Chapter 1

1191 Words
Nagtratrabaho si Kylie sa marketing department ng  isang sikat na five-star hotel na sikat sa buong bansa. Dahil sa taglay nitong galing at dedikasyon sa trabaho ay nominado siya bilang isa sa mga pinagpipilian para sa pwestong assistant manager ng department. “Kylie! Akala ko malalate ka nanaman today..”Bati ni Jane ang matalik niyang kaibigan sa kompanya “Yun kapatid ko kasi alam mo na” Medyo hinihingal pa na reklamo ni Kylie “Si Cassie? Pasaway na naman ba?”Tanong ni Jane habang kumukuha ng kapeng maiinom “Sinabi mo pa, ang aming morning tradition alam mo na.” Tuloy na reklamo ni Kylie “Di ka na nasanay, 4 na taon na kayong magkasama niyan diba.” Komento ni Jane “Oo nga eh bakit ba di na ako nasanay…”Pagulit ni Kylie sa sinabi ni Jane “Tara na simula na tayo magtrabaho bago tayo masita ni Mrs. Taray” Biglang sabi ni Kylie nang makita niya pumasok si Mrs. Cruz ang boss nilang parang araw araw na lang masama ang gising. Kylie’s POV Ganito na ang naging routine ko araw araw, ihahatid ko sa school ang nakakabata kong kapatid, papasok sa office, susunduin ang kapatid ko at uuwi. Dalawang taon palang ako nagtratrabaho, swerte ko nga at nakapagtapos pa ako at nakakuha ako ng ganito kagandang trabaho tila ba nakikisama ang panahon sa akin. Hindi tulad ng apat na tao ang nakalipas na tila pinagbagsakan ako ng buong mundo. Sabay sabay na Nawala ang mga importanteng tao sa buhay ko. Minsan ang buhay unfair talaga, pero ano pa nga ba magagawa ko nangyari na eh. Hayy..mama papa super miss ko na kayo…at sayo pasensya na ha pero miss na rin kita. “Naku bruha nakatulala ka na tawag ka na ni Mrs. Cruz dalian mo!”Biglang tawag sa kanya ng katabi dahil di niya napansin na kanina pa siya tinatawag ng boss “Mrs. Cruz pasensya na po, ano po kailangan niyo?”Agad agad niya ito nilapitan “I need your proposals by 1 pm. Darating ang bagong general manager natin ngayon so I would be out for the general assembly so I want that to be on my table when I come back”Authorative na sinabi ni Mrs. Cruz “Sige po..”Maikling sagot ni Kylie Pagbalik ni Kylie ay nakasimangot ito at napabuntong hininga. Si Mrs. Cruz kasi yun tipo ng tao na di mo pwede tanggihan kundi gyera ang aabutin niyo. “Tinanggap mo naman?  Palibhasa alam niyang kaya mo yan eh. Pero di man lang niya naisip na nakakapagod magrush ng isang magandang proposal” Sermon sa kanya ni Jane “As if naman may choice ako diba.”Sagot ni Kylie “Oo nga naman, kaya bilis bilisan mo na ang pagkuha sa promotion ah para naman kahit papaano ay mas dumali ang buhay natin dito” Tila pagsusumamo ni Jane sa kanya “Ngek! Assumera ka ah”Komento ni Kylie “Di ako assumera totoo yun, go go girl!”Pagcheer ni Jane sa kanya na tinawanan lang niya at bumalik sa lamesa para tapusin ang proposal na hinihingi na nung isang araw lang binigay sa kanya at kailangan na agad ngayon. Kasalakuyan nagpupulong ang lahat ng mga empleyado na may hawak ng managerial position sa isang function room sa hotel. Nang halos napuno na ang buong lugar ay nagsimula na ang sinasabing meeting. “As we all know, our former General Manager had already resigned for some personal reasons. This event is to formally introduce the new General Manager who would took over all the responsibilities of managing, and handling this hotel.  He is a graduate of Standford University and is the grandson of our director. Let’s all welcome Mr. Atlas Leif Montenegro” Announce ng emcee. Tumayo siya sa platform at nagsalita “Good morning everyone. I’m Atlas Montenegro and would be the new General Manager of this company. Though I have not yet had that enough experience on this work but I can assure everyone that I would be at my best. I believe that with everyone’s help I can be your good leader.” Magalang na panimula ni Atlas sa speech niya “ I am not here just because my lolo is our director but I’m here to help out to the further development of this company.  Please don’t treat me as someone that is not approachable. You have all been here longer than I am I would need everyone’s help and guidance” Tuloy na sabi ni Atlas “So I’m looking forward to be working with everyone, some new rules and regulations are to be posted in your individual departments just take time to read it and strictly follow it. I’m very particular with deadlines and accuracy of a work to be done. I don’t want any departments competing among who is the better department because remember we are a team here. And on top of all, I don’t want people spreading or engaging in office gossips please take note of that” This time pinakita niya na ang authorative side niya bilang General Manager “Thank you for listening and hoping for your cooperation. Magandang araw po!” Bati ni Atlas bilang pagtatapos sa sinasabi niya. Nang natapos ang meeting ay naglabasan na ang mga tao. Paulit ulit lang ang mga maririnig na komento sa naging meeting. “Ang bata niya pa para maging General Manager kaya niya kaya?” Tanong ng manager ng HR department “Mukhang oo naman, sa pananalita  pa lang mahahalata mo na eh. Ikaw talaga HR ka pa man din” Sagot ng isa “At higit sa lahat gwapo! Nako kung wala lang ako asawa” Dagdag pa ng isa. “Excuse me” Nagulat sila ng may sumabat sa usapan nila at nilingon agad nila kung sino iyon “No company gossips right? I won’t allow a second chance next time” Sabi ni Atlas at binigyan sila ng isang ngiti bago umalis. “Nakita mo yun?! Grabe ang charisma at dating”Nahuhumaling na komento ng isa “Sira tumigil ka na nga dyan! Pag tayo nahuli ulit” Pigil ng kasamahan nito Kahit na hindi lahat ay personal na nasa meeting ay pinalabas naman sa mga kaniya kaniyang monitor ng bawat department ang nangyari at nangyayari sa loob ng meeting. Mula sa pinakamataas hanggang sa pinakamababang departamento ay napanuod at nakilala na ang kanilang bagong General Manager. At tulad na nangari sa meeting hall, ganun na lang din ang komento ng mga iba. Atlas’s POV It’s nice to be back here in the Philippines. 4 na taon din ako nawala, marami na nagbago marami rin naman ang di nagbago. Isa na siguro sa napakalaking pagbabago ay ang bago kong responsibilidad. General Manager ba naman agad after graduation? Sa totoo lang natatakot ako kung kaya ko pero di ko naman malalaman hanggang sa masubukan ko diba so ito ako ngayon. Sana tam ana etong desisyon ko ngayon. Pero isa na rin sa hindi pa nagbabago ay ang paghanap ko ng sagot sa tanong na bakit? Bakit kaya?  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD