THIRD PERSON POV Muntik nang tumirik ang mga mata ni Lavinia sa pagkainis nang makita ang kasintahang si Justin na papalapit sa kanya habang naglalakad siya sa loob ng university campus para pumunta sa classroom ng susunod niyang klase. Humahangos pa ito sa pagtakbo para lamang malapitan siya. Napangisi si Lavinia sa kanyang isipan nang maalalang nakaganti na siya sa inaakala niyang pagtataksil ni Justin sa kanya kasama ang kanyang mga kaibigang ngayon ay mortal na niyang mga kaaway na sina Cara, Flor, at Nanette. Iniisip ni Lavinia kung ano kaya ang magiging reaksyon ni Justin oras na malaman nitong pinagtaksilan niya rin ito at ang mas malala pa roon ay ang ama ni Justin na si Gregor Soriano ang kasama niya sa kanyang pagtataksil sa kasintahan. Matapos ang naging pagtatalik nina Lavi

