CHAPTER 21

1919 Words
Chapter 21: DNA test result positive LEANDRO’S POV TAHIMIK lang ako habang nasa loob ng sasakyan, mahigpit ang hawak ko sa ziplock na may pacifier, na ibinigay naman sa akin ng kapatid ni Leighton. Sa kabilang kamay ko, hawak ko naman ang isa pang ziplock na may ilang hibla ng buhok ko, ako mismo ang nagputol kanina, para sigurado. Hindi ko alam kung ano’ng nararamdaman ko. Naghahalo na iyon at nandoon din ang naguguluhan ako. Pero higit sa lahat, gusto ko lang ng kasagutan. Marahil ay masasaktan din ako kapag positive ang lumabas, negative ang unang ipinakita sa akin ni mommy. Ngayon nagkaroon na ako ng hint na kung bakit nagsisinungaling si mommy. Na bakit pinapalabas niya na ang batang iyon ay anak ng ibang lalaki. Naalala ko naman ang sinabi niya nang araw na iyon, na pinuntahan pa niya ako. “Kung hindi ikaw ang ama ng batang ito ay hindi kita pupuntahan dito, Leandro,” mariin na sabi niya. I stepped closer to her and grabbed her arm. She’s the one who made the mistake, yet she has the nerve to speak to me like this. “Paano kita paniniwalaan kung niloko mo ako? Hindi ko naibigay ang gusto mo kaya sumama ka sa ibang lalaki para lang sa ano? Imposible na wala kayong ginawa roon, kayong dalawa lang, Leighton.” she looked at me closely, like she was trying to read my expression. I showed her just how unbothered I was. “I told you na walang nangyari sa amin nang gabing iyon, Leandro.” Yeah, right. She keeps saying the same thing over and over again. But who still believes someone who’s already betrayed you? Only a fool would fall for her lies now. “You cheated on me. Ikaw rin ang unang nakipaghiwalay sa akin at alam mong hindi na tayo babalik pa sa dati. Sinira mo ang tiwala ko, Leighton.” “Sige lang. Pagtabuyan mo ako, pero huwag na huwag mong tatalikuran ang anak mo!” sigaw niya, punong-puno ng galit sa mga mata niya. Nagpupumiglas na rin siya sa pagkakahawak ko sa kaniya. “Just leave me alone, Leighton. Lahat nang sasabihin mo ay wala na akong paniniwalaan pa.” I’m not sure why, but there was still a bit of pity in me. I let go of her, sat back down on my swivel chair, and pretended like she wasn’t in the room. I forced myself to focus on work again. “Kilala mo ako, Leandro. Alam mong hindi ako nagsisinungaling. Hindi ko gagamitin ang baby ko para lang bumalik ka sa akin. Ikaw, ikaw lang naman ang gusto kong maging ama ng anak ko. Sa ’yo ko lang ibinigay ang sarili ko, ng buo. Hindi ko ipapaako sa iyo ang responsibilidad kung hindi ikaw ang ama ng pinagbubuntis ko.” And after that nalaman ni dad ang kalagayan niya. *** Nag-drive na ako patungo sa hospital, may kilala akong doctor na expert sa mga ganito. Kaya baka matulungan niya ako, on my way sa hospital ay tinawagan ko na agad siya. Mabuti na lang pagdating ko roon ay hindi pa siya nakapag-off duty. Sa lobby na ako hinintay ni Matthias Arguelles, isang geneticist. Malayong kamag-anak namin siya. “Leandro,” sambit niya sa pangalan ko. Sabay na nakipagkamay sa akin. “Nakahanda na ba ang kakailangan?” Tumango ako at ibinigay iyon sa kaniya. “Ilang oras bago lumabas ang resulta?” I asked him. Halata rin sa boses ko ang desperado. “Regular process takes one week. Pero kung gusto mo ng rush, 24 hours lang ang resulta with an additional fee. Pero dahil malakas ka sa akin ay free na lang.” Nagkibit-balikat pa siya, kaya napangiti ako. “24 hours? Hindi ba puwedeng hintayin ko mamaya?” Ewan ko kung bakit kailangan kong magmadali para sa resulta. Kailangan ko lang talagang lumabas agad ang resulta. “Hmm, may special special connection naman ako. Madalas for emergency case iyon. It’s entirely possible for the results to be released within 2 to 4 hours. However, we need to bring the sample to the military headquarters, because their RapidHIT system is more advanced.” Nate-temp akong tanggapin iyon, ang kaso sa military headquarters pa pala. Ayokong may maabala pa kaming iba. Okay na siguro kung dito na lang isagawa. “No, it’s okay. Dito mo na lang igawa iyon, Matt.” He nodded. Sa lab niya ako naghintay. Abala na siya sa ginagawa niya. Dahil malalim na ang gabi ay nakararamdam na ako ng antok, nilalabanan ko lang. Kasi naghihintay ako. Bumili na rin ako ng kape sa cafeteria at habang nagkakape ay tinawagan ako ni Mark. Galit sa akin ang isang ito, pasalamat na lang ako na pinapahalagahan niya ang pagkakaibigan namin. Wala naman sa akin kasi si Leigh pa ang kampihan niya. Sinagot ko na ang tawag niya at ito agad ang ibinungad niya sa akin. “Pautang ako, Lee.” Mayaman ang pamilyang pinagmulan ng kaibigan ko. Ngunit nagsisimula talaga sila sa umpisa, nagtatrabaho sila sa main company ng lolo nila. Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit bigla-bigla siyang umuutang sa akin. Eh, ang alam ko ay marami siyang pera. Sa halip na tanungin ko siya kung aanhin niya ang pera ay ito na lang ang sinabi ko, “Magkano?” “20 million.” Halos malaglag ako sa kinauupuan ko nang malaman kung magkano ang perang uutangin niya. “Seryoso ka ba riyan? 20 million?” Napahilot ako sa sentido. “Alam kong marami ka namang pera, Lee. Pero pahihiramin mo ba ako o hindi?” seryoso niya ring tanong. Napabuga ako ng hangin sa bibig. “Pauutangin naman kita. Pero aanhin mo ba ang ganoon kalaking halaga ng pera, Mark?” Hindi ko na napigilan ang magtanong. Siyempre curious ako kung saan niya iyon gagamitin. “Malalaman mo naman, pero hindi ngayon,” sagot niya, na parang may kahulugan doon. “Hindi ko agad mata-tranfer sa ’yo ang pera. Mina-monitor ni mommy ang bank account ko—” “Lee, diyan ako naiinis sa ’yo, e. Ang takot ka sa mommy mo. Wala namang kaso kung malaki ang respeto mo sa iyong ina, naiintindihan ko iyon. I respect my mom too, pero ayokong kinokontrol niya ang buhay ko. Kaya kahit alam kong masasaktan ko siya ay wala akong choice kundi ang huwag sumunod sa mga ninanais niya. Ang masama lang sa iyo ay masyado kang masunurin kay Tita Laura, na dumedepende ka lang sa kaniya. Dahil nga sa mommy mo kaya hindi naayos ang relasyon ninyo ni Leighton. Hahayaan mo na lang ba si tita na sirain pati ang kasiyahan mo? Lee, grow up.” Hindi ako nakakibo sa sinabi ni Mark, dahil ang lahat ng iyon ay totoo. This is how my parents raised me, dad was strict, and mom always seemed to know what was best for me. I grew up obedient and afraid to disappoint them “Fine, wait for it.” Ibinaba ko na muna ang tawag para makapag-transfer ako ng pera. Nang makita kong successful na ay tinawagan ko ulit siya. “Done.” “Thanks me later, Lee,” iyon lang ang sinabi niya at pinatay na niya ang tawag. Umawang lang ang labi ko. Siya dapat ang magpasalamat at hindi ako. Inubos ko na lang ang kape ko bago pa man ito lumamig. Nakadalawa pa ako kasi pinipigilan ko ang makatulog. Pero hindi ko rin nakayanan. Nagising lang ako nang may yumugyog sa balikat ko. Kahit nanlalabo pa ang paningin ko ay agad akong napatayo. Doon ko nga lang napansin na nakahiga na nga pala ako sa isang kama. Bumungad sa akin si Matthias. “Wala sana akong balak na gisingin ka, Lee. Pero kanina pa ring nang ring ang cell phone mo, and besides lumabas na ang resulta hindi pa umaabot ng 24 hours.” Ibinigay niya agad sa akin ang envelope. Inuna kong buksan iyon kaysa sagutin ang tawag, ito naman kasi ang hinihintay ko kagabi pa. “Thank you for this, Matt,” sabi ko na ikinatango niya lang. Nang makita ko na ang laman no’n ay naramdaman ko agad pagbilis ng t***k ng puso ko. “Result, 99.99% probability of paternity. Same blood type kayo ng bata, Lee. Positive na anak mo ang bata,” paliwanag ni Matt at para akong nauupos sa kandila na napaupo ulit. Kung ganoon ano’ng DNA test result ang ipinakita sa akin noon ni mommy? Na siya mismo ang nagsabi sa akin na hindi naman talaga ako ang ama ng anak ni Leigh. Pero ano itong nasa kamay ko? Dahil hindi ko ito puwedeng balewalain, mahusay na geneticist si Matthias at may tiwala ako sa kakayahan niya. Kaya imposibleng peke—o baka iyong hawak ni mommy ang peke? Gusto niya lang akong lokohin para hindi na ako bumalik pa kay Leighton. Nanginginig ang mga kamay ko na dinampot ko sa kama ang cell phone ko, hindi ko na binasa kung sino ang tumatawag. “Where the hell are you, Lee?!” Boses iyon ni Mark, sa biglaan niyang pagsigaw ay nailayo ko ang cell phone ko. “Why?” nagugulat na tanong ko pa rin. Hindi pa rin kumakalma ang mabilis na pintig ng puso ko. “Aalis na ngayon sina Leighton at ang anak niya! Wala ka na talagang gagawin para pigilan ang mag-ina mo?!” Mag-ina ko... Tama, anak ko nga siya. Anak ko nga ang batang iyon na palagi kong naririnig ang pag-iyak niya sa gabi. Ngunit hinahayaan ko lang na marinig iyon. Para akong walang pakialam kahit umiyak pa siya at hindi siya agad kinukuha ng mommy niya. Oh, Goddamn it, Leandro Dela Paz! Anak mo nga si Astrid! Tinapik ko lang sa balikat si Matt at nagpaalam na agad. Habang nagmamaneho ako ay nagsasalita pa sa kabilang linya si Markin, nasa airport daw siya. “Mark? Mark, nandiyan ka pa?” tanong ko, wala na kasi akong naririnig na boses mula sa kabilang linya kahit hindi pa nakapatay ang tawag. Kaya ibinaba ko na muna iyon at si Leighton ang tinawagan ko. Narinig ko agad ang ring, kaso mayamaya ay bigla cannot be reach na siya. I tried again, and again pero wala, hindi ko na ma-contact pa. Dumating ako sa airport, si Markin na ang nakita kong palabas na. Sinalubong ko siya at napapadyak siya nang makita ako, parang gusto niya akong tadyakan. “Dumating ka pa,” sarkastikong sambit niya. “Nasaan sila, Mark?” tanong ko. Matagal bago niya ako sinagot at parang gumuho agad ang mundo ko sa sinabi niya. “Wala na.” Kasabay no’n ay napatingala siya at sinundan ko iyon ng tingin. Ang ingat ng eroplano ang narinig ko na para bang nandoon sina Leighton at Astrid. “Baka ibang eroplano ang sasakyan nila. Pupuntahan ko sila!” sigaw ko. Tatakbo na sana ako papasok sa loob nang malakas niya akong hinatak. “Stop it, Lee. Hayaan mo na sila, tutal ito naman ang gusto mong mangyari. Ang tuluyan silang mawala sa buhay mo. Huwag ka nang maghabol dahil wala ka ng magagawa pa. Desidido si Leigh na umalis, ipagagamot niya roon ang bata.” “N-No...” umiiling na sambit ko. “It’s too late, Lee... Pinalaki tayong may respeto sa mga magulang. Pero hindi para ikadena ang sarili natin sa mga paniniwalang hindi natin kayang panindigan. Masakit mang sabihin, ngunit hindi lahat ng desisyong galing sa kanila ay para sa ikabubuti natin. May sarili tayong damdamin, at karapatang sundin iyon.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD