CHAPTER 17

2389 Words
Chapter 17: Years later IN THE next day, nagising ako sa bungisngis ng anak ko. Napabangon ako nang wala sa oras, dahil bakit parang ang saya-saya ni Astrid? Pero nang makita ko kung sino ang katabi niyang nakahiga ay napangiti ako. “Ah, may baby girl pa pala kaming kasama,” aniko. Si Ashtine pala na kinuha ko mula sa daddy niya. Gising na rin siya ngayon, pinagtabi ko kasi silang dalawa. Siyempre may maliit na unan akong nilagay sa gitna nila. Para hindi ito madaganan ng aking anak. Ngayon na mukhang tuwang-tuwang siya na may katabing baby. Hindi ko napigilan ang matawa, dahil kaya naman pala panay ang bungisngis niya kasi hawak nito ang kamay niya at marahan na sinisipsip. “Gising na ang dalawang baby. Gutom na ba kayo?” Umupo ako sa kama. Tinitigan ko silang dalawa. Sa tingin ko, ang anak ko ang hindi pa gutom. Hinalikan ko lang ang noo niya bago ko kinuha si baby Ashtine. Pinapadede ko na siya nang may kumatok sa pinto. Nakakandado iyon, ayokong pumasok sa kuwarto ko si Noah. Baka kunin niya ang anak niya, tapos paiiyakin niya lang doon. “Ma’am? Pinapakuha po ni Sir Noah si baby Ashtine.” Isa iyong kasambahay, na Pinay rin. “Dito lang po ang bata, manang. Sabihin po ninyo sa kaniya na hindi ko ilalabas ng kuwarto si Ashtine, unless makausap ko po silang dalawa ni Xanthe.” Gusto kong harapin ang ina ng bata, kakausapin ko siya kung bakit nagagawa niyang tiisin ang anak niya. Eh, ang bata-bata pa nito. “Pero, ma’am.” “Sige na po. Sabihin mo iyan sa asawa ko, manang.” Umalis na yata si manang, hindi na rin kasi siya nagsalita pa. Natapos lang dumede ang bata ay hindi pa nakababalik si manang. Though si Noah na ang kumakatok sa pinto. “Open it, Leighton.” Tinungo ko ang pinto at pinagbuksan siya. Salubong ang kilay niya, tumingin pa siya sa loob ng kuwarto namin ngunit hinarangan ko siya. “Alam kong may pakialam ka pa sa anak mo. Binuhat mo noon si Astrid, kasi alam kong naaalala mo sa kaniya si Ashtine. Noah, hindi ko alam kung ano dahilan ninyo pareho ni Xanthe, na umabot sa puntong pati ang bata ay dinadamay ninyo, na parang pinapamigay ninyo lang siya, iyong tipong takot kayo sa responsibilidad at pinagpasa-pasahan ninyo siya. Alam mo ba kung ano ang pinagdaanan ko para lang sa anak ko, Noah?” “H-Hindi,” mahina niyang sagot sabay tungo ng ulo. Medyo nahihiya pa. “Tinalikuran ko ang pamilya ko, kasi pinili kong manatili sa poder ng ama ng anak ko, kahit alam kong imposibleng maayos ko ang relasyon namin. Para sa anak ko, handa kong tiisin iyon, Noah. Para lang lumaki siya na buo, para lang may tumayong ama para sa kaniya. Para hindi niya hanapin sa akin ang daddy niya, na hindi siya makararamdam ng kulang at inggit sa ibang bata, dahil may daddy sila subalit siya ay wala. Ngunit naisip ko rin, ayoko rin siyang lumaki na hindi maayos ang relasyon ng mommy at daddy niya. Ayokong masaksihan niya na napilitan lang ang kaniyang ama. Bumalik ako sa pamilya ko, lumuhod ako, ibinaba ko ang pride ko para lang tanggapin ulit ako ng aking ina. Noah, hindi masama ang maging makasarili, huwag lang sumobra. At masarap sa pakiramdam iyong may anak ka. Handa kang gawin ang lahat para sa kaniya. Sana maisip ninyo ni Xanthe ang future na naghihintay sa anak ninyo. Huwag ninyong hintayin na kamuhian kayo ng bata. Dahil sa pagiging makasarili ninyong dalawa.” Dahil na rin sa pinagdaanan ko ay nasabi ko ang mga katagang iyon, naramdaman ko pa ang bigat sa dibdib ko. Kasi naalala ko kung ano ang ginawa ko noon, na ngayon alam kong magiging masaya na ako. 6 years later Maraming nagbago sa loob ng anim na taong pananatili namin sa America at hanggang ngayon ay nasa poder pa rin kami ng asawa ko. Kung itatanong ninyo kung nag-work ang relasyon namin bilang mag-asawa ay hindi. Dahil kailanman ay hindi namin sinubukan, kasi alam namin pareho na hindi na kami ulit magmamahal ng iba. Though, kailangan pa naming magpanggap na mahal namin ang isa’t isa, sa kadahilanan na sila lang ni Xanthe ang nakaaalam. *** Kasalukuyan naman akong nagtitimpla ng gatas nang may marahan na humila sa laylayan ng damit ko. Kahit hindi ko na siya lilingunin ay alam ko na kung sino siya. “Ano ’yon, anak?” malambing na tanong ko sa kaniya. “Matagal pa po ba ’yan, momma?” tanong niya, napangiti ako at niyuko ko si Ashtine. Hinawi pa niya ang bangs niya na tinatama sa mga mata niya. Ang limang taong gulang na anak ng asawa ko. Nakasuot siya ng dilaw na bestida kaya mas nadepina ang maputi niyang kutis, nakatali ang maikli niyang buhok, twin ponytail. May hawak siyang teddy bear sa kaliwang braso niya. Natural na pouty ang lips niya, na nakuha niya sa kaniyang ina. Mamula-mula ang matambok niyang pisngi. “Wait lang, anak. Sige na, doon ka muna sa ate mo, Tin,” aniko. Tin ang nickname niya. “Okay po, momma,” masunurin na sabi niya. Sinundan ko pa siya ng tingin. May katabaan ang bata, kaya kahit sa paglalakad ay ang hinhin pa niya. Binilisan ko na lang ang ginagawa ko para mabalikan ko ang dalawang batang naiwan sa living room. Si Ashtine, kahit hindi pa okay ang mommy at daddy niya ay hindi naman siya pinabayaan ng mga ito. Noong napagsabihan ko si Noah ay nakinig naman siya sa akin. Nakausap ko rin si Xanthe, hindi lang sa personal. Kaya ayaw bumalik ng isa, dahil sa pamilya nito. Tinago lang pala nito ang pagbubuntis. Bumalik naman siya rito after ng vacation niya sa Pilipinas. Isa kasi siyang nurse, palaging busy, kahit papaano naman ay naalagaan niya rin ang anak nila. Iyong sakit ko dati noong baby pa ako, lumabas din ang mga sintomas niyon sa anak ko sa edad na dalawang taon. Pero sa awa ni Papa God, gumaling din naman siya agad, ang kaso may panibagong sakit na naman siya. Cystic fibrosis. Noon pa lang, akala ko ’yon na ang pinakamahirap, ngunit hindi pa pala. May nakitang palatandaan ang doctor ng anak ko, tinatawag na dilated cardiomyopathy. Sa madaling salita, humihina ang pag-pump ng puso niya. Lumalaki ang heart chambers, pero hindi sapat ang lakas ng t***k para maipadala ang dugo sa buong katawan. At dahil dito, kapag inaatake siya ng asthma, mas lalong nahihirapan ang puso niya. May gamot naman para sa asthma niya, bronchodilators, at kung kakailanganin, inhaled steroids. Sa puso naman, maaaring ACE inhibitors, beta-blockers, o pampaihi para maiwasan ang fluid buildup. Paalala lang ng physician ni Astrid ay iwasan lang ang matinding pagod, malalamig na lugar, at lahat ng puwedeng mag-trigger ng atake. Regular check-up, maintenance meds. Ang liit-liit niyang katawan, ngunit dalawang mabibigat na sakit na ang pasan niya. Para siyang lumalaban sa hangin habang ang puso niya… unti-unting napapagod. Ngunit fighter ang anak ko, e. Hindi siya basta-basta sumusuko lang. paminsan-minsan din naman siya inaatake ng kaniyang asthma. May mga gamot din naman siya at hinahanda ko talaga iyon. “Heto na po ang order ninyong gatas, young miss!” pagkuha ko ng atensyon sa dalawang bubwit. Nakaupo sila sa couch, kumakain ng biscuit ang baby girl ko. Hindi lang sila naglalaro, nanonood sila ng Disney Princess. Puting bestida naman ang suot niya, nakatali rin ang buhok niya at kagaya ni Tin ay may bangs din siya. Ngayon na nasa five years old na siya ay malalaman mo kung sino ang kamukha niya. Apat na buwan ang gap nila ng step-sister niya. “Oh, thank you, madam!” Si Ashtine ang nagpasalamat, ngumiti lang si Astrid at napailing. Compared kay Xanthe ay mas matagal kong inalagaan ang anak nila, kaya hindi na nakapagtataka kung nakuha ng bata ang ugali ko noon. Hyper, makulit at talagang madaldal siya. Samantala, si Astrid mahiyain siya, pero madaldal din naman siya. Pareho silang mababait at mahal na mahal nila ang isa’t isa. Umupo ako sa carpeted floor, ibinigay ko na sa kanila ang gatas na tinimpla ko. “Thanks po, mommy ko,” malambing na sabi ng aking anak. Ngumuso siya kaya bahagya kong iniangat ang katawan ko. Matunog na hinalikan niya ako sa pisngi, inilapit ko ang mukha ko sa kaniya. “You’re the best, mommy. You deserve a kiss!” Napahawak siya sa dibdib niya. Hinawakan ko rin iyon. “I’m fine, mommy. I’m just happy.” I nodded at tiningnan ko naman si Tin. “Anak, gusto mo bang buksan ’yan?” tanong ko. Binubuksan niya kasi ang takip ng cup niya. “Opo, momma. Isawsaw ko po sana ang biscuit ko, e.” I chuckled. Ganito talaga siya. Hinalikan ko siya sa noo at ako na mismo ang nagbukas no’n para sa kaniya. “Dito ka sa baba, anak. Para hindi ka matapunan ng gatas mo.” “Opo, momma. Gomawoyo!” pasasalamat niya na talagang nag-Korean pa ang baby girl. “Nawiwili ka talagang manood ng Kdrama, Tin?” “Kasi po mahilig manood si mommy, momma.” Napanguso pa siya. “Oh, siya. Isawsaw mo na ang biscuit mo, anak.” Umupo ako sa tabi ni Astrid. Hinagod ko ang likod niya at tiningnan kung hindi siya pinagpapawisan. Air-conditioned ang bahay, pero in-adjust ko. Bawal din siya sa malamig na panahon. “Hindi pa po basa ang damit ko, mommy. Hindi rin po ako naiinitan,” sabi niya. Alam niya talaga ang ginagawa ko. “Momma, ako rin po! Hindi ako napawis!” singit ni Tin. “Goods, anak.” “Ibalik mo na lang po pala ang takip, momma. Gusto ko pong umupo sa tabi ninyo ni Ate Ast!” “Okay po.” Ako na ang kumuha no’n at muling umupo. Pumuwesto siya sa gitna namin ng Ate Astrid niya. Naglalambing na humilig sa akin si Ashtin, ngumuso pa siya kaya hinalikan ko ang labi niya. “Gusto mo rin ba ng biscuit, mommy?” Pag-alok sa akin ng anak ko. Ngumanga lang ako para maisubo niya iyon sa ’kin. “Thank you, anak.” “Welcome po, mommy.” “Momma, hindi na po kita aalukin ng gatas, ah? Hindi ka naman po nainom nito,” singit na naman ni Tin. Pinisil ko ang pisngi niya. Binuhat ko siya para makaupo sa lap ko, si Astrid naman ay lumapit lalo sa amin. Niyakap ko rin siya at nanonood na kami ng TV. Maliban sa pag-aalaga ko sa kanila, binigyan ako ni Noah ng trabaho, home-based lang. Madali lang naman iyon. Nang sumapit ang gabi ay hinahanda ko na ang gamot ni Astrid, akap-akap na rin ng isa ang candy, pinabili niya iyon sa daddy niya para sabayan lang ang ate niya sa pag-inom ng gamot. Pareho silang nakaupo sa gilid ng kama, gumagalaw pareho ang mga binti nila at parehong naka-pajama na. “Momma, puwede po kayang magpalit na lang kami ni Ate Ast ng heart?” “What do you mean by that, Tin?” I asked her. “Ayoko pong nakikita na nahihirapan ang ate ko, momma. Palit na lang po kami, sa kaniya na lang po ang heart ko.” “Tin, ayaw ko nga. Kung ikaw ang nakikita kong nahihirapan ay ayoko ring makita kang ganoon. Saka okay naman na ako, ’di ba po, mommy? Gagaling na rin po ako?” Tumango ako, basta maintain ang medications niya ay hindi kami magkakaroon ng problema. “Strong ang ate mo, Tin. Kayang-kaya iyan ni ate, e,” aniko. Ibinigay ko na sa anak ko ang gamot niya. Alam kong mapait iyon, pero nginuya lang iyon ni Astrid, sanay na kasi siya kaya parang wala na sa kaniya ang lasa. “Water po, momma! Bilis po!” Talagang maligalig ang alaga ko. “Sweet naman ’yang kinakain mo, Tin, e.” “Para sa ate ko po, momma!” “Okay, okay.” Dalawa lang sila ang kasama ko sa bahay, buo na agad ang araw ko. Matutulog na sana sila nang bumukas ang pinto, pumasok sa loob ang asawa ko. “Ngayon ka lang?” tanong ko. Sinalubong ko siya, hinalikan niya ang pisngi ko. Madalas niyang ginagawa ito, pero wala namang kahulugan iyon. “You’re home, daddy! Congrats po!” sigaw ni Ashtine, may kasama pang palakpak. Kinagat ko ang loob ng aking pisngi, pinipigilan ang matawa. Napakamot sa batok si Noah. “Bakit ka naman nagko-congrats sa akin, Tin?” “Dahil late ka na naman pong umuwi! Tapos hindi mo na naman po kasama si mommy!” sagot ni Tin, umirap pa siya. Normal na ang ganitong klaseng taguan nilang mag-ama. “Ah, next time na, anak. Tara, ako na ang magpapatulog sa ’yo. Gusto mo bang tabi muna tayo?” “Inuuto mo ako, daddy? Kasi hindi mo na naman po na-please si mommy umuwi,” nakanguso nitong sabi. Lumapit si Noah sa dalawang bata. “Dada, sorry po sa pagiging madaldal ng kapatid ko, ha?” “Nah, sanay na ako sa kapatid mo, Astrid.” Hinalikan niya ito sa ibabaw ng ulo. Bago niya binuhat ang anak niya. “Isama ko nang lumabas si Tin, ha?” “Sige po, dada. Good night, Tin.” “Good night po, ate. Good night po, momma.” Nag-flying kiss pa nga. Nasa kabilang kuwarto lang naman sila “Sleep well, anak.” Paglabas nilang mag-ama ay saka ko dinaluhan si Astrid. Pinahiga ko na siya sa aming kama at kinumutan. “Tulog ka na rin, Asyrid.” “Ikaw rin po, mommy, ha? Good night,” mahinang sambit niya. Magkayakap kaming nakatulog. Kinabukasan ay nagising ako nang may nagsusumiksik sa gitna namin. “Patulog po ako, momma ha?” Masyado pang maaga nang sipatin ko ang digital clock sa bedside table. Sanay na rin ako sa bubwit na ito, ginagawa niya ito kapag hindi namin siya katabing matulog sa gabi. Subalit kung nandito naman ang mommy niya ay hindi siya agad nagigising nang maaga. Nagpapalambing pa siya. “Sure. Sige na, tulog na ulit.” Kinumutan ko rin siya. Sa halip na yumakap sa akin ay humarap siya sa ate niya. Ang kulit talaga, halatang love na love niya ang Ate Astrid niya. Clingy rin siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD