Chapter 33: Visitors, Markin & Markiana “I FINALLY meet your daughter, son.” Kumuyom ang palad ko, kahit nararamdaman ko ang suwero sa palapulsuhan ko, kanang kamay ko iyon ay ang pilay ko ay nasa kaliwang braso. Pinipigilan ko ang mga luha ko, kaya pinanatili kong matigas ang ekspresyon ng mukha ko nang tingnan si daddy. Nakaupo na siya sa puwesto kanina ni mommy. Siya rin ang pumalit sa pagbabalat ng mansanas. “She’s very beautiful, kind, sweet and adorable. I heard from her mom, na bata pa lang ang anak mo ay lumalaban na. She’s fighting for her illness.” Pumiyok ang boses ni dad nang sambitin ang huling katagang iyon. May kung ano na naman akong naramdaman sa dibdib ko, parang may kutsilyo na pinong-pinong hinihiwa nito ang puso ko. Sa nakita ko lang noon sa mall, alam kong may dina

