CHAPTER 15

2230 Words
Chapter 15: Flight “BABY, ang bad ng tito mo, ’no? Iyong pacifier mo ay hindi niya man lang namalayan na nawala mo na pala,” pagkakausap ko sa anak ko, tapos habang nagsasalita ako ay diretso ang tingin niya sa akin. Nasa dining room kaming tatlo, dahil kakain pa lang kami ngayon. Nakaupo na siya ngayon sa baby chair niya, umakyat pa ako kanina sa kuwarto namin para kuhanan siya ng bago. Pero ngayon ay iyong baby bottle na niya ang hawak-hawak niya. Nagmi-milk na rin siya. “I promise bibilhan ko bukas si Astrid. Iba’t ibang kulay pa kung gusto mo,” aniya na sinabayan pa nang tawa. Inilapag niya sa mesa ang dalawang plato na kinuha niya. Pati na iyong dalawang baso. Tumayo ako para kumuha naman ng tubig sa water spencer. Ako nga kasi ang dapat na kumuha ng mga iyon, ngunit inunahan niya ako. Bantayan ko na lang daw ang anak ko. “Ewan ko talaga sa ’yo, kuya. Siya nga po pala.” Mabilis akong bumalik sa upuan ko. Napabaling pa sa akin ang anak ko, nginitian ko siya. Tapos nagmi-make sounds na naman siya. “Ano ’yon?” tanong ni kuya. Chicken macaroni soup iyong ulam namin, ngayon ay pinagsasandok na niya ako ng kanin. Nagpasalamat ako at itinuloy ko ang sasabihin ko sana sa kaniya. “Nag-usap ba kayo ni Leandro kanina, kuya?” “Bakit mo naman naitanong iyan sa akin kung nag-usap ba kami?” Pinagtaasan niya ako ng kilay, napanguso ako. Curious lang naman ako. “Mukha kayong nag-usap noong lumabas ako kanina mula sa entertainment room, e.” “Nah, kung may pinag-usapan man kami ay wala lang iyon, and don’t worry. Hindi ko siya hinayaan na makita niya ang anak mo. Tinakpan ko ang mukha kanina ni Astrid. Right, baby?” Binalingan pa niya ang bata. Kahit hindi naman siya makakuha ng kasagutan mula rito. “Hmm.” Napangisi siya, tumango kasi si Astrid na parang sumang-ayon sa sinabi niya. “See, Leighton? Oo raw sabi ng pamangkin ko. Sige na, kumain ka na. Iakyat mo na siya mamaya. Inaantok na iyan, oh.” Si kuya iyong tipong hindi talaga nagsi-share ng mga bagay na pinag-usapan nila na hindi naman mahalaga. Kaya hinayaan ko na lang iyon, kahit curious pa ako. Natapos kami sa pagkain, si kuya ang naghugas ng pinagkainan namin. Katulad kanina ay ayaw niya akong patulungin. Dinadahilan na naman niya ang kaniyang pamangkin. Buhat-buhat ko na ang anak ko, papanhik na sana kami sa kuwarto nang dumating sina mama at papa. “Mag-impake na kayo, Leighton. Bukas ay susunduin na kayo ni Noah.” Natigilan ako. Literal na nagulat sa sinabi ng aking ina. Kahit inaasahan ko naman na hindi magtatagal ay aalis din kami ulit sa bahay. Dahil nga ikakasal na ako kay Noah, malamang maninirahan na kami kasama siya. Ngunit hindi ba masyado pang maaga? Wala pa nga ang kasal namin. “Saan po kami titira, mama?” tanong ko, mayroon na akong idea pero kailangan ko pa talagang itanong iyon. “Gusto ni Noah na ikasal kayo agad. Pero ang gusto ng mga magulang niya ay paghandaan pa namin ang kasal. Ngunit desisyon pa rin niya ang masusunod. Pag-uusapan pa lang namin ulit ang tungkol doon. Sa ngayon ay sasama kayo ni Astrid sa States. Doon mo ipagagamot ang anak mo. Civil wedding muna, Leighton,” paliwanag ni mama. Napahinga ako nang malalim at tumango na lang. Kung mas maaga kaming ikakasal ni Noah ay maganda na rin iyon. Maipapagamot ko agad ang anak ko. Mabuti na lang nitong mga nakaraang araw ay hindi na siya gaano nahihirapan sa paghinga. Nakatutulog na rin siya nang maayos. “Saan sa America ang bahay ni Noah, mama?” singit ni kuya. Nagpupunas pa siya ng kamay gamit ang basahan namin. Narinig niya yata ang boses namin na nag-uusap kaya lumabas siya mula sa kusina. “Hindi ko alam. Hindi ko pa naitatanong,” sagot ni mama. Hinila na niya sa braso si papa para magpatuloy sila sa kanilang silid. Ngumiti lang ang aming ama at kumaway. “Kakausapin ko si Noah. Dapat malaman namin kung saan siya nakatira sa America.” Tiningnan ko si kuya, kunot ang noo. “Nag-aalala ka pa rin sa amin, kuya? Nah, hayaan mo na kami. Magiging maayos kami roon ni Astrid at uuwi siya rito na magaling na magaling na.” Nginitian ko pa siya, na parang binibigyan ko siya ng assurance. Kung magiging maganda ang buhay namin sa America ay bonus na lang iyon para sa akin. Ang pinakaimportante sa akin ay gumaling ang aking anak. Kung hindi man magiging okay, wala na akong dapat ikabahala pa because I’ve been there. Mas masirable ang buhay ko kasama ang lalaking mahal ko, na araw-araw kaming binabalewala. Alam kong malalampasan ko rin ito, hindi ko naman mahal si Noah. Isa pa, wala na akong balak na magbukas pa ng panibagong pag-ibig. Kasasabi ko lang noong nakaraan, inulit-ulit ko na naman. Haha. Ayoko lang hintayin ang panahon na magkaisip ang baby ko, na kung bakit buo ang pamilya niya ngunit parang may kulang pa rin. *** Pinatulog ko na muna si baby Astrid, saka ako nag-impake ulit. Nang makita ko ang engagement ring ko ay saka ko lang naalala na ite-text ko si Noah. Tumayo ako, kinuha ang cell phone sa gilid lang ng kama. Nagtipa ako sa keyboard. Hindi ko pa nga lang na-send ang message, pero lumitaw na iyong pangalan niya sa screen ng cell phone ko. Sinagot ko na agad iyon. “Noah, ite-text pa lang sana kita.” “Ah, nasabi na ba ng mama mo na bukas ay susunduin ko kayo ni Astrid?” tanong niya mula sa kabilang linya. “Oo kanina. Nag-iimpake na nga ako noong naalala ko na kailangan pala kitang i-text. Magpapasalamat dahil pinauna mo na akong umalis.” “Yes, I did. Hindi puwedeng magtagal sa party ang anak mo. Anyway, kaya ako napatawag sa ’yo, dahil sasabihin ko na civil wedding muna tayo. Kumuha na nga rin ako ng plane ticket, bukas ang flight natin. Ihanda mo na lang ang passport mo, Leighton,” mahabang sambit niya. Seryoso talaga siya na bukas agad kami aalis patungong America. “Sige, Noah,” tipid na sagot ko. Hindi naman kami nagtagal sa usapan, nagpaalam agad siya. Ako naman ay bumalik sa ginagawa. MAAGA akong nagising kinabukasan, tulog pa ang anak ko kaya hindi ko siya agad nabihisan. Nang dumating naman sa bahay si Noah ay saka lang din nagising ang baby. Nakipagkulitan pa ako sa kaniya bago ko siya pinaliguan at binihisan. “Take care of my sister, Noah.” Si Kuya Rexus napakaseryoso ng boses. Parang nagbabanta lang siya. “I will, Rexus.” Tumango pa ito sa kaniya. Nagmano ako kina mama at papa, yumakap pa ako sa kanilang dalawa. Ewan ko ba, pakiramdam ko ay matagal ko silang makikita ulit. Ang weird lang talaga. “Mag-iingat kayo roon, anak ha? Magkikita pa rin naman tayo ulit,” ani papa. Naluluha pa siya, sinisikap ko na nga na huwag maiyak. “Opo, ’pa. Palagi rin po akong tatawag sa inyo,” sabi ko. Hinalikan kami ni papa sa noo. Nagtaka naman ako nang hinawakan ng aking ina ang palapulsuhan ni Astrid, maski ang bata ay napatingin sa kaniya. Nakagat ko ang aking labi nang makita ang isang bracelet, isinuot niya iyon sa kaniyang apo. “Ingatan mo ang sarili mo para may lakas kang alagaan ang anak mo, Leighton.” Nag-init ang sulok ng mga mata ko sa narinig. Kahit medyo may pagka-cold si mama ay taliwas pa rin iyon sa mga katagang binitawan niya. “Opo.” Tumango pa ako at tiningnan ang bracelet ng anak ko. Halatang mamahalin. “Salamat po rito, mama.” “Regalo ko ’yan sa apo ko. Sige na, umalis na kayo bago pa man kayo ma-late sa flight ninyo.” Binuksan na ni Noah ang pinto sa passenger’s seat. Huli kong niyakap ay si Kuya Rexus. Naramdaman ko pa ang paghaplos niya sa ibabaw ng ulo ko. “Ikaw na po ang bahala kina mama at papa, kuya,” anas ko. Sumakay na rin kami pagkatapos. Nakatanaw lang ako sa labas ng bintana habang palayo nang palayo na kami sa bahay. Sa pangalawang pagkakataon pala ay muli kong lilisanin ang aming tahanan. Para kay Astrid... Para kay Astrid ang lahat ng ito. *** Dalawang maleta ang dala namin, tulak-tulak na iyon ng dalawang tauhan ni Noah. Ibinigay ko na sa kaniya ang passport ko. Ngayon ay naghihintay na kami sa flight namin. Magkatabi kaming nakaupo sa waiting area. Tumunog ang cell phone niya at nagpaalam siya sa akin na sasagutin niya iyon. Tinanguan ko lang siya. “Aalis ba kayo agad-agad nang hindi man lang nagpapaalam sa akin?” Napasinghap ako nang marinig ko ang boses ni Markin. “Mark!” nakangiting sambit ko sa pangalan niya, na may kasama pang sigaw. Sinenyasan niya ako na huwag maingay, kaya natawa ako nang bahagya. “Sorry, nagmamdali kasi kami.” “Nagmamadali? Psh.” Lumuhod siya sa tapat ko at agad niyang hinawakan ang kamay ni Astrid. “Ay, mabuti na lang hindi bracelet ang binili ni tito.” “Binili ni tito?” nagtatakang tanong ko. May ipinakita siya na kuwentas. Nagsalubong tuloy ang kilay ko. “Kanino galing ’yan, Mark?” “Kanino pa? Eh, ’di sa lolo ng anak mo.” Isinuot niya iyon kay Astrid. “Ha?” “Ha? Hay naku, Leighton. Kahit na sinabi mo sa daddy ni Leandro na hindi niya anak si Astrid ay hindi mo maloloko si Tito Hellion. Alam niyang apo niya ang cute na batang ito.” Umawang ang labi ko, hindi ko inaasahan iyon. “Paano?” “Ah, basta. Hindi benta iyong pagsisinungaling mo, aber. Bigay ito ni tito. Nakaukit diyan ang initial name ni Astrid. Isa lang sana ang hinihiling niya, Leigh. Huwag mo raw sana papalitan ang surname ng bata. Dahil magtatampo raw siya lalo,” mahabang sambit niya. “Titingnan ko, Mark. Salamat dito. Mabuti at naabutan mo pa kami.” “Malamang kanina pa ako nakasunod sa inyo. Ayoko lang lumapit, dahil sa mama mo. Hanggang ngayon ay naiinis pa rin ako sa desisyon niyang ipakasal ka sa ibang lalaki,” naiiling na sabi niya, ramdam ko nga ang pagkainis niya kay mama. “Thank you. Mag-iingat ka, Mark.” “Kayo rin. Sige na, aalis na rin ako. Ayokong makita ang mapapangasawa mo.” Muli akong natawa. Humalik pa siya sa pisngi ni Astrid. “Heto pala. Huwag mong kalimutan na sabihin sa inaanak ko na may ninong siya. Tanggapin mo itong ATM card, Leighton.” “Hindi ko matatanggap ’yan, Mark.” Iniwas ko ang kamay ko nang pinipilit niyang ibigay iyon sa akin. “At bakit naman?” Pinagtaasan niya ako ng kilay. “Ayoko. Hindi na ’yan kailangan.” Inilingan ko pa siya. Hindi nawala ang pagtaas ng kilay niya. “Hindi naman ito para sa ’yo. Para ito sa inaanak ko. Oh, Astrid. Sa ’yo na ito.” Ibinigay niya nga iyon sa anak ko at hindi ito nagdalawang isip na hawakan. Mabilis kong kinuha iyon sa kamay ni Astrid, ibinalik ko sa kaibigan ko. “Mas kailangan mo ’yan, dahil may pamilya ka na, Mark. Sige na. Ikaw na ang maunang umalis.” Bumuntong-hininga siya. Pinitik pa niya ang noo kaya napahimas ako roon. “Magkikita pa tayo ulit,” aniya. Kumaway siya sa amin at patalikod na humakbang. Napaiwas na ako ng tingin, ayokong maiyak, e. Bumalik na rin si Noah, ’saktong tinawag na rin ang flight namin. Inayos ko ang bonnet ng baby ko. Pumipila na kami nang maramdaman ko ang vibration ng cell phone ko. Kinuha ko iyon sa bulsa ng jacket ko. Titingnan ko pa lang sana kung sino ang tumatawag nang may nagtulakan sa likuran, kaya nabitawan ko iyon. Mabilis akong nahawakan ni Noah, dahil siya nga ang nasa likod ko. “Hey, be careful! May bata rito.” Napatingin ako sa cell phone kong nasa sahig na. Dahil hawak ko nga ang aking anak ay hindi ko agad iyon nakuha. May umapak roon at bago pa man mamatay iyon ay nabasa ko pa kung sino ang tumatawag. Leandro is calling... Mabilis na naagaw iyon ni Noah. Salubong ang kaniyang kilay. “Nabasag na ang screen, Leighton.” Napakagat ako sa labi. “Oo nga. Bibili na lang ako ng bago.” Kinuha ko na iyon sa kaniya. “All right.” Nasa eroplano na kami nang hindi ko nakalimutan ang nangyari kanina. Bakit naman kaya tumatawag sa akin si Lee? O baka namalik mata lang ako kanina? Imposible naman kasi na tatawag siya sa ’kin, ’di ba? Para saan pa? At saka kahit noong umalis na kami sa condo niya ay hindi naman siya nag-abalang guanwag. So, why now? Sa halip na isipin pa iyon ay umiling na lang ako. Wala naman dapat akong pakialam pa roon. Sinilip ko ang mukha ng baby, para lang makita kung ano ang hawak-hawak niya. “Hay naku, si Ninong Mark talaga.” Hawak ng anak ko ang card na tinanggihan ko na kanina. Ang lalaking iyon talaga, e. Napanguso na lang. Pangalan ni Astrid ang nakalagay rito. Wala naman akong choice kundi itago iyon, may nakadikit pang papel dito. “Daming nagmamahal sa iyo, anak.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD