CHAPTER 16

1641 Words
Chapter 16: Ashtine PAGKARATING namin sa America ay nagpabili agad ako ng bagong cell phone kay Noah. Bago na rin ang sim card ko, pamilyar naman ako sa contact number ng kuya ko kaya nai-save ko na rin iyon sa phonebook ko. Manghihingi na lang ako ng number nina mama at papa. Malaki at malawak ang bahay, kahit dalawang palapag lang ito. Kompleto ang mga gamit sa loob, mamahalin base pa lang sa hitsura. Iyon nga lang parang ang boring, iyong parang ang bigat ng ambiance. O siguro nga, naninibago lang ako at nag-a-adjust pa naman ako sa ngayon. Tulog ang anak ko kahit noong nakarating kami sa airport kanina, hanggang ngayon ay mahimbing pa rin ang tulog niya. Magigising naman siya kapag nagutom na. Ang bagahe namin ay nasa tabi lang ng kama. Hindi na muna ako nag-ayos ng mga gamit namin, inilabas ko lang iyong kay Astrid, tinawagan ko si Kuya Rexus para i-update na safe kaming nakarating dito. Ilang minuto lang kami nag-usap, nagpaalam na siya. Kailangan ko raw din magpahinga. *** Dalawang araw ang nakalipas, natuloy nga ang civil wedding namin ni Noah, ang pinsan niyang lalaki na si Noel ang witness namin. Now, I’m Leighton Acosta-Ferrer, nadagdagan lang ang pangalan ko. Hindi ko rin pinalitan ang surname ni baby Astrid. Sa respeto na rin at para makabawi sa pagsisinungaling ko kay Tito Hellion. Ayokong ma-disappoint siya lalo kapag muli kaming nagkita. Ngunit sa ngayon, alam kong mas matatagalan kami rito. Kami ni Noah, ang usapan naming dalawa ay walang mangyayari sa amin, na hanggang pagpapakasal lang kami. Magsasama bilang mag-asawa, sa tingin ko ay wala naman sa isip niya ang magkaroon ng anak. Dahil kung ako ang tatanungin niya kung gusto niya ay hindi ko siya pagbibigyan. Sa katunayan, ayokong makipag-sxx sa kaniya kahit asawa ko pa siya. Sinabi ko na rin sa kaniya iyon, at okay lang sa akin kahit sa iba niya makukuha ang pangangailangan niya. Basta gawin niya huwag sa harapan ko, respeto na rin bilang asawa niya. Isang linggo na kami rito, masasabi kong naging maayos naman kami. Pina-schedule na rin ang monthly check up ng baby ko. Isang gabi—no, madaling araw na pala. Nakita kong 2 a.m na sa wall clock dito sa kuwarto namin. Nakaramdam kasi ako ng uhaw, kaya nagpasya akong lumabas na muna. Maingat akong bumaba sa kama para hindi magising si Astrid. Madilim sa pasilyo ng bahay, hindi lang kami ni Noah ang naririto. May mga kasambahay siya, dito rin naka-base ang isa niyang kompanya kaya mas pinili niya rin ang manirahan dito. Hindi pa ako nakababa nang makarinig ako nang pag-iyak ng bata, bumalik ako sa kuwarto namin kasi akala ko si Astrid ang umiiyak. Pero labis akong nagtaka nang makita kong tulog naman ang baby ko. Nakadapa siyang natulog. “Baka guni-guni ko lang iyon? Hindi naman umiiyak ang anak ko. She’s sleeping,” pagkakausap ko sa sarili ko. Muli akong lumabas, nagsitayuan na ang balahibo ko sa katawan nang marinig ko ulit ang pag-iyak ng isang bata. Baby pa, ganoon na ganoon ang klase nang pag-iyak ng baby. Napatingin ako sa kabilang kuwarto. Master’s bedroom iyon, doon natutulog ang aking asawa. Ngunit bakit doon nagmumula ang tinig ng bata? Dahil sa kuryusidad ko ay dahan-dahan akong naglakad patungo roon. Nagsimulang bumilis ang pintig ng puso ko. May bata ba sa loob ng silid niya? Kasi hindi naman ako takot sa multo, hindi rin naman ako nakakita no’n. Hinawakan ko agad ang seradora ng pinto, huminga nang malalim. Sinikap kong maging kalmado. Wala naman akong dapat katakutan. Titingnan ko lang. Pinihit ko na ito pabukas, nakapagtatakang bukas din ang ilaw. Hindi agad makikita ang malaking kama. Pumasok na ako, mas malinaw ko na kasing naririnig ang iyak ng bata. Confirm na nagmumula rito, e. May itinatago kaya sa akin si Noah? May bata rito sa kuwarto niya? Ang daming tanong namumuo sa utak ko, though hindi naman ako makararamdam ng kung ano kahit malaman ko— Napahinto ako nang makita ko si Noah. Nakatayo lang siya at sa tapat niya ay may crib doon. “Noah?” tawag ko sa kaniya. Nilapitan ko siya at napasinghap nang makitang may baby nga! Hinarap ko siya. “K-Kaninong anak ’yan?” “Leave, Leighton,” mariin at malamig na sambit niya. Ang atensyon niya ay nasa bata pa rin, mukhang kanina pang umiiyak. Pulang-pula na nga ang buong mukha, na hindi man lang siya nag-abalang buhatin ito. “Ano ba ang nangyayari sa ’yo, Noah? Umiiyak na ang bata, pero wala ka man lang ginagawa riyan?!” sigaw ko na halos mapigtas ang ugat sa aking leeg. Nilingon niya ako, blangko pa rin ang ekspresyon ng mga mata niya. Ngayon ko lang ulit nakita ang ganitong reaksyon niya. Sinungaling ako kapag sinabi kong hindi ako natakot sa kan’ya. Hindi ko naman talaga ganoon kakilala si Noah, basta ang sigurado ako ay hindi siya ganoon kabait para pagkatiwalaan ko. “You heard that, Xanthe? Do you think aalagaan ko ang anak mo?” Napaatras ako nang bigla siyang magsalita, na parang may kinakausap. Kahit gusto kong umalis ay hindi ko rin magawa, kasi naaawa ako sa bata. Nagbago lang ang isip ko nang makita ko na nakabukas ang laptop niya, may kausap siya thru video call, pero naka-off ang camera nito. Sino ang kausap niya? Sino si Xanthe? “I told you, Noah. Hindi na ako babalik diyan. May asawa ka na.” Nasagot na ang aking tanong, si Xanthe ang nasa kabilang linya. Kaya umiiyak ang bata ay hinayaan ni Noah na marinig nito ng babae? Pero ano ba ang problema nila? Bakit nila dinadamay ang walang kamuwang-muwang na bata? “You force me to do this, Xanthe! Tapos aalis ka at iiwan mo rito sa akin ang anak mo?!” “She’s still your daughter, Noah!” “Bullshet!” Kumurap ang ilaw sa laptop, hanggang sa namatay na ito. Curious ako sa nangyayari, gusto ko ring magtanong pa. Ngunit mas nag-aalala lang ako sa baby, iyak nang iyak. “Noah.” “Lumabas ka na lang at huwag nang makialam, Leighton.” “Tama, wala akong pakialam sa nangyayari sa inyo ng Xanthe na iyon. Pero sa tingin mo ay hahayaan ko na makitang umiiyak diyan ang anak mo?! Kung may problema kayong dalawa ay sa inyo na lang iyon! Huwag ninyong idamay ang anak ninyo!” Hindi ko na napigilan pa na pagtaasan siya ng boses. Talagang nainis ako, nakagagalit na hinahayaan lang niya umiyak ang kaniyang anak. Totoong wala akong pakialam kahit may anak pa siya sa ibang babae. Ang hindi ko lang naman matanggap ay ang ginagawa nila sa bata. Ina ako, sa aking anak nga ay hindi ko na kayang makita na binabalewala siya ng kaniyang ama. Tapos ngayon, isang inosenteng paslit na naman ang masasaksihan ko na naiipit sa sitwasyon ng mga magulang. “Hayaan mo na lang siyang umiyak diyan! Titigil din ’yan!” asik niya sa akin at nagawa pa niya akong hawiin. Hindi ko inaasahan iyon kaya nawalan ako ng balanse. Hindi rin siya nag-abalang tulungan ako. “Nababaliw ka na, Noah! Hindi ko rin alam kung ano ang purpose mo kung bakit pumayag ka sa kasunduan ng mga magulang natin!” “Ginagawa ko ito para tantanan na nila ako! Umalis ka na lang at alagaan mo na lang ang anak mong may masakit! Huwag ka nang makialam sa iba!” Sa inis ko, dinampot ko ang throw pillow sa sahig na nagkalat. Walang babalang hinampas ko siya sa likod ng ulo niya. “You’re such a jerk, Noah! Mamamatay ang anak mo sa ginagawa mo!” Ilang beses ko pa siyang hinampas hanggang sa kusa siyang umalis sa harapan ng crib. Binato ko pa sa kaniya iyon at hindi na ako nagdalawang isip pa na kunin ang anak niya. Natigilan siya nang biglang tumigil sa pag-iyak ang baby. Nang makita ko ang basang pisngi niya, namumula ang kilay at ilong ay parang bumigat ang dibdib ko, ramdam ko ang pagkirot nito. Sa tantiya ko, nasa dalawang buwan pa lang siya. She’s tiny kasi at parang . . . Kulang sa nutrition ang bata. Binalingan ko siya, salubong pa rin ang kilay niya. “Huwag ninyong idamay ang bata, Noah. Kung hindi ninyo siya kayang alagaan ay akin na lang siya.” “Tsk.” Napahagod siya sa buhok niya gamit ang mga daliri niya at mukhang depress na. “Ano’ng pangalan niya?” “What?” nagtatakang tanong niya. Ang slow talaga niya. “I’m asking you kung ano ang pangalan ng anak mo.” “A-Ashtine,” nauutal na sambit pa niya sa pangalan ng baby. Kumibot-kibot ang labi ko, paano ba naman halos kapangalan na ng anak ko. “Ang sasama ninyo,” inis na sabi ko. Nang lumabas ako ng kuwarto niya ay hindi niya ako pinigilan. Bumalik ako sa silid namin ng anak ko. Titig na titig ako sa baby. Parang naghahanap din siya ng dede. Hindi na nga siya umiyak pa. Umupo ako sa kama. Inayos ko ang pink na lampin niya. Kawawa naman siya, parehong mommy at daddy niya ang bumabalewala sa kaniya. Napatingin ako sa aking anak. “Ang sarap pag-uugtugin ng mga ulo nila kasama ang daddy mo, Astrid. Ang sarap nilang tadyakan.” Muling nag-ingay ang baby, hinahanap niya talaga ang dede niya, e. “Astrid, it’s okay to share your milk?” Ibinaba ko ang strap ng sando ko, tutal stepmom ako ng bata. Ayos lang naman sa akin na alagaan siya. Napangiti ako, gutom talaga siya at ang walang kuwentang ama niya ay pinaiyak lang siya. “It’s okay, Ashtine. Aalagaan kita hangga’t hindi pa okay ang mommy at daddy mo,” pangako ko sa bata. Walang kaso sa akin kahit nag-aalaga rin ako sa anak ko. Ayokong matulad siya kay Astrid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD