Chapter 23: Rextor
NAKANGITI ko lang pinagmamasdan ang mga anak ko habang kumakain na sila ng meryenda. Si Ashtine lang ang panay kuwento, pero sumasagot din naman si Astrid kapag tinatanong na siya nina mama at papa. Likas na tahimik siyang bata, paminsan-minsan lang siya nagiging madaldal. Mas gusto niya ngang panoorin na lang kung paano magdaldal nang magdaldal ang kapatid niya.
Makikita naman sa mukha ng mga magulang ko ang labis na kasiyahan. Na hindi lang ang nag-iisa nilang apo ang nakauusap nila ngayon. Tinuring nilang apo, dahil halos ako na ang nagpalaki sa bata.
“Leighton,” tawag ni kuya sa akin, mula iyon sa pinto ng dining kaya nilingon ko siya.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita na may buhat-buhat siyang isang batang lalaki, halos kaedad lang ng dalawang bubwit o marahil mas bata pa ito.
Bagong gising yata ang bata, kinusot-kusot pa nito ang mga mata. Magulo nga rin ang buhok, ngunit parang si Kuya Rexus lang ang nakikita ko. Ganito ang hitsura niya noong bata pa siya.
“S-Sino po siya, kuya?” gulat kong tanong, napatayo pa ako para salubungin sila.
“I want you to meet our little Acosta. Leigh, this is Rextor, my son.” Napasinghap ako sa sinabi niya. Anak ni kuya?! Bakit hindi ko alam ’to?! “Rex, si Tita Leighton mo iyon. You know what to do, son.” Ibinaba na niya ito.
Dahan-dahan nang naglakad palapit sa akin ang bata, hinawakan nito ang kamay ko at hinalikan. “Hello po, Tita Leigh. I’m Rextor Acosta po,” pakilala nito. Umawang ang labi ko, hindi pa rin makapaniwala.
Lumuhod naman ako para magpantay ang mukha namin ng bubwit. Walang duda na pamangkin ko nga siya, kamukhang-kamukha siya ng nakatatanda kong kapatid.
Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi, ang lambot pa. “Wow! Nice meeting you, Rextor. Hindi ko alam na nag-e-exist ka pala.” Hinalikan ko siya sa pisngi. Ngumiti lang ito sa akin, tapos tinawag ni mama para ipakilala rin sa dalawang bata.
“Tin, Astrid. This is Rextor,” sabi ni mama.
Namamangha pa rin ako. Lumapit si kuya kaya binalingan ko siya. “Bakit hindi mo sinabi sa akin na may anak ka na pala, kuya?”
“Hindi ka naman nagtatanong,” kibit-balikat na sagot nito. Parang hindi big deal, eh nagulat nga ako sa nalaman ko.
“Kailangan ba talagang itanong iyon?” Napasimangot ako. Parang nakaganti na sa akin si kuya.
“Yes. Two months ang tanda ni Astrid. So, siya ang panganay ng pamilya,” aniya. Kung ganoon ay mas bata pa nga si Tin.
Curious ako kung sino ang mommy ni Rextor. Isang babae lang naman ang kilala ko na naging girlfriend niya. Mailap din naman siya sa mga babae. Kapag wala siyang interes ay wala ring mangyaya.
“Nagkabalikan ba kayo ni Annaliza, kuya?”
Kumunot ang noo niya nang nilingon niya ako. “Hindi naman kami naghiwalay, ah.”
“Sinungaling. May kasama ngang ibang lalaki si Annaliza noon. Pumunta pa sila sa condo ni—” Naitikom ko agad ang bibig nang muntik ko nang banggitin ang pangalan ng babaeng iyon.
Limot ko na iyon. Ngunit ngayon mukhang maaalala ko pa ang nakaraan.
Napailing siya. “Hindi kami naghiwalay. Totoo iyon.”
“Eh, bakit nga may kasama siyang ibang lalaki noon?” Nagkibit-balikat lang ulit siya. Walang balak na sabihin sa akin ang totoo.
“You two, stop it. Kumain na lang kayo riyan,” suway ni mama sa amin. Nang mapatingin kami sa kanila ay nagngingitian na ang mga bata.
Inubos ko na nga lang ang kapeng iniinom ko. Hindi ko naman mapilit si Kuya Rexus na—wait. So si Annaliza talaga ang ina ng anak niya? Kasi hindi niya itinanggi na hindi naman daw sila maghiw. Kaya isa lang ang ibig sabihin no’n.
Wow. Akala ko malabong mag-work noon ang relationship nila ng babaeng iyon. Ang hirap pa namang pakisamahan ng isang iyon. Sabagay naging kaibigan ko rin kahit na papaano.
“Si Annaliza ang ina ng anak mo, kuya?” I asked him again.
“Sino pa nga ba kung hindi siya?” patanong na sagot niya. Parte na nga talaga ng pamilya namin si Annaliza. Mabuti’t natanggap agad ni— “Kung iniisip mo na close sila ni mama, the answer is no. Masyadong matapang ang babaeng iyon. Hindi umuobra ang ugali ni mama sa kaniya.” Napangisi pa siya. Halatang masaya sa ina ng anak niya.
“Okay ba ang relasyon ninyo?”
“Of course. We’re living in a
SA GABI, tumawag si Xanthe para kausapin na rin si Ashtine. Nasa kabilang linya rin ang daddy niya. Tulog na si Astrid na yakap-yakap niya ang teddy bear.
Hinalikan ko ang noo niya. “Good night, Astrid.” Hinaplos ko pa ang pisngi niya at mayamaya pa’y ibinalik na sa akin ni Tin ang cell phone ko. “Tulog ka na rin, anak.” Tumango lang siya at humiga na sa tabi ng ate niya.
“Good night po, momma. I love you.” Napangiti ako. Inayos ko ang kumot sa katawan niya at humalik din ako sa kaniyang pisngi.
“Momma loves you too, Tin.”
***
IN the next day ay nag-aya sila na mamasyal sa labas. Pinayagan ko naman, basta may suot na facemask si Astrid. Hinanda ko na rin ang inhaler niya.
“You can go with them, Rex. Ihahatid ko na lang kayo sa pupuntahan ninyo.”
“Nasaan ang mommy niya, kuya?” usisa ko na mukhang dito natulog kagabi ang pamangkin ko, e. Hindi ko pa ulit nakikita si Annaliza.
“Nasa trabaho niya,” sagot niya.
“Ewan ko sa ’yo, kuya.”
“Sasama po si Rextor, momma?” Kinalabit naman ako ni Tin, hawak niya sa kamay si Rex.
“Yes, anak. Darating naman mamaya ang mommy mo. Basta huwag kang malikot doon, ha? Behave ka muna hangga’t hindi pa dumarating si mommy.” Tumango naman siya at pagkatapos ay ngumiti.
“Rex, your backpack, son,” tawag ni kuya sa anak. Binitawan nito si Tin at lumapit sa kaniya. “Huwag kang hihiwalay sa mga pinsan mo, okay?”
“Okay po, daddy,” sagot nito.
Sinuri ko naman ang dadalhin kong mga gamit. Napatitig pa ako sa black card ni Mark. Napangiti ako ng maalala siya. Hindi na kami masyadong nag-uusap, naging abala yata siya sa nakalipas na mga taon.
Ang card naman na ibinigay niya sa ’kin ay iyon ang madalas kong ginagamit sa tuwing bumibili ako ng mga gamit ni Astrid. Paminsan-minsan ay gamot ang nabibili ko.
Tatawagan ko na lang siya, baka magtampo siya kapag nalaman niyang nasa Pilipinas na ako. Pero hindi man lang ako nagsabi sa kaniya na uuwi kami. Ayokong magtampo ang kaibigan kong iyon.
“Let’s go, kids!” Natuwa agad sila sa pag-aaya ko. Iginiya ko na sila palabas.
Nasa biyahe na kami nang tinext ko lang si Mark, sinabi ko ang address na pupuntahan namin. Pero wala pang limang minuto ang nakalipas ay tumawag na siya.
“What the hell, Leigh?! Kailan ka pa dumating?!” Nailayo ko nang bahagya ang cell phone ko nang maraming ko ang malakas na boses niya.
“Kahapon pa, Mark. Magkita tayo? Sa SM lang kami, nag-aaya kasi ang mga bata na mamasyal, e. Hindi ko naman matanggihan. First time nilang makarating dito sa Pilipinas, e,” mahabang sambit ko.
“I see. Kailan naman kayo babalik?” tanong niya.
“After ng wedding anniversary nina mama at papa. Hindi pa tapos ang medication ng inaanak mo. Pinayagan lang kaming bumiyahe, dahil hindi n siya madalas sinusumpong ng asthma niya.”
“Ah, alright. Actually, hindi pa ako puwede ngayon, Leighton. Nasa site ako, kailangan ako rito.” Nahimigan ko ang lungkot sa boses niya, naririnig ko rin na maingay sa background niya.
“It’s okay, Mark. Marami pa naming oras. Siguraduhin mo lang na hindi ka busy,” sabi ko.
“Of course, titingnan ko muna ang schedule ko. Dadalhin ko ang mga bata para makilala mo.”
“Isama mo na rin ang asawa mo. Para hindi magselos sa akin.”
“Yeah. Though gustong-gusto kong makita iyon na nagseselos.” Natawa pa siya sa kabilang linya kaya napailing na lang ako sa kaniya. “I’ll call you next time, Leighton.”
“Okay,” sambit ko at pinatay ko na ang tawag.
Napatingin pa ako sa backseat, kung saan nakaupo ang tatlong bata. Masayang nagtuturuan sa labas. Aba'y hindi na sila naubusan ng topic, e. Nangunguna na si Tin. Laging may baon na kuwentuhan. Hindi rin sila nahirapan, naging malapit agad ang loob nilang tatlo.
“Momma, pupunta rin po ba tayo sa playhouse? Gusto ko pong maglaro doon.” Agad akong tumango.
“Siyempre, anak. Astrid, puwede ka namang maglaro. Basta lagi kang nagre-rest.”
“Opo, mommy. I will po,” sagot nito na malapad ang ngiti sa labi. Sunod kong tiningnan si Rextor.
“Ikaw, Rextor? Hindi mo ba inaya ang mommy mo?” Sukat doon ay napatingin siya sa daddy niya, na nagmamaneho.
“Daddy, call my mommy please?”
“She’s very busy, son. Maybe next time?” Huminga nang malalim ang bata at inosenteng tumango na lang ito.
“Sure ka bang okay lang kayo ni Annaliza, kuya?”
“I told you, we’re in good terms. May mga pagkakataon lang talaga na hindi nasusunod ang mga gusto ko.”
“Ang weird ninyo naman.”
“Kayo ang weird, Leighton. Hindi ba kayo nahihirapan sa sitwasyon ninyo? At si Noah, parang ang suwerte naman niya na may dalawang babae sa buhay niya. Kailan ninyo palalayain ang isa’t isa?” Napailing pa siya.
Natawa ako nang mahina. “Noah is a good person, kuya. He won’t cheat on me even if we don’t love each other. Ang mahalaga po sa amin ngayon ay ang samahan namin. Besides, I’m just waiting for the right sign to set each other free. We’re not going to be like this for the rest of our lives, kuya. Lalo na’t may batang involve. Hindi ko puwedeng ipagkait kay Tin ang magkaroon siya ng kompletong pamilya kung puwede naman naming ibigay iyon sa kaniya.”
“You truly love Tin.”
“Dahil po kay Astrid. Hindi ko siya kayang makita na pinag-aawayan ng mga magulang niya. She deserves a complete family.”
“And how about Astrid?” tanong niya na ikinangiti ko naman.
“Mayroong siyang ako, kuya. Sapat na iyon.”