Chapter 25: Chance ANG naalala ko lang noon ay madalas kong naririnig ang pag-iyak niya. Na noon pa man ay parang gusto ko na siyang lapitan pa, patahanin pero binabalewala ko ang mga nag-uudyok na iyon sa akin. Dahil naisip ko noon, kapag hinayaan kong ipakita iyon kay Leighton, mas lalo akong masasaktan. Mas lalong ipamumukha sa akin ang ginawa niya. Pilit ko ring binabalewala noon ang sinabi sa akin ng kaibigan ko, si Mark. Na dapat daw nasa tabi lang ako ni Leighton, dahil may sakit ang anak niya. At ngayon, dalawang mata ko na ang nakasaksi sa paghihirap ng bata. Na kahit sinasabi na nila sa akin na kailangan nila ako, ngunit hindi naman ako nakinig, nanatiling sarado ang tainga ko. So if Leighton resents me now, I believe I deserve it. I deserve every blame, every bit of her an

