Chapter 7: Girlfriend
HALOS isang oras na ang nakalipas, nasa kama kami ulit ni Astrid nang pumasok sa loob si Leandro. Nagulat ako, kasi ngayon lang ulit siya pumasok sa kuwarto namin.
“Lee,” tawag ko sa kaniya at bumangon ako.
Nagsimula akong kabahan. Ang bigat ng presensiya niya at tila binabalutan ng itim na usok ang aura niya. Malamig ang mga mata niya at hindi ko nagugustuhan. Parang may ginawa akong kasalanan sa kaniya.
“Ano ang ginagawa rito lalaking iyon, Leighton? Tell me, hindi na ba ito ang unang beses na pumunta siya rito?” malamig na tanong niya. Ramdam ko agad na hindi niya nagustuhan ang ideyang pagbisita ni Pierce.
“Ngayon lang. Magkasama sila ni Annaliza, Lee. Hindi ko nga alam na pupuntahan nila ako rito,” pagdadahilan ko. Ang bilis nang t***k ng puso ko.
Wala naman akong ginawang mali, pero kung makatingin siya sa akin ay parang nakagawa nga ako ng isang bagay na kinaiinisan niya.
“Huwag mo na ulit papasukin iyon, Leighton. Ayokong may ibang tao ang nagpupunta rito sa condo ko,” sabi niya at saka siya lumabas ng kuwarto.
Napasapo na lamang ako sa aking noo at tiningnan ko na lang ang anak ko. Bumalik ako sa kama at nakipaglaro na lang ako kay Astrid.
MATULIN lumipas ang mga araw. Parang walang nagbago, ganoon palagi ang routine namin ni Leandro. Gayunpaman, hindi pa rin naman ako nagsasawa na alagaan ang anak ko.
Si Markin naman ang kasama ko noong schedule na naman sa physician niya si Astrid.
Ngayon ay naisipan niyang pumunta na muna kami sa isang café. Gusto niya raw uminom ng kape. Tahimik ang café. Iyong ganitong ambiance ang gusto ko—walang masyadong tao, may soft jazz music sa background at may amoy ng bagong lutong kape.
Nasa harap ko si Markin, tahimik na nagmi-mix ng asukal sa kape niya habang buhat ko si Astrid sa kandungan. Kagigising lang niya mula sa maikling tulog. Six months old na siya, nakakakain na rin siya.
“Mark, hindi ka ba nagalit sa akin?” tanong ko sa kaniya.
“Ha? Saan naman ako magagalit?” nagtatakang tanong niya at binigyan pa niya ng biscuit si Astrid. Napapangiti ako sa tuwing inaabot iyon ng mumunti niyang kamay.
“Iyong nangyari sa party, that night remember?”
Saglit siyang natigilan at napatango rin kalaunan. “Nope. Hindi ako magagalit, lalo na sa kuwarto ko mismo nakapasok ang magandang artist na iyon at may anak na rin ako. Mas malaki nga lang kaysa kay Astrid. Paano kasi, malakas mag-milk sa mommy ganda niya,” kuwento niya na sinabayan pa niya nang mahinang halakhak.
“I want to meet her again, and your daughter, Mark. Pero hindi rin namin kailangang magtagal sa labas, e. Anyway, hindi ba nagagalit sa ’yo si Rea? Na palagi mo kaming pinupuntahan?” I asked him. Mamaya niyan ay magalit sa kaniya ang girlfriend niya. Ayokong makasira ng relasyon.
Dahil maski ako ay hindi ko na rin alam kung paano pa ayusin ang nasirang relasyon at mahirap ibalik ang tiwala.
“Hindi ko sinasabi. Baka kasi... Basta,” sabi niya lang at parang ayaw niyang sabihin sa akin ang dahilan. May itinatago yata siya, e.
“Magpaalam ka sa girlfriend mo, Mark. Mamaya niyan ay hindi pala niya gusto ang pinupuntahan mo kami. Huwag mong hayaan na magalit siya sa ’yo,” paalala ko sa kaniya.
Napatitig pa siya sa akin at napatango. Sa totoo lang ay hindi siya aware noon na may anak na siya. Nakita lang niya ang mag-ina niya nang minsan niya rin kaming sinamahan na magpunta sa grocery store at nandoon din si Leandro.
Umuwi kami nang araw na iyon, nang hindi niya ako kinikibo. Napagsabihan pa kasi siya ni Mark. Balak pa niya yatang ihatid ang mag-ina ng kaibigan namin.
“Noted, ma’am. “Anyway, CR lang ako saglit,” paalam niya. Tumayo siya at tinapik si Astrid sa binti. Inosenteng tiningnan siya ng aking anak. “Behave ka muna, baby girl.”
“Behave naman lagi ang baby ko, Mark,” aniko na tinawanan niya lang.
Nang makalayo si Markin, tumingin ako kay Astrid. Kinurot ko nang maraha ang pisngi niya at ngumiti siya pabalik. Iyong tipong ngiti na walang ngipin pero kayang tunawin ang pagod ng kahit sinong magulang.
I was about to sip my lukewarm latte nang may napansin akong pamilyar na mukha sa may pinto ng café. Babaeng naka-light denim jacket, loose white dress at may hawak na phone habang nakapila. Mahaba ang straight niyang buhok at kahit ilang taon na rin kaming hindi nagkikita ay imposibleng hindi ko siya makilala.
Si Allyjha E. Thompson, kababata ko siya. Nag-migrate lang siya sa abroad kaya nagkahiwalay rin kami. Isa rin siya sa matalik kong kaibigan.
Parang sandaling huminto ang paligid. She turned her head casually, and just like that—nagkatinginan kaming dalawa. Ilang beses pa siyang napakurap at alam kong makikilala pa rin niya ako.
“Leighton?” tanong niya, agad na lumapit sa kinaroroonan ko. Napangiti ako. Masaya akong makita ulit siya. Wala na rin talaga kasi kaming komunikasyon pa. “Hello, Ley!” bati niya at nang makalapit siya sa akin ay mahigpit niya akong niyakap.
Saglit ay natigilan siya nang napatingin siya kay Astrid na nakatingin din sa kaniya, naglalaway sa daliring sinusupsop nito. “Oh my God, anak mo?”
Tumango ako, hinagod ang buhok ni Astrid. “Oo. Her name’s Astrid. Six months pa lang siya,” sagot ko.
“Grabe, ang bilis talaga ng panahon, Ley. Hindi ko man lang alam na may anak ka na pala. Halatang maganda na ang buhay mo. Kung sabagay ay ako naman itong umalis. Kumusta ka pala?” Umupo na siya sa tabi ko, since may vacant chair naman talaga.
“Heto, mommy na. Ikaw ang kumusta, Allyjha? Ang tagal mo ngang walang paramdam, ah,” komento ko at tumango siya. Hinawakan niya ang kamay ko. Ang ganda pa rin niya hanggang ngayon. Mas gumanda pa nga siya lalo.
Nakabalik din agad si Markin. Nakangiti pa siya habang papalapit, hawak pa ang maliit na bottle of alcohol, pinupunasan ang kamay. Pero nang makita niya kung sino ang kaharap ko, parang biglang nabura ang ekspresyon sa mukha niya.
“Allyjha?” sambit niya sa pangalan nito at ako naman ang nagulat. Dahil parang magkakilala sila.
Napaatras si Allyjha ng kaunti. “Engineer Markin?”
Nanlaki ang mga mata ko. Napatingin ako sa kanilang dalawa—pabalik-balik. Sabi ko na nga bang magkakilala sila.
“Kilala ninyo ang isa’t isa, Mark?” I asked them.
“Wait... kayo? Kayo ba ngayon ni Leighton?” sa halip ay tanong pabalik ni Allyjha. Tahimik si Markin. Halatang hindi alam kung paano sasagot. Hindi na siya makatingin sa akin. Parang may itinatago na naman siya. “Hindi man lang sinabi sa akin ni Leandro na may pamilya ka na pala, engineer.”
Higit akong nasupresa sa sunod niyang sinabi. “Kilala mo rin si Leandro?”
“Yes, he’s my boyfriend.”
Pakiramdam ko, unti-unting lumalamig ang paligid kahit mainit ang kape sa harap ko. Parang may sumabog sa loob ko. Tumayo ako bigla. Nagulat din nang mapatingin sa akin ang anak ko.
Ramdam ko ang pag-angat ng emosyon sa lalamunan ko at ayokong makita nila akong masaktan. Tumalikod ako at mabilis na lumakad palabas ng café. Bawat hakbang, parang hinahabol ako ng bigat ng katotohanan. Na may iba na si Leandro. Hindi ko man lang alam.
“Leighton...” Hinabol pa niya ako.
“Tama na,” bulong ko, pero matalim ang tono. “Markin, how could you?”
“Leighton, please, I was going to tell you—” Hinawakan niya ang braso ko, pero umatras ako.
Nangilid ang luha ko pero pinilit kong hindi ito bumagsak.
“Matagal mo na bang alam ang tungkol doon, Mark? Pero hindi mo lang sinabi sa akin?” Hawak-hawak si Astrid, na ngayon ay tila nararamdaman na rin ang tensyon. Parang paiyak na nga rin siya.
“Bago ko lang nalaman, Leighton. I’m sorry.”
“Paano siya nagkaroon ng girlfriend? Samantalang may anak na siya, Mark?” Sumikip nang husto ang dibdib ko at parang nahihirapan akong huminga.
“I... I don’t know, Leighton. Tinanong ko rin siya. Nagalit din ako nang malaman ko ang tungkol doon. Believe me, wala akong intensyon na itago iyon sa iyo. Hindi ko lang alam kung paano ko sasabihin sa ’yo,” aniya at nakikita ko ang hirap sa mga mata niya.
“W-Wala ring balak magsabi ni Lee, Mark? nagmumukha na akong tàngà sa harap niya.” Bumuhos ang mga luha ko, kahit hindi ko gustong umiyak. Dahil alam kong mas matatakot ang anak ko.
“Leighton...”
“Kaya pala lagi siyang wala at hindi umuuwi. I wonder na kung nasa iisang bubong na sila nakatira.”
“Hindi, Leighton. Ako mismo ang magbabawal sa kanila. Sinubukan kong kausapin si Lee, matigas lang ang ulo niya at ilang beses ko na siyang sinasabihan na ayusin niya ang relasyon ninyo. Pero—”
“Sa dami-rami pa ng ibang babae riyan, Mark. Bakit ang kababata ko pa?” naluluha kong tanong at kinuha niya mula sa akin si Astrid.
“Umuwi na muna tayo, Leighton.” Para akong nawalan ng lakas kaya nagpahila na lang ako sa kaniya.
Parang ang hirap paniwalaan, na may girlfriend na si Lee at masakit. Masakit malaman ang katotohanan na iyon.
Na sa halip ayusin ang relasyon naming ay naghanap pa siya ng iba. O baka nga gumagante lang siya sa ginawa ko noon sa kaniya?