Chapter 18: Bike
“DADDY, I’m fine na. Sige na po, lumayas ka na sa house natin. Ihahatid mo pa si mommy ko sa work niya, ’di ba? Huwag mong paghintayin si mommy, para lagi po kayong bati, dad,” narinig kong sabi ni Ashtine sa daddy niya. May mga salitang binibigkas ang bata na alam kong sa akin niya iyon nakukuha.
Ganoon na ganoon din kasi ako manaboy sa asawa ko. Na hindi ko akalain mas magmamana pala sa akin si Ashtine.
Pumasok na ako sa dining room, kung nasaan ang mag-ama. Kung nauunang nagigising si Noah ay siya ang nagluluto ng agahan namin. Nali-late tuloy siya sa trabaho niya, kahit na siya pa ang CEO.
“Baby Ashtine, watch your language, anak. Hindi dapat ganyan makipag-usap sa daddy mo,” mahinahon na sambit ko. Napalingon silang dalawa, suminghap ang bubwit. Napatakip pa sa bibig at bumungisngis kalaunan. Napailing ako at napangiti.
“Sorry po, momma. Si daddy po kasi ay susubuan pa ako. Eh, kaya ko na pong kumain na mag-isa, ’di ba po? Big girl na po ako, ’no momma?” Tumango ako. Madalas ay iyan ang sinasabi niya. Gusto niya rin daw kasi alagaan ang ate niya.
“Hayaan mo na ang daddy mo, Ashtine. Siguro nasabihan iyan ng mommy mo na asikasuhin ka muna bago siya aalis,” paliwanag ko sa bata. Umaliwalas ang bukas ng mukha niya sa narinig. Napapalakpak pa.
Tuwang-tuwa kasi siya kapag nag-uusap talaga ang parents niya, lalo na kung tungkol na sa kaniya. Natitiyempuhan niya rin kung magkasama ang mga ito. Hindi naman siya natitiis kung hihiling na siya.
“Okay fine, daddy! Subuan mo na po ako. Ahh.” Hayon nagkusa na nga. Natatawa ang aking asawa, hinalikan niya sa matambok nitong pisngi ang anak.
I’m happy for him, nagagawa na niyang alagaan ang anak niya. Na dati ay pinapaiyak niya lang ng baby pa ito. Na-realize nilang dalawa ni Xanthe na hindi dapat naiipit sa kanilang sitwasyon si Ashtine. Ginusto nila ang nangyari sa kanila, kaya dapat lang talaga na panindigan nila ang pag-aalaga sa kanilang anak. Pahalagahan nila ang existence ng bata, hindi iyong puro away lang sila.
Ngunit mas naging malapit lang naman silang dalawa noong nakapagsalita na si Ashtine. Marunong ng ma-curious ang baby na ’yan. Palatanong at talagang madaldal. Mabuti na lang ay masunurin, magaling siyang turuan at alam kong matalino siya paglaki. Mabilis niyang nage-gets kung bakit parang ang gulo-gulo ng relasyon ng mommy at daddy niya. Minsan dinadaan niya sa biro. Patampo-tampo at kung ano-ano pa ang pakulo.
“Where’s Astrid, Leighton?” Napakurap ako ng marinig ko ang boses ni Noah.
Babalikan ko pa sana ang anak ko sa kuwarto namin nang makita kong naglalakad na siya palapit sa akin. Napangiti ako.
“Good morning po, mommy. Iniwan ninyo po ako agad sa bed, ah.” Napanguso pa siya. Nang makalapit na nga sa kinatatayuan ko ay nagmano siya sa akin. Madalas nilang gawin ito ng kapatid niya.
Hinaplos ko ang buhok niya at dumukwang upang halikan ang kaniyang noo.
“Good morning too, anak.”
“Astrid, come here. Kumain ka na rin, nagluto ako ng soup.”
“Thank you po, dada,” aniya. Inakay ko na siya sa mesa. Lumapit na muna siya sa dada niya para mag-bless. Yumakap siya sa may gilid ng kapatid, ito mismo ang humalik sa kaniyang noo.
Inalalayan kong makaupo si Astrid. Tumayo pa ang asawa ko para lang ibigay sa anak namin ang soup.
Dahil five years old na sila pareho ay magkaklase sila sa kinder. Hindi pa nila pasukan ngayon, kaya nasa bahay lang kaming tatlo.
“Ate, any plans for this morning?” tanong ni Ashtine. Nagkatinginan kami ni Noah, kasi kapag nag-usap na ang magkapatid ay parang out of place na kaming dalawa. May sariling mundo kasi ang mga anak namin. Natatahimik kami kapag nag-uusap na ang mga ito, tapos makikinig lang kami.
“I don’t know yet, Tin. How about you? Do you have any ideas?” sagot ni Astrid.
“Hmm, wala pa po. Mag-iisip pa ako.” Nangalumbaba si Ashtine, hinintay namin kung ano pa ang sasabihin nito hanggang sa lingunin niya ang kaniyang ama. “Dad, pahiram po ako ng phone mo after our breakfast, ha? Gusto ko pong makausap si mommy.”
“Sure, darling.”
Humarap siya sa ate niya at matamis na ngunit. “Now dig in, ate!”
Mukhang may naisip na nga ito na gagawin nila ngayong araw. Hindi naman talaga siya nauubusan ng idea, parang gumagawa lang sila ng schedule. Halimbawa, ngayong araw ay manonood lang sila ng cartoon or Disney Princess. Magpapaluto sila sa akin ng popcorn or anything na snack na puwedeng kainin ng ate niya. Minsan ay magsu-swimming sa pool at kung ano-ano pa.
“What’s your plan for today, baby?” I asked her.
“Secret po, momma! Mamaya na!” hyper na tugon nito. Tinanguan ko lang siya.
Pinauna ko nang umalis ang asawa ko. Dahil kailangan pa niyang ihatid sa hospital si Xanthe. Ayaw na sana ng babae, pero wala siyang choice kundi sundin ang kahilingan ng anak na hatid-sundo siya ng daddy nito. It’s a way na rin para bumalik ang loob nila sa isa’t isa. But need ng proof, parang segurista nga ang anak ko. Kailangan ay may makita siyang litrato na magkasama ang mga ito.
Wala sa mga magulang niya ang attitude niya, nagso-sorry tuloy ako sa kanilang dalawa. Ang ugali ko ay na-adapt ng kanilang anak.
Hindi na ako ang naghugas ng pinagkainan namin, si Ate Stacy na. Ang mabait naming kasambahay na limang taon ang tanda sa akin.
Sabay kong pinaliguan ang magkapatid at binihisan ko rin sila pagkatapos.
“Momma, doon po tayo sa garden ha? Maglalaro po kami roon ni Ate Ast,” paalam nito sa akin, may kasama pang paghawak sa aking kamay.
“Sige po. May gusto ba kayong kainin ng ate mo mamaya? Snack?”
“Anything will do po, momma. Basta po iyong healthy para sa ate ko,” tumatangong sagot niya. Sinapo ko ang pisngi niya. Napakabait niya talagang bata.
“Okay.” Hinalikan ko ang noo niya. Ang lapad-lapad agad ng ngiti niya at binalikan niya ang Ate Astrid niya na naglalagay ng laruan sa basket.
Ako naman ay hinanda ko na ang mga papeles. Ang trabaho ko ay financial analyst sa kompanya ng asawa ko. NeoHome Appliances ang business niya. Kapag kailangan ng presensiya ko ay uma-attend din naman ako ng meeting. Napapakiusapan ko si Xanthe na magbantay sa anak ko, kasi nurse naman siya.
Lahat ng mga gamit na kailangan ko ay hinakot ko sa garden, may tambayan naman kami roon. Sa malaking hardin namin ay maraming tanim na bulaklak. Ganitong klase ng lugar ang kailangan ni Astrid.
Mayroon silang maliit na tent, naglalaro sila ngayon ng bahay-bahayan.
Itinabi ko sa mesa ang mga gamot ng aking anak, kasama na rin ang healer niya in case na susumpungin naman siya ng asthma niya.
Nakatutok na ako sa laptop nang makita kong umiilaw ang cell phone ko. Inabot ko iyon at tiningnan kung sino ang tumatawag. Nang mabasa ko ang pangalan ni mama ay agad kong sinagot.
“Yes, ’ma?”
“How are you and Astrid?” bungad niya. Sinulyapan ko ang dalawang bata. Masayang naglalaro at may sarili ngang mundo.
“Maayos naman po kami, mama. Bakit po kayo napatawag?”
“Malapit na ang wedding anniversary namin ng papa mo. Baka naman magkaroon ka na ng dahilan na bumisita rito sa amin, Leighton. Gusto na rin naming makita si Astrid.”
Napahinga ako nang malalim. “Magpapakonsulta na po muna kami sa doktor ni Astrid, ’ma. Kung puwede na po ba siyang bumiyahe. Next week pa po ang naka-schedule ang monthly check up niya.”
“Sabi mo ay maayos naman ang lagay niya. Maliban sa asthma niya.”
“Mahina po ang heartbeat ni Astrid, ’ma. Iyon po ang mina-monitor ng doktor niya.” Hindi nakaimik sa kabilang linya ang mama ko. Alam ko na nag-aalala siya. Palagi niya akong tinatawagan para lang kumustahin kung ano na ang lagay ng apo niya.
“Kahit isang linggo lang kayo rito, Leighton. Kapag okay lang sa doktor ng apo ko ay bumiyahe na kayo pauwi. You can bring Ashtine with you, she’s always welcome in our home,” mahabang sambit niya. Kilala nila si Ashtine, sinabi kong step-daughter ko lang para wala akong secret sa pamilya ko. Ayos lang din naman iyon kay Noah.
“Sige po, mama. Tatawagan na lang po kita if puwede na.”
“Sige, ibigay mo sa mga bata ang cell phone. Gusto kong marinig ang boses nila.” Napangiti ako.
I stood up at lumapit sa tent ng dalawang bata. “Tin, Ast. Si lola nasa kabilang linya,” aniko na agad kong nakuha ang interes nila.
“Lola!” sabay na sigaw nila. Ibinigay ko ang phone ko sa kanila at hinayaan silang mag-usap. Naka-loud speaker na iyon. Nang bumalik ako sa kinauupuan ko ay narinig ko na ang boses ni papa.
“How’s your mom, Astrid, Ashtine?” tanong ni papa, na si Ashtine ang sumagot.
“Momma is fine po, lolo! Yes! She’s very healthy po kasi inaalagaan niya kami ni Ate Ast!”
“Yes po, lolo. Okay lang po si mommy. Nagwo-work po siya ngayon dito sa house namin. Lolo, nasaan po si Tito Rexus?” tanong naman ni Astrid sa lolo niya.
“Working, apo.”
Kung ano-ano pa ang pinag-uusapan nila at ang ingay lang nila ang tanging naririnig ko.
Mayamaya ay may kumalabit na namin sa akin, and this time ay si Astrid na.
“What is it, baby?” malambing na tanong ko sa kaniya.
“Stop working po muna, mommy. Rest ka po muna sa tent namin,” aniya sabay hila sa aking kamay. Nagpaubaya naman ako.
Pinapasok nila ako sa tent, kasya naman ako rito. Combination ang color, purple and pink. Ang daming laruan sa loob at mga teddy bear. May kumot pa, maliit na unan at iba pang gamit.
“Momma, you want cookies?” tanong ni Ashtine. Lumapit siya sa akin na may bitbit na maliit na tray. Tatlong piraso ng cookies ang nasa maliit na platito at may tubig pa.
“Thanks, baby.” Kumuha ako ng isa, ibinigay naman niya sa ate niya ang isa pa. Ako naman ang kumuha ng pangatlo para sa kaniya.
Sige na nga. Gusto nilang makipaglaro na muna sa akin.
***
It was 3:40 in the afternoon, sabay na umuwi sina Xanthe at Noah. Nakauniporme pa ang mommy ni Tin. Pumasok lang ako sa loob pero paglabas ko ay narinig ko na ang matinis na boses ng bata.
“Bakit po isa lang, mommy?” nakangusong tanong nito sa ina.
Nakaupo ang asawa ko sa bench, nasa kandungan niya si Astrid, pareho silang nanonood. May hawak na teddy bear ang anak mo, white ang color no’n na mukhang bagong bili lang.
Naka-squat sa bermuda grass si Xanthe, nakaupo rin sa lap niya si Tin. Nasa harapan nilang dalawa ang pink na bisikleta.
“Bakit ilan ba dapat, darling?” tanong ng kaniyang ina.
“Dalawa po, mommy. Kasi dalawa po kami ni Ate Ast. Bakit isa lang ang binili mo? Wala ka pa po bang money? Bakit hindi ka po humingi kay daddy? Daddy naman po, hindi sinabihan si mommy!” Hayan, nasisi pa ang ama.
“Your mom told me na isa lang ang bibilhin at para sa ’yo lang, darling.”
“At para kay ate? Iyang teddy bear lang na may malaking head?!” sigaw niya. Mariin kong kinagat ang labi ko, parang nagagalit agad siya. I understand, isa lang kasi ang bike, e. Gusto niya dalawa para mayroon sa ate niya.
“I’m fine with this, Tin. It’s pretty naman,” sabi ng ate niya. Mabilis talaga itong makaintindi.
“I’m not, ate!” Nagpapadyak pa siya kahit nakaupo.
Napakamot sa batok niya si Noah, si Xanthe naman ay hindi na rin alam ang gagawin.
“Tin,” malambing na sambit ko sa pangalan niya. Nag-angat siya ng tingin. Her parents honestly can’t deal with her attitude.
She’s not spoiled, and she’s not materialistic either. But whenever her parents buys her toys or other things, her older sister has to get one too. If not, she’ll throw a tantrum and cry.
Tumayo ito at lumapit sa akin, nangingilid na ang mga luha niya. Lumuhod ako at magaan ko siyang niyakap. “Momma. Sana po hindi na nila ako binilhan ng bike kung isa lang.”
“Tin, your mom loves you, anak. Binili niya iyon para sa ’yo, maybe request mo iyon. Kaya kinausap mo kaninang umaga ang mommy mo, ’di ba? And about the bike, alam ng mom mo na hindi puwedeng mag-bike ang ate mo. May asthma siya, anak. Hindi siya puwedeng mapagod, dapat magpapahinga lang siya. Your mom is a nurse, she knows that’s not allowed for Astrid’s health.” Napasinghap siya sa paliwanag ko, nanlalaki ang mga mata niyang tiningnan ang parents niya.
“Oo nga po pala! Hala, ang OA ni Ashtine!” Natawa kami sa sinabi niya.
“Now, say sorry to your mom and dad, anak. Huwag mo na itong gagawin ulit, ha?” Pinunasan ko ang mga luha niya. Tumango-tango siya at patakbong lumapit sa kaniyang ina.
“Sorry po, mommy! Hindi ko po naisip iyon!” Mahigpit na yumakap siya sa mommy niya.
“It’s okay, darling. I understand dahil baby ka pa.”
“Sorry din po, daddy! Ang OA po talaga ni Ashtine!” Sunod na niyakap niya ang dad niya. Natatawang humalik lang ito sa pisngi niya.
Xanthe approached me. “Thank you, Leighton. Alam mo talaga kung paano pakalmahin ang bata.”
“Nah, wala iyon, Xanthe. Hindi naman spoiled si Tin, magpaliwanag ka lang kapag wala siyang naiintindihan sa sitwasyon. Matalinong bata siya, kahit ganyan iyan ay mabait naman talaga siya,” sabi ko sa kaniya. Napangiti siya at napatingin sa anak.
“Mahal na mahal niya talaga ang ate niya. Hindi ko alam kung paano mo siya napalaki ng ganyan, Leighton.”
“Hindi lang naman ako nag-alaga sa kaniya. Kayo rin ni Noah, sadyang sanay na ako sa ugali ni Tin. Kasi nakuha niya talaga ang ugaling iyon, sa halip na sa inyo na mga magulang niya.”
“Ayos lang sa akin. Sobrang bibo at kulit kasi niya, e.”
“I hope next time, maalagaan mo rin siya katulad ng ginagawa ko sa mga nakalipas na taon, Xanthe. Alam mo, hindi talaga ako ang kailangan niya. Kayo ni Noah. Sana maayos ninyong dalawa.” Malungkot na ngumiti lang siya at hindi na nagsalita pa.
“Mom, play na muna tayo before ka po umuwi!”
“I’ll stay here for a night, darling.”
“Yes! Tabi-tabi po tayo ni daddy, ha mommy?!”
“Of course, Tin.”
“Hayan, may request na naman ang baby,” komento ko na tinawanan niya lang.
“That’s okay, Leigh. Sino ba ang makatatanggi sa cute na batang iyan?”
“Sabagay. Gusto ninyo ng meryenda, Xanthe?”
“Sige. Samahan na kita.” Kumapit siya sa braso ko at sabay kaming pumasok sa loob ng bahay.
Alam ko kapag sa point of view ng iba, matatawag nilang isang kabit si Xanthe. Dahil kasal kami ni Noah at asawa ko siya, ako ang legal pero madalas magkasama silang dalawa.
But naiintindihan ko ang sitwasyon nila, walang kaso iyon para sa akin. Malinaw sa aming tatlo ang deal namin and Xanthe, she became my close friend.