang isipin mo ay kung paano ka hindi masisisante. Iyon lang at nagmamadali nang bumaba ng van si Adriana. Si Raul ay pangisi-ngisi lang habang pinapanood ang paglabas ni Adriana mula sa sasakyan. Raul: Ingat ka, ah. Huwag magpapakapagod. Si Adriana ay parang itinulos sa kinatatayuan nang marinig ang malambing na tinig ng boses ni Raul. Ilang sandali pa ay ipinagpatuloy ang paglalakad papasok ng boutique shop nito. Si Raul ay patawa-tawang hinatak pasara ang pinto sa tabi ng passenger seat at ilang sandali pa ay umaandar na ang van papalayo sa Adriana's Haven. ---------- Nanlilisik ang mga mata ni Lavinia habang nakatunghay sa lalaking tumatakbo palapit sa kanya. Ang kasintahan ni Lavinia na si Justin. Justin: Lavinia! Babe! Malakas na sumigaw si Justin nang malapit na ito sa kinatatayuan ni Lavinia sa loob ng campus. Nasasaktan pa rin si Lavinia sa tuwing naiisip ang nakita niya noong isang araw. Malinaw na malinaw na nilalandi ng kanyang tatlong kaibigan o mas tamang sabihing dating kaibigan ang kanyang kasintahang si Justin. Alam ni Lavinia na kilalang playboy si Justin sa buong campus bago niya ito naging kasintahan. Kaya naman sigurado siyang niloloko siya ng kanyang boyfriend kasama ang kanyang tatlong kaibigan. Hindi na gusto pang pakinggan ni Lavinia ang anumang sasabihin ni Justin. Sa puntong iyon ay desidido na si Lavinia na gantihan si Justin. Ipalalasap niya rin sa kasintahan ang sakit na kanyang naramdaman nang magloko ito sa kanya kasama ang mga itinuring niyang matatalik na kaibigan. At ang gusto ni Lavinia ay mas matindi ang mararamdamang betrayal ni Justin. At walang ibang tao ang pwedeng magparamdam niyon kay Justin kundi ang girlfriend nitong si Lavinia at ang ama nitong si Gregor Soriano. Isang ngisi ang pinakawalan ni Lavinia habang pinagmamasdan ang hinihingal na si Justin sa kanyang harapan. ---------- itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD