RAUL’s POV Muli kong tiningnan ang screen ng phone ko para i-check kung may text message na mula sa aking asawa. Kahit alam ko na ang aking aasahan ay hindi ko pa rin napigilan ang makaramdam ng pagkadismaya. Ilang araw na ang lumipas mula nang umalis sa aming apartment unit ang misis ko at pumunta ito sa dati nitong pinagtatrabahuan. Ngunit hanggang ngayon ay wala man lamang itong reply sa huling mensaheng ipinadala ko rito. Alam kong nasaktan ko nang labis si Joy dahil sa nalaman nito mula kay Trixie. Pinagsisisihan kong panandalian kong pinairal ang aking pagnanasa nang akitin ako ng babaeng iyon. Hindi ko pa nakakausap si Trixie tungkol sa offer na natanggap nito na naging dahilan para ilaglag ako nito sa asawa ko. Gusto kong ibunton ang lahat ng sisi sa pamangkin ng landlady ko k

