CHAPTER 6

1878 Words
Chapter 6: Visitors BIHIRA na kung umuwi si Leandro sa condo niya at ni minsan ay hindi ko siya nakita na tiningnan ang aming anak. Hindi pa niya ito nabubuhat. Dahil sa project nilang nagtagal ay umabot iyon ng tatlong buwan, bago siya nakauwi sa amin. Ngunit palaging ganoon, wala siyang oras. Si Markin lang ang lagi kong takbuhan sa tuwing kailangan ko ng tulong. Ayoko ring magsabi sa aking kuya. Dahil baka magalit siya. Alam kong hindi siya magdadalawang isip na kunin kami. Ngunit ayokong bigyan pa ng problema si Kuya Rexus. Kakayanin ko naman ito. Una pa lang ay ako na ang may gusto nito, kaya kailangan kong panindigan. Dahil sa baby ko ay huminto na muna ako sa pagtatrabaho. Si kuya na ang nag-suggest na mag-focus na muna raw ako kay baby Astrid. My daughter needs attention because of her health. I’m not really worried about money, since I have one of Lee’s cards. Tumutulong din ang kuya ko. Sa tuwing umaga ay wala akong ibang ginagawa kundi ang pagmasdan siya, kahit natutulog pa siya. Sinusundan ko talaga ng tingin ang pagtaas-baba ng dibdib niya. Paminsan-minsan ay hinahayaan kong matulog siya sa bisig ko. I don’t know if I’m just overreacting, but I’m really scared of losing my child. Even when I try to rest, I still see my baby in my mind. Napangiti ako nang dahan-dahan na gumalaw ang munti niyang kamay. Nang magmulat siya ay yumuko ako upang mahalikan siya sa noo. “Gising ka na po, anak ko?” malambing na tanong ko, na para bang magagawa akong sagutin ng baby ko. Binuhat ko siya at pinugpog ng halik sa pisngi, pababa sa leeg niya at nakipagtitigan din ako sa kaniya. Nagsimula na rin siyang gumawa ng baby sounds at ngumingiti siya sa akin, na parang nakikilala na rin niya ang mommy niya. “You’re thirsty na ba, baby Astrid?” Nagtungo kami sa kama. Pinahiga ko na muna siya bago ko siya tinabihan. Habang pinapadede ko siya ay hinahaplos ko ang malambot niyang pisngi. Kahit siguro buong araw ay hindi ako magsasawang panoorin siya. Kaya lang kailangan din ng mommy niya na magluto, dahil nagbi-breastfeed din siya. May crib siya sa kitchen namin, hindi ko talaga siya iniiwan sa kuwarto namin o kahit sa sala lang ng condo. Sabi ko nga ay ayokong mawala sa paningin ko ang aking anak. Gusto ko na palagi ko siyang nakikita. Napanguso ako. Noong baby pa siya ay halatang malaki ang pagkakahawig nila ng daddy niya. Ngunit ngayon, parang sa akin na nakuha lahat ang katangian niya. Kaloka. Nagmana nga yata ang anak ko sa akin. “It’s okay, maganda naman si mommy, anak. Kaya alam kong mas maganda ka paglaki mo—pero gusto ko pang ganito ka na muna, Astrid. Gusto pa kitang alagaan habang baby ka pa,” aniko. Muli siyang nakatulog. Inayos ko na ang suot kong puting sando. Kinumutan ko siya at nilagyan ko siya ng unan sa magkabila. Napatingin ako sa pinto nang marinig ko ang pagbukas sa may front door. Maingat akong bumaba ng kama at nagtungo roon. Dalawa ang kuwarto ni Lee sa unit niya. Sa kabila nga lang siya natutulog kapag masuwerteng nakauuwi pa siya. “Lee?” tawag ko sa kaniya nang maabutan kong papasok na siya sa kabilang silid. “Ang aga mo yata umuwi,” komento ko. Three p.m pa lang, usually ay umuuwi siya by 6. Ngayon lang ito nangyari ulit. “Dito ka na magdi-dinner? Ako na ang—” “No need. Mayroon kaming business trip. Kasama ko si dad,” malamig na sabi niya. Na naman. Lagi siyang may business trip o kaya naman ang idadahilan niya ay trabaho niya. Na masyado siyang abala kaya wala na siyang oras pa at never kong kinuwestiyunan iyon. “Ganoon ba? Tulog na si baby. Gusto mo ba siyang makita na muna bago ka umalis?” nakangiti kong tanong sa kaniya. Tumingin lang siya sa pinto ng aming kuwarto. Hindi siya kumibo at tuluyan na siyang pumasok sa kaniyang silid. Napahinga ako nang malalim at hinintay ko na lang ulit siyang lumabas. Bitbit na nga niya ang duffle bag niya at hindi man lang siya nakapagpalit ng damit. Hindi niya ako sinulyapan, ni hindi niya sinunod ang suhestiyon ko kanina. “Tatawagan ko ulit si Manang Isay para may kasama kayong dalawa rito habang wala ako,” kaswal na sabi niya lamang. Habang wala siya? Palagi siyang wala at nandito lang kami ng anak niya. Naghihintay sa kan’ya. Si Manang Isay ay isa sa kasambahay nila. Mabait naman ang ginang at nagagawa rin nitong alagaan ang anak namin, kahit may katandaan na rin. “Sige, mag-ingat ka,” matamlay na sabi ko at muli na niya akong tinalikuran. Binalikan ko na lang ang anak ko. Sa tagal kong pananatili rito ay hindi pa talaga kami nakakapag-usap ni Lee nang masinsinan. Kung bakit kasi ay iniiwasan niya ako. Ramdam ko pa rin ang hinanakit at galit niya sa ’kin. Hindi na nga talaga niya ako kayang patawarin pa. O baka hindi pa siya handa na pakinggan ang mga paliwanag ko? *** ISANG araw ay nagulat na lang ako nang bumisita sa akin si Pierce. Pero hindi naman siya nag-iisa. Kasama niya ang girlfriend ng kuya ko. “Annaliza. Ano ang ginagawa ninyo rito?” nagtatakang tanong ko sa kaniya. Palipat-lipat tuloy ang tingin ko sa kanilang dalawa. Ang mas nakagugulat ay magkasama pa silang dalawa. Tila magkakilala na. “Hello, Leighton. Puwede ba kaming pumasok? May dala kaming fresh fruits,” aniya. Ipinakita pa niya sa akin ang dala niyang basket. Maganda si Annaliza, hindi talaga ako tumitingin sa panlabas na anyo niya at hindi ko rin inalam kung ano ang ugali niya, na kung mabait nga ba siya o hindi. Ang importante sa akin ay masaya sa kaniya ang nakatatanda kong kapatid. Subalit kamakailan lang ay mayroon siyang ginawa na hindi ko inaasahan. Nagalit tuloy sa akin si Kuya Rexus. Hindi ko naman kasi alam ang totoong dahilan ng babae. “Sige pasok kayo,” anyaya ko at kinuha ko na ang dala niyang mga prutas. Nasa sala ang baby ko. Tulog siya habang ako naman ay nagtutupi ng mga damit niya. Malinis naman ang condo. Kahit wala rito si Manang Isay ay naglilinis din naman ako. Kahit sa kuwarto ko ay talagang gusto ko rin iyong malinis. Hindi maganda kapag makalat ang paligid. Ako iyong nai-stress at katulad ko na paminsan-minsan ay emotional pagdating sa anak ko. Kaya gusto ko rin iyong maganda sa paningin ko ang mga bagay na nakikita ko at hindi magulo. “Tulog ang anak mo, Leighton?” Tumango ako. “Maupo kayo,” sabi ko. Itinabi ko na muna ang mga damit ni Astrid. Hindi naman sa pagiging OA ko, pero ayokong ibalandara na lang ang mga gamit niya lalo na may mga bisita kami. “Thanks, Leighton. Puwede bang makita ang anak mo?” tanong ni Pierce at tiningnan niya ang crib. “Oo naman,” sagot ko. Sa halip na umupo nga sa couch ay nagtungo siya sa kanina pa niyang tinitingnan. Curious din siguro at gusto lang makita ang anak ko. “May gusto ba kayong maiinom?” I asked them. Sinundan ko pa nang tingin si Annaliza, na sumunod din sa lalaki. I wonder kung ano ba ang relasyon nilang dalawa. Alam kaya ito ng kuya ko? Kasi nakapagtataka nga naman na kung bakit sila magkasama. “Sige, ikaw na ang bahala, Leighton.” Pinagmasdan ko pa sila bago ako umalis sa sala. Malaki ang tiwala ko na wala naman silang gagawin sa aking anak. Kilala ko na sila, maliban kay Pierce. Well, masasabi kong mabait naman siya at gentleman. Kaya nga nang gabing iyon ay wala rin talagang nangyari sa amin. Naghanda lang ako ng juice at cookies, binilisan ko ang kilos ko para makabalik sa kanila. Naabutan ko si Pierce na nasa bisig na niya ang anak ko. Naririnig ko pa ang pag-iyak ng aking anak noong una. Ngunit inalo niya ito kaya tumigil din. Sa mga oras na iyon ay hindi ko rin naman inaasahan na uuwi si Leandro. May dala pa siyang echobag. Nang magtama ang aming mga mata ay nakikita ko ang malamig na emosyon nito. “Lee, nakauwi ka na pala,” bungad na sambit ko. Ibinaba ko sa center table ang tray at lalapit pa lang sana ako sa kaniya nang tumalikod na siya. Hindi ko na pinansin pa iyon at hindi ako nagpahalata na apektado ako sa pakikitungo sa akin ni Leandro. Sa halip ay hinarap ko na lamang ang mga bisita ko. “Umiyak siya, kaya sorry kung kinuha ko na siya mula sa crib niya, ha Leighton?” Ramdam ko na sincere naman siya. “Wala iyon,” wika ko at hindi na niya ako hinintay na kunin ang baby ko. Inilipat na niya ito sa ’kin. “She’s beautiful just like you, Leighton. Mabait na bata rin, dahil hindi nangingilala. Tapos mabilis din siyang tumahan kapag inaalo na siya,” komento ni Pierce. Ikinangiti ko iyon. “Yes, mabait talaga ang anak ko.” Ibinigay ko ang pink na pacifier niya, kinuha iyon mula sa coolbox. Tahimik si Annaliza noong una, ngunit nang tingnan ko siya ay napaayos siya ng upo. “Ano nga pala ulit ang dahilan ninyo kung bakit niyo ako binisita rito? At magkakilala ba kayo, Annaliza?” “Oo. Sa bar kami unang nagkita. Remember noong nagka-trouble kayo ng boyfriend mo? Kasama ako ng kuya mo, Leighton,” paliwanag niya. “I see.” “Anyway. Gusto ko lang isauli ito sa ’yo, Leighton. Nakalimutan mo.” Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung ano iyon. “Hala. Hindi ko na napansin na nawala ko na pala iyan. Salamat,” sabi ko at kinuha ko na iyon sa kaniya. Bracelet iyon na bigay pa sa akin ni Leandro. Masyado akong nag-focus sa baby ko, kaya ko na napansin na nawala ko na ang isa sa bahay na iniingatan ko. “Ang sabi niya sa akin ay ibigay ko na lang daw ang numero mo para siya na lang ang makipagkita sa ’yo. Pero dahil sa sitwasyon mo ngayon ay sinamaha ko na lang siya, Leighton.” Tumango pa si Pierce. “Hindi rin naman kami magtatagal—ah ewan ko lang kay Annaliza. Pero dahil may hinanda ka ay iinit pa ang upuan namin bago kami aalis,” sabi niya. Kumuha na rin siya ng maiinom niya. Minsan ay nakikita ko sa kaniya si Lee, maalalahanin siya. Hindi nga lang katulad ng isang iyon na palabiro. Gaya nga nang sinabi nila ay mas nagtagal pa sila rito at hindi man lang lumalabas si Lee. Hinatid ko pa sila sa pinto at naisipan ko na lang na puntahan si Leandro. Nag-iingay pa rin ang anak ko. “Nakauwi na si daddy, baby. Gusto mo bang makita ang daddy mo?” Hinawakan ko ang doorknob, pero nakasarado kaya hindi kami nakapasok. Nakanguso kong nilingon si baby Astrid. Hinawakan lang nito ang pisngi ko at marahan na pumapalo. Hindi na rin ako nangulit pa. Isa iyon sa kinaiinisan ni Lee. Ayokong pagpilitan ang isang bagay na ayaw niya. Sana kaya ko ring i-apply iyon sa sarili ko, ano?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD