Chapter 5

1915 Words
Kinabukasan ay late na nagising si Kylie dahil napuyat ito sa kakaisip sa nangyari kahapon. Hinatid niya pa si Cassie sa school bago dumerecho sa office. Pasara na ang elevator pero inabutan niya pa naman ito pero nagulat siya kung sino ang nasa loob. “Ms. Kylie Abad, late ka na naman” Sermon sa kanya ni Mrs. Cruz. Napatingin siya kung sino pa ang nasa elevator. “Sorry po” Magaling niyang bati kay Mrs. Cruz “Sorry din po GM” pahabol niya pa kay Atlas “Ms. Kylie puyat ka ata, o umiyak namamaga ang mata mo” Pansin sa kanya ni Mrs. Cruz “Puyat lang po.” Sagot ni Kylie at pilit na iniiwasan magkasalubong ng tingin sila ni Atlas Nabunutan ng tinik si Kylie nang nakarating na sila sa office nila. Magalang ito na nagpaalam bago bumaba nang elevator. Pagdating ni Atlas sa office niya ay tinawagan niya ang HR department may mga tinanong na ilan mga bagay tungkol kay Kylie. He was now ready to talk to her. “Oh Kylie ano nangyari sayo?” Tanong agad ni Jane sa kanya pagdating niya “Bakit ano meron?” Tanong agad ni Kylie dahil parang gulat na gulat si Jane sa itsura niya “Hindi ka ba tumingin sa salamin bago ka umalis? You look…terrible..” Honest na komento ni Jane “Ah wala to..namamaga lang naman mata ko OA naman to” Relieve naman si Kylie dahil akala niya kung ano na “OA ka dyan, ikaw ang OA ano nanaman ba ginawa mo kagabi? Nanuod ng Korean drama? Nanuod ng teleserye na iniyakan mo ng husto?” Pangiintrig nanaman ni Jane “Bakit pagiyak lang ba ang pwede maging dahilan ng pamamaga ng mata?” Pangangatwiran in Kylie “Hindi, pero sayo oo..alam mo Kylie kung ano man yan nasa loob mo. Sabihin mo wag mo hayaan makulob yan dyan sa loob sige ka ikaw din mahirapan sa sunod” Paalala ni Jane “Oo na alam ko.” Sagot ni Kylie “Basta kung may problema ka ah..I’m always here” Presenta ni Jane sa sarili Ngumiti naman si Kylie dito. Isa sa mga dahilan kaya mabilis siya nakabangon sa lahat ng nangyari ay dahil na rin sa mga kaibigan na laging nariyan para sa kanya. Naputol ang pagiisip ni Kylie nang biglang nagring ang cellphone niya. “Best Friend!” Bati sa kanya mula sa kabilang linya “Francine!” Excited na tawag ni Kylie “Eto naman kung makatawag sa pangalan ko di halatang miss mo na ako noh?” Pangaasar ni Francine “Ito naman namiss lang talaga kita, napatawag ka ata nasa Manila ka ngayon?”Tanong ni Kylie “Hindi ba halata? Lunch out tayo ngayon” Imbita sa kanya ni Francine “Sure sure, sa dating lugar?” Agad na payag ni Kylie “Yup! See you bestie! ”Sagot naman ni Francine Pagdating ng lunch time ay nagmeet ang magbestfriend na medyo matagal na panahon na rin di nagkikita dahil na redirect ang trabaho ni Francine sa Cebu. “So friend kamusta ka na?” Tanong ni Francine sa kanya “Hay nako di ka maniniwala sa sasabihin ko” Medyo hysterical na sabi ni Kylie “Sa dami na nangyari sa atin meron pa bang bagay na ikakagulat ko” tanong naman ni Francine, sa lahat na siguro ng kaibigan ni Kylie si Francine ang may alam sa lahat ng mga pinagdaanan niya sa nakalipas na 4 na taon “Si Atlas he’s back, and I am working under his management” Derechong sabi ni Kylie “Si Atlas?! Wow naman ang small world niyo naman” Ganun na lang ang naging reaction ni Francine “At eto pa..si Mikey? Matalik niya pang kaibigan” Sumunod na rebelasyon ni Kylie “Mikey? Your suitor with undying love for you?!” Medyo OA nang reaksyon ni Francine “Over ka naman, basta yun..”Medyo nagbago na ang mood ni Kylie “So ano nangyari? Kinausap ka na niya? Paano yun ano sasabihin mo sa kanya?” Sunod sunod na tanong ni Francine “Isa isa lang naman ang tanong,, wala pang nangyayari di pa niya ako kinakausap pero kung kinausap niya ako di ko alam ang sasabihin ko pero ang alam ko lang di ko ipapaalam ang tunay na dahilan..” Seryosong desisyon ni Kylie "Alam mo di ko alam kung martyr ka o tanga lang talaga. Hello ayan na siya oh, 4 na taon na ang nakalipas and he’s back isn’t that destiny bringing you back together again?” May katwiran na sabi ni Francine “4 years ago or today wala pa naman nagbabago sa akin tingin mo matatanggap na ako ng pamilya niya?” Tanong ni Kylie “Well my point ka, pero kawawa naman si Papa Atlas..” Hirit ni Francine “Pero kung ako kung kaya mo at kung bibigyan kayo ng chance ipaglaban mo na” Suhestyon ni Francine sa kanya “Chance? Malabo yan. Sigurado ako di ako mapapatawad  nun” Sagot ni Kylie “Sigurado ka ba dyan? Malay mo diba” Positive na sabi ni Francine “Eto na lang muna tanong ko mahal mo pa rin ba?” Hindi alam ni Kylie kung ano ang dapat isagot. Sa dami niya pinagdaanan ay hindi niya pa naayos ang kung ano man nararamdaman na natitira sa puso niya. “Wait change question, mahal mo ba si Mikey?” Tanong ulit ni Francine “Mahal ko siya bilang kaibigan” Agad naman na sagot ni Kylie “Ok”  Kuntentong sagot ni Francine at napangiti lang. Pag katapos nila kumain ay bumalik na rin si Kylie sa trabaho. Sa  mga sumunod na araw ay nabawasan na naman ang mga pagkakataon na makita o masalubong ni Kylie si Atlas. Hangga’t sa isang araw habang naglalakad sila Kylie pauwi ay nagulat siya nang may nakapark na kotse sa bahay nila. Bumaba si Atlas ng sasakyan nun nakita niya na dumating na sila Kylie “Kuya Atlas!” Masayang bati ni Cassie “Hello Cassie” Bati din naman ni Atlas “Ano po gawa niyo sa house namen?” Tanong ni Cassie sa “May kailangan ako sa Ate mo eh..”Sagot niya sa bata at nilingon si Kylie “Sir, bakit po?” Takang tanong ni Kylie sa kanya “I think it’s time to stop pretending that you do not know me” Seryosong sabi ni Atlas “We need to talk” “Pasok muna tayo” Sagot naman ni Kylie. Pinatulog na muna ni Kylie si Cassie bago binaba si Atlas sa sala. “Lief” Tawag ni Kylie sa kanya “Finally called my name huh?” Taas kilay na tanong ni Atlas sa kanya “Di naman kita pwede tawagin ng ganyan sa office” Depensa ni Kylie “Wala naman tayo sa office kanina diba?” Tanong ulit ni Atlas “Ano ba kailangan mo sa akin?” Lakas loob na tanong ni Kylie “Hindi mo ba alam? Or nagpapanggap ka na hindi mo alam?” Kumpronta ni Atlas sa kanya Hindi na sumagot si Kylie dito. “What happened?” May hinanakit na tanong ni Atlas “Marami nangyari pagka alis mo”sagot naman ni Kylie. Well it was a half truth and half lie. “Wala ba ako karapatan para malaman yun? Or atleast care to give me an explanation?” Medyo naiinip nang tanong ni Atlas “Nangyari na yun, it’s all in the past wag na natin ungkatin pa” Pagtanggi ni Kylie na sagutin ang tanong “For heaven’s sake Kylie, naghintay ako ng tawag mo or nang email mo. Tinatawagan kita but your number was out of service already, nakailan