Chapter 49: Cook PINATULOY ko na muna sa loob si Leandro, iyong dala niyang bulaklak ay wala na akong choice kundi kunin iyon. Request gift naman iyon ng anak ko, kaya wala naman sigurong masama na tanggapin iyon, ’di ba? Dinala ko iyon agad sa kuwarto at nilagay sa vase. “Are you cheated on me, hon? Bakit may pabulaklak siya?” Tinawanan ko ang aking asawa. Sumunod talaga siya sa ’kin para lang sabihin iyon. “Para kay Astrid ito, Noah. Ano ka ba? Nagseselos ka sa bulaklak?” naiiling kong tanong. “Kung para kay Astrid. Bakit sa ’yo binigay?” “Noah. Inaasar mo lang ako, e,” sambit ko. “Kidding aside, Leighton. Sige na. Babain mo na ang bisita ng anak natin,” taboy nito sa akin. “By the way, kailan ang flight mo?” tanong ko. Hindi rin naman kasi siya magtatagal pa rito. “Next we

