CHAPTER 26

2116 Words

Chapter 26: Enough LEIGHTON’S POV LUMIPAT kami sa kabilang lugar para lang makaiwas kay Leandro. Hindi ko naman kasi inaasahan na muli kaming magkikita ngayon. Tapos una pa niyang hinanap ay ang anak ko. Ang kapal talaga ng mukha niya. Hahanapin na nga lang niya ang sinasabi niyang anak niya, ngunit ibang bata naman ang nilapitan niya. Natakot tuloy si Tin, akala nito ay kukunin siya at sa naisip nitong hindi anak ni Noah ay ang mas lalong natakot ang bata. Ngayon, okay naman ulit si Astrid. Nakapaglalaro na ulit siya, pero umiiyak pa rin si Ashtine na kausap ang daddy niya sa cell phone. “Daddy ang sabi po ng mamang iyon ay anak niya ako! Eh, hindi ko naman po siya daddy! Ikaw lang po ang daddy ko!” umiiyak na sumbong pa ng bubwit. Napatingin ako sa mommy niya, napapailing lang ito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD