Habang kumakain si Kylie at si Jane ay nagkwekwentuhan ang dalawa, di pa rin tumigil si Jane sa kakaintriga sa kanya.
“So Kylie? Ano ba talaga ang real score sa inyo ni Mikey?”
“Wala nga ang kulit naman nito..” Sagot ni Kylie na halatang di siya komportable pagusapan
“Wala daw, pero nanliligaw diba? May pagasa ba?” Excited na tanong ni Jane
“Nanliligaw? Ewan ko. Wala pa ako balak pumasok a relasyon noh.” Tuloy na sagot ni Kylie
“Anong hindi mo alam labo mo din girl noh? At ano yan pangalawang sagot mo ang showbiz mo talaga teh, di bagay sayo di ka naman bumabata na” Taklesang sagot ni Jane
“Eh hindi ko talaga alam..at ganun talaga kailangan ko magfocus sa trabaho para naman sa amin ni Cassie. Ayaw ko mahirapan si Cassie” Seryosong sagot sa kanya ni Kylie
“Sabagay, may kapatid ka pa. Pero may gusto sana ako itanong pero kung ayaw mo ok lang “ Biglang urong sulong na tanong ni Jane
“Aba kelan ka pa nagpapigil sa tanong mo? Natatawang tanong ni Kylie
“Would you mind telling me what happened to your parents?” Alanganin tanong ni Jane
“Wala na sila eh..” Di naman alintanang sagot ni Kylie
“What do you mean wala na?” Takang tanong ni Jane
“Wala na sila simple as that. I don’t want to elaborate.” Pakiusap ni Kylie
“Sige I understand, eto nalang next question nun sang araw mo pa to tinatakasan eh. Nagkaboyfriend ka na ba?”Pahabol pa na tanong ni Jane
“Bakit ba sa dalawang taon natin magkasama ngayon mo ako bigla iintrigahin ng ganyan?” Patanong din na sagot sa kanya ni Kylie
“Exactly, dalawang taon na tayo magkasama pero yan mga ganyan bagay ay hindi ko pa rin alam. At kung bakit kita iniintriga kasi naman perfect package na si Mikey oh, ayaw mo pa rin sagutin baka kako…hindi lalaki ang trip mo” Derechong tanong ulit ni Jane
“Grabe ka rin talaga magisip noh? Sige na para matahimik ka na. Oo nagkaboyfriend na ako, at kung tatanungin mo kung ilan? Isa lang at kung bakit kami nagbreak sa akin nalang yun” Derederechong sagot ni Kylie
“OA naman nito, isa lang naman tanong ko gumawa ka na ng sarili mong tanong .pero infairness atleast napaamin na kita. At alam kong may pag-asa pa si Mikey boy” Masayang sagot ni Jane
“Alagad kaba ni Mikey? Undercover ka niya at mukhang kamping kampi ka sa kanya?” Akusa ni Kylie sa kanya
“Uy di noh, ano man makuha ko is for my information only. He needs to do his own research” Assure ni Jane sa kaibigan
“Research research dalian mo na kumain dyan patapos na break time natin” Paalala ni Kylie
Pinalipas na muna ni Atlas ang mga araw at di na muna siya kinopronta o pinutahan ang departamento ni Kylie sa dalawang kadahilanan. Una, ay marami pa siya kailangan gawin bukod sa pagasikaso ng personal na mga bagay at pangalawa imposible na di siya nito kilala at kung siya mismo di lumalapit bakit siya lalapit. Nang pauwi na si Atlas ay may naabutan siyang maliit na kaguluhan sa lobby ng hotel nila at agad niya naman ito nilapitan.
“Ikaw bata kababaeng mong tao inaaway mo tong anak ko. Asan ba magulang mo?”Reklamo ng isang magulang dahil nagsumbong anak niya na inaagaw at sinira laruan nito
Namuo lang ang luha ng bata at malapit na umiyak “ Wag mo ako iyakan ah, magsorry ka sa anak ko” Matapang na utos ulit ng nanay ng bata. At dahil dito tuluyan na umiyak ang bata.
“Excuse me po Madam, I’m Atlas the General Manager of this hotel. Ano po ba ang nangyari?” Tanong nito sa nagwawalang nanay
“Sinira niya yun laruan ng anak ko eh, ang mahal mahal nun wala ka mabibili dito its from US” Mayabang na saad ng magulang
“Cassandra right? Don’t cry na muna..tell Kuya Atlas what happened?” Lumuhod si Atlas para lumevel siya sa height ni Cassandra at kinausap ito
“I didn’t broke his toy…he was playing with it then….. it fell. Tinulungan ko lang naman….. siya pulutin eh..”Putol putol na explain ni Cassandra dahil sa umiiyak ito.
“Okay sige, wag na umiyak ah..” Punas ni Atlas sa luha nito.
“Madam, narinig niyo naman po siguro ang explanation ng bata?” Mahinahon na sabi ni Atlas
“Eh paano kung nagsisinungaling lang yan batang yan” Galit pa rin na saad ng nanay
“Why don’t you ask your son?”suhestyon ni Atlas at tinignan ang anak nito na nagtatago lang sa likod ng nanay niya. Nang mapansin niya na walang intensyon ang nanay na tanungin ang anak niya ay siya na ang nagtanong.
“Hey, can you tell us the truth? Di naman magagalit si mommy eh just tell us the truth. Did she broke your toy?” Kalmadong tanong ni Atlas at nginitian ang bata.
“No mommy she didn’t broke my toy..I was just lying..” Amin ng bata. Lumapit din ito kay Cassandra “Sorry ah..”nagsorry naman ito agad.
“So Madam I think everything’s clear now” Tumayo na si Atlast mula sa pagkakaluhod.
“Ikaw talaga bata ka nakakahiya ka!” Sabi nito sa anak at agad agad na umalis dahil sa kahihiyan.
Nilingon ni Atlas si Cassandra na ngayon ay medyo tumahan na. Kinarga niya ito at inupo sa sofa sa lobby ng hotel.
“Next time magsasalita ka agad, don’t let anyone bully you huh?” Bilin nito kay Cassandra at tumango ang bata.
“Bakit ka ba magisa? Sino ba kasama mo?” Tanong ni Atlas
“Hinihintay ko si Ate, may naiwan lang daw siya sa taas” Sagot naman ni Cassandra
“Ahh…if you don’t mind how old are you?” Tanong ni Atlas sa kanya
“I’m 6 years old.” Medyo sumisigla na ang tono nito
“Big girl ka na pala eh..” Komento ni Atlas habang inayos ang buhok niya.
“Atee!!” Biglang bumaba si Cassandra sa sofa at tumakbo papunta sa Ate niya
“Oh Cassie ano nangyari sayo bakit ka umiyak?” Tanong agad ni Kylie nang mapansin na mugto ang mata ng kapatid
“Nothing ate, ok na po ako.” Sagot naman agad ni Cassie
“Explain to me on our way home, tara na.” Yaya naman nito sa kapatid.
“Wait lang po” at tumakbo ito pabalik sa pinaggalingan sinundan ito ng tingin ni Kylie at nagulat siya kung sino ang pinuntahan nito
“Thank you po Kuya Atlas sa pagtulong po kanina. Andyan na po si Ate uuwi na kami” Magalang na paalam ni Cassie
“Sure, no problem. Pero can I meet your ate?” Paalam ni Atlas
“Sure. I’m sure you’ll like her she’s beautiful” Komento ni Cassie habang hinahatak niya si Atlas papunta sa kung saan nakatayo ang ate niya.
Nagulat si Kylie nang makita na palapit na sila Cassie sa kanya. Tumalikod ito para di siya mapansin pero huli na rin nang ginawa niya yun.
“Ate, meet Kuya Atlas, siya naghelp sa akin kanina”pakilala ni Cassie sa kanya . “Kuya Atlas, Ate ko po si Ate Kylie”
Humarap na ulit si Kylie sa kanilang dalawa dahil bastos naman kung tatalikuran niya siya. Lalo pa’t boss niya ito sa kompanya.
“Salamat po GM, at pasensya na sa abala” Magalang na bati ni Kylie
“It’s ok.” Maikling sagot ni Atlast
“Diba Kuya Atlas, my Ate is beautiful?” Bigla naman singit ni Cassie
“Cassie!” Saway ni Kylie sa kapatid “Sorry po ulit, and mauna na po sana kami..” Mabilis paalam ni Kylie
“Sure go ahead, ingat sa daan” Kaswal na sagot ni Atlas
“Bye bye po Kuya Atlas, see you next time!”Masayang paalam din ni Cassie
Nakatingin lang si Atlas sa kanilang dalawa habang palabas ng main exit. “Laki din ng pinayat mo, pero di ka pa rin nagbabago” Pabulong na sabi ni Atlas.
Pagkasakay naman ni Kylie sa taxi ay para itong nabunutan ng tinik. “Cassie, how did you know Kuya Atlas?”
“He is Kuya Mikey’s bestfriend pinakilala siya sa akin last time” Sagot naman ni Cassie
“Bestfriend?! Life hindi mo din naman ako pinaglalaruan noh?” Reklamo ni Kylie sa isip