Chapter 27: Love MASAGANANG kumakain ang mga batang kasama namin. Si Xanthe ay busy kay Ashtine, sinusubuan niya ito. Kasi alam niyang walang awat sa pagkain ang bata. Mamaya niyan daw ay mabubulunan ito. Palagi niyang pinapaalala na dapat may limitado sa pagkain. Lalo na’t, hindi rin naman ito mapili sa mga kinakain. Mainit ang amoy ng bagong pritong fries at burger na bumabalot sa loob ng fast food restaurant. Sa bawat pagpasok naman ng mga customer, agad na sumasalubong ang malutong na tunog ng fryer at ang mabilis na pag-order ng mga tao sa counter. Makikita ang makukulay na menu boards na kumikislap sa itaas, may malalaking litrato ng pagkain na nakaaakit sa gutom. Nakahanay ang mga mesa at upuan, karamihan ay gawa sa makintab na plastic at metal na madaling linisin. Sa isang sulo

