Chapter 13: Engagement party
“KUMUSTA ang pagkikita ninyo ni Noah?” bungad na tanong sa akin ni mama, pagkarating namin ng anak ko sa bahay.
May sarili siyang negosyo, ngunit napansin ko na madalas ay nasa bahay na lang siya. Marahil ay ng dahil iyon sa amin ni baby Astrid.
Alam kong medyo nagdududa pa siya, na kung magiging masunuring anak na ba ako ngayon o kasing tigas pa rin ang ulo dati. Hay naku, magbago na ako.
“Okay naman po, ’ma,” tugon ko at tipid na ngumiti. Tumingin pa siya sa kaniyang apo at narinig ko ang paghikab nito.
“Iakyat mo na sa kuwarto si Astrid. Pina-schedule ko na ang check-up niya next week.” Natuwa ang puso ko sa narinig. Kahit medyo malamig pa rin ang pakikitungo niya ay paunti-unti naman niya kaming pinapakisamahan. At iyon ang importante.
“Opo, ’ma. Salamat po.” Tumango lang siya bilang tugon at tumalikod na.
“Dadalhin ko na po ito sa loob, ma’am?” bigla ay singit ni Kuya Jael. Binalingan ko siya.
“Sige po. Sa sala na lang po, Kuya Jael. Maraming salamat po.”
“Mauna na po kayo.” Pinauna na nga niya kaming pumasok kaya diretso na kami sa kuwarto ko.
Ibinaba ko sa kama ang anak ko, kaya lang bigla rin siyang umiyak. Na parang ayaw niyang magpababa, kahit subo-subo naman niya ang pacifier niya.
“Wait lang, anak. Kukuha si mommy ng bago mong damit. Magpapalit ka muna tapos bago matulog ay milk ka muna, okay?” malambing na sabi ko. Hinalikan ko ang pisngi niya, ngunit wala. Umiiyak pa rin siya.
Binuhat ko na lang siya ulit. Ayoko naman siyang umiyak ng ganito. Baka mapaano pa ang baby ko.
Hindi naman siya naglilikot noong nasa bisig ko siya, nakasandal lang ang ulo niya sa dibdib ko. Panaka-naka kong sinisilip ang mukha niya at kapag napapansin niya iyon ay mag-aangat siya ng tingin. Tapos ngingiti.
“Ganyan nga, anak. Ngitian mo lang si mommy, buo na agad ang araw ko.”
Sa gabi ay nag-uusap-usap sina mama at papa tungkol sa engagement party namin ni Noah. Si Kuya Rexus ay agad siyang nag-react. Nagkaroon pa sila ng kaunting diskusyon ni mama, ngunit pinigilan siya ng aming ama para manahimik na lang.
Pagkatapos nga ng dinner namin ay pinuntahan namin siya sa kuwarto niya. Kumatok lang ako at agad na pumasok sa loob. Naabutan ko siyang nakaupo sa kama at halatang malalim ang iniisip.
“Tito Rexus, nandito po si Astrid. Gusto niyang makipag-play sa ’yo, dahil mayamaya pa ang tulog niya,” aniko na sinadyang paliitin ang boses.
Iritadong napatingin siya sa akin at umirap pa. “You’re not funny, Leighton.” Ngumiti lang at tuluyang lumapit sa kaniya.
Umupo ako sa tabi niya, sa kama mismo. Hinawakan ko ang kanang kamay ni Astrid at kusa ring iyong umangat palapit sa tito niya.
“See, kuya? Makikipaglaro sa ’yo si baby Astrid.”
“Tsk. Don’t use my niece for your excuses, Leighton.”
“I am not, kuya. Gusto ko lang naman na pagaanin iyang mabigat sa dibdib mo. Alam kong worried ka sa kalagayan namin ng pamangkin mo, but hindi na po kailangan. Okay na kami, magtiwala ka ngayon sa akin, kuya.” Hindi siya kumibo, kinuha niya lang sa akin si Astrid. Pinatayo niya ito sa kandungan niya at tinitigan sa mukha.
Nakikita ko iyong pagkaaliw niya sa bata at alam ko rin na mahal na mahal niya ito.
“Huwag kang magmamana sa mommy mong matigas ang ulo, ha? Huwag mo siyang tularan, Astrid.” Ikinangiti ko iyon. Habang nagsasalita siya ay mataman pa siyang tinititigan nito. Na parang naiintindihan siya nito kung ano man ang katagang lumalabas sa bibig niya.
“Hindi po, tito. Sa ’yo po ako magmamana, matalino at pogi!”
“Heh!” sita nito sa ’kin. Si Astrid ay maririnig na naman ang mahina niyang tawa. “Leigh, may tiwala naman ako sa ’yo. Hindi ka na bata, minsan ka mang nagkamali sa desisyon mo noon ay alam ko ngayon ay hindi mo na iyon uulitin pa. Sa lalaking iyon lang ako na walang tiwala. Pero tandaan mo palagi na kapag nagkaproblema ka ay tawagan mo lang ako.”
“Okay, kuya. Ikaw naman po ang nasa speed dial ng phone ko. Isang pindot lang ay pangalan mo na agad.”
“Good.” Bago nga namin iniwan doon si kuya ay nakipagkulitan na muna ang baby. Saka kami bumalik sa aming silid.
***
Engagement party na namin ngayong gabi. Maaga pa lang ay naghanda na nga kami, dahil sa five star hotel iyon gaganapin.
Knee-length simple cut white chiffon dress ang aking suot ngayon, ganoon din sa baby ko. Naka-white baby gown din siya at may headband pa.
Nakatali ang buhok ko, may iilan na hibla pa sa kanang gilid ng aking pisngi. Maikli iyon kaya hindi siya makasasama sa tali nito. Kompleto ang suot kong alahas, though maliit lang ang diamond.
“Akin na si Astrid, Leighton.” Si Kuya Rexus ang nagsalita.
“Talaga, kuya? Ikaw na muna ang mag-aalaga kay Astrid?” Medyo natuwa ako, kasi hindi si mama ang kakarga sa anak ko habang nasa party.
Hinahanda ko nga ang sarili ko para sa maririnig kong issue mamaya. Kasi malalaman ng lahat na may anak na ako.
“Yes. Mas gusto mo pang iwan sa akin ang pamangkin ko, kaysa kay mama, tama?” Tinaasan pa niya ako ng kilay. Tama ang hula niya.
“Sorry po, kuya. Medyo takot lang po ako kay mama. May tiwala naman po ako, pero kaunti lang po,” sabi ko at ipinakita ko pa ang daliri ko.
Napailing siya at inilahad ang dalawang kamay para makuha si baby Astrid. Walang pagdadalawang isip na sumama sa kaniya ang bubwit. Hinalikan pa niya ito sa pisngi.
“Nagpapaganda ka ring baby ka, ha?” I chuckled softly. He looked at me. “Let’s go.” I nodded. “Leighton, kung ano man ang maririnig mo ngayon ay huwag mo masyadong dibdibin, okay? Ignore them, hindi mahalaga ang opinyon nila.”
“Noted po, kuya,” tugon ko. Humawak ako sa braso niya at lumabas na kami. Sasabay kami sa kaniya.
Sina mama at papa kasi ay nauna nang pumunta sa hotel. Kasi kailangan daw.
***
Ilang araw lang nila pinaghandaan ang gabing ito, ngunit ang ganda ng venue. Nakaka-good vibes ang atmosphere at grabe kakaiba talaga ang ambiance.
“Ang daming bisita, kuya,” komento ko at hinigpitan ko ang kapit ko sa braso niya. Nagsimula na rin akong kabahan, higit na nang makapasok na kami sa loob at nakuha agad namin ang kanilang atensyon.
“Kilala mo ang pamilya nila, kaya marami silang invited. Isa ito sa dahilan na gusto kong maging handa ka. May posibilidad na huhusgahan ka nila,” aniya. He’s kind talaga, ang suwerte ko na naging kuya ko siya. Malas niya lang din na ako ang naging kapatid niya, matigas ang ulo at pasaway.
“Hayaan mo na, kuya. Hindi nila alam ang pinagdadaanan ko. Hindi ba, anak?” tanong ko sa batang karga niya.
“Ho,” iyon naman ang unang lumabas sa kaniyang bibig. Inabot ko ang pisngi niya.
“Bagong word iyan, anak ko? Ang galing-galing mo naman. Sige nga say mommy, mommy,” aniko. Si kuya na ang umalalay sa akin, naglalakad na rin kasi kami ngayon.
Kahit na maraming tao ay hindi ko na sila pinansin pa. Hanggang sa makalapit na kami sa designation table namin.
“Akin na si Astrid, Rexus,” ani mama.
“Sa akin na ho muna, ’ma. Baka kailangan kayo ni papa mamaya,” saad ng nakatatanda kong kapatid. Napanguso ako, kasi sinasadya naman niya iyon.
Umupo na lang ako at kumuha ng maiinom na tubig, para pakalmahin iyong nararamdaman kong kaba.
“Say tito.” Bahagya akong natawa.
“Kuya, mahirap pa iyong bigkasin. Six month old pa po siya,” sabi ko at humilig palapit sa anak ko. “Say mommy, baby. Mommy.”
“Nah, she can’t.”
“Mommy, anak. Say mommy po.” Tumitig lalo sa akin ang anak ko. “Mommy.”
Kumiling ang ulo niya at parang naguguluhan din. “Shut up ka na. Ang ingay mo raw.”
Umirap ako kay kuya at hinanap ko ng mga mata ko ang pamilya ni Noah. Napapatingin pa rin sa aming direksyon ang mga bisita, kapag nagsasalubong ang aming tingin ay parang no choice rin sila na ngitian ako pabalik.
Nahanap ko naman kung saan nakapuwesto ang pamilya ni Noah at nandoon din siya nakaupo. Nakatungo at pinaglalaruan ang hawak na wineglass.
Nang mapansin niya siguro na may nakatitig sa kaniya ay saka lang siya nag-angat ng tingin at ’saktong napatingin na siya sa gawi ko.
I smiled at him, natigilan pa siya noong una bago niya ako sinuklian ng ngiti at hindi sinasadyang mapatingin ako sa kabilang table.
Naramdaman ko agad ang malakas na kabog sa aking dibdib. Si Leandro? Invited din ba siya?
Nang makita ko rin kung sino ang kasama niya ay lalo akong kinabahan. Nandoon ang mommy at daddy niya.
Nagtagpo rin ang mga mata namin ni Leandro, kahit may kalayuan ay nakikita pa rin ang lamig niyon. Tumikhim ako at nag-iwas ng tingin.
“Good evening, ladies and gentlemen,” anunsyo ng emcee at napaigtad pa sa gulat si Astrid. Mabilis naman siyang inalo ni kuya para hindi siya umiyak.
“Ang bad ng emcee, anak. Nanggugulat, ’no?” sabi ko.
“It’s okay, baby. Wala lang iyon.”
“Kuya, sino po ang nag-invite sa pamilya ng Dela Paz?” Agad na lumingon sa akin si kuya, pero parang hindi naman siya nagulat.
“Wala kahit na ano’ng koneksyon ang pamilya nila. Malamang plano ni mama ito,” paliwanag niya.
Tumingin ulit ako sa kinaroroonan ni Leandro, naabutan ko siyang nakatayo na parang aalis na.
Bakit kaya niya ako tinawag nang araw na iyon? Mayroon kaya siyang sasabihin?
“We’re all gathered here for the engagement party of Noah Ferrer and Leighton Acosta. May I kindly ask you to proceed to the stage?” dagdag ulit ng emcee at kitang-kita ko kung paano natigilan si Leandro.
Nang tumayo si Noah at lumapit sa puwesto ko ay tumingin ulit ako sa kaniya. Nasa tapat ko na ang lalaki, ngunit ang atensyon ko ay nasa kaniya. Na ngayon ay salubong ang kilay na nakatingin pabalik sa akin.
Hindi rin nakatakas sa mga mata ko ang munting kaguluhan sa mesa nila. I looked away at tinanggap ko na ang kamay ni Noah.
Iginiya niya ako palapit sa stage at napapalakpak ang mga bisita. Sinusubukan ko na huwag tumingin sa table ng pamilyang Dela Paz. Alam ko kung ano na ang iniisip ngayon ng ina ni Leandro at ang daddy naman niya, marahil ay madidismaya sa ’kin.
Pero wala, desisyon ko na rin ito.