Chapter 48: 4th gift LEANDRO’s POV “Dalian mo naman po, daddy! Ang bagal mo naman po, e!” sigaw sa akin ng anak ko. Ilang beses pa siyang kumaway, at nauna na nga siyang pumasok sa kuwarto ko. Bagamat nakangiti naman siya, kahit parang hindi na talaga makapaghintay. Ngayong araw kasi, puwede ko na ulit buksan ang papel, at malalaman ko na ang susunod na ireregalo ko sa kaniya. “Just wait, anak. Mukhang mas excited ka pa kaysa kay daddy, e,” naiiling kong sambit. “Daddy, excited din po ako, ’no!” “Alright, love.” Kinuha niya iyon agad sa bedside table. Nakangiti niya itong niyakap. Umupo naman ako sa gilid ng kama, at sinenyasan siyang lumapit. Kinandong ko siya, at pagkatapos ay bumunot na ng isang papel. Yellow ang naisipan kong buksan. “Collor yellow!” she shouted. “Ano’ng

