Chapter 6

2218 Words
Kinabukasan pagpasok ni Kylie sa office ay nagtataka siya kung bakit wala ang mga tao. Di na rin naman maaga. Pero di niya na ito pinansin at dumerecho na lang sa table niya. Nagulat siya nang biglang may nagputukan party poppers, at sabay sabay na bati sa kanya ng “Congratulations!” at nagpalakpakan ang lahat. “Ano meron?”Gulat na tanong ni Kylie sa lahat “Congrats friend! Assistant manager ka na ng department natin yehey!” Masayang balita sa kanya ni Jane “Ha? Kailan pa?!” Di makapaniwalang tanong ni Kylie “Well its effective today.” Singit ni  Mrs. Cruz “Remember the proposal that you submitted last time? The board were really happy and contented with it and they decide to use it. And I guess that was the sign that I was waiting for since Mr. Villamin left the department his position was always empty. Pero ngayon nakita ko na kung sino ang pwede pumalit sa kanya” Mahabang paliwanag at bati ni Mrs. Cruiz sa kanya “Talaga po?! Salamat po!” Tuwang tuwa sabi ni Kylie “Congrats talaga friend!” Yakap sa kanya ni Jane at niyakap rin siya ni Kylie. Di na napigilan ni Kylie ang mga luha niya,but this time it is not because of pain or sorrow but with happiness. “So Ms. Abad di ka na siguro malalate nyan ah?” Biro sa kanya ni Mrs. Cruz “I believe alam mo na kung ano ang madadagdag sa workload mo. Pero ikaw pa, walang wala lang sayo yun” Patuloy na pagcomplement sa kanya ni Mrs. Cruz. “O siya tama na muna ang katuwaan balik muna tayo sa trabaho, and nga pala tonight labas tayo. My treat”  Announce ni Mrs. Cruz at naghiyawan ang lahat. “Aba himala ata at good mood ngayon si Mrs.  Cruz” Di rin makapaniwalang sabi ni Jane Ngumiti lang naman si Kylie “ Alam mo di naman sa lahat ng oras ay masungit siya eh, mabait din naman talaga yan.” Suporta ni Kylie “Ikaw talaga palibhasa pinromote ka na, kinampihan mo na!” Kunwaring tampo ni Jane “Hahaha ewan ko sayo” Tawa ni Kylie at bumalik na din sa lamesa niya. Habang nagkakatuwaan sila ay di nila napansin na dumaan si Atlas at ang secretarya nito. “Mrs. Sanchez alam mo ba kung ano meron dito ngayon?” Curious na tanong ni Atlas sa secretarya nang mapansin na may naghihiyawan at masaya ang lahat sa loob ng marketing department “From what I heard may bago na silang Assistant manager, matagal na rin walang umupo dun simula nang umalis yun dati eh,” Sagot naman ni Mrs. Sanchez “Then that’s good for them” Maikling sagot ni Atlas “Yup! Magaling at deserving naman talaga si Kylie. Matagal niya nang pinaghirapan yun posisyon na yun”dagdag pa ni Mrs. Sanchez Napatingin si Atlas sa pagkarinig sa pangalan ni Kylie “Sorry Sir, masyado ata ako maraming sinasabi” Agad na paumanhin ng secretarya nito at di na nagsalita. Kinagabihan ay dinala sila ni Mrs. Cruz sa isang social bar sa the Fort. Tuwang tuwa naman ang lahat sa piniling lugar ni Mrs. Cruz “Ma’am gumaganto ka rin pala ah, pumarty party ka rin” Biro ni Marco na isa rin sa mga kasamahan nila sa department “Oo nga eh, di ko inexpect kala ko magdinner lang tayo” Dagdag pa ni Mitch “Talaga bang ganun ka baduy ang tingin niyo sa akin? Hindi naman ako ganun and besides Friday night ngayon let’s enjoy ourselves” Sport naman na sagot ni Mrs. Cruz “Tara na let’s find ourselves a seat” Hila naman ni Jane sa grupo. Sa kabilang banda naman ay dumating din sa parehong lugar si Mikey at si Atlas. Pero dahil ayaw naman nila masyado sa madaming tao ay sa taas sila umupo. “Sa wakas naman at nagkaroon ka na rin ng vacant time noh” Hirit ni Mikey kay Atlas “Pasensya ka na alam mo naman” Sagot naman ni Atlas “Well atleast ngayon pwede ka, we have a lot of catching up to do.” Sagot din naman ni Mikey “Tara dun tayo” Turo ni Atlas sa isang bakanteng upuan Sa baba naman ay nagkakatuwaan na ang buong grupo. Nakikipagbiruan kay Mrs. Cruz na dati rati ay di nila nagagawa. Pinagtritripan ang bawat isa, at nagtatawanan. “Marco! Now na!” Tawag ni Jane kay Marco “Sure?” Tanong naman ni Marco “Ano yun? Ano meron?” Naguguluhan tanong ni Kylie sa kanila “Oo nga eh, kayong dalawa ah may kalokohan na naman ba kayo?” Medyo saway ni Mrs. Cruz “Ma’am don’t worry wala kaming kalokohan” Assure ni Marco at tumayo na muna silang dalawa ni Jane at lumapit sa DJ, tumango ang DJ sa binulong ni Marco “Mrs. Cruz alam niyo bang magaling kumanta si Marco? Nagpeperform yan minsan minsan eh” Bulong ng isa nilang kasama “Really huh? Wonder what he is up to” Isip naman ni Mrs. Cruz Umakyat si Marco sa stage at pinatay naman na muna pansamantala ng DJ ang tugtog kaya napuno ng katahimikan ang buong lugar at napabaling halos lahat sa stage. “Good evening everyone! Sorry kung naistorbo ko kayo, but can I just have few minutes of your time. Me and my friend over here just want to congratulate someone for her recent promotion Ms. Kylie Faye Abad para sayo to” Announce ni Marco bago ito sinimulan kumanta. I tried playing it cool Girl when I'm looking at you I can't ever be brave Cause you make my heart race Shot me out of the sky You're my kryptonite You keep making me weak Yeah, frozen and can't breathe   Napalingon naman si Kylie nang narinig niya ang pangalan niya. Mas nagulat siya nang may makitang pinapalabas na AVP sa likod at napapanuod ng lahat. “Ano nanaman to nakakahiya naman to” Nahihiyang komento ni Kylie “Alam mo they are just happy for you, you deserve this” Mrs. Cruz tapped her shoulder Some things gotta give now Cause I'm dying just to make you see That I need you here with me now Cause you've got that one thing So get out, get out, get out of my head And fall into my arms instead I don't, I don't, don't know what it is But I need that one thing And you've got that one thing Sa kalagitnaan ng kanta ay hinila siya ng ilan pa niyang kasamahan papunta sa stage. Inabot naman ni Marco ang isang mike sa kanya telling her to sing with him. Umiling naman si Kylie pero mapilit si Marco kaya kinuha niya na rin at kinanta ang second stanza ng kanta. Now I'm cMontenegrobing the walls But you don't notice at all That I'm going out of my mind All day and all night Some things gotta give now Cause I'm dying just to know your name And I need you here with me now Cause you've got that one thing So get out, get out, get out of my head And fall into my arms instead I don't, I don't, don't know what it is But I need that one thing And you've got that one thing   Sa taas ay nanunuod lang si Mikey at si Atlas sa mga nangyayari. Di matanggal ang ngiti kay Mikey sa naabot ni Kylie, he knows how Kylie wanted that position badly. “Tuwang tuwa ka ata ah” Pansin ni Atlas sa kanya “Wala naman, just happy for her” Simpleng sagot ni Mikey “Kanino kay Kylie?”Tanong naman ni Atlas “Yup! Tignan mo ang mga ngiti niya ngayon. Alam mo bang ang tagal din nawala yan ngiting yan sa kanya” Dagdag ni Mikey Napatingin naman din si Atlas kay Kylie pero medyo di nakuha ang sinabi ni Mikey. “Mukhang malakas ang tama mo kay Kylie ah..”Alanganin komento ni Atlas “Medyo? Haha pero wala eh hanggang dito lang talaga kami. But I’m willing to wait” Sagot naman ni Mikey So get out, get out, get out of my mind And come on, come into my life I don't, I don't, don't know what it is But I need that one thing And you've got that one thing You've got that one thing   “What do you mean?” Nagtatakang tanong ni Atlas “Dami na rin pinagdaanan si Kylie, yan ngiting yan ang tagal rin bago ko nakita yan. Alam mo ba kung gaano ako kabilib sa kanya. Her parents passed away three years ago, graduating palang siya nun ah and her sister is still so young. Kung makita mo siya nun di mo maexpect na she could be this girl standing on the stage right now” Pasalaysay na kwento ni Mikey Lalo naman naguluhan si Atlas sa mga nangyayari, her parents passed away? Bakit di niya alam? Sabagay paano niya malalaman eh nawalan na lang nga sila agad ng contact after niya umalis. Tinignan niya ulit si Mikey na pinapanuod pa rin si Kylie at tumingin ulit kay Kylie. Tama si Mikey, yang ngiting yan ni Kylie ang tunay na ngiti ni Kylie. Yan na yan ang ngiting bumihag sa kanya. “Pero bakit naman tingin mo wala kang pag-asa sa kanya?” Lakas loob na tanong ni Atlas kay Mikey hoping he could get some clue of Kylie’s past “She was very honest with mefrom the very start. Sabi niya ayaw niya daw muna pumasok sa kahit anong commitment kasi marami pa siyang responsibilidad. She was very vocal na hanggang friendship lang ang kaya niya ibigay sa akin, pero bro hirap lang din pigilan” Medyo padramang sabi ni Mikey sa kanya “Alam kong nagkaboyfriend na siya dati, pero it didn’t work out fine in the end. I don’t know the details pero I’m quite sure what ever happened to that relationship is the reason why Kylie can’t accept anyone in her life now. Masyado ata siya nasaktan kaya natatakot nang magmahal ulit” Tuloy na sabi ni Mikey. Di naman na alam ni Atlas kung ano ang dapat na maramdaman. Shempre alam niyang siya yun tinutukoy ni Mikey na naging boyfriend ni Kylie. Pero lalo siya naguguluhan sa kung ano ang rason ng pagiwan sa kanya ni Kylie. Kung bakit 4 na taon na ang nakaraan at hindi pa rin binubuksan ni Kylie ang puso niya. “Atlas? Atlas?” Tawag sa kanya ni Mikey “I’m sorry, may sinasabi ka ba?” Tila natauhan na tanong ni Atlas “Wala naman, nakatulala ka lang kasi ata dyan. Masyado ka ba nagandahan kay Kylie? Uy tandaan mo akin yan ah” Biro sa kanya ni Mikey “Ok ka din noh? Di ka pa nga sinasagot sayo na agad” Pilit na biro pabalik ni Atlas “Well you’ll see” Confident na sabi ni Mikey. Pagkalipas pa ng ilang oras ay napagdesisyunan na ng grupo ni Kylie na umuwi na dahil di na rin naman maaga. Muling nagpasalamat si Kylie sa mga kasamahan sa surprise na binigay sa kanya. “Thanks for today! Kahit pinahiya niyo ako kanina” Hampas nito kay Marco at Jane “Uyyy eto naman di ka naman naming pinahiya, galing galing mo nga eh” Sagot naman ni Jane sa kanya “Oo nga eh galing mo kumanta” Dagdag ni Marco “Binola na ako, basta salamat!” Pasalamat ulit ni Kylie sa kanila “Sige magingat kayong lahat pauwi ah” Paalala ni Mrs. Cruz, at sabay sabay naman sila sumagot ng “Opo” Nauna na umalis ang lahat at si Kylie ay naghihintay lang ng pwedeng masakyan nang biglang may tumawag sa kanya. “Kylie!” Tawag ng isang boses mula sa likod “Mikey!” Sagot naman ni Kylie “Congratulations!” Lapit nito sa kanya at niyakap siya “Alam kong matagal mo na tong hinhintay” Bulong nito sa kanya “Paano mo nalaman?”Gulat na tanong ni Kylie “Well nasa loob kami kanina so I guess that explains it?” Nakangiting sagot ni Mikey Tsaka lang napansin ni Kylie na nakasunod pala sa likod ni Mikey si Atlas. “Good evening, este Good morning po” Bati naman nito kay Atlas “Congratulations Ms. Abad! The position suits you well”  Bati rin ni Atlas sa kanya “Salamat po” Sagot naman ni Kylie “So Kylie need a ride?” Alok ni Mikey “Hindi na magtataxi na lang ako, late na rin eh” Pagtanggi naman ni Kylie “Sigurado ka?”Tila ayaw naman siya payagan ni Kylie “Oo naman, sige andito na taxi. Bye Mikey, Bye GM” Paalam ni Kylie sa dalawa bago sumakay sa taxi. Sa loob ng taxi ay napasandal lang si Kylie sa bintana at napapikit “Kahit na marami pa rin bagay ang wala sa tamang lugar, masaya ako dahil kahit papaano ay mga ilan pa rin na nasa tamang lugar. Hopefully everything would be in their right places in the future” Dasal ni Kylie sa sarili at napangiti  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD