Chapter 20: Donations
HINDI ko sinabi kay daddy na wala na roon si Leighton kasama ang anak niya. Lalo na, ipinakita sa akin ni mommy ang DNA test result. Wala akong idea na gumawa agad siya ng paraan para lang mapatunayan na hindi ako ang ama ng bata.
And yes, naniwala ulit ako. Dahil kung papipiliin ako ay ang sarili kong ina ang paniniwalaan ko.
And that’s my mistake again.
Until one night, nabigla kami lahat. Sa announcement ng engagement party ni Leighton kasama ang lalaking hindi ko kilala. Sinungaling ako kapag sinabi kong hindi ako affected sa engagement na iyon.
Wala rin naman akong kaalam-alam kung ano ang mayroon sa party ng mga Acosta. Ang alam ko lang ay inimbitahan kami ng mama niya, at umaasa rin ako na sana makita ko ulit siya. But again, I have choices ngunit hindi ko ulit pinaandar ang isip ko. Hinayaan ko na naman. Naisip ko para saan pa? Tutal ito naman ang kagustuhan ko. Ang tuluyan na silang mawala sa buhay ko. Ngunit bakit parang bumigat ang aking dibdib?
Si dad ang naunang nag-walk out, sumunod agad ako. Si mommy na alam kong natuwa siya. She thinks finally ay malaya na ako.
Palakad-lakad si daddy, halatang naguguluhan siya sa mga pangyayari ngayon. Napapahilot siya sa kaniyang sentido.
Si mommy ay napailing lang, halos hindi na siya matingnan pa. Hanggang sa huminto na si dad at pinukulan ako nito ng masamang tingin.
Nang nilapitan niya ako at kinuwelyuhan ay hindi ako nagpumiglas. Makikita sa mga mata niya ang galit. Parang kayang-kaya akong patayin ng sarili kong ama.
“What happened, Leandro?! Bakit ikakasal sa ibang lalaki si Leighton?! Ano ang ginagawa mo sa loob ng isang taon at higit pa?!” Maski ang boses niya ay sobrang lamig din.
“Ano ba, Hellion?! Bitiwan mo ang anak mo!” Si mommy mismo ang pumigil sa aking ama. Alam kong masama na naman ang loob nito sa akin.
“Ano’ng ginawa mo, Leandro? Hahayaan mo na lang ba na kunin ng iba ang mag-ina mo?!” Sa higpit nang hawak sa aking kuwelyo ay nahirapan na akong huminga. Sigaw nang sigaw si mommy kaya binitawan agad ako ni dad.
“Lumabas ka muna, Leandro. Ako na ang bahala rito.” Tumalikod na ako.
“Hindi pa tayo tapos, Leandro. Magtutuos pa tayo sa bahay!”
“Shut up, Hellion! Pabayaan mo na ang anak mo!”
Dumiretso ako sa guest room. I need a break. Bumalik lang ako roon nang mahimasmasan ako, ngunit natigilan ako nang makita kung sino ang nasa labas ng entertainment room. Si Rexus, kapatid ni Leighton. Bumaba ang paningin ko sa bisig niya.
It’s Astrid.
Marahan na gumagalaw ito at narinig ko pa ang mahihina nitong hagikhik, na hindi ko na naman alam kung saan nagmula itong nararamdaman ko.
“Astrid, look what’s we have here,” sambit ni Leandro. Nakikita ko kung paano niya buhatin ang bata, na parang isang mamahalin na basagin at natatakot siyang bitawan. “Narinig ko ang usapan ng parents mo at ng kapatid ko. I can’t blame you kung nawala na ang tiwala mo kay Leighton. But it’s your fault kung hindi mo kinilala ng lubos kung sino ba talaga ang kapatid ko. Sayang din ang pamamalagi ni Astrid sa poder mo kung hindi mo siya binigyan ng pagkakataon na kilalanin. Kaya kung dumating man ang araw na malaman mo ang katotohanan, sorry to say this. Dalhin mo habambuhay ang guilt na ibinigay mo sa mag-ina. Hindi ka ka-deserve-deserve para mahalin pa nila.”
Lahat sila ay talagang ako ang sinisisi, sabagay. Ako ang lalaki, dapat lang na ako ang mas nakaiintindi pero wala. Hindi ko siya naintindihan noon. Hindi ko siya pinakinggan kahit ano pa ang paliwanag niya sa akin.
Ang dami kong sinayang na pagkakataon para sana mapanatili kung ano’ng mayroon kami. Pero pinili kong manahimik. Pinili kong tiisin. Akala ko kasi, okay lang. Akala ko, mas lalala lang kung papatulan ko. Ngunit ang totoo, ang lalim na pala ng sugat na hindi ko alam, ako rin pala ang may gawa.
Nagkulang nga ba ako?
Bakit hinayaan kong umabot sa ganito?
Wala akong maisagot. Siguro kasi, alam ko rin sa sarili ko, na ako rin ang dahilan kung bakit siya napagod. Ako ang dahilan kung bakit siya umalis. Hindi man ako ang nagtulak, pero ako ’yong hindi humabol. Hindi ko siya pinigilan. Hindi ko siya pinili sa panahon na kailangan niya akong piliin siya.
Kaya oo, kasalanan ko. Hindi lang dahil ako ang lalaki, kundi dahil ako ’yong taong dapat unang umintindi, pinili ko pa ring hindi pansinin ang mga senyales. Ang mga tahimik niyang pagod. Ang mga tingin niyang puno ng tanong at pakiusap.
Hindi ko man masabi lahat sa kanila, pero sa sarili ko, aminado ako.
Kasalanan ko talaga.
At ngayon, hindi ko na alam kung paano babawi o hahayaan na lang ulit talaga.
“You know what? Bakit hindi ikaw ang magpatunay ng lahat?”
“What do you mean?” I asked him.
“Do you want to carry her? Baka ito na ang una’t huli mo siyang mabubuhat. It’s your lost if you refuse, Dela Paz.” Kung susundin ko siya ay hindi naman ito ang unang beses na mahahawakan ko ang bata.
I sighed. I admit na nate-temp akong sundin siya. “Hindi na,” tanggi ko. “Baka maabutan ako ng mommy niya.”
“Tama ka. Magagalit ang kapatid ko kung hahayaan kitang buhatin ang pamangkin ko.” Nagkibit-balikat na lang siya.
“But let me see her face.”
“No.” Umiling pa siya. Hindi na lang ulit ako umimik hanggang sa ibigay niya sa ’kin ang pacifier. “Take it. Ikaw mismo ang umalam. Magpa-DNA test kayo. Kapag positive ang lumabas, bilisan mo lang kumilos. Baka kasi mahuli ka. Kung negative ang resulta, ako na ang humihingi ng pasensiya sa ginawa ni Leighton.”
Parang bumigat lang lalo ang dibdib ko sa sinabi niya. Napatitig ako sa hawak niya. Ako mismo ang magpapatunay? Wala sa sariling kinuha ko na iyon.
“I’m sorry for hurting your sister,” sabi ko.
“Nagmo-move on na ang kapatid ko. Ikakasal na rin siya, siguro co-parenting na lang ang mangyayari sa pagitan ninyo. Iyon ay kung anak mo talaga si Astrid.”
***
LEIGHTON’S POV
Abala na kaming lahat sa pag-iimapake, puwede nang bumiyahe ni Astrid. Kaya nang sinabi ko iyon kay mama ay natuwa siya. Dahil alam niyang makakapagbakasyon na kami agad.
“Momma, dadalhin ko po ito lahat!” Napangiwi ako sa itinuro ni Ashtine. Nagkatinginan pa kami ng mommy niya.
“Ang dami niyan, anak. I think mga nasa dalawa or tatlong maleta iyan,” sabi ko.
“Darling, hindi naman tayo magtatagal doon,” ani ng kaniyang ina. Sasama kasi siya. Maliban sa asawa ko na may kailangan pang asikasuhin, kaya hindi agad siya makakasama sa amin.
“Mommy, naalala mo ba? Iyong pinanood nating Kdrama. Hindi po ba may bata roon, tapos iyong toys niya po ay pinag-donate niya sa home for angels?”
Mabilis na sinulyapan ako ni Xanthe. “What about that, darling?”
“Hindi na po para sa akin ang toys na ito. Ibigay na po natin sa mga bata, and then mag-request po tayo na mag-pray sila, na sana gagaling na po ang ate ko.” Natameme kami pareho ng kaniyang ina. Umawang ang labi ni Xanthe, ako naman ay napangiti.
Narinig pa ni Noah ang sinabi ng anak niya. Natuwa rin siya sa narinig, dahil ganoon na kung mag-isip si Ashtine.
Tiningnan ko si Astrid, nakahiga siya sa kama at pinapanood niya lang kami.
“You’re so sweet, Tin. Thank you,” sambit ng anak ko sa kapatid niya.
“You’re welcome po, ate ko! Love-love po kasi kita, e!”
“Oh, darling. Ang bait-bait mo talagang bata.” Niyakap siya ng mommy niya at nakita niya ang kaniyang ama na nakatayo lang sa hamba ng pinto ng aming kuwarto.
“Daddy! Agree ka po ba sinabi ko?”
“Yes, darling. Mabuti ka pa ay naisip mo iyon,” ani Noah. Patakbong lumapit sa kaniya si Tin, nagpabuhat ito sa kaniya.
“Sunod ka po sa amin, daddy ha?”
“Of course, Tin. Take care of your sister, okay? Huwag mo siyang yayain na maglaro nang maglaro. Hindi siya puwedeng pagurin.”
“Opo, daddy.” Lumapit sa kama si Noah, inilahad niya lang ang isa niyang kamay at bumangon agad si Astrid.
“Tulungan ninyo si daddy na maghanda ng meryenda. Hayaan na natin ang mommy ninyo rito.”
“Okay po!” chorus ng dalawang bubwit, mas hyper lang ang boses ni Tin.
“Ang kukulit talaga nila.”
“Sinabi mo pa, Xanthe.” Ipinagpatuloy na lang namin ang pag-iimapake at ang mga laruan ni Tin. Susundin namin ang munting kahilingan ng bata.
“And I was shocked nang sabihin iyon ni Tin, Leighton.”
“She’s quite smart, right?”
“Thank you for that, Leighton.”
“Ilang beses mo na akong pinasalamatan.” Natawa kami pareho.