Chapter 19: Choices
LEANDRO’s POV
“Are you trying to kill yourself, Leandro? Babad ka na riyan sa trabaho mo!” I took a deep breath when I heard my mother’s voice.
Sa sobrang busy ko sa ginagawa ay hindi ko na namalayan pa ang pagpasok ni mommy sa loob ng opisina ko.
“I’m busy, mom. Please, leave me alone.” Kalmado lang ang boses ko. Ayokong pagtaasan siya ng boses, katulad nang ginawa ko noon sa kaniya.
“Busy saan?! Sa loob ng anim na taon ay hindi na kita nakikitang nagpapahinga sa bahay! Puro ka trabaho!” sigaw niya at narinig ko ang mga yabag ng sapatos niya palapit sa akin. Hindi ako nag-angat ng tingin. Tinapos ko lang ang trabaho ko. May bago akong project ngayon, kailangan kong tapusin ang design ng bahay. Para masimulan ko naman ang naka-line up na project. “Leandro Dela Paz!”
“Please, mom. Utang na loob! Pabayaan ninyo na ako!” Nang hindi ko na napigilan ay napasigaw na ako. Pati ang blueprint na hawak ko ay nalukot na rin, dahil sa tindi ng pagkainis ko. Kulang na lang ay ihagis ko ang mga gamit ko sa mesa.
Ganito na ako noon pa man, talagang ibunuhos ko ang lahat ng oras ko sa pagtatrabaho at sa loob ng anim na taon ay hindi na ako nagpahinga pa. I kept myself busy, hoping that maybe, just maybe, I’d forget the wrong decision I made back then.
“Leandro!”
“You made me this way, mom,” walang emosyon na saad ko. Sa pagpipigil ko ng emosyon ay ramdam ko ang paninikip ng aking dibdib, parang may bumaon na patalim. Kaya hirap akong huminga, ganito palagi sa tuwing nakikita ko ang sarili kong ina.
Siya ang dahilan kung bakit parang laging nadudurog ang puso ko. Ewan ko kung kailan ito mawawala, pero marahil deserve kong maramdaman ito.
Ito na lang ang kabayaran ng maling desisyon ko noon. Tatanggapin ko kahit dala-dala ko na ito habambuhay.
Na kahit hindi ako nag-umpisa ng lahat ng iyon ay may choice ako. Ang mali ko lang ay hindi pumili ako ng isang bagay na pagsisisihan ko pala.
Tama lang nakakatanga ang gumawa ng desisyon, laging mali at hindi pala iyon nakabubuti sa ’yo.
“Huwag ninyo na akong pahirapan pa. Ayokong mawalan na ng tuluyan ang respeto ko sa iyo, mommy. Baka makalimutan ko na ikaw ang ina ko. Baka rin makalimutan ko na ikaw ang nag-alaga sa akin simula pagkabata hanggang sa lumaki ako. Dapat masaya na kayo, dahil nanalo ka na. Nagawa mong ilayo sa akin ang mag-ina ko,” mahabang sambit ko. Nag-init ang sulok ng mga mata ko, alam kong nangingilid na ang mga luha ko.
Pinipigilan ko na lang na tumulo. Makita na naman niya kung paano ako naging mahina at walang ibang nagawa kundi ang humagulgol, na parang namatayan ng mahal sa buhay. Ngunit sa pagkawala nila ay parang iyon na rin ang nangyari. Kasamang namatay pati ang puso ko.
I remembered what happened back then, before I became like this.
***
Leighton Acosta, she’s my girlfriend, and God knows how much I love her. But lately, she keeps pushing for marriage… and I’m not ready.
Iyon ang totoo, wala rin sa plano ko ang magpakasal agad. Walang kaso sa akin kahit siya pa ang babaeng pakasalan ko, because I love her.
But my mom, lagi niyang sinasabi sa akin na huwag magmadali sa pagpapakasal at dahil masunurin akong anak, takot kay dad. Nakinig ako, sumunod ako sa mga sinasabi ng aking ina.
Hindi rin lingid sa kaalaman ko na ayaw ni mommy kay Leighton, sa kung ano man ang dahilan ay iyon ang hindi ko alam.
Naisip ko na kung palilipasin na muna namin, na ilang taon muna bago kami magpakasal. Bakasaling magbago rin ang isip ng aking ina, bakasaling pagdating ng panahon ay matatanggap niya ang girlfriend ko. Magugustuhan niya rin, na sa ngayon ay kailangan niyang kilalanin na muna. Ngunit hindi.
Nagalit sa akin si Leigh, but there’s one thing she did that I could never truly forgive. It felt like she crushed even my soul.
She cheated on me.
***
“Sabi ko na nga ba hindi matino ang babaeng ’yan, Leandro.”
That’s when Mom made it obvious how much she despised Leighton. It was as if she was the one who had been betrayed, not me, the guy who was supposed to be angry.
Ngunit aminado akong nagalit ako, na sa tuwing nakikita ko siya ay wala akong ibang nakikita kundi kung paano niya ako niloko. Kung paano niya ako nagawang pagtaksilan habang kami pa.
Mahal ko siya, pero mas matindi ang galit na nararamdaman ko para sa kaniya. Tapos makalipas ang ilang linggo, magpapakita siya sa akin para lang sabihin na buntis siya at ako ang ama. I didn’t believe her.
Alam kong mali na hindi ko siya pinakinggan sa mga paliwanag niya. Pero paano ko pa siya pakikinggan kung simula ng saktan niya ako ay nawala na rin ang tiwala ko sa kaniya?
Paano ko paniniwalaan ang mga sinabi niya kung alam kong niloko niya ako? Dahil hindi ko naibigay ang gusto niyang mangyari.
Dahil sa tindi ng galit ko noon ay wala na akong makapang pagmamahal, o sadyang naglaho na rin ito kasama ang tiwala ko sa kaniya?
That’s what I thought back then.
***
“Kilala mo ba si Marcia Thompson? Kaibigan ko na siya mula pa noong high school kami.” Lahat ng mga kaibigan ni mommy ay hindi ko kilala. Iilan lang na nakasalamuha ko.
“What about her mom?” I asked her.
“May anak siyang babae. Si Si Allyjha E. Thompson. Ligawan mo siya, mas matino pa iyon kaysa sa ex-girlfriend mo. Doctor ang anak ni Marcia.”
“I’m not interested, mom,” tanggi ko. Simula nga ng lokohin ako ni Leighton ay wala na talaga akong balak pang makipagrelasyon sa ibang babae. Ang tingin ko ay pare-pareho lang silang manloloko. “Kailangan ko nang umuwi.”
“Diretso ka sa bahay, Leandro. Kaya mo talagang umuwi sa condo mo? Gayong pinatira mo roon ang babaeng iyon? Dapat hindi ka na nakinig sa daddy mo. Hindi mo anak iyon, son. Huwag kang magpapakatanga sa isang katulad niya. Marami pang babae riyan.”
Ilang beses sinabi ng aking ina na ganoong klaseng babae si Leighton. Palagi niyang pinapaalala sa akin kung ano ang ugali nito at halos ipamukha sa akin ni mommy. Na babae lang pala ang aapak ng aking pagkatao.
Siguro dahil sa pride na rin, I want to save mine. Kaya sumang-ayon ako sa gusto niya na ligawan ko ang anak ng kaibigan niya. Naging girlfriend ko si Allyjha, habang nasa poder ko pa rin si Leighton.
Iniignora ko siya, kahit gumagawa na siya ng paraan na mapalapit sa akin. Yes, lahat ginawa niya. Pero sa tuwing nakikita ko ang mukha niya ay naalala ko ang panloloko niya sa akin.
Kaya sa bahay ako madalas umuwi. Kahit noong nanganak na siya at nagtagal pa siya ng isa’t kalahating taon. Hindi ko siya pinagbigyan.
***
“Shet ka, Leandro. Hindi ko alam na ganyan ka nga pala talaga katanga, ’no?” Si Markin, ang matalik kong kaibigan. Kapag nakikita niya ako na kasama ang girlfriend ko ay hindi niya pinapalampas na paduguin ang bibig ko.
Tinatanggap ko iyon, kasi alam kong wala naman akong ginagawang masama. Dapat nga maging patas na kami.
“Tama. I’m too stupid kaya nagawa akong lokohin ng kaibigan mo.”
“Kaibigan mo? Ha! Kung hindi ko lang pinapahalagahan ang pagkakaibigan natin ay sana matagal ko nang tinapos sa atin ang lahat. Ni hindi mo man lang hinayaan na magpaliwanag si Leighton. Tapos may girlfriend ka ngayon? Ano ang tingin mo sa mag-ina mo? Housemate lang?”
“Tell her to leave me alone. Patas na kaming dalawa, Mark. O puwede rin na buntisin ko na ang girlfriend ko para tuluyan na ring umalis si Leighton? Na mas aakuin ko ang totoo kong anak.”
Narinig ko ang tunog ng pagkakakuyom ng kamao niya, namumula na iyon dahil sa pagsuntok niya sa akin kanina.
“Asshôle. Magsisisi ka, Lee. Pagsisisihan mo itong kagagaguhan mo. At kapag nawala ang mag-ina mo ay huwag na huwag kang manghihingi sa akin ng tulong! Wala akong kaibigan na tanga!”
Hindi ko pinakinggan ang banta ni Mark, hinayaan ko. Basta ang alam ko sa mga oras na iyon ay ako ang tama.
Nang umuwi ako sa condo ay naabutan kong umiiyak na naman ang anak niya. Wala sana akong balak na pumasok sa kuwarto, pero iyak nang iyak ang bata. Kaya napilitan akong kunin ito, kaso mabilis lang. Ni hindi ko nagawang tingnan ang kaniyang anak.
“Huwag kang mag-isip ng kung ano, Leighton. Kinuha ko lang siya dahil kanina pa siya umiiyak,” malamig na sabi ko. Para hindi niya bigyan ng kahulugan. Iba nga lang ang sinabi niya sa akin na mag-iiwan pala iyon ng pelat sa aking puso.
“Hindi ka man lang marunong mapagtahan ng bata. Hindi ka rin kilala ni Astrid, dahil ngayon mo lang naman siya nahawakan at hindi pa nagtagal. That only means one thing, Lee. You’re not really ready to have a child with me. Napipilitan ka lang din at walang choice. I’m sorry. Hindi ko na naisip pa ang nararamdaman mo. Sorry, dahil mas inuuna ko ang anak ko. Kung sa tingin mo na ginagawa ko ito para sa sarili ko, nagkakamali ka. Balang araw maiintindihan mo rin kung bakit kita pinilit na panagutan ako. But Lee, I’ll always be thankful that at least once, you made me feel what it was like to be loved by you. Sana matutunan mo ring mahalin ang anak natin. She’s a fighter, Lee.”
Iyon na ang huli naming pag-uusap, because in the next day ay umalis na sila kasama ang kaibigan ko.
Hindi ko alam kung bakit parang gusto ko silang pigilan, na kung bakit bigla ay nakaramdam ako ng takot, higit na nang makita ko na papalayo na sila.
Ngunit nandoon na ako, hindi ako mahuhuli kung pinili ko silang pigilan. Wala lang akong ginawa. Hinayaan ko lang silang umalis.