CHAPTER 22

1694 Words
Chapter 22: Arrival LEIGHTON’S POV KATABI kong nakaupo si Ashtine, dahil gusto ni Xanthe na i-check from time to time ang heartbeat ng anak ko. Pabor iyon sa akin. Hindi na ako mag-alala kasi may nagmo-monitor na sa kaniya. Kahit sa pagkain niya ay sinusuri pa nito. “Momma, gusto mo?” Napatingin ako kay Ashtine. Nag-request siya kanina na kumain ng noodles, na ngayo ay kumakain na nga. Panay ang punas ko sa pawis niya na namumuo sa kaniyang ilong. Tumango ako kaya sinubuan niya ako no’n. Hinipan pa niya iyon sa akin. “Thank you, anak.” “Share po tayo, momma ha? Tulog na po si Ate Ast.” Hinaplos ko ang ulo niya at hinalikan sa pisngi. She’s very sweet. “Sige, kain ka lang, Tin,” nakangiti kong sabi. Sinulyapan ko pa si Astrid. Nakahilig siya sa dibdib ng Momma Xanthe niya. May hawak pa rin itong libro na binasa niya para makatulog ang bubwit. “Ang mommy mo, Tin. Ayaw mong pakainin?” She looked at her mom. “Mommy, gusto mo po ng noodles?” malambing na tanong niya na ikinalingon sa kaniya ng kaniyang ina. “Thanks, darling. Kainin mo na lang iyan para kay mommy.” “Okay po,” tumatangong sambit niya at muli na ako nitong hinarap. Alam kong mayamaya ay makatutulog na rin siya. “Mas masarap kong spicy ito, momma, ’no?” Yeah, she loves spicy. Nakuha niya iyon sa mommy niya. Ewan ko kung paano naha-handle ng batang ito ang maaanghang. Minsan kasi ay nalingat lang ako. Basta na lang siya kumuha ng noodles sa kitchen at kahit alam niyang may chili ay kinain pa rin niya. Madali lang siyang nakakuha ng mainit na tubig, galing iyon sa water spencer. “Maybe next time, anak. Mag-i-spicy ka.” Napangiti siya dahil doon. Just like what I said ay nakatulog siya after niyang kumain. Tulog pa rin si Astrid, nang tingnan ko nga si Xanthe ay nakatulog na rin ito. *** Sa airport ay si Kuya Rexus ang sumundo sa amin. Nasa bahay raw ang parents namin at naghahanda sa pagdating namin. Nang makita ko nga agad ang kuya ko ay malapad na ang ngiti ko. Hawak ko sa kamay si Astrid, si Tin naman ay kay mommy niya siya kumapit. “Kuya,” tawag ko sa kaniya. But he’s still good-looking, no doubt about that. His body got bigger too, you can see the difference in how his shirt fits, especially around his arms and shoulders. He definitely looks stronger and more grown-up. “Leigh.” Sinalubong niya ako nang yakap, nang hindi ko naman binibitawan ang kamay ng anak ko. “How are you, Leighton?” tanong niya, naramdaman ko ang paghagod niya sa likuran ko. “I’m good, kuya,” sagot ko at humiwalay siya pagkatapos. Bumaba ang tingin niya at nakangiting tiningala siya ng pamangkin niya. Ibinaba pa ni Astrid ang facemask niya. Lumuhod siya para magpantay ang mukha nila. “Long time no see, Astrid. Baby ka pa lang, pero ngayon ay malaki ka na.” Maingat na hinawakan ni kuya ang kamay nito, hinila niya at magaan na niyakap. “Hello po, Tito Rexus. How are you po?” Ang boses niya ay mahinhin. “Okay lang. You looks good too, baby.” Binalingan ko naman si Ashtine. Bagong gising pa siya. Ginising ko kasi siya kanina dahil bababa na kami. Kaya medyo wala pa siya sa mood. Nakasandal lang ang ulo niya sa baywang ng mommy niya, at nakakapit pa nga siya sa damit nito. “Tin, anak. Hindi mo ba babatiin ang ninong mo?” pagkuha ko ng atensyon niya. Napahikab pa siya. Nang lingunin niya ang itinuturo ko ay parang ngayon lang siya natauhan. “Ninong Rex! You’re here na pala!” Natawa si Xanthe nang bigla na lang itong bumitaw sa kaniya. Ako ang humiling noon sa kuya ko na maging ninong siya ni Tin. Sinabi ko noon sa kaniya na mayroon na akong pangalawang anak. Iyong ipinakita kong litrato ay baby pa talaga ito. Akala nga nila ay nagkaanak agad ako, kahit wala pang one year old ang aking anak. Ngunit naintindihan din naman nila agad nang nagpaliwanag na ako. “Ikaw si Ashtine?” ngitingiting tanong pa ng kapatid ko. Pinisil pa niya nang marahan ang pisngi nito. “Opo! Ako po si Ashtine! It’s Tin po, ninong! You’re so guwapo po pala in person!” hyper na sabi nito. Mambobola. “Really? I’m guwapo more than your dad?” he asked, halatang natutuwa si Kuya Rexus na makita na nang tuluyan si Tin. Hay, naku. Madaldal ang batang ito. “Hmm, second ka lang po, ninong.” Natawa na lang si kuya at pareho niyang niyakap ang dalawang bata. She loves her dad kasi, kaya ganoon ang sinabi niya. Kahit daw minsan ay annoying ang daddy niya. Palagi raw siyang inuuto kapag hindi kasamang umuuwi ang mommy niya. “Baka ikaw si Astrid, Tin. Ganyan na ganyan si Leighton, e.” “No po, ako po si Tin at siya po ang mommy ko.” Sabay turo nito sa kaniyang ina. Magkakilala na silang dalawa, kaya hindi na kailangan pa ng introduction sa isa’t isa. Nagtanguan lang sila. “Pero momma ko po si Momma Leighton.” Binalingan ako nito at ngumiti. Nagkibit-balikat ako, parang proud din ako sa sinabi niya. “Alright. Let’s go home, then?” Si kuya. Tiningnan ko naman si Xanthe, uuwi siya sa kanila ngunit hindi kasama si Ashtine. Hindi pa nga alam ng pamilya niya na nagkaanak siya sa abroad. Tinatago niya ang bata and I understand naman. “Tin, darling. Uuwi na rin ako, ha? Magkita na lang tayo bukas.” Binitawan nito ang ninong niya. Yumakap siya sa baywang ng kaniyang ina. “It’s okay, mommy. Wait na lang po kita tomorrow. Besides po, gustong-gusto ko na rin pong makita ang grandparents ni Ate Ast,” inosenteng sambit nito. Tanggap siya nina mama at papa, tinuturing din siya na parang tunay na apo. Hindi nga lang sila nagkita sa personal. “Salamat sa pag-intindi, anak. I love you.” Yumuko siya para halikan ito sa noo. Mahigpit niya itong niyakap at saka niya inutusan na lumapit na sa akin. Kumapit na ito sa kamay ko. Napangiti ako. Binuhat ni Kuya Rexus si Astrid at inayos niya ang facemask nito. “May susundo ba sa ’yo, Xanthe?” I asked her. Sabay na kaming naglakad palabas ng airport. May kasama ang kuya ko para bitbitin ang mga bagahe namin. “Magta-taxi lang ako, Leigh. Tin, behave ka lang okay, darling? Tatawag si mommy later.” “Opo, mommy.” Naghiwalay na nga kami paglabas namin, ang dalawang batang kasama namin ay nag-react nang sumalubong sa amin ang mainit na sikat ng araw. “Whoa! It’s so hot here!” komento ni Tin. Napahalakhak si Kuya Rexus, nag-react kasi ang bata na hindi sanay sa ganitong klima ng panahon. Mayamaya pa ay nasa loob na kami ng sasakyan ni kuya at kasalukuyan na kaming bumibiyahe. Nasa backseat ang dalawang bubwit, nakatanaw sa labas ng bintana at ang iingay nila. Namamangha rin sila sa taas ng gusali. “Good thing Tin didn’t get sad that her mom didn’t take her home,” she said, paminsan-minsan ay sinusulyapan niya ang dalawang bata sa backseat. “Matalinong bata si Tin, kuya. Madali siyang makaintindi. At mabait po iyan.” “Yeah, I can see that. Mabait at malambing, look at her. She’s very hyper and talkative. Kung hindi ko siya kilala ay iisipin kong anak mo siya.” I softly chuckled. “Susunod ba sa inyo si Noah?” Tumango ako. “May tinatapos lang siya roon, kuya. Pero minamadali na siya agad ng anak niya.” “I see.” It didn’t take long before we arrived at the house. Mom and dad were waiting for us outside. Tin was hesitant to come closer, maybe she was just feeling shy. Si Astrid ay nakayakap na sa grandparents niya. “Tin, come here. You’re always welcome here, apo.” “Mano ka sa kanila, anak,” marahan na utos ko. Naramdaman ko pa ang paghigpit nang hawak niya sa akin kamay at dahan-dahan na siyang lumapit kina mama at papa. Nagmano siya at nang hawakan ni papa ang ulo niya, binati siya ay napangiti na siya agad. “You love cookies, right? Marami akong ginawa para sa inyo ni Astrid, Tin.” Napapalakpak siya at tuwang-tuwang na yumakap. Humalik ako sa pisngi ng mga magulang ko at mahigpit din akong yumakap sa kanila. Ramdam ko ang banayad na paghagod ni Mama sa likod ko. “Pasok na kayo, hindi puwedeng magtagal dito si Astrid. Tin, sa loob na tayo,” sabi ni mommy. Binitbit ko na anb dalawang backpack ng mga anak ko. Si kuya na ang bahala sa mga bagahe namin. ’Saktong pagkaupo ko sa sofa ay nag-ring ang cell phone ko. Napangiti ako nang mabasa ang pangalan ng asawa ko. “Noah.” “How’s the trip, Leighton?” tanong niya, namamaos ang boses. “Okay lang naman.” “Kumusta ang mga bata? Si Tin? Super hyper ng isang iyan, medyo makulit din.” “Hindi siya si Ashtine kung hindi siya makulit, Noah. Tinawagan mo na ba si Xanthe? Sa labas ng airport na kami naghiwalay.” “Hindi pa. Hindi naman niya sinasagot ang tawag. Tss.” Natawa ako. “Hintayin mo na lang, sinabi niya rin sa akin na tatawag siya sa amin.” “That’s good. Si Astrid?” Nilingon ko ang pinto ng kusina, dahil iginiya sila roon nina mama at papa. Si kuya ay isa-isa nang inakyat ang mga maleta namin. Ako lang ang nakaupo rito sa sala. “Okay naman. Nakabantay sa kaniya si Xanthe sa eroplano. Normal naman ang heartbeat niya,” sagot ko at tiningnan ko ang relo kong pambisig. “Noah, matulog ka na ulit.” “After tatawag si—heto na. Tumatawag na siya. I call you next time, Leighton.” “You sounds happy. Alright.” Nakangiting ibinaba ko na ang tawag at tumayo para pumanhik sa kuwarto ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD