CHAPTER 5 FALLS/WARNING

2784 Words
WARNING: This episode is Rated SPG. There may be sensitive themes, language, violence or sexuality that are not appropriate for 18 below. Nagkamalay ako sa aking katawang gumagalaw. Pinilit kong idilat ang aking mga mata upang matunghayan lang ang kadiliman ng gabi. Nararamdaman ko ang simoy ng hanging dumadampi sa aking balat. Mabigat ang aking pakiramdam lalo na sa parteng ulo. Nakalaylay ang aking ulo gano'n din ang aking mga braso. Ngunit patuloy sa paggalaw ang aking katawan. Matagal-tagal bago rumehistro sa aking isipan ang nangyayari sa ngayon. "Bilisan niyo para makarami tayo bago sumapit ang umaga," dinig kong sabi ng isang boses lalaki. Naramdaman ko naman ang kanilang pagmamadali. Mas binilisan nila ang kanilang mga kilos habang ako ay nakasampay sa balikat ng isa sa kanila. Nahihilo ako sa aking nakabaligtad na katawan. Yakap niya ng mahigpit ang aking mga hita upang hindi ako malaglag. Saan nila ako dadalhin? Hinang-hina ang aking katawan at hindi ako makakilos. Pinilit kong pagalawin ang aking mga kamay ngunit hindi ako nagtagumpay dahil sa mahigpit na pagkakagapos nito. Naramdaman ko rin ang mahigpit na pagkakagapos ng aking mga paa. Ilang sandali lang ay may narinig akong tila pagbukas ng pinto at muling pagsara nito. Pinilit kapain ng aking mga mata ang lugar na aming kinaroroonan. Ngunit wala akong maaninagan kundi kadiliman. Matapos ay basta na lamang nila akong ibinalya. Napahawak ako sa aking kinahihigaan nang maramdaman ko ang magaspang na bagay. Dayami? Bodega... Nasa bodega ako! Anong gagawin nila sa akin dito?! Pinilit kong ikilos ang aking katawan. Pinilit kong makabangon. Nararamdaman ko pa rin ang pamamanhid ng aking sikmura. Mga demonyo sila! Mga hayop! Napapikit ako nang bigla akong tamaan ng liwanag sa aking mga mata. Naitaas ko ang aking mga braso upang iharang sa nasisilaw kong mga mata. Humalakhak sila na parang mga demonyo. "Gising ka na pala, mahal na prinsesa. Gusto mo na bang lumigaya, hmmmn..." Inilapit ni Elvish ang kanyang mukha sa akin at parang asong inamoy ang aking balat. "P-parang awa niyo na," nanginginig ang aking boses, maging ang aking katawan. Patuloy sa pag-agos ang aking mga luha. "M-maawa po k-kayooo..." Napahagulgol na ako ng tuluyan. Binalot ako ng matinding takot at kaba. Tulungan niyo po ako Diyos ko. "Huwag kang mag-alala, paliligayahin ka naman namin eh. Sa una ka lang naman masasaktan pero pagkatapos no'n.....ay langit na," humahalakhak niyang sabi habang nag-uumpisa na silang magkalag ng kanilang mga sinturon. "P-parang awa niyo na. M-maawa po kayo sa akin. P-pakawalan niyo na po ako." Patuloy ako sa paghagulgol at pagmamakaawa ngunit para silang walang naririnig. Inuumpisahan na nilang ibaba ang kanilang mga pantalon. At tumitindi na ang aking takot. Parang awa niyo na po. Tulungan niyo ko! Eric, asan ka?! Tulungan mo 'ko! "Ssshhh...Huwag kang mag-alala. Mabilis lang naman ito. Ako muna ang mauuna, pagkatapos ko ay siya naman. Pagkatapos, siya naman at pagkatapos niya ay ako uli. Hindi ba? Pangako, sisigaw ka sa sarap." Muling humalakhak si Elvish na parang nauulol na hayop. Hilam na sa luha ang aking mga mata at halos wala na akong makita. Namalayan ko na lamang na wala na silang lahat saplot sa katawan at nag-uumpisa na silang lumapit sa akin. Sobrang pangangatal na ng aking katawan. Gusto ko na lang mawalan ng malay. "P-patayin niyo lang ako! Patayin niyo na lang ako!" sigaw ko ng malakas sa kanila. "Huwag kang magmadali. Tapusin na muna natin 'to." Wala silang tigil sa paghalakhak. Napapitlag ako nang hawakan ng isa ang aking mga paa. Nagpipiglas ako at tinadyakan ko sa mukha ang humawak ng aking paa na hanggang ngayon ay nakatali pa. Nakita ko siyang tumumba ngunit mabilis ding bumangon at mabilis itinaas ang aking saya. Lumitaw sa kanyang paningin ang aking mga hita at mabilis niya itong pinalo gamit ang kanyang palad. Napahiyaw ako sa lakas nang pagkakapalo niya. Nakita ko ang paglatay ng palad niya sa hita ko. "Ito ang gusto mo, hindi ba? Hmmnnn," sabi niya at inumpisahan na niyang halikan ang hita ko na pinalo niya habang nararamdaman ko ang pagkalag niya sa tali ng aking mga paa. Ang dalawa namang lalaki ay nasa magkabila kong tagiliran at inuumpisahan nang hawakan ang maseselang parte ng aking itaas na katawan. "Tama na! Parang awa niyo na! Tulungan niyo 'ko!" patuloy ako sa paghiyaw at paghingi ng tulong. Nang matanggal ang tali sa aking mga paa ay basta na lang niyang sinira ang aking panloob na siyang nagtatakip sa pinakamaselang parte ng aking katawan. Pinilit kong ikilos muli ang aking mga paa at binigyan ko siya ng malalakas na sipa sa dibdib, balikat at mukha. Tumimbuwang siya sa lupa ngunit parang kalabaw sa lakas at mabilis ding bumangon. "Pinahihirapan at pinasasabik mo talaga ako, ha." Lumapit siyang muli sa akin at binigyan ako ng malakas na suntok sa sikmura na muling nagpalugmok sa akin. Hindi na ako makakilos pa dahil sa pamamanhid ng buo kong kalamnan. Naramdaman ko na lang ang pagsira ng dalawang lalaki sa aking itaas na parte ng damit. At ang isa sa aking paahan ay nag-umpisa nang pagpartihen ang aking mga hita na ngayon ay wala ng kahit anong saplot. Nakalilis na hanggang baywang ang aking mahabang saya at nakalantad na sa kanilang mga paningin ang aking ibabang parte. Parang mga demonyo at mga asong ulol na kumislap ang kanilang mga mata. Pumwesto na sa aking gitna ang demonyong lalaki at handa nang umarangkada ang kanyang p*********i sa akin nang biglang sumambulat ang harang ng pinto ng bodega. Tumalsik ito at tumama sa likod ng lalaking nasa harapan ko. "Ugh!" Nasubsob sa parte ng tiyan ko ang lalaking nasa aking harapan. "Sino 'yan?!" "Tangina!" Biglang nagsitayuan ang tatlong lalaki sa gulat. Ako naman ay biglang nabuhayan ng loob. Tumagilid ako at sinimulang ibaba at ayusin ang aking nasirang damit. Tila bumalik bigla ang aking lakas. Pinilit kong gumapang at inaninaw kung sino man ang taong dumating at sasaklolo sa akin. Nang maaninaw ko at mamukhaan ko na ang taong nakatayo sa nasirang pinto ay doon muling umagos ang aking mga luha. Eric? "Eric!" sigaw ko at lumaki ang pag-asa kong makaligtas. Kita ko ang mga mata niyang nag-aapoy sa galit. Pinilit kong makatayo kahit sobra ang pamamanhid ng aking sikmura at hinanghina ang aking katawan. Nakita kong sinugod si Eric ng tatlong hayop at nagsimula silang magpalitan ng mga suntok. "Eric!" Nakita kong tinamaan ng suntok si Eric sa kanyang panga at gumewang ito. Nag-iisa lang siya at tatlo ang kalaban niya! Humagilap ako ng kahit anong bagay na pwede kong ipanlaban hanggang sa makakita ako ng mahabang tubo. Pilit kong pinabilis ang aking kilos. Humawak ako sa kung saan-saan upang makarating ako sa tubong nakita ko sa may sulok. At nang makarating ako ay mabilis ko itong dinampot. "Ugh!" Huh! Napalingon ako sa kakaibang daing na narinig ko. Eric... "Ericccc!!" "U-umalis k-ka na!" tila nahihirapan niyang sigaw sa akin habang gumigewang na siya at hawak niya ang tagiliran niyang nag-uumapaw ng dugo. N-nasaksak siya? Nakita kong hawak ng isang lalaki ang patalim na palagi kong itinatago sa ilalim ng unan ko at ngayon ay puro bahid na ng dugo. "U-umalis ka n-na!" muli niyang sigaw pero muli lang din akong umiling. "E-eric, hindi kita iiwan!" Naghalakhakan ang tatlong demonyo. "Ayan kasi ang napapala ng mga pakialamero!" Nasa akin lang ang paningin ni Eric at pilit akong itinataboy. "H-halika na, Eric. A-aalis na tayo!" Tinangka kong lumapit sa kanya ngunit nanigas akong muli nang humarap sa akin ang isa at si Eric ay muling sinaksak sa tagiliran ng mga kasama niya. Nangatal ang buo kong katawan nang makita kong humandusay na si Eric sa dayamihan. Naliligo na ito sa sarili niyang dugo. "E-eric..." "A-alis n-a," anas niya at halos hindi na siya gumagalaw. "I-im so s-sorry, E-eric." Muling umagos ang mga luha ko sa pisngi. Pagkatapos ng mga magulang ko ay si Eric ang sumunod. Nakalugmok na siya sa lupa at halos wala ng buhay. "Ipagpatuloy na natin ang kasiyahan, mahal na prinsesa." Muling bumaling sa akin ang tatlong lalaki habang nakangisi. Muli na naman akong binalot ng takot nang dahan-dahan na naman silang lumalapit sa akin. Ngunit pinilit kong palakasin ang aking sarili. Huminga ako ng malalim. At nang sandaling nakalapit ang isa ay malakas kong inihampas sa kanya ang hawak kong tubo. At ibinigay ko ang buong lakas ko upang makatakbo palabas ng bodega... *** Hindi ko na alam kung saan na ako napadpad. Dahil sa kadiliman ng gabi at tanging nagbibigay liwanag lang sa akin ay ang kabilugan ng buwan. Ang alam ko lang tatakbo ako ng tatakbo. Nagmamanhid na at nananakit na ang aking mga paang walang sapin. Ramdam ko rin ang hapdi mula sa mga matatalas na bagay na aking natatapakan mula sa aking pagtakbo. Pagod na pagod na ako at hinihingal na. Gusto kong magpahinga pero hindi pwede! Dahil ramdam kong nakasunod silang lahat sa akin! Tumatalas ang aking pandinig at nararamdaman ko ang mga yabag nilang palapit na sa akin. "Nasaan ka na, mahal na Prinsesa?! Hindi pa tayo tapos! Nagsisimula pa lang tayo!" Muling kumalabog ng malakas ang aking dibdib. Nangangatog na ang aking mga tuhod at nahihirapan na akong tumakbo. Nagmamanhid na at nananakit na ang aking mga paang walang sapin. Ramdam ko rin ang hapdi mula sa mga matatalas na bagay na aking natatapakan mula sa aking pagtakbo. Pagod na pagod na ako at hinihingal na. Gusto kong magpahinga pero hindi maaari dahil ramdam kong nakasunod silang lahat sa akin! Tumatalas ang aking pandinig at nararamdaman ko ang mga yabag nilang palapit na sa akin. "Ditooo..." Napakislot ako nang bigla akong makarinig ng tila bulong at malamig na tinig. "Ditooo...lumapit ka sa akinnnn..." "Ha? Sino ka?" Nagpabaling-baling ang aking paningin at hinanap ang bumubulong na tinig na aking naririnig. "Prinsesa, huwag mo na kaming pahirapan pa! Mabilis lang kaming mapapagod, marami pa tayong gagawin!" muling sigaw ni Elviz mula sa kung saan. "Halikaaa..." Muli akong nagpabaling-baling nang marinig ko na naman ang tinig ng isang babaeng bumubulong sa aking tainga. "Mama?" Nangilid ang aking mga luha habang umiikot ako sa gitna ng madilim na kagubatan. Hanggang sa mapatingala ako. Napanganga ako nang matanaw ko ang kagandahan ng bilog na bilog na buwan. Wala sa sarili kong naitaas ang aking mga kamay at pilit siyang inabot. "Ditooo...halikaaa..." Ang ganda niya. "Mama, kunin mo na 'ko." "Nariyan ka lang pala! Pinahirapan mo pa kami, mahal na Prinsesa." Napalingon ako sa aking likuran at natanawan ko sa 'di kalayuan ang tatlong lalaking humahabol sa akin. Nakatayo at nakatitig silang tatlo sa akin. Dahan-dahang napaatras ang aking mga paa habang nanginginig ang buo kong katawan. "Ditooo...sumama ka sa akinnn..." Muli akong napatingala at tinanaw ang kagandahan ng buwan. Bilog na bilog ito. Ang liwa-liwanag. Pakiramdam ko ay binibigyan niya ng liwanag ang kapaligiran. Ililigtas niya 'ko. "Halikaaa..." "Nariyan na 'ko," mahinang sambit ko at saka ako tumakbo ng mabilis. Sinundan ko ang lugar kung saan siya naroroon. "Hintayin mo 'ko," mahinang sambit ko habang mabilis na tumatakbo at pilit siyang inaabot ng aking mga kamay. "Sundan niyo! Bilisan niyo, mga gago!" dinig kong sigaw ng lalaki mula sa 'di kalayuan kasunod ang mabibilis na mga yabag sa aking likuran. Nagpatuloy ako sa pagtakbo habang nakatingala sa kalangitan at tinatanaw ang napakagandang buwan. Ngunit bakit pakiramdam ko ay tumatakbo din siya palayo sa akin. "Hintayin mo 'ko!" sigaw ko at pilit iniaabot ang aking kamay sa kanya. Nararamdaman ko pa rin ang mga mabibilis na yabag na sumusunod sa aking likuran. Maya-maya ay nakarinig ako ng malakas na halinghing. Napalingon ako sa ibang bahagi. Chuchi? Napahinto ako at muling nagpalinga-linga. Hinanap ng aking paningin sa madilim na paligid ang narinig kong humalinghing. Lumalakas ang mga yabag na aking nararamdaman. Muli kong narinig ang halinghing at ngayon ay mas malakas na siya sa aking pandinig. Chuchi? Patuloy ako sa paglinga hanggang sa matanawan ko na siya. Nakatayo sa labas ng pinto ng kwadra. "Chuchi!" sigaw ko at mabilis akong tumakbo patungo sa kanya. "Bilisan niyo! Huwag niyong hahayaang makatakas!" Narinig ko ang muling paghalinghing ng aking kabayo. Nang makalapit ako ay mabilis kong kinalag ang pagkakatali niya at mabilis akong sumakay sa kanyang ibabaw. Ngunit bago ko pa mapatakbo si Chuchi ay may malalakas na kamay ang pilit na humila sa aking mga paa. "Chuchi! Takbo!!!" sigaw ko kay Chuchi habang mahigpit akong nakayakap sa kanyang leeg. Pero hindi siya kumilos at paghalinghing lang ang kanyang isinagot. "Halika na dito. Paliligayahin ka namin, mahal na Prinsesa..hmmnn," sabi nila habang pilit nila akong iniaalis mula sa pagkakayakap ko sa leeg ni Chuchi. "Chuchi! Tulungan mo 'ko!" Humahagulgol na ako ng iyak. "Parang awa mo na!" pagmamakaawa ko dahil siya na lang ang kahuli-hulihang alam kong makapagliligtas sa akin. Pero hindi pa rin siya kumikilos! "Halika na dito...galit na galit na ang alaga ko! Malalagot ka na talaga sa kanya!" Humalakhak sila na animo'y mga demonyo Pilit nila akong hinihila paibaba. Nahahawakan na nila at napipisil ang aking mga hita paitaas at nararamdaman ko nang malapit na silang magtagumpay na maalis ako sa aking kinalalagyan. "Chuchi!!!" Dahil sa sobrang takot ko ay malakas kong nahampas sa katawan ang alaga kong kabayo gamit ang aking palad na dapat ay kanina ko pa ginawa. Dahil doon ay napatalon siya at biglang tumakbo nang mabilis. Muntik pa akong malaglag dahil sa pagkakakapit sa akin ng tatlong lalaki pero binigay ko ang lakas ko para makayakap nang mahigpit sa leeg ng aking kabayo. Mabilis siyang tumakbo at nakalayo kami kaagad sa mga masasamang taong humahabol sa akin. Humagulgol ako ng todo-todo at pakiramdam ko ay hinang-hina ang aking katawan. Hinayaan kong ihimlay ang aking katawan sa ibabaw ng aking kabayo habang siya ay tumatakbo. Madilim pa rin ang paligid at malamig ang simoy ng hangin. Makapagpapahinga na sana ako ngunit akala ko ay katapusan na ng paghihirap ko. Napamulagat ako nang makarinig ako ng mga sunod-sunod na yabag at halinghing ng mga kabayo. Awtomatikong kumabog muli ang dibdib ko at nagsisimulang bumalik ang pangangatal ko. "Chuchi!" sigaw ko kay Chuchi at malakas ko siyang hinampas muli sa kanyang katawan. Bumilis naman ang kanyang pagtakbo. Hindi ko alam kung saan ang tungo namin dahil hindi ko makita ang daan sa sobrang kadiliman. Ang alam ko lang ay malawak na kaparangan ang aming tinatakbuhan. "Ayon! Bilisan niyo! Hiyaahh!" Huh? Nararamdaman kong malapit na sila sa akin. Muli kong hinampas si Chuchi ngunit nagtaka ako nang bigla siyang huminto. Tumalon siya ng napakataas kasabay nang malakas niyang paghalinghing. Pinakiramdaman ko ang paligid. Nakarinig ako nang mahinang agos, malakas na lagaslas ng tubig at pagbagsak nito kung saan. Falls! Nakarating na pala kami sa dulo ng hacienda at narito na kami sa itaas ng falls. Bahagya ko nang naaaninaw ang paligid. Biglang umikot si Chuchi patalikod sa falls at paharap naman sa mga bagong dating na humahabol sa amin. Nanginginig ang aking katawan. Napalibutan nila kami at wala na kaming pwede pang daanan. Humalinghing ang tatlong kabayong nasa aming harapan. Nanatiling nakasakay sa mga kabayo ang tatlong lalaking hanggang ngayon ay nakahubo't hubad pa rin. Ngumisi ang tatlong lalaki at nagsimulang manlamig ang buo kong katawan. "Siguro naman ngayon ay pwede na nating umpisahan. Hindi ko akalaing dito pala ang gusto mo, mahal na Prinsesa. Hmmmnnn....mas maganda nga naman dito. Malamig, masarap ang hangin...at masarap mangabayo dito. Alam mo bang masarap akong kumabayo, mahal na prinsesa?" saad ni Elvis na siyang nasa gitna. Humalakhak naman ang dalawang lalaking kasama niya. Sa pagtawa nila ay nararamdaman ko si Chuchi na tila hindi mapakali sa aming pwesto at natatakot ako sa ginagawa niya. "Chuchi," saway ko sa kanya pero patuloy lang siya sa paglulumikot at paghalinghing. Natatakot akong baka magkamali siya ng tapak sa lupa. Isang napakataas na talon ang nasa aming likuran at kung hindi ka sanay d'yan ay siguradong hindi ka niyan bubuhayin. Nag-umpisa nang bumaba ang tatlong lalaki sa kanilang mga kabayo. At kapareho ni Chuchi ay hindi rin sila mapakali. Anong nangyayari? Alam ko ang ganitong ugali nila. May nararamdaman silang kakaiba sa paligid at hindi nila nagugustuhan. Napansin kong humahakbang na ang tatlo palapit sa amin. "Ditooo...Halikaaaa..." Napakislot at napalinga ako sa paligid nang muli kong marinig ang bulong ng isang babae. Ayan na naman siya! Wala sa sariling napatingala ako at natanaw ko na naman ang bilog na bilog na buwan. Pakiramdam ko ay hinihila niya ako. Muli kong naitaas ang kanan kong kamay upang abutin siya. "Kunin mo 'ko..." mahinang aniko. Nakatutok lang ako sa buwan at pilit siyang inaabot nang biglang magtatalon ang mga kabayo kasama na rin si Chuchi. "Ahas! Malalaking ahas!" malalakas na sigawan nila. At ang sunod ko na lang na naramdaman ay ang paglutang ko sa hangin at mabilis na pagbulusok ng aking katawan sa madilim na kawalan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD