Chapter 1— Part-time Job

1141 Words
Disclaimers: This story is a work of fiction. Names, characters, some places, and incidents are products of the author's imagination and are used fictitiously. Any resemblance to actual events, places, or persons, living or dead, is entirely coincidental. Plagiarism =====•••••=====•••••=====•••••=====•••••=====•••••===== LUCAS SUAREZ POV'S Matatapos na lang ang buwan wala pa rin akong mahanap na trabaho, kahit part-time job lang sapat na at least makakatulong 'yun pandagdag sa perang iniipon ko. I need more part-time job. "Lucas, take this box." Nilingon ko ang aking boss habang nilalagyan ng tape ang box. "Boss, anong laman n'yan?" Takang tanong ko sakaniya at lumapit. Boss, "Ah ito ba? Pinapabigay sayo ito ni Ma'am mo alam mo naman ang asawa ko pag dating sayo, alagang-alaga ka niya." Nangingiting sabi niya. "Haha salamat Boss, nag abala pa kayo na bigyan ako." Boss, "Ano ka ba, wala lang 'yun. Parang anak ka na din namin at isa pa tinuturing ka na kapatid ni Kristina. O' sya lumarga ka na at mag pahinga, wag mong pagurin ang katawan mo." "Yes, Boss! Alis na ako, paki sabi kay Ma'am salamat at magandang gabi!" Buhat-buhat ko ang box na binigay ni Boss at isinakay 'yun sa basket ng aking bike. Pauwi na ako sa maliit kong apartment at pag kapahinga ko sandali lalayas na naman ulit ako para sa pangalawang part-time job ko. Simula ng lumipat ako dito sa city A sila ang tumitingin sa akin tutal kapit-bahay namin sila sa city D at kaibigan din sila ni Papang. Hindi naman kalayuan ang aking apartment kaya nakarating agad ako, ipinarada ko ang aking bike sa tabi ng sasakyan ng landlord at mabilis na umakyat sa second floor. Pag kapasok ko ay agad akong nahiga. Nakakapagod kahit hindi gaano matao ngayon ang convenience store. *Ding! You have a message!* Iniliabas ko mula sa aking bulsa ng jacket ang cellphone ko na kabibili ko lang nung lumipat ako dito sa city A. Binasa ko agad ang message na natanggap ko, a loan shark. ===== Loan Shark: Five days before the end of the month, 25,000 per month. Reply> > Noted! Thanks for the reminder. ===== "Hayst!" Tinitigan ko ang kisami at nag isip ng kung ano-ano, ilang minuto na lang ay mag aasikaso na ako para sa pangawalang part-time job ko. *Bzzzt*bzzzt*bzzzt* "Lumilipad talaga ang oras..." Tumayo na ako at nag asikaso ng aking sarili, ilang minuto akong nag tagal sa banyo bago nag bihis at umalis na, kakain na lang ako pag kadating ko sa G-Bar. Nakarating na ako sa bar, pag pasok ko pa lang ay bumungad sa akin ang mabangong amoy, nakakagutom ang amoy na 'yun. "Andyan ka na pala, halika't kumain muna tayo bago sumabak sa trabaho." Sabi ng Chef/Owner ng G-Bar. "Yes, sir!" Kumain muna kami at nang matapos na kami ay nag pahinga ng ilang minuto bago kami pinag bihis ng uniform namin. Time passed, 11: 30 pm... Uno, "Kaya pa, bro?" Tanong niya sa akin at tinapik ang aking balikat. Uno, waiter kagaya ko. Gumagamit kami ng mask at codename dito sa G-Bar dahil ayaw ng owner na namalan ng mga costumers ang aming mukha at pangalan lalo na't students kami kahit nasa tamang edad na kami para mag trabaho. "Yup, ikaw bro?" Uno, "Ayos pa kaya pa, haha!" Natatawang sagot niya. Tres, "Uno! Dalhin mo na ito sa table 10!" Uno, "Ok!" Kinuha niya ang tray na may lamang mga orders. Tres, siya ang main barista habang ako ay sub-barista at waiter. Quatro, "Dos, pinapalinis na ni Boss yung second floor!" Sabi niya habang pababa siya galing sa second floor. Sinulyapan ko si Tres at tumango sa akin, "Sige, sunod na lang tapusin ko lang itong linisin!" Turan ko sa kaniya at nilinis ang counter. Tres, "Sumunod ka na 'don Dos, kami na lang nila Libra ang bahala dito." Tumango ako sa kaniya at kay Libra nabagong dating lang, next shift na pag 12:00 am. Pag akyat ko sa second-floor kinuha ko ang mga panlinis sa storage room at pumasok sa isang VIP room. First floor; dance floor, public bar, public game hall, and bar counter. Second floor; VIP game hall, and VIP rooms. Third floor; VVIP and MIP game hall, and VVIP and MIP rooms. Fourth floor; Private Vacant Rooms. Fifth floor; Owner Office and Stay in Employees rooms. Last room... Binuksan ko ang last room at nakita ko si Quatro na nag aayos ng mga cushion, "Tapos ka na?" Tanong niya habang pinapag-pagan ang cushion na hawak niya. "Yeah." Sagot ko, kinuha ko ang mop at nag mop. Ilang minuto ang lumipas at natapos na din kami kaya sabay na kaming bumaba, binalik na din namin ang mga panlinis. Naabutan namin si Uno at Tres na nakabihis na at nag hihintay na lang sa counter, hindi na din nila suot ang mask nila. Tapos na ang shift naming apat at sila Libra, Leo, Sagittarius, at Gemini na ang naka shift. Sabay kaming apat na nag punta sa likod ng bar kung saan nakaparada ang aming bike. Tres, "Paano ba yan, bukas na lang ulit. Dos, wag mong pagurin masyado katawan mo." Tumango ako sa kaniya at nakipag fist-bomb naman siya sa dalawa, sa totoo lang para siyang parent. Hindi lang naman siya. Quatro, "Pahinga ka na pag kauwi mo." Parent two. Uno, "Kung may kailangan ka tawagan mo ako, wag makulit at mag pahinga." Parent 3. Tumango-tango na lang ako, "Ingat kayo pauwi!" Sabi ko sumakay na sa bike. Ilang buwan ko palang silang nakikilala pero para na kaming mag kakilala ng ilang taon. Minadali ko ang pag bike para mabilis akong makauwi, hindi naman nag tagal at nakarating na ako sa apartment. "Ah, makakatulog na ako." Ang routine ko: Monday to Friday. 7:00 am to 12:00 pm, College. 1:00 pm to 6:00 pm, Convenience Store. 7:00 pm to 12:00 am, G-Bar. 1:00 am to 5:00 am, Rest. Rest day, Saturday and Sunday. Kung mag dadagdag ako ng part-time job, tuwing saturday lang. Hah, kulang pa. *KINABUKASAN* At the University, break time... "Lucas, kanina pa kita hinahanap." "Bakit naman?" Takang tanong ko sakaniya. Dustin Llama, isa sa mga kaibigan ko. Mag kaiba kami ng department dahil nasa Art Department siya, at ako naman ay nasa Education Department. Dustin, "Gusto mo pa ba ng part-time job?" Naupo siya sa tapat ko. "Oo naman, mag kano naman ang ibibigay?" Tanong ko sa kaniya at kumain ng sandwich. Dustin, "Depende sa pag uusapan niyo. Mamayang 12:00 pm, puntahin para mapag usapan niyo. Una na ako may klase pa ako." "Ok, hintayin na lang kita sa Café." Tumango lang siya at binigyan ako ng dalawang tapik sa aking balikat. Finally, may part-time job na naman akong ida-dagdag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD