bc

Overtime With My Terror Boss

book_age18+
76
FOLLOW
1K
READ
forbidden
HE
opposites attract
drama
serious
office/work place
enimies to lovers
addiction
assistant
like
intro-logo
Blurb

Para kay Mae, ang buhay sa loob ng Apex Marketing ay isang walang katapusang serye ng nakatutunaw na stress, nagmamadaling deadlines, at ang araw-araw na pakikipagtagisan sa kanyang 'Terror Boss' na si David. Seryoso, analitikal, at walang pakialam sa damdamin ng iba si David ang depinisyon ng isang boss na gugustuhin mong iwasan. Dagdag pa rito ang mahigpit na No Fraternization Policy ng kumpanya na nagbabawal sa anumang uri ng relasyon sa opisina. Sila ang tinaguriang "langis at tubig" ng ikasampung palapag.Ngunit ang lahat ng pader ng propesyonalismo ay gumuho sa isang gabi ng sapilitang overtime. Sa ilalim ng madilim na opisina, patay na aircon, at nag-aalab na tensyon, isang maling font ang naging mitsa ng isang bawal na pagnanasa. Ang kasungitan ni David ay napalitan ng mapusok na mga halik at haplos na tuluyang nagnakaw sa wisyo ni Mae.Sa liwanag ng araw, siya ang masungit na manager na handang magpanggap na walang nangyari. Ngunit sa ilalim ng mga anino at sa likod ng nakasarang pinto ng kanyang opisina, siya ang lalaking handang sumira ng patakaran para lang angkinin ang bawat gabi ni Mae.Gaano katagal nila kayang itago ang isang relasyong nagsimula sa isang nakaw na sandali? At ano ang gagawin mo kung ang boss na kinatatakutan ng lahat ang siyang nagpapabilis ng t***k ng puso mo pagkatapos ng huling deadline?

chap-preview
Free preview
KABANATA 1: ANG INIT SA LIKOD NG GLASS WALL
Alas-onse na ng gabi. Sa labas ng naglalakihang bintana ng ikasampung palapag, ang lungsod ng Maynila ay tila isang dagat ng mga kumukutitap na ilaw mabilis, buhay, at walang tulog. Ngunit sa loob ng malawak na floor ng Apex Marketing, ang kapaligiran ay kabaligtaran. Patay na ang central airconditioning unit ng gusali dahil lampas na sa regular na oras ng trabaho. Ang tanging natitirang ingay ay ang banayad na ugong ng computer tower at ang mahinang pagpindot ng mechanical keyboard.Dahil sa kawalan ng bentilasyon, unti-unting namumuo ang manipis na pawis sa leeg ni Mae. Ang ilang hibla ng kanyang bagsak na buhok ay dumidikit na sa kanyang basang balat. Subalit alam ni Mae sa kanyang sarili na hindi ang patay na aircon o ang maalinsangang gabi ang tunay na nagpapainit sa kanyang pakiramdam. Ang tunay na dahilan ay ang lalaking nakatayo sa mismong likod niya, napakalapit, sapat na upang maramdaman ang bawat paggalaw nito."Maling font ang ginamit mo, Mae. I told you, Helvetica Neue, hindi Arial. Bingi ka ba o sadyang matigas lang ang ulo mo?"Ang baritono at malamig na boses ni David, ang kilalang 'Terror Boss' ng kumpanya, ay dumaong sa mismong tainga ni Mae. Walang preno ang pananalita nito, palaging direkta at walang pakialam kung makasakit ng damdamin. Ngunit sa pagkakataong ito, sa katahimikan ng gabi, ang boses ni David ay hindi naging tunog-pananakot. Sa halip, naging mababa ito at may kakaibang gaspang na nagdulot ng kilabot sa balat ni Mae. Amoy na amoy ni Mae ang mamahaling panlalaking pabango nito isang halo ng musk at sandalwood na humahalo sa amoy ng matapang at itim na kape na huling ininom ng lalaki. Sobrang lapit ng kanilang mga katawan. Ramdam ni Mae ang banayad na init ng hininga ni David na dumadampi sa likod ng kanyang kanang tainga pababa sa kanyang leeg, dahilan para magtayuan ang mga balahibo niya sa braso at makaramdam ng isang mabilis na kuryente na gumapang pababa sa kanyang puson."Sir, mas bumabagay kasi ang Arial sa layout na ito. Mas malinis tingnan para sa digital ad ng kliyente," depensa ni Mae, bagamat kapansin-pansin ang bahagyang panginginig ng kanyang boses. Sinubukan niyang panatilihin ang kanyang propesyonalismo, ngunit mahirap mag-isip nang tuwid kapag ang presensya ng iyong boss ay tuluyan nang sumasakop sa iyong espasyo. Hindi natapos ni Mae ang kanyang sasabihin nang biglang ipatong ni David ang kanang kamay nito sa ibabaw ng kamay niya na kasalukuyang humahawak sa mouse.Napasinghap nang bahagya si Mae. Malaki, mainit, at may kaunting kagaspangan ang palad ni David. Sa halip na gumalaw ang kanyang mga daliri, tila naparalisa ang buong katawan ni Mae nang maramdaman ang matigas at malapad na dibdib ni David na tuluyan nang sumayad sa kanyang likod. Nakayuko ang lalaki para itama ang disenyo sa monitor, at sa posisyong iyon, halos makulong na si Mae sa pagitan ng mesa at ng katawan ng kanyang boss. Dumikit ang likod ni Mae sa suot nitong fitted na polo shirt, at naramdaman niya ang t***k ng puso ni David o baka naman sarili niyang puso ang ganoon kabilis ang pintig."Ako ang manager mo, Mae. Kapag sinabi kong palitan mo, palitan mo," bulong ni David. Ang boses nito ay pumuputok pa rin sa awtoridad, ngunit ang kanyang mga mata ay hindi na nakatingin sa monitor. Dahil sa labis na tensyon, dahan-dahalan at tila may sariling isip na tumingala si Mae para harapin ang lalaki. Ngunit sa sandaling pumaling ang kanyang ulo, napagtanto niyang isang malaking pagkakamali ang kanyang nagawa o marahil, isang bawal na kagustuhan.Lalong lumapit ang mukha ni David. Ilang pulgada na lang ang pagitan ng kanilang mga labi. Ang mga mata ni David, na madalas ay puno ng galit at utos, ay nagbago ng kulay. Naging madilim ito, puno ng pag-iimbita at ng isang gutom na matagal nang itinatago sa ilalim ng suot nitong mamahaling necktie. Tumitig si David nang mariin sa mga mata ni Mae, bago dumaing ang paningin nito sa mapupulang labi ng dalaga na bahagyang nakabuka dahil sa mabilis at habol na paghinga.Sa gitna ng madilim, tahimik, at walang tao na opisina, ang tunog na lang ng kanilang nag-aabang na paghinga ang naririnig. Ang inis at takot ni Mae sa kasungitan ng kanyang boss ay unt-unting nalunod at nawalan ng saysay. Ang tanging natitira na lang sa pagitan nilang dalawa ay ang nag-aalab na init, ang bawal na pagnanasa, at ang tanong kung sino ang unang bibigay sa mapanganib na larong ito. Dahan-dahang gumalaw ang kaliwang kamay ni David mula sa kanyang bulsa. Imbis na humawak sa mesa, dinala niya ito sa gilid ng mukha ni Mae. Hinaplos ng kanyang hinlalaki ang basang leeg ng dalaga, marahan ngunit may pagmamay-ari. Napapikit si Mae sa sensasyon, isang mahinang ungal ang muntik nang kumawala sa kanyang bibig." Gusto mo ba talagang sundin ang font ko, Mae?" mababang tanong ni David, ang labi nito ay halos magsalubong na sa labi ni Mae. "O gusto mo lang na manatili ako rito sa likod mo?"Ang pagdampi ng hinlalaki ni David sa kanyang leeg ay tila nag-iwan ng linyang apoy sa balat ni Mae. Napakapit si Mae nang mahigpit sa gilid ng kanyang desk. Ang kanyang mga daliri ay bumaon sa malamig na kahoy ng lamesa habang ang kanyang likod ay patuloy na sumasadsad sa matigas na dibdib ng kanyang boss. Nararamdaman niya ang marahang pagtaas at pagbaba ng dibdib ni David, isang patunay na kahit ang laging kalmadong manager ay apektado na rin sa tindi ng hanging namumuo sa pagitan nila."S-Sir..." pautal na banggit ni Mae. Ang salitang iyon na dapat ay nagpapakita ng respeto ay naging tunog pagsuko sa loob ng silid. "Ang... ang trabaho po natin."Isang mahinang tawa ang kumawala sa ilong ni David. Ang tunog na iyon ay nagpadala muli ng kakaibang kuryente na gumapang sa buong katawan ni Mae hanggang sa dulo ng kanyang mga daliri. Hindi lumayo si David kahit isang pulgada. Sa halip, mas ibinaba pa nito ang kanyang mukha, iniiwasan ang direktang paglapat ng kanilang mga labi ngunit inilalapit ang kanyang bibig sa pinakasensitibong bahagi ng tainga ng dalaga."Trabaho?" bulong ni David, ang kanyang boses ay naging mas paos at mas malalim kaysa sa karaniwan. "Mae, magmula nang pumasok ka sa departamentong ito, sa tingin mo ba trabaho lang ang nakikita ko sa tuwing tinititigan kita sa mga meeting natin? Sa tingin mo ba normal ang paninikip ng dibdib ko kapag nakikita kitang nakangiti sa ibang lalaki sa marketing team?" Nanlaki ang mga mata ni Mae sa narinig, ngunit bago pa siya makahanap ng mga angkop na salita upang sumagot, naramdaman niya ang dahan-dahang pag-atras ng kamay ni David mula sa kanyang leeg. Akala ni Mae ay lalayo na ito at bibigyan siya ng pagkakataong huminga, ngunit nagkamali siya. Ang mainit at malapad na palad ni David ay bumaba sa kanyang balikat, marahang pinisil ang tensyonadong masel doon bago dinala ang mga daliri pababa sa kahabaan ng kanyang braso. Ang bawat pagdaan ng magaspang na balat nito sa kanyang suot na manipis na silk blouse ay nag-iiwan ng kakaibang panginginig kay Mae na tila ba natutunaw ang kanyang bawat lakas.Inilapat ni David ang kanyang kanang kamay sa baba ni Mae. Marahan ngunit may awtoridad niyang ipinaling ang mukha ng dalaga upang muli silang magkatitigan nang mata sa mata. Ang distansya sa pagitan ng kanilang mga labi ay wala nang isang sentimetro. Nakita niya ang pagbaba ng tingin ng lalaki sa kanyang mga labi na basang-basa at bahagyang nakabuka, bago ito muling tumingin sa kanyang mga mata nang may mapanuring sulyap."Sabihin mo sa akin, Mae," hamon ni David, ang kanyang daliri sa baba ng dalaga ay bahagyang dumiin upang mas lalong iangat ang mukha nito. Gusto mo na bang tumigil ako at bumalik sa sarili kong opisina upang iwanan ka rito mag-isa?""S-Sir David... may CCTV sa hallway," bulong ni Mae, sinusubukang ibalik ang natitirang wisyo."Patay ang mga ilaw sa labas, Mae. At mula sa anggulong ito, walang makakakita sa atin kundi ang sarili nating mga anino," sagot ni David. Ang kanyang mga daliri ay tuluyan nang pinihit ang unang butones, dahan-dahang binubuksan ang maliit na piraso ng plastik upang ilantad ang mas malaking bahagi ng maputing balat sa leeg at itaas na bahagi ng dibdib ni Mae. Nang maramdaman ni Mae ang malamig na hangin ng opisina na dumampi sa kanyang bagong lantarang balat, kaagad itong sinundan ng mainit na palad ni David. Hinaplos ng lalaki ang bahaging iyon, marahan, bago muling ibinaon ang kanyang mukha sa leeg ni Mae upang bigyan ito ng isang mabilis at pagnanakaw na halik na nagpadala ng matinding panginginig sa kanyang buong katawan."David..." sa pagkakataong ito, isang ungol na halos pabulong ang binitiwan ni Mae. Ang kanyang dalawang kamay ay gumapang paitaas sa malapad na balikat ng lalaki upang hilahin ito pababa.Iyon na ang huling hudyat. Sa isang mabilis at mapusok na galaw, tuluyan nang sinakop ni David ang mga labi ni Mae. Ang halik na iyon ay gutom, mabigat, at puno ng tindi ng emosyong matagal nitong pinigilan. Bumaon ang mga daliri ni David sa buhok ni Mae, habang ang isa pa nitong kamay ay mahigpit na pumulupot sa baywang ni Mae, hinahila ang katawan ng dalaga paitaas mula sa swivel chair upang mas lalong maglapat ang kanilang mga dibdib. Kusa namang bumuka ang mga labi ni Mae upang tanggapin ang bawat halik ng kanyang 'Terror Boss.' Nawala ang takot sa HR, nawala ang takot sa tanggalan sa trabaho ang tanging umiiral na lang sa mundong iyon ay ang labi ni David, ang kanyang mabangong hininga, at ang matigas na katawan na nakadikit sa kanya. Dinala ni David ang halik pababa sa panga ni Mae, patungo muli sa kanyang leeg na binigyan niya ngayon ng mas matatapang na sipsip at kagat na siguradong mag-iiwan ng marka kinabukasan.Ngunit sa gitna ng kanilang nag-aalab na tagpo, isang biglang tunog ang bumasag sa katahimikan ng buong floor. BLAG! Ang tunog ng isang mabigat na pinto na nagsara mula dulo ng mahabang hallway ay umalingawngaw, kasunod ang mabibigat at mabagal na yabag ng sapatos na papalapit sa kanilang direksyon. Ang security guard na nagroronda para sa gabi.Tila nabuhusan ng malamig na tubig si Mae. Bigla niyang naitulak ang dibdib ni David palayo. Humihingal silang dalawa, kapwa mapula ang mga labi at gulo-gulo ang buhok. Ang unang butones ng blouse ni Mae ay bukas pa rin, at ang kanyang dibdib ay mabilis na tumataas at bumababa dahil sa takot at bitin na pagnanasa." May tao..." bulong ni Mae sa takot habang nakikita ang liwanag ng flashlight ng guard na sumisilip na sa glass wall ng hallway.Tumingin si David sa direksyon ng hallway, pagkatapos ay muli niyang tiningnan si Mae. Walang bakas ng takot sa kanyang mukha, kundi isang mabilis na pagpapasya. Hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ni Mae, hinila ito paitaas mula sa upuan, at sa isang iglap ay dinala niya ang dalaga sa loob ng kanyang sariling opisina ang pribadong silid sa likod ng makapal na glass wall, kung saan mas lalong madilim at mas lalong walang makakakita sa kanilang dalawa habang maririnig ang yabag ng guard sa labas.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Red Lady Is Now Live! (SPG)

read
14.9K
bc

I Married The Arrogant CEO

read
32.2K
bc

Mafia Heir Declan Madrigal

read
483.8K
bc

The Heartless Don's Angel

read
79.1K
bc

Secretly Living With My Boss | SPG

read
834.9K
bc

In Bed With Kuya Red

read
53.9K
bc

Owned by an Arrogant Billionaire- Montenegro Obsession 1

read
58.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook