THIRD PERSON POV Parang lumulutang sa hangin si Lavinia habang naglalakad papunta sa university canteen. Hindi pa rin siya makapaniwalang wala na sa mundo ang babaeng itinuring na niyang parang isang tunay na ina. Ang kanyang Yaya Luna. Nitong mga nakalipas na araw ay ang pagpanaw na lamang nito ang palagi niyang naiisip. Gusto niyang itanong sa kanyang ama kung kumusta na ang imbestigasyon sa kaso nito ngunit may parte ng kanyang puso ang parang hindi pa handa na marinig ang katotohanan. Kung si Lavinia ang tatanungin ay hindi siya sang-ayon sa mabilisang pagpapalibing dito. Sa isipan niya ay baka hindi maging accurate ang resulta ng investigation kapag wala na ang katawan nito. Ngunit naiintindihan niya ang kagustuhan ng kanyang ama na huwag nang pahirapan pa ang kaluluwa ng babaen