email ako sayo di ka nag-email then sasabihin mo sa akin na wag na natin ungkatin pa. Can’t you just give me an explanation?”Tumaas na ang boses ni Atlas “Hindi ko ginusto yun, pero yun ang kailangan kong gawin..” Maikling sagot ni Kylie “And what does that supposed to mean?” Pilit na kinakalma ni Atlas ang sarili “Let us just put it this way, hindi tayo bagay.” Sagot ni Kylie. Ayaw niya na sana makipagtalo dahil alam niyang pareho lang sila masasaktan, dahil kahit anong mangyari ay di niya sasabihin kay Atlas ang tunay na dahilan. “Naririnig mo ba pinagsasabi mo? Kylie, dalawang taon din yun! And what happened to your promises? Diba nangako ka sa akin? Bakit mo sinira yun?”Mataas na naman ang boses ni Atlas “Sorry, sorry kung ginawa ko yun. I don’t expect you to forgive me pero yun lang ang masasabi ko I’m really really sorry” Sunod sunod na sabi ni Kylie “Sorry?! Tingin mo matatanggal yun lahat ng paghihintay ko? Tingin mo mawawala yun sakit na nararamdaman ko nang iniwan mo ako” Medyo lumambot na ang boses ni Atlas at bakas na dito ang sakit at lungkot niya “Atlas, hindi lang naman ikaw ang nasaktan dito. Pero atleast diba, look at you now. Kung hindi ka pumunta you wouldn’t be as successful as you are today.” Pagtakas ni Kylie sa usapan “That’s not my point Kylie. I want an explanation or atleast can you defend yourself? Kilala kita I know kung kelan ka may hindi sinasabi sa akin at dahil kilala kita alam kong di ka bastang basta tao na gagawin ang isang bagay dahil wala lang” Pagpilit pa rin sa kanya ni Atlas “Atlas, gabi na umuwi ka na.” Patuloy na pagtakas ni Kylie sa usapan. “Kylie, please? Ulit ni Atlas “Atlas I’m really sorry, again hindi ko hinihingi na mapatawad mo. Just hate me, kasi masama akong tao. Dahil wala ako isang salita, dahil sinaktan ko ang kaiisang tao sa buhay ko na nagmahal sa akin” Sagot ni Kylie sa kanya. Ayaw niya na magtagal pa ang usapan na to dahil parang sasabog na ang puso niya sa mga kasinungalingan sinasabi niya. Ayaw niya din makita na nahihirapan ang taong minsan niyang minahal. “I won’t hate you for this, I would forgive you. But please tell me when you are ready” Kalmado nang sabi ni Atlas. Dahil kumbinsido siyang  may dahilan si Kylie kaya niya ito ginagawa. On his 4 years stay in the United States, for the 4 years that he had waited for her calls or emails, for waiting that she would come to him soon. He never hated her. Oo totoong nagalit siya dito, nasaktan siya ng husto. Pero kahit anong gawin niya na kaMontenegroutan na siya at ang pagmamahal niya ay di niya magawa. Dahil may bumubulong sa utak at puso niya na paniguradong may rason si Kylie kaya niya ito ginawa. Pero ngayon ayaw niya ipaalam sa kanya yun ang di niya susukuan. “Wag mo na ipilit..” Maikling sagot ni Kylie “Just tell me when you are ready” Di pinansin ni Atlas ang sagot niya at tumayo na para lumbas. Pero bago ito lumbas ay tinawag niya ulit si Kylie “Ms. Abad, I hope this won’t affect your job” Bigla nitong pagbabago ng tono. Naisip niya lang kasi bigla na baka bigla nanaman mawala si Kylie, na baka magresign nalang ito bigla para matakasan siya. “Of course sir” Sagot naman ni Kylie sa kanya and with that answer Atlas finally left.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD