CHAPTER 5

1279 Words
Chapter 5: Baby Astrid DURING my pregnancy, si Markin lang ang nakasasama ko. Minsan si Kuya Rexus, sinasadya niya akong puntahan para lang kumustahin. Aware sila pareho kung paano ako tratuhin ni Leandro. Isang bagay lang ang mas natuwa ako, siya ang nagluluto para sa amin at lagi ko siyang kasabay. Ang kaso lang ay never na talaga kaming nabigyan ng chance na mag-usap ng tungkol sa amin. Pero wala siya noong nanganak ako. Two weeks ago ay nagkaroon siya ng project at nagkataon pa sa hindi sa Manila. Ewan ko kung sinadya niya rin iyon para lang hindi ako masamahan sa hospital. Masamang-masama talaga ang loob ko. Hindi ko lang magawang sumbatan siya. Dumating ang parents niya, in-expect ko na hindi darating si Tita Laura. Dahil ayaw niya talaga sa akin para sa anak niya. Ngunit alam kong napilit lang siya ni tito. Sa akin naman ay si papa ang bumisita, nauna lang ang kuya ko. “Look at her, hon. Kamukhang-kamukha siya ni Leandro. Ganito ang hitsura niya noong sanggol pa lamang siya,” papuri ni tito sa kaniyang apo. Nasa bisig niya ang aking anak at kanina pa nila pinagpasa-pasahan ni papa ang baby. Samantala si tita ay nakaupo lang at parang wala naman siyang pakialam sa apo niya. Okay na rin iyon, at least nakita ko na sobrang saya ni tito. Ang lapad-lapad nga ng ngiti nilang dalawa ng papa ko. Si papa naman ay nakailang beses ko nang nakitang nagpunas ng mga luha niya. Nakahiga ako sa hospital bed ko, nakataas nang bahagya ang likuran ko kaya nakikita ko sila nang maayos. Tahimik na nakaupo si Kuya Rexus, kanina pa siya nagbabalat ng mansanas at mangga, pinapakain iyon sa akin. Prutas ang dala ni Tito Hellion, si papa naman ay punpon ng bulaklak. Pagkapasok niya nga kanina ay ako agad ang nilapitan niya. Hinalikan pa niya ang noo ko at naiyak pa nga siya. Kinumusta rin naman ako ni tito. Nasa nursery room din kasi si baby. “Talaga po? Ganyan ang mukha ni Lee noong baby pa siya?” namamanghang tanong ko. Naramdaman ko pa ang matalim na tingin sa akin ni tita, hindi ko na iyon pinansin pa. “Yes, ipapakita ko sa ’yo ang litrato niya,” sabi niya at ibinigay na naman niya kay papa ang baby. Kinuha niya ang wallet niya sa bulsa at inilabas ang tinutukoy niyang litrato saka niya ibinigay sa akin. Nang makita ko na ito ay parang gusto ko na lang umiyak, dahil tama nga si tito. Kamukhang-kamukha ni Leandro ang baby namin. Isa na ito sa ebidensya na si Lee talaga ang ama ng anak ko at hindi ang kung sino-sinong lalaki lang. “Tama ho kayo, tito. Magkamukha po talaga,” aniko at ibinigay ko rin iyon sa kaniya. “Iisipin mo na kambal sila. Talagang mag-ama nga sila,” naiiling na sambit pa niya. Bumalik na naman siya sa apo niya. Nakaupo na si papa sa sofa at tumabi roon si tito, pinagmamasdan nila ang baby. “Hon, hindi mo ba bubuhatin ang ating apo?” Napipilitan na tumayo si Tita Laura at lumapit nga siya. Pinagmamasdan ko lang ang magiging reaksyon niya at unang kumunot ang noo niya. “Bakit ang liit ng baby mo, Leighton?” nagtatakang tanong nito. Hindi ko alam kung magsisimula na ba siyang laitin ang anak ko. Ngunit aminado akong maliit nga si baby Astrid, kumpara sa mga normal na laki ng sanggol kapag nasa labas na sila. “Hon, ano ba ’yang pinagsasabi mo?” malamig na tanong sa kaniya ni tito. “Hindi ko intensyon na sabihin ito. Pero talagang maliit ang batang ’yan. During your pregnancy, Leighton. Ano ba ang ginagawa mo? May regular check up ka naman siguro sa Oby-Gyne mo, right?” tanong nito sa akin para lang matigilan ako. Dahil may naalala ako. Napaiwas ako nang tingin at biglang nanlamig ang mga kamay ko. “Kasama ko po ang kapatid ko sa tuwing may regular check up siya, tita,” sabat ni kuya ko nang hindi na rin niya napigilan. Humigpit na nga ang hawak niya sa mansanas. Patunay na hindi niya nagustuhan ang sinabi nito. “Ano ang kondisyon ng bata noong nasa sinapupunan mo pa siya?” Hindi ako nakapagsalita agad at dinugtungan pa niya ang sasabihin niya. “An ultrasound can assess the baby’s condition and detect potential issues. During your pregnancy, did you take proper care of yourself and avoid actions that could harm your child?” “Hon, ano ba ang problema mo? Huminahon ka nga,” suway sa kaniya ni Tito Hellion. Ang bilis nang t***k ng puso ko, dahil aminado akong may problema nga sa baby ko. Pero nang makita ko na parang malusog naman siya, maliit nga lang ay hindi ko na masyadong naisip pa iyon. “Please don’t say that my niece isn’t normal, tita. We’ll get baby Astrid checked out with a screening. You don’t have to be surprised that she’s small compared to other newborns. She’s still your granddaughter.” Si kuya, na alam kong kanina pa talaga siya nagtitimpi. Sumabat na siya, dahil parang insulto ang reaksyon ni Tita Laura. Mas lalo nga lang ito nainis sa sinabi ng kapatid ko. Tumayo na si tito at inaya siyang lumabas. Si papa naman ay tuluyan na ring lumapit sa amin, nasa bisig pa rin niya ang apo niya. Maingat nitong inilipat sa akin. Napangiti pa rin ako nang makita ko na ang maamong mukha ng anak ko. Hinalikan ko ito sa noo. “Ganyan ka noon nang bagong silang ka pa lang, anak. Ayoko na sanang sabihin pa ito, dahil baka masaktan ka.” Nag-angat ako nang tingin kay papa. Bigla akong nagkainteres na malaman ang tinutukoy niya na katulad din ako ni baby Astrid. “Ano po ’yon, papa?” Si kuya ang nagtanong. “Sakitin ka na noong bata ka pa lang. Noong sanggol ka pa lamang ay hinanda na kami ng doctor, na baka mada-diagnose ka ng sakit. Five months old ka pa lang ay nagsimula ka nang hikahin. May tendency raw na magkaroon ka ng...cystic fibrosis. Two years ka noong lumitaw ang sakit mo, anak.” “Ano po ang cystic fibrosis, papa?” nagtatakang tanong ko. Aminado akong kinakabahan ako na baka magkaroon ng ganoong klaseng sakit ang aking anak. At hindi ko kakayanin iyon kapag nahirapan si Astrid. Ayokong maranasan niya ang nangyari noon sa akin. “Isang genetic disorder na nakaaapekto sa mga glandula ng katawan, kabilang ang mga glandula ng respiratoryo. Pero, anak. May gamot naman, hindi ka namin pinabayaan noon ng mama mo. Ginawa namin ang lahat gumaling ka lang,” paliwanag pa ni papa. Hindi ko na pinsan iyong tungkol kay mama, dahil ayokong mawala agad ang sama ng loob ko, dahil sa pagtatakwil niya noon sa akin. “Ipagagamot natin si Astrid hangga’t maaga pa, Leighton. Sa ngayon ay focus ka na muna sa pag-aalaga sa kaniya. Kakausapin ko ang doctor mo para dito.” Tumayo si kuya at nagtungo sa pinto, tuluyan na siyang lumabas. Si papa ay hinaplos ang buhok ko. “Matapang ka, anak. Alam kong katulad din ng aking apo ay lalaban ka. Siyanga pala, bakit hindi pa dumarating si Leandro? Hindi niya ba alam na nanganak ka na?” Hindi ko magawang magsalita tungkol kay Leandro. Nang mapansin iyon ng aking ama ay iniba na lang niya ang topic. Itinuon ulit ang atensyon niya sa apo. Naging maayos nga si Astrid, sinabi na rin ng doktor ang totoong kalagayan nito. Babalik lang kami kapag napansin namin na may kakaiba na sa baby ko. At hindi nga nagkamali si papa. Nangyari ang kinakatakutan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD