Mabilis lang na dumaan ang araw ni Atlas dahil sa dami nang kailangan gawin. Halos bundok ang mga folders at paper na nakatambak sa table. Department Profile, departmental rules, financial statements ng kompanya lahat na ng mga kailangan niyang makilala o malaman ay andun. Napabuntung hininga na lang siya nang ibaba niya ang isang folder na natapos niya na. Nang bigla may kumatok sa pintuan.
“Bro! Kamusta first day?” Bati ng bagong dating
“Mikey, ikaw pala yan eto pagod dami binabasa eh.” Bati din ni Atlas at lumapit para kamayan ito. At na pansin niya na may batang kasama ito “Kailan ka pa nagkaanak?!” Gulat na tanong nito. At natakot naman ang bata at nagtago sa likod ni Mikey
“Sira di ko anak yan, kapatid yan ng kaibigan ko. Paminsan minsan ako nagsusundo pag nagOOT” Paliwanag ni Mikey
“Ay di mo pala anak, alaga mo pala.” Pabirong sagot ni Atlas
“Sira ka talaga kahit kailan” Natatawang sagot ni Mikey
“Teka teka, friend ba yan o special friend?” Pang-iintriga ni Atlas
“Wag ka na lang kaya mang-intriga?” Nakangiting sagot ni Mikey
Magsasalita pa lang sana si Atlas nang biglang nagsalita ang bata “Kuya Mikey, hindi ba natin pupuntahan si Ate?” Tanong ng bata sa kanya
“Wait lang ah, by the way Cassandra friend ko si Kuya Atlas” Pakilala ni Mikey sa
Tinignan lang ni Cassandra si Atlas pero hindi kumibo o lumapit. Natawa naman si Atlas kaya siya na ang naginitiate ng usapan “Hello there, wag ka matakot sa akin. Mabait naman ako eh. Friends na tayo ah” Masiglang bati nito sa bata at cute na ngumiti ang bata
“Mahiyain lang talaga yan, pero pag kilala ka na ubod na ng kulit diba?” Kurot nito sa ilong ng bata at tumawa lang naman si Cassandra.
“Sige na bro, hinahanap niya na Ate niya mauna na kayo” Sabi ni Atlas nang nakita niyang naiinip na ang bata
“Okay lang dito naman nagtratrabaho Ate niya eh, magmemeet kami sa lobby” Sagot ni Mikey
“Talaga? Hope I can meet her next time. Your lucky lady” Pangaasar pa rin ni Atlas
“Hindi nga ganun! Friend nga diba. Sige mauna na ako “ Paalam ng kaibigan
Pagkaalis ni Mikey at ni Cassandra ay biglang napaisip si Atlast. “Cassandra Cassandra, that name sounds so familiar..saan ko nga ba narinig yun” Nang hindi maisip ay sumuko ito at nagdesisyon na maghanda na para umuwi
“Ateeee!!!”masiglang tawag ni Cassandra sa ate niya
“Hello Cassie! How’s your day?” Masayang tanong ni Kylie sa kanya
“It’s super fun! We learn a lot today” Kwento ng bata
“Salamat nga pala ah, may utang nanaman ako sayo” Pasalamat ni Kylie kay Mikey
“Ano ka ba, its fine gusto ko naman eh” Nakangiting sagot ni Mikey
“Saan pala kay nanggaling?” Takang tanong ni Kylie
“Ah, pinuntahan ko kaibigan ko eh..Nangamusta lang” Sagot ni Mikey
“ay kaibigan ka pala dito? Ngayon ko lang nalaman ah” Medyo gulat na tanong ni Kylie
“Bago lang siya dito, yun bago niyong General Manager kaibigan ko yun. Kaya pag inaway ka sumbong mo lang sa akin ako bahala sa iyo” Masayang balita ni Mikey
“Ah….” Tila wala naman sa sarili si Kylie
“So tara na? Dahil mamaya lang ay bedtime na ng cute na batang to” Yaya ni Mikey sa magkapatid. Tumango lang si Kylie at sumunod.
Pagkauwi nila sa bahay ay pinakain at pinaliguan ni Kylie si Cassie. Nang makatulog na ang kapatid ay siya naman ang naghanda para matulog. Habang nagsusuklay ay hindi niya maiwasan na biglang maalala kung ano ang nakita niya kaninang umaga.
Flashback
“Kylie Kylie nakita mo na ba yun bago natin GM? Halika dali” nagmamadali at hila ni Jane sa kanya
“Eto naman nakita mo na may deadline pa ako eh…” Reklamo ni Kylie dahil tinatapos niya pa ang report niya na due na nangtanghali
“Tignan mo oh, ang bata niya pa halos kasing edad lang siguro natin or matanda ng isa o dalawang taon. Apo daw ni Chairman eh, ang cool niya magsalita” Excited na balita ni Jane
Dahil na rin sa napakaraming tao ang tila ganun ang reaction kay Jane ang tinignan niya na kung sino ang talk of the town ngayon. Pag tingin niya sa LCD screen sa tapat nila ay nagulat siya sa nakita.
“Oh diba, pati ikaw napatulala na diyan. Sobrang ganda niya magsalita, di siya intimidating pero alam mong may panindigan” Tuloy na pagsasalita ni Jane
Isa lang ang katagang tumakbo sa isip ni Kylie habang nanunuod “Apo ni Chairman” oo nga naman paano nga naman niya di naisip yun.
“Excuse lang ah. May tatapusin pa talaga ako eh” Mabilis na paalam ni Kylie at bumalik sa trabaho/
End of Flashback
“Hay naku Kylie, wag mo na nga muna siya isipin. Magpahinga ka na ah at maaga ka pa bukas” Sermon ni Kylie sa sarili at pinilit na makatulog.
Kinabukasan ay tamang tama lang ang dating ni Kylie. Buti na lang di siya late dahil naalala niya na naging mas mahigpit na pala ang patakaran nila tungkol sa pagiging late.
“Kylie! Kakadaan lang ni GM kanina sayang di mo nakita!” Tuwang tuwa na balita ni Jane
“Para ka nakakita ng reaction mo ah..” Natatawang saway ni Kyle
“Para naman talaga siya artista! Sobra!” Ganun pa rin ang tuwa ni Jane habang nagkwekwento
“Ayyyy nako here we go again..” Iling ni Kylie at iniwan ang kaibigan na parang nakalutang sa ulap
“Sus palibhasa ikaw walang taste!”Sigaw ng kaibigan sa kanya
“Whatever” Natatwang sagot ni Kylie
“Pero di nga, nagkaboyfriend ka na ba?” Biglang pangiintriga ni Jane
“Oh why the sudden change of topic? Parang kanina lang inspired na inspired ka pa ah” Banat ni Kylie
“Ano ka ba! Yan mga ganyan hanggang pangarap lang yan kaya temporary happiness lang sila” Paliwanag ni Jane with matching actions pa “At babae wag mo ibahin ang topic, so meron ba o wala?”
“Secret ko na yun” Simpleng sagot ni Kylie
“Naku ah showbiz mo, sige eto na lang. Kayo na ba ni Mikey?” Derechong tanong ni Jane
“Mikey?! Hindi noh magkaibigan lang kami” Mabilis na tanggi ni Kylie
“Magkaibigan? Kawawa naman si Mikey hanggang ngayon hindi pa rn makuha kuha ang puso mo.” Madramang sabi ni Jane “Wag ka na masyado pakipot ah, alam mo na mahirap na pagnagbago ang pagtingin manghihinayang ka lang sa huli” Payo ng kaibigan.
Inirapan lang siya ni Kylie. “Hey Ms. Jane Miranda, wala ka ba trabaho at nangiintriga ka lang dito? Bumalik ka na nga dun pag tayo napaginitan nanaman” Saway nyia sa kausap
“Fine fine fine..nagpapaalala lang naman ako. Wag mo sabihin nagkulang ako sa pagpapaalala sayo..Pahabol ni Jane bago umalis. Ngumiti lang si Kylie at tinuloy kung ano ang ginagawa niya.
Sa 21st floor ng building ang office ni Atlas. Nakatingin si Atlas sa bintana niya na kitang kita ang buong siyudad ng Makati. “Ang ganda ng araw ngayon” simple nitong komento. Pagkalipas ng ilan pang minuto ay bumalik na siya sa lamesa niya at nagsimula magbasa. Pinili niyang basahin ang mga department profiles, iniisa isa niya ang mga ito. Sa sobrang dami ay halos dinadaanan niya na lang ang mga iba, natigilan siya ng may makitang pangalan. Agad agad niya binasa ang mga detalye.
“Siya ba talaga to? Pero ang dami dami naman kasi magkakapangalan sa mundo eh.”Naputol ang pagiisip niya ng biglang kumatok ang secretarya niya.
“Sir, first board meeting niyo po ng 1 pm sa meeting hall B” Paalala ni Mrs. Sanchez, ang sekretarya niya
“Ok noted” maikli at magalang niyang sagot dito. Itinabi niya ang folder na tinitignan kanina at tinuloy ang ginagawa, sa dami ng mga empleyado ng buong kompanya ay naubos ang oras niya sa kakabasa. Tumingin siya sa relo niya, 12 na pala. Naisipan niya na kumain na muna bago magmeeting. Habang pababa ay napalingon siya sa isang pamilyar na boses.
“Huy hintayin mo naman ako” Tawag ng isang babae
“Bagal bagal mo naman kasi eh dalian m” Pabirong sagot pa ng isa
“Excited naman kasi to eh” Sagot pa ulit ng isa
Hindi alam ni Atlas kung ano ang dapat maramdaman. Pero isa lang ang nakumpirma niya “Siya nga talaga yun, ang small world nga naman talaga.”